Chapter 4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

William (See photo below. Credits to its rightful owner)

(Nicola's POV)

♫Where is the moment we needed the most? You kick up the leaves and the magic is lost♫

Anak naman ng pinagpatung-patong na booger oh! Ang aga-aga naman mangbulabog nitong isang 'to!

I picked up my phone at walang hinto-hinto...

"Ano bang trip mo ha?! Hindi ka ba marunong tumingin sa orasan at ang aga-aga mong mang-istorbo?! Do you even know that I'm still sleeping and I need to take a rest because of napakahabang weekdays na napakaexhausting?! Nag-aaral ka ba ha?!"

"OO! AT MAS MATAAS PA ANG NATAPOS KO SAYO MS. DELA MERCED! KUNG IKAW NAPAPAGOD SA PAG-AARAL PWES MAS NAPAPAGOD AKO! NAPAPAGOD AKO SA PAGTATRABAHO AT PAGIGING CARABAO PARA LANG PAG-ARALIN KA!"

Oops! Mukhang nagkamali ako ng sinigawan.

Napabangon ako sa higaan ko. Sh*t! Si Daddy pala! Tae naman kasi eh! Ang aga-aga pa kaya!

"Anong maaga ka diyan?! Look at the time?!" takte narinig pa niya ko no'n?!

Tumingin naman ako sa wall clock ko. Shemay! It's already 10 am na pala. Taena di na naman nag-alarm 'tong cp ko. Ang sarap ibato!

"Diyos ko Claire Nicola! When will you learn! You know that every Saturday you have to wake up early dahil kailangan mong pumunta kay Tito Henry mo." Ito na naman kami sa walang kamatayang sermon ni Daddy.

"Eh ikaw Pa? When will you learn na tantanan ako sa napakahabang preaching session mo every time na tatawag ka sa'kin? Dad naman! Daig mo pa pari kung manermon eh."

"Nagsasawa ka na sa'kin ha? Pwes sige nagsasawa na rin ang wallet ko kakabigay ng allowance mo! Even your gadgets! Nagsasawa na rin sila kaya I'm going to confiscate them all!" - Dad

"HUH?! WHAT?! Wait langs! Joke lang nama--"

"Well, I have no time for jokes. End of convo." - Dad

"Dad! Wai—"

*Tootoot*

Tae namang buhay 'to oh! Ba't pa kasi kailangan kong pumunta doon?! Eh wala naman akong ibang gagawin do'n kundi turuan silang lumangoy pero di naman matuto-tuto! Hays! At kasalanan ko ba kung masarap matulog lalo na't Saturday naman?! Hello? Ito na nga lang 'yong araw na makakapagpahinga ako eh!

Why is he so cruel?

Bumangon na ko ng tuluyan. Papunta na ko sa CR nang biglang magring ang phone ko. Sinagot ko 'yong tawag na parang wala akong lakas.

Macoconfiscate na ang mga babies ko! Huhuhuhuhu!

AKO: Hello...

CALLER: Oh? What's with your voice?

AKO: Paki mo ba?! Sino ka ba?!

CALLER/NATALIE: Tanga! Si Natnat 'to! Ano bobohan lang?!

AKO: Trip mo?

NATALIE: Ahmmm... Wala lang. May good news lang naman ako sayo and I'm sure you'll gonna like it.

AKO: Continue...

NATALIE: Guess what? Tinawagan lang naman ako ni William and he's inviting us to come to his party at special mention ka pa.

AKO: WHAT?!!!!

Bigla namang nagising 'yong diwa ko sa narinig. Kaya naman...

AKO: SUNDUIN NIYO KO! Maliligo na ko!

NATALIE: Wai--

*TOOT*

Dali-dali akong pumasok sa banyo at syemperds naligo! Sobrang excited na talaga ako! Kita mo nga naman oh!

Kahit minalas, lucky pa rin in the end!

Pagbaba ko sa sala...

"Oh? Saan na naman gimik mo Nic?" si Kuya Evander, nakaupo sa sofa at nanonood ng softball sa TV.

"H-Hindi ah! We're going to do our project lang Kuya Der." Sh*t! Nauutal ako!

"Project ka diyan. Anong project yan? Maging stalker ni William?" sabi ni Kuya Evander sabay ngisi.

"Tsk! Anong maging stalker?!" binato ko ng unan pero tumawa lang siya.

Pang-asar talaga 'to si Kuya e!

Tapos maya-maya pa may isa pang dumating...

"Oh ate? Kailan ka pa nauwi?" bigla namang sabat ni Lexi na pababa ngayon ng hagdan.

"Bangag ka? E lagi naman akong umuuwi dito sa bahay! Ikaw lang naman si Dora dito! Lagi kang nagsskateboard diyan sa labas. Tingnan mo nga 'yang legs mo!" tinuro ko naman 'yong legs niya.

Tiningnan niya 'yong legs niya tapos pumamewang.

"Oh anong meron sa legs ko? Inggit ka? Atska kailan pa ho natutong magskateboard si Dora?" pang-asar din 'tong kapatid kong 'to eh.

Hays! Ba't ba ko nagkaroon ng mga kapatid na may depekto?

"Dyusko! Sayo na yang legs mong daig pa taong may sakit sa balat! Makaalis na nga!" dumiretso na ko palabas ng bahay at bago ko pa man maisara 'yong pinto...

"Pasalubong ko Nic!" sabay na sigaw ni Lexi saka ni Kuya Evander. Hays ang sisiba talaga!

*Beep! Beep!*

"Tara na Nic!" sigaw ni Allison na nakasakay na sa Ferrari ni Erielle I think. Si Erielle lang naman mahilig sa'min sa Ferrari Cars. Sumakay na ko sa loob at tumabi kay Natalie na tutok na tutok sa PSP niya. Grabe di man lang ako pinansin.

"Wag ka ngang dramatic chuchu diyan! Minsan lang kami magkasama nitong PSP ko eh!" narinig pala ako ng babae.

Nagpatugtog si Erielle ng mga songs. As usual, mahilig siya sa mga loud songs like Avril Lavigne's songs.

And as usual din, tatlo lang naman kaming nagwawala pag may music. Si Erielle, Allison at ako. 'Yong isa? Hayaan niyo na yan! Walang paki sa mundo 'pag kasama PSP niya

Actually may banda kaming apat. Kung tawaging nga kami sa school, Newborn Angels. Kami lagi ang panlaban ng school kapag may Battle of the Bands kaya kilalang-kilala kami sa school.

Enough for chikahan. Back to story!

So nandito na kami sa tapat ng Ferrero Mansion. Gabi na nang makarating kami sa party ni William. Well malayo naman kasi naging venue. Samahan mo pa ng traffic jam. Oh di ba? Kaynes!

Mga magulang nga pala ni William ang may-ari nitong napakalaking mansion. Pumasok na kaming apat sa loob at pagpasok namin...

Laylay dila. Laki mata. Ang laki ng living room nila!

Maraming magaganda at mga nagsisikinangan ang mga suot nila. Parang kakasya na nga dito lahat ng estudyante ng MP Academy! Grabe lang talaga!

"Oh? Hi! Dumating na pala kayo!" lumapit sa'min ang isa naming classmate. Medyo FC lang ah.

Sa mga di nakakaalam ng FC, FC means "Feeling Close".

Dinedma lang namin 'yong FC. At mula sa malayo, natanaw namin ang isang gwapong fresh na fresh na si William.

He's so handsome talaga! Kyaaaah!

Nakasuot siya ng tuxedo at kung pagmamasdan mo siya, talagang maglalaway ka sa kapogihan niya. E paano pa pag nakahuba--okay medyo pervert na!

Pero syempre kung may magagandang tanawin sa isang party, hindi mawawala 'yong mga masasakit sa mata. Katulad na lang nitong Leni na 'to na kung makakapit kay William, daig pa LINTA!

Ang kapal talaga ng fezlaks!

Ang masakit lang do'n eh hindi siya pinag-aksayahan ng oras ni William and I noticed that he's staring at us. Sabihin niyo ng assuming ako pero yan ang nakikita ko! Ba't ba?

Lumalakad siya ngayon patungo sa'min kaya naman lalong nagwawala 'tong si Heart! Pagpasensyahan niyo na ko, may taglay talaga akong kalandian.

Chos!

"It looks like you're tired from a long journey ah? Tara samahan ko na kayo sa table niyo." ngumiti siya sa'min at sumunod naman kami sa kanya. Actually ngiti pa lang niya, nakakawala na ng pagod

Ngumiti naman ako sa mga kaibigan ko pero napansin kong nakakunot ang noo ni Erielle. Anong problema nito?

No'ng iuurong ko na 'yong chair para maupo...

"Please let me." sabi ni William na nakangiti kaya naman tumango na lang ako at medyo... alam niyo na.

Lahat naman ng kaibigan ko, syemperds nandiyan ang ngiti nilang ewan except for Bitter Erielle. Ano bang tinira nitong babaeng 'to?

William poured our glasses with wine. Teka nga ba't parang siya 'yong waiter dito? Di ba party niya 'to and he should enjoy his own party? Hindi ko tuloy maiwasang magtanong.

"Teka lang William, ba't ikaw ang nagseserve sa'min?" naunahan ako ni Allison. Echosera talaga!

"Psh... Pakitang tao lang ya--" tinapik ko naman si Erielle. Kakaiba talaga tabas ng dila eh.

"Oo nga napansin ko rin." sabat naman ni Erielle.

"Well pasensya na ladies. 'Yong mga waiters kasi eh hindi ko malaman kung anong nangyari. Natraffic yata kaya eto I need to serve you instead." - William

"How thoughtful naman! Okay lang naman sa'ming maghinta--"

"Pwes sa'kin hindi." nagulat ako dahil bigla siyag tumingin sa'kin straight to my eyes. "Pag may gusto ako, dapat makuha ko ng madalian. I hate waiting." he said then nagwink siya which made me kilig deep inside!

Hays why so pogi William?

Uminom na kami ng wine. Then after ilang minutes, hindi ko alam kung ako lang 'to pero parang nahihilo na ako kaagad. Isa pa lang naman 'yong iniinom ko.

"Erielle, nahihilo ka b—" at tuluyan ng nabalot ng dilim ang paningin ko.

--

"Errrrhm..." ang sakit ng ulo ko. Takte... ano bang nangyari?

"Nasaan ako?" Ba't wala akong matandaan?

"Nandito ka ngayon sa condo ko." Nandilat ang mga mata ko ng marinig ang boses ng isang lalaki. At kung hindi ako nagkakamali, siya si...

"William?!" Gulat kong sinabi at hindi lang yun, napaatras pa ko. "A-Anong ginagawa ko dito?" shemay nauutal ako

"You've drank too much eh malayo 'tong lugar sa QC kaya naman I decided to bring you here for a while. Don't worry wala naman akong masamang intentions."

"Grabe ka naman. H-Hindi ko naman magagawang pag-isipan ka ng ganoon Liam." napatakip naman ako ng bibig dahil sa tawag ko sa kanya. Napangiti naman siya sa'kin.

Forbidden kasing tawagin siya sa nickname niya eh. Yun ang sabi sa'kin no'ng iba. Ayaw daw kasi ni William na tinatawag siya sa nickname niya lalo na kung hindi pa naman niya close.

"It's okay. Don't be shy. Actually you're the first one na tumawag sa'kin sa nickname ko. At ikaw lang ang pwedeng tumawag sa'kin no'n." nakangiti niyang sinabi sa'kin.

At syempre, nagblush po ang lola niyo! Tuwang-tuwa ako deep inside no'ng marinig ko 'yong mga sinabi niya.

Pero teka lang? Kung nandito ako...

Nasaan 'yong mga kaibigan ko?

Tumingin ako kay William na kasalukuyang nagbabalat ng green apple.

"Uhm... Liam, nasaan sila Erielle?"

"Ah sila ba? Sabi nila uuwi na daw sila eh. Ako na daw bahala sayo." he said habang nagfofocus sa binabalatan niya.

Tahimik lang akong umupo at pinagmamasdan si William. Tumingin siya sa'kin at umiwas naman ako ng tingin. Nahalata yata ako.

"Ba't Nic? Do you want to go home?" tanong niya sa'kin.

"Ah eh baka kasi hinahanap na ko sa bahay eh."

"Sige, I'll drive you home." Sabi niya sa'kin sabay hagis sa'kin no'ng apple. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa naka-carve do'n. He grabbed my hand and smiled.

'Yong naka-carve sa apple?

I LIKE YOU.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro