Chapter 29

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter XXIX: In Order to Protect Him

 

(Claire’s POV)

 

It’s been 3 days since nung magwalk-out si Iron at simula nun,

HINDI NA NIYA KO PINANSIN T^T Awtsu </////3

Tinatanong ko naman sila Axe kung anong problema pero hindi naman nila ako sinasagot. Wag ko na daw alamin dahil it’s none of my business daw. Pssh… parang Iron lang eh =__________= Yung totoo,

Panahon ba ng tagsungit ngayon? Nireregla na ba pati lalaki ngayon? -_________-“

Aysh! Wag na nga muna na’ting pag-usapan yung tungkol diyan sa pagsusungit ng Bakal na yun! Dito muna tayo sa present!

Sa ngayon, nagsesetup na yung mga coordinators sa Tennis Club. Kung bakit? Eh kasi may tournament ngayon at sa pagkakaalam ko, dito na magsisimula ang unti-unting pagbagsak ng William na yun! Wahahahahaha!! Bwahahahahaha! Humanda ka na ngayong hinayupak ka! >:))))

And speaking of… kararating lang niya kasama yung haliparot na Leni. Tsk… akala mo ang sweet tingnan pero truth to be told, ang laswa nilang panoorin sa totoo lang. Tapos kung makatingin pa sa direksyon namin, parang akala mo naman, naiingit ako! Hmmmp! Mas sweet pa nga kami ni Iro------Iron Man diyan eh! Hahahahaha! Hehehe… eh… =__________=

Hmmm… wait nga lang ah? Nasaan na yung Iron na yun? Pinasabi ko na kay Axe na pumunta na siya sa Tennis Court para magwarm-up ah! Ang kulit talaga nung baka-----speaking ayan na pala siya :D

Naglalakad siya ngayon kasama si Axe tsaka yung kapatid ni Axe na si Michael. Waaaaaaaaaaah! Ang gwapo niyaaaaaaaaa----erhm… medyo lang. Nakasuot siya ng fit na sports sando at sport shirt at ang hot niya----I mean, ang hot dito sa court! Wa-wala bang Aircon?! A-ano ba naman yan? =___________=

Habang papalapit siya ng papalapit, parang… nagkakaroon ng sparkling sa paligid ko. Parang may mga stars *O*

 

 

“I-Iron!” sumigaw naman ako at kumaway pero…

 

 

*Poof! No Sparkling Effects

 

 

Dinedma lang niya ko. Awtsu <//////3 The heck?! How could he do this to me ha?! Lumapit naman ako sa kanyang nakaupo na ngayon. Tumayo ako sa harap niya at tumingin naman siya sa’kin habang umiinom ng tubig.

 

 

“Hoy! Ang lakas mong makadedma ah! Ano pogi ka na niya-----“ natigil naman ako dahil dinedma lang niya ulit ako. Kinuha niya yung racquet niya at naglakad papunta sa playing field.

 

“Hmmp! Di-did he just… pass by me? *smirks” Yan na lang ang nasabi ko. Wow ha?! Porket sumisikat na siya sa mga babae, natututo na siyang mandedma! Pati ako dinededma na?! W-Wow ha?! Unbelievable! =____________=”

 

Naupo na lang ako dun at biglang napaisip. Naisip ko yung sinabi niya nung 3 days ago.

 

 

“Damn it Claire! You didn’t get it?! I don’t want to see you! Isn’t that clear to you?! Na ayokong nakikita ka o nararamdaman yung presensya mo?! Hindi mo ba magets yung word na ayoko sayo?! That I hate you!”

 

“That I hate you!”

 

“That I hate you!”

 

“That I hate you!”

 

“That I hate you!”

 

 

I shook my head. Paulit-ulit yun sa isipan ko. Yeah, I was hurt by those words but why do I feel like…

He’s lying. Na hindi naman talaga totoo yung mga narinig kong yun sa kanya? That those words… was just scripted and fake?

 

 

“Fifteen-Love!”

 

 

I shook my head again. Shemay, nagsimula na pala yung laban! Ganun ba ko katagal na natulala? =_________= Yung 15 si Iron yun. Siya yung nakatokang magserve ngayon.

May mga nagchecheer kay William at maski kay Iron. Syemperds! Kanino ba ko? Eh di kay Iron ^_________^ Ang fierce ng tingin ni Iron kay William at nakita ko namang nag-grin si William kay Iron. Actually bagay sa kanya! Mukha kasi siyang villain talaga sa story na ‘to. Kagwapo-gwapo ang sama naman ng ugali, Tch.. =_________=

Iron grinned back at him. Well, nakikita ko naman eh. Pero yun nga lang, mas gwapo yung grin ni Iro-----ano bang pinagsasasabi ko? (-____-)>

Inihagis na sa ere ni Iron yung bola at binigyan niya ng isang malakas and the ball moved like greased lightning. Sa lakas ng pagkakahampas ni Iron sa bola, ni hindi namin napansin yung bola. Maski si William, hindi nakita yung bola kaya naman…

 

 

“Thirty-Love!” sigaw ng Chair Umpire. Lamang si Papa Iroooo-------Iron Man! :3

And again, si Iron ang magseserve. Binigyan niya ulit ng isang malakas na serve si William. Pero since player si William ng Tennis, magaling at mabilis rin ang response niya sa mga tinitira ni Iron. Nakakapagod nga lang dahil para lang siyang pinagtitripan ni Iron. Ipupunta sa kanan ang bola, tas sa kaliwa and so on. Kami naman dito, parang mga timang na sunod kung saan ang punta ng bola. Hanggang sa…

 

 

“Thirty-Fifteen!” shet! Nakascore ang demonyito =__________= Takte medyo nakakainis ha?

Lahat naman kami na panig kay Iron, nadismaya. Tsk, ba’t ba nag-exist sa world yang William na yan =_________=

Nandito rin yung mga kabarkada kong babae at sina Cade at Terrence. Katabi rin namin sina Axe at Michael na enjoy na enjoy yung laban. Himala? Hindi nila kami inasar pagkarating na pagkarating? Nasanay na kasi kaming every time na darating yang tatlo, kami unang nakikitang pagtripan. Anong nakain ng mga ‘to? (?___________?)>

At since parehong magaling yung dalawang naglalaban, medyo mahirap silang parehong talunin ang isa’t-isa. 1-1 silang dalawa eh 2 game sets yung laban kaya kailangan ng tie-breaker. Si William na ngayon ang magseserve. At kung titingnan mo yung malademonyitong tingin niya kay Iron, mukhang may binabalak na namang masama ang lalaki =________=

Ngingisi-ngisi  naman si Iron at para bang nangangasar pa siya lalo. Inihagis na ni William ang bola sa ere and at the drop of a hat, tumama yun sa mukha ni Iron. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nangyari and I glared at William. Takte napakasama talaga ng hinayupak! Nakangisi pa siya! He knows how to play dirty talaga! Nakakabwisit siya!

 

 

“Code Violation, Physical Abuse, Default Mr. De Guzman. Mr. Enriquez is now receiving a Medical Time-out” sigaw ng Chair Umpire at nagsimula ng mag-ingay ang mga audiences. Well, kitang-kita naman kasi na sinadya nung gunggong na yun na tamaan ang mukha ni Iron ng bola. Tch… Ang sarap niyang hampasin ng raketa sa totoo lang =________=

 

“Iron!” sigaw ko at tumakbo papalapit sa kanya. Lumapit din sila Axe at yung mga kabarkada ko. Tinulungan naman siya nila Axe at nung mga iba pang lalaki. Inalalayan nila si Iron at pumasok muna kami sa medical room ng court. Inupo namin si Iron dun na nakahawak sa ilong niya. Nanlaki naman yung mga mata ko ng makita kong may dugo yung ilong niya kaya naman…

 

“Get me a towel! Dali!” napasigaw na lang ako at agad naman kumilos yung medical team. Teka nga lang? Ako ba doctor dito? Ang pagkakaalam ko audience lang ako ah? Ano ba namang mga klaseng medical team ‘to?!

Binigyan nila ako ng towel at nung pupunasan ko na…

 

 

“Ako na! Akin na nga yang towel! Tch…” hinablot niya yung towel sa kamay ko pero hindi ko binitawan.

 

“I can do it by myself. Just give me the towe------“ - Iron

 

“Ako na. Wag ka ng maarte. Hindi bagay sayo.” Sabi ko naman at napabuntong hininga na lang siya.

 

“Can you leave us for a moment?” sabi naman ni Iron sa Medical Team at sa mga kasama ko at tumango naman ang mga yun. Tumingin siya sa’kin na parang sinasabing ‘umalis ka na bago ako mapuno’.

 

“Ako na gagamot sa ilong m-----“

 

“Just leave me alone! May kamay ako para gamitin! Hindi ako disable at hindi ako yung taong mahilig dumepende sa iba. I want to do things by myself so please!” natigilan ako sa mga sinabi niya at hinablot naman niya yung towel sa kamay ko. Pinunasan niya yung ilong at kamay niyang may dugo.

 

“Aish! Ano bang problema mo ha?!”

 

“No personal business in this mission di ba? Why don’t you just abide by the rules? Leave and stop bothering me, will you?” tumayo naman siya at lumabas ng Medical Room. Ano bang problema nung lalaking yun at kung kamuhian ako eh daig pa may AIDS?!

 

“Hoy! Ano bang problema-------“ natigilan naman ako dahil pagbukas ko ng pinto, sila Axe at yung mga kabarkada ko ang bumungad sa’kin. Hindi ko naman sila pinansin at susundan ko pa sana si Iron na naglalakad ngayon sa pasilyo nang…

 

“Just leave him alone Nic.” Hinawakan ako ni Axe sa balikat. Napatingin naman ako sa kanya.

 

“What’s the matter with him? Ako na nga ‘tong nagmamalasakit tapos siya pa ‘tong gali-------“

 

“Ah… eh, hayaan mo na lang muna siya Nic. Medyo ahm… tensed lang siguro si Iron dahil nga sa laban niya. So, hayaan mo na lang muna.” Sabi naman ni Allison. Pumasok naman ako ulit sa loob ng Medical Room. Napakamot na lang ako ng ulo sa sobrang irita. Aish!

 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

(Allison’s POV)

 

Lumabas muna kami ng Medical Room. Eh sa sinabi ni Iron eh atska mukhang importante yung pag-uusapan nung dalawa. Nasa labas kami ngayong 1, 2, 3… anim at ramdam ko yung awkwardness sa bawat isa. Sa sobrang awkward, si Terrence nga hindi na nakayanan at aalis na sana pero pinigilan siya ni Cade. Samantalang, si Axe nakayuko at si Natalie nakatingin lang sa kanya. Ako? Eh nagmamasid lang sa mga galaw nila. Napatingin kami sa pinto ng Medical Room dahil bigla kaming nakarinig ng bangayan sa loob.

 

“Just leave me alone! May kamay ako para gamitin! Hindi ako disable at hindi ako yung taong mahilig dumepende sa iba. I want to do things by myself so please!” si Iron yun. Pero ba’t parang pakiramdam ko, galit siya?

 

“Allison, can I talk to you for a moment?” napatingin naman ako kay Axe. Napatingin naman sa’min yung apat.

 

“Ha? A-Ako?” tinuro ko sarili ko.

 

“Hindi yung pader. Halika nga pader usap tayo! Aish…” loko-loko talaga ‘to si Axe kahit kailan eh =__________=

Naglakad naman si Axe palayo sa’min at sumunod naman ako. Medyo malayo-layo kami ng konti kela Natalie.

 

 

“Oh? Bakit? Let me guess! Magtatanong ka tungkol kay Natalie.”

 

“Nope.” - Axe

 

“Eh…? Si… Erielle naman ngayon?”

 

“Gusto mo kong mabugbog ni Terrence?” - Axe

 

“Eh ano?! Alangan namang… ako? Ako bago mong crush?”

 

“Wa-how! Feeler ka ha? Hindi yun yung pag-uusapan natin!” bulong naman niya.

 

“Eh ano?”

 

“Tungkol kay Iron at Nicola.” - Axe

Napahinto naman ako. Alam niyo naman na siguro kung bakit. Somewhat connected ako sa kanila di ba? Eh syempre ako laging kausap ni Nicola about diyan. Eh hindi ko maikakailang wala akong alam. And now na napunta na nga ko sa sitwasyong ‘to, hays… ang hirap na namang kumawala =__________=

 

“Alam kong may alam ka Allison. Dahil nung gabing narinig ni Iron yung mga sinabi ni Nicola, nandun ka at ikaw ang kausap ni Nicola.” Napalingon naman ako sa kanya.

 

“H-Ha? Nandun si Iron?”

 

“Oo. Narinig niyang nag-uusap kayo the night na nasa playground kayong dalawa ni Nicola.” - Axe

 

“Wa-wait? You mean… na-narinig niyang siya yung pinag-uusapan namin?”

 

“Oo. Lahat-lahat Allison. Allison, ba’t naman ganun? Ba’t kailangan magsabi kayo ng masasakit na salita about kay Iron? Ba’t hindi niyo na lang siya diretsuhin? Ba’t hindi na lang siya dineretsong kausapin ni Nicola? Hindi yung ganitong you’re talking behind his back. Do you what it feels like? It feels like he’s been stabbed from the back. Allison, may feelings si Iron kay Nicola and it really hurts to hear from his loved one na… hays… Ano ba naman ‘to Allison? I know, walang personal business dito sa mission na ‘to pero… sorry I can’t take it. Kaibigan ko si Iron and it pains me to see him suffering a lot dahil lang sa sinabi niyo.” - Axe

 

“Wait lang Axe. A-Ano bang pinagsasasabi mo?”

 

“Tch… kunwari pa kayong walang alam. Sinabi ko na di b-----“ - Axe

 

“Kung talagang narinig ni Iron lahat-lahat, he should be happy by now! Ganyan naman kasi kayong mga lalaki eh! Yung sa inyo lang at sa inyo lang ang pakikinggan niyo! Masyado kayong devoted sa pagkalalaki niyo!” natahimik naman si Axe at naramdaman kong nagsilapitan yung apat sa’min.

(Axe's POV)

“Anong problema dito?” - Cade

 

“W-What? Paano magiging… nahihibang ka na ba Allison?” napakunot naman ako ng noo sa sinabi ni Allison.

 

“Do you even know what you’re saying ha?” dagdag ko pa.

 

“Alam ko Axe. Alam ko kung anong sinasabi ko. It all came out from you. Sabi mo ako ang kausap ni Nicola nun kaya alam ko kung ano ang exact na sinabi niy-------“ - Allison

 

“At kinakampihan mo pa? Tch… kung sabagay. What would I expect? Eh kaibigan mo yun at malamang idedefend mo siya just like what I’m doing right no----“

 

“Paanong hindi ko siya kakampihan if she’s suffering a lot?!” natahimik ako ng tuluyan na ngang napasigaw si Allison sa galit. Nakatingin lang sa’min yung apat and they’re so confused about us. They don’t have any idea of what are we arguing about.

 

“Teka nga lang?! Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ha?!” pumagitna naman sa’min si Erielle.

“Listen. Nicola is having a hard time because of Iron! She doesn’t know what to do because she’s so confused! She wanted to forget about her feelings for Iron dahil that’s what Iron told her! Kung alam mo lang kung gaano kahirap para kay Nicola na iset-aside yung feelings niya para kay Iron para lang makasama niya si Iron at wag lumayo sa kanya yung taong mahal niya! She loves Iron too much to the point na kahit masakit sa kanya, she has to do what he told her! He even told her not to love him pero paano mo mapipigilan yun kung yung kaibigan mong magaling ang gumagawa ng paraan para mainlove sa kanya si Nic?! And now who’s suffering, it’s Nicola dahil she can’t prevent herself from loving him! Kahit na milyong-milyong kasiraan tungkol kay Iron ang isipin niya, she can’t stop loving him! Yung part na narinig ni Iron? Wala pa yun sa kalahati ng sinabi ni Nicola! Introduction palang siya hindi siya umabot sa conclusions! Gumawa agad ng conclusions yung kaibigan mo! Now, who’s the moron between us? Sinong tanga ha?!” susugurin na sana ako ni Allison ng pigilan siya nung dalawang babae.

 

“E-eh! Ma-malay ko ba! Hays! S-Sorry naman!” nasabi ko na lang at tinalikuran ko na siya. Nagcrossarms naman ako at maya-maya pa…

 

*hikbi hikbi hikbi

 

“Uwaaaaaaaaaaaaah! Uwaaaaaaaaaah!” tonguena? Sinong umiiyak…?

Lumingon naman ulit ako sa kanya at nanlaki yung mata ko nang makita kong umiiyak si Allison. Takte?! Ang tanda-tanda na umiiyak paren?!

 

 

“H-Hoy! T-Tumigil ka nga diyan Allison! P-Para ka namang bata eh!” sabi ko naman at hinawakan ko siya sa braso pero tinabig niya yun. And instead na tumigil, lalo niya pang nilakasan yung pagngawa. Sina Erielle at Natalie naman…

 

 

*POK!

 

 

“Takte tumigil ka na nga Allison! Ang OA mo!” isang malakas na batok mula kay Erielle ang natamo niya tas hindi lang yun.

 

 

*POINK!

 

 

“Takte! Umayos ka nga Allison! You’re a grown up already! Naglalaba ka na nga ng panty mo!” pinitik naman siya ni Natalie sa noo. Sadista grabe!

“Aray ha! Ano libre manakit?! Bayad niyo!” at lalo naman siyang napag-initan nung dalawa kaya dalawang batok ang natanggap niya this time. Yung totoo, kaibigan ba talaga tingin nitong dalawa sa kanya? =_________=

 

Natawa naman kaming tatlo dahil sa mga kalokohan nila. Nung tumingin sila sa’min, bigla kaming tumahimik at sabay-sabay na tumingin sa itaas. Lunok laway pa nga in the end =_________=

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

(Claire’s POV)

 

After 22389752736423654 years sa loob ng Medical Room, lumabas na ko ng room and paglingon ko sa kanan…

Yung anim parang mga timang. Nakatingin sila lahat sa kisame. Ano uso look up ngayon? =_________=

Lumapit naman ako sa kanila at tumingin naman ako sa itaas. Sabay salita…

 

 

“Magkakapera ba tayo sa katimangan na ‘to?” at pagkatapos nun, isa-isa kong binatukan yung mga babae at tumingin naman sila sa’kin.

 

“Aray ah?” sabay-sabay nilang sinabi.

 

“Eh kasi naman di ba? Para kayong mga timang diyan! Nakatingin kayong lahat sa kisame! Ano bang meron ha?! Ba’t para kayong tumungga ng isang litro ng muriatic acid diyan?! Tch… tara na nga sa court!” sabi ko at nauna na kong naglakad sa kanilang lahat dun. Hayaan niyo na lang silang lahat dun! Baka mahawa pa ko ng katimangan ng mga yun =__________=

Bumalik na ulit kami sa court at tamang-tama namang magsisimula pa lang yung laban. Bumalik na kami sa upuan namin at nadatnan namin si Michael na nakaupo pa rin dun. Kanina pa siya nakaupo dun? Lumabas na lahat ng dugo sa ilong ni Iron, hindi man lang siya lumapit kay Iron para gamutin? Trainer ba talaga siya?

 

 

“Oo trainer ako. Hindi doctor.” Eh? Naririnig niya ko?!

 

“Sabihin ba daw kung ano yung nasa utak niya? Tch…” sabi naman ni Natalie. Katabi ko siya ngayon eh.

 

 

And there, we watched the game. Iron looked daggers at William, who’s giving him an evil grin. Kulang na nga lang magliyab si William na sana nga ganun na lang. Para mawala na ang mga g@gong katulad niya! He’s lower than a snake’s belly! +___________+

Last game na ‘to sabi ko di ba? Tie-breaker na lang ‘to. Deuce 2 na nga eh! Kailangang manalo pa ng dalawang in si Iron para siya ang champion! And for sure, malalaos na ‘tong William na ‘to! Dahil hindi na siya ang pinakagwapong nilalang dito sa MP Academy! Si Iron na at ang nakakatuwang part dito, tiyak na pag nanalo ‘tong si Iron my lab------este Iron Jeramil! Iron! Bakal! BAKAL! Lalong manlalambot ang William na yun and for sure, mag-aala ostrich na lang siya at ilulubog ang mukha niya sa kahihiyan! Mwuahahahahahaha! BWAHAHAHAHAHA! *insert evil smile*

At nagsimula na ang huling laban. Napakasuper-duper intense ng laban nilang dalawa. And as usual, para kaming mga bata rito na sunod lang sa galaw ng bola. Hanggang sa huminto yun kay Iron and he smashed the ball quicky and fast. And it hit the other’s side, William’s side.

Ang masaklap dun? Pagkatapos bumanda ng bola sa lupa, tumama sa mukha ni William yun. Napatayo naman kaming lahat especially ako. Tumingin ako sa Chair Umpire habang bumubulong ng…

 

 

“SUBUKAN MO LANG MAGSALITA NG CODE VIOLATION +_________+” sinesenyasan ko yung Chair Umpire. I gave an evil grin at tinaas ko pa yung kamao ko. Subukan mo lang talagang Chair Umpire ka.

 

 

(FLASHBACK)

 

Pumunta ako kaagad sa Chair Umpire. Paakyat na sana siya ng hatakin ko pababa yung Chair Umpire at kinwelyuhan ko papunta sa isang tabi.

 

 

“M-Miss Dela Merce------“

 

“Makinig ka! Do everything to make Iron win this game! Kapag may nagawa siyang mali, ignore the thing and leave it as it is!”

 

“Pero Miss Dela-----“

 

“Obey and you’ll live. Otherwise, you’ll live by sitting on that chair for the rest of your life! Since na Chair Umpire naman ang tawag sayo, ba’t hindi ka na lang maupo pang habang buhay sa upuan na yan! Ayaw mo naman sigurong mangyari sayo yun di ba? So just take my orders and I’ll let you live, ihae doeseyo?! Ha?!” at hinigpitan ko naman ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya.

“O-Opo!” sabi naman nung Chair Umpire at tumango naman siya na kulang na lang matanggal yung ulo niya.

 

(END OF FLASHBACK)

 

 

Nasabi ko naman na isa akong makapangyarihang diyosa dito sa MP Academy di ba? I can command every single personnel here in the academy and try lang talaga nilang salungatin ako! Kung anong trabaho nila, yun na rin ang ikamamatay nila *insert evil smile* BWAHAHAHAHAHAHAHA! >>:D

 

“G-Game, Set and Match Enriquez.” Sabi ng Chair Umpire at nagsimula ng mag-ingay ang buong madlang peeps.

 

“What the?! Code Violation yun a------“ magsasalita pa sana si William ng magsalita yung Chair Umpire.

 

“Code Violation, Verbal Abuse, Game Penalty, Mr. De Guzman.”

 

“WHAT?!” nakita ko namang galit na galit si William pero dinedma lang siya ng Chair Umpire. Hindi ko na lang siya pinag-aksayahan ng panahon. Lumapit naman sa kanya yung mga barkada niyang lalaki, sila Axe, Cade at Terrence at kasama na rin dun yung trainer niyang si Michael. Tas yung mga kabarkada kong babae, lumapit rin at ni-congratulate din siya. In short, ako lang ako hindi lumapit. Ewan ko, gusto ko na ayaw ko. Gusto kong sabihing congrats and I’m happy that he won (If it weren’t for me =__________=) Ayaw ko dahil… dahil…

Baka mareject lang yun. Just like he rejected me. Malamang masaktan lang ako lalo pag ginawa ko yun. Tama na yung… makita kong nanalo siya. (Ang Senti mo Nic ah?)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

(Iron’s POV)

 

“Galing mo Pare!” - Cade

 

“Grabe! Idol na kita Irooooon! Aylabyu na pre! Mahal na mahal na kita!” sumabit naman sa’kin si Terrence at pinaghahahalikan ako. Takte nabading na yata!

 

“Congrats sayo Iron! Grabe nice shot sa huli! Dapat yung mukha na niya mismo yung tinarget mo! Para pang finale! Hahahaha!” sabi naman ni Erielle at Natalie. Ano ‘to? Kinabisado yung script? Hahaha! Sabay pa talaga.

 

“Congratulations! Ganda ng service mo ah! Talagang ang laki ng pinagbago mo! Buti di ka kumuha ng tray para i-serve sa kanya yung bola. Hehehe!” aba? Nakisama na si Michael bugnutin XD

Rinig na rinig sa buong court ang hiyawan ng mga students ng MP Academy. Natutuwa ako dahil naririnig ko kung paano nila sinisigaw ang pangalan ko at kung gaano sila kasaya sa pagkapanalo ko.

I’m happy… but I’m not. Something’s missing. It seems like… I’m not completely happy. There’s something… missing. Dapat masaya ako pero ba’t ganito?

Ba’t parang may kulang…?

 

“You did great there, young man.” Lumapit naman sa’kin si Axe at ginulo ang buhok ko. Ngumiti naman ako at ganun rin siya. Ang hilig talagang manggulo ng buhok nitong si Axe oh.

Lahat sila bumati sa’kin. Pwera lang kay Allison na nakatingin lang sa’kin. Ngumiti naman ako at bahagya rin siyang ngumiti at umalis. Napaisip naman ako bigla sa actions ni Allison. What seems to be the problem…?

Nilibot ko naman ang buong paningin ko sa paligid. Pero nakaramdam ako ng pagkadismaya dahil hindi ko siya nakita. Where is she anyway…?

Hindi ko alam kung ba’t hinahanap-hanap ko pa rin siya. Hays! Ewan ko! Hindi ko na maintindihan sarili ko! Galit ako na… Aish! What am I saying?!

Pagkatapos ng sangkatutak na papuri sa iba’t-ibang students (Yung iba nga nagpa-autograph pa ^_______^) nagpunta na ko sa shower room at nagshower. Habang nagshashower ako sa loob…

Bigla kong naalala yung nangyari dati. Itong shower room na ‘to, isa sa mga lugar kung saan nagsimula yung katarantaduhan ni Claire sa’kin. Teka nga lang?! Ba’t ko pa inaalala yun?!

 

 

“Aish!” kinuha ko na lang ang sabon at nagsabon na ko ng ulo at katawan. Ano bang ginagawa mo Iron?! Hindi mo na dapat siya iniisip! Paano ka makakamove-on kung lagi na lang siya ang iniisip mo?!

Pagkatapos kong magshower, nagpatuyo ako ng katawan at nagbihis ng damit. Nag-aayos ako ng bag ng biglang may magsalita.

 

 

“Iron, pwede ba kitang makausap?” napalingon naman ako sa nagsalita. Si Allison lang pala.

 

 

STARBUCKS COFFEE

 

“Allison, ano bang pag-uusapan natin?” pagsisimula ko.

Nandito kami ngayon sa Starbucks. Eh sa ito yung malapit sa inuuwian namin eh kaya dito na lang namin napagdesisyunang mag-usap.

Well back to the reality!

Nakatingin lang siya sa’kin habang iniinom yung Café Latte na inorder niya. Ako kasi basta Coffee lang. Eh sa wala akong alam sa mga Latte na yan no? Baka makarelate ako? =_________=

 

 

“Ah… bakit mo nga pala ako gusto makausap? M-May problema ba?” tanong ko pang isa. Nilapag niya yung Café Latte. Ang dami namang chechebureche nitong babaeng ‘to! Ba’t hindi na lang niya kasi sabihin ng diretsuhan ng matapos na ‘tong update na ‘to noh?! Ang tagal na ng scene na ‘to eh! Pagod na ko!

O talagang sinasadya mong tagalan ‘tong eksenang ‘to Author?! Just make her speak already!

A/N: Wag kang magulo diyan Bakal! Nahihirapan nga ko sa lines nitong si Allison eh! Gusto mo ng matapos yung mga scenes mo?! Gusto mo ng matapos paghihirap mo?! Eh di wag ko ng tapusin ‘tong story na ‘to! O kaya naman patayin na lang kita para mas masaya noh?!

Ah---hehehehe! Naman Author oh! I’m just kidding eh! Di ka mabiro noh? Tch… =__________=

Back to the story! Sorry kung maraming segway ah! Kaloko kasing Author ‘to eh =_________=

So ayun nga, nakatingin sa’kin si Allison ngayon and I think, she’s going to tell it now.

Now… Now… Now… Now…

Now…

Now…

Now…

 

 

 

 

 

 

Now…

 

 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Abangan ang susunod na kabanata. WAHAHAHAHAHA! Ang bad ni Author! Ang bad bad niya! Hahahaha! Cliff hanger po! Hahahaha! Sareeeeeh! Kailangan niyong maghintay ng next update. Intentionally kong pinutol ang chapter na ‘to Guys. Kung bakit? Para naman may dahilan kayo para maghintay ng next UD. Hehehehe! Minsan lang ako ganito ah? Umayos kayo. Pagbigyan niyo na ko! Malapit na kaya pasukan =_________= Ang saklap eh <////////3

 

For now, here’s a question. Singit lang guys! Sensya na!

 

 

Ano kaya ang pag-uusapan nila Allison at Bakal?

 

a) Kung gaano katanga si Iron nung tumakbo siya nung gabing yun?

b) Kung ba’t kailangan niya pang i-share kay Axe yung nangyari nung gabing yun?

c) Kung bakit Starbucks ang pangalan ng pinuntahan nila?

d) Kung bakit lalaki si Iron at babae si Allison

e) Wala lang. Napagtripan lang siya ni Allison.

 

Sagot kayo! Kung alam niyo yung sagot, comment lang kayo sa comment box (Alangan namang sa Search Engine na nasa itaas! Ano bungol lang? Hahaha!) And para sa mga sumagot at nagbabasa ng ABKP, ngayon pa lang nagpapasalamat na ko sa inyo! Nakakaiyak kayo promise T^T Aylabyu guys! :””””>

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro