Chapter 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

(Author's POV)

Pagkatapos ng lahat ng nangyari, dumiretso na silang lahat sa headquarters ng Newborn Angels.

Tulala at di pa rin makapaniwala sa mga nasaksihan niya kanina habang si Hans naman pinagmamasdan lang niya si Nicola. Hindi niya alam pero may part sa kanya na parang nakokonsensya dahil alam naman niyang patay na patay nga si Nicola kay William.

"Hans thanks for helping us," Nabigla naman siya sa biglaang pagsasalita ni Erielle.

Ngumiti siya dito saglit at binaling muli ang tingin niya sa tulalang si Nicola.

"I wonder what she's thinking..." sa isip-isip ni Hans.

 "Okay can I get your attention please?" tumingin naman ang lahat kay Natalie na nakatayo ngayon sa harapan nila pwera lang kay Nicola na nagkukuyom ng kamay niya.

"Pareho lang naman tayong nadeceive nung hinayupak na lalaking yun. Nicola alam ko hindi ka pa rin makapaniwala sa nangyar—" natigil sa pagsasalita si Natalie at napatingin kaming lahat kay Nicola.

"Yeah. I can't believe this is happening now. I can't imagine na kayo pa! Kayo pang mga kaibigan ko ang sisira sa buhay ko!" ani Nicola at sinipat sila ng tingin.

"Ano?! Wow ha?! Ano bang pinakain sayo ng William na yun at nalason niya yang utak mo ha?! Niligtas ka namin! Hindi namin sinisira ang buhay m—" – Natalie

"Niligtas?! Who said that I'm in danger?! Tanga ba kayo?! Hindi niyo ba alam yung word na nagmamahalan kam—" – Nicola

"Hindi mo alam na nasa panganib ka dahil all you know is that masaya kang kasama siya without knowing that may masama siyang binabalak sayo! Ba't alam mo bang sila ni Leni?! At si Leni mismo ang nag-utos kay William na sirain ka ha?! At ano hahayaan ka na lang namin na mapahiya nung dalawang yun?! Na ikaw pa ang palabasin na SLUT?! My god Nic! I don't know na ganyan ka pala katanga sa pag-ibig!" – Erielle

"Just leave me alone! I don't need you! Kayong lahat! Lalo ka ng pulubers ka!" lumapit si Nicola at tinulak si Hans na nakayuko lang.

"Nic ano ba?!" pinigilan naman ni Erielle saka ni Natalie si Nicola. Lumapit naman si Yodo at si Allison kay Hans.

"Kung hindi dahil sa inyong lahat... e di sana hindi kami magkakaganito ni William...! Mga wala kayong kwentang kaibigan!" umiiyak na sigaw ni Nicola bago binalingan ng masamang tingin si Iron.

"Aba sumosobra ka n—" sasampalin na sana ni Allison si Nicola nang pigilan siya ni Hans.

Napatingin naman si Allison kay Hans.

"Hayaan niyo na lang muna siya. Natalie, Erielle, bitawan niyo siya." Mahinahong sinabi ni Hans at binitawan naman ng dalawa si Nicola.

Nakatingin lang sa kanya si Nicola na parang nagtataka. Pero hindi niya mapigilan ang sarili niya na hindi magalit dito. Kaya walang anumalyang binigyan niya ng malakas na sampal si Hans. Nanlaki naman ang mata ng mga kaibigan niya pati na rin si Yodo.

"Wala ka ng ginawa kundi sirain ang araw ko! Ang galing mo talaga! Bilib na ko sa katarantaduhan mo!" sigaw niya kay Hans.

Lalapitan na sana ni Natalie si Nicola para pigilin pero pinigilan siya ni Hans at sumenyas na parang okay lang siya. Muli niyang itinuon ang mga mata niya kay Nicola na punung-puno ng galit ang mga mata.

"Tapos ka na?" tanong ni Hans na mas ikinainit pa ng ulo ni Nicola kaya...

Sinampal niya muli si Hans and this time, sa kabila naman. Hindi pa siya nakuntento, sinampal niya pa ulit sa kabila si Hans at nagtamo ng sugat sa labi si Hans. Dumugo ang gilid ng labi ni Hans. Namumula na rin ang pisngi nito sa malalakas na sampal ni Nicola. Sasampalin pa sana siya muli nito nang...

"Nic tama na!" sumigaw si Allison. Napahinto si Nicola. Isinara niya ang kamao niya.

"Hans umuwi na kayo. At mukhang hindi ka yata tatantanan nitong kaibigan namin na nabaliw na yata." Sabi ni Erielle at sinamahan na siya palabas ng headquarters.

(Hans' POV)

"Pasensya ka na kay Hans," si Erielle

"Ayos lang. Naiintindihan ko naman."

"Anong ayos lang Kuya?! Sinaktan ka nung si Grumpy dapat sa kanya tinatadyakan eh!" protesta ni Yodo.

"Shhh! Bayaan mo na siya! Grumpy nga di ba?" ni-pat ko yung ulo ni Yodo. Natawa lang si Erielle sa inasal ni Yodo. Good thing we're outside the headquarters kundi baka pati 'to si Yodo nakotongan.

"Sige mauna na kami." Pamamaalam ko kay Erielle at tumango naman siya.

--

Habang naglalakad kami pauwi ni Yodo...

"Kuya ba't di mo siya ginantihan?" napatingin naman ako kay Yodo.

"Eh hindi ko trip eh." Sabi ko sa kanya.

"Hindi trip? Kailan ka pa napagod sa pangtitrip sa kanya Kuya?" – Yodo

Napatingin naman ako kay Yodo. Oo nga? Kailan pa nga ba ako napagod na mantrip sa kanya?

Ni-pat ko na lang yung ulo niya at ngumiti.

"Ikaw talaga! Lahat napapansin mo."

Napaisip lang ako sa sinabi ni Yodo. Naguguluhan rin ako sa sarili ko. Supposedly, dapat masaya ako dahil ginawa ko na naman siyang miserable ngayon. But now that I've done it once again...

Ba't hindi ko maramdaman yung saya? Di ba dapat tuwang-tuwa pa ko?

Nang makarating kami ng bahay...

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakahandusay si Tatay sa sahig. Puro dugo ang katawan niya at mukha siyang pinagpyestahan ng mga barumbado. Punung-puno ng pasa ang katawan niya.

"TAY!" agad akong lumapit kay Tatay Dadong. Tumakbo rin palapit si Yodo.

"Anong nangyari kay Tatay?" umiiyak na tanong ni Yodo.

Hindi ako makaimik. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Kuya... sino may gawa kay Tatay nito...?" niyakap ni Yodo si Tatay kaya lalo naman akong naiyak.

Sa ngayon, wala akong naiisip na pwedeng gumawa nito kundi si...

"W-William..." napasara ako ng kamao sa galit. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang 'to.

Hinding-hindi ko palalagpasin 'to. Gaganti ako...

Humanda ka William!

(Nicola's POV)

"ARRRRRRRRRRRGH!" I shouted at the top of my lungs.

Sobrang bwisit na bwisit ako ngayong araw na 'to! Kung dati isa lang sumisira ng araw ko, ngayon isang grupo na sila! Nakakabadtrip! Sobra!

Masyado kasing nangingialam sa buhay ng may buhay!

Kaya ngayon, nahihirapan akong isolve 'tong problemang 'to!

Ilang beses kong sinubukang tawagan si William pero binababa niya. Nagtext rin ako pero no single reply. Hays!

After 2 hours...

It's already 1 PM pero hindi pa rin ako makatulog. Hinihintay ko pa rin magreply si William. Tahimik ang buong paligid nang biglang tumunog ang cp ko. Agad ko namang kinuha ang cp ko at napangiti ako ng makita ko kung sino yung nagtext...

Si William! Hays! Thanks God!

From: William

See you at the covered court tomorrow.

Pagdating ko sa covered court, walang katao-tao. Walang estudyante at ihip ng hangin lang ang naririnig ko. Naupo muna ako sa gilid at naghintay.

Lumipas ang 3 oras pero wala pa ring William ang sumusulpot. Isang oras pa ulit akong naghintay pero wala pa rin. Alas-sais na ng gabi at madilim na rin. Paalis na sana ako nang biglang may anim na lalaking dumating...

"Oh? Miss? Ba't nandito ka pa?" tanong sa'kin ng isang lalaki.

Lumapit sila sa'king anim. Napaatras ako at tatakbo na sana nang mahatak nung isang lalaki ang buhok ko.

"Teka lang? Saan ka pupunta? Di ba hinihintay mo pa si William? Eto na kami, pinapunta niyang representatives. Wahahaha!" sabi nung isang lalaki na ikinalaki ng mata ko.

Paano nila nalaman na si William ang hinihintay ko?

Tinulak niya ko dahilan para masubsob ako sa sahig. Tatayo pa sana ako nang pigilan nila ako at inihiga muli.

"BITAWAN NIYO KO! BITAWAN NIYO KO!" pagmamakaawa ko pero hindi nila ako inintindi at sinimulang tanggalin ang mga butones ng damit ko.

"WAG! BITAWAN NIYO KO!" nagpupumiglas ako pero hinawakan nila ako ng mahigpit. Sinimulan na nilang tanggalin pa ang iba ko pang saplot sa katawan. Hinalik-halikan ako sa leeg at hinawakan ang iba't-ibang parte ng katawan ko.

Nagmamakaawa ako at umiiyak. Sumisigaw ako pero nagmistulang pipi ako. Walang lumalabas na boses sa'kin. Tuluyang nanlabo ang paningin ko sa kakaiyak at ang huli kong narinig ay boses ng isang lalaki. Tuluyan na ngang nabalot ng dilim ang paningin ko.

--

"Errrhmm..." dahan-dahan kong idinilat ang mata ko. Ang taas ng sikat ng araw at nang maidilat ko ng maayos ang mata ko...

"IKAW?!" Anong ginagawa ng pulubing 'to dito?!

Napabangon ako sa higaan ko at nakatingin lang ako sa kanya.

"Gising ka na pala," – Hans

"Obvious ba? Nakaupo na nga ako di ba?! Bobo ka ba?!"

"Hoy babae! Wag ka ngang gaganyan-ganyan diyan!" napatingin naman ako sa gilid at nakita ko si Allison na nakaupo sa sofa.

"Anong ginagawa nitong pulubing 'to dito ha?!"

"You should thank him!" napatingin naman ako sa kanan at nakita ko si Erielle na umiinom ng kape.

"Why should I?!"

"Dahil kung hindi sa kanya, na-rape ka ng haliparot ka! He saved you for the second time around!" pumasok naman si Natalie na may dalang breakfast, "Don't tell me wala kang naalala! Ipapasak ko 'tong mainit na hotdog sa bunganga mo!" banta pa niya.

Napakunot naman ako ng noo at sinubukang alalahanin ang nangyari kagabi...

Nang maalala ko kung paano ako babuyin ng anim na lalaki, napahawak ako sa braso ko at bigla na lang tumulo ang luha ko. Lumapit naman sina Allison, Natalie at Erielle sa'kin at hinagod ang likod ko.

"Mga walang hiya sila! Binaboy nila ako!" sigaw ko habang umiiyak ako.

Nakatingin lang silang lahat sa'kin. Pinapatahan ako pero hindi ko mapigilang umiyak. Tumingin naman ako kay Hans na kasalukuyang nakatayo at pinapanood ako. Hindi ko alam kung ako lang 'to pero...

Totoo ba 'tong nakita ko? May tumulong mga luha sa mata ni Hans?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro