Chapter 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

(Hans' POV)

"Magpapanggap tayong in a relationship..."

Ano bang pumasok sa isipan nung babaeng 'to?! Talaga bang habit nito pasakitin ulo ko?!

Mga ilang saglit akong natulala sa sinabi niya. Naguguluhan ako at the same nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Para ngang nagrerewind sa utak ko yung mga sinabi niya.

"Hoy! Ano na?!" nagfinger snap siya.

"Ayoko! Ayan na yata ang pinakamalalang gagawin ko sa tanang buhay ko!" umiling ako na halos matanggal na yung ulo ko.

"Anong ayaw mo?! You need to do it no matter wha—" – Nicola

"Ano 'to sapilitan?! Wow ha?! Kung gusto mong gumanti dahil sa ginawa kong paninira sa imaginary relationship na inaasam mo dun sa ugok na William na yun, pwes di ka magtatagum—"

"Baliw! Kaya ko ginawa 'to dahil gusto kong gumanti!" – Nicola

"Ako pa baliw ngayon?! Wow lang talaga! You said it yourself! Kaya ginagawa mo 'to sa'kin dahil gusto mo kong gantiha—"

"Waaaaaaaah! Ang tanga mo! Hindi ako sayo gaganti! Kay William! Kay William!" – Nicola

"Ha? Muntanga 'to! Oh ano naman connect ng pagpapanggap natin bilang in a relationship in seeking revenge?!"

"Diyos ko! Hay bombilya! Alangan di ba magpapanggap tayong in a relationship?! Tapos nun syempre pag nalaman niyang nakahanap ako ng kapalit niya eh syempre magseselos siya and he'll beg for me to come back and I'll let him in again pero in the end lolokohin ko lang din siya." – Nicola

"Alam mo? Hindi ka lang hopeless eh, assuming ka pa. Hindi lang assuming, feelingera ka pa. As if naman kakagat sa plano mo yang si William! Eh ni hindi nga nagging kayo di ba?! And may I remind you, isa akong beggar at napakaimpossibleng pagselosan ako nung gunggong na yun sa looks at standards ko! Nakakainsulto ka lang actually! Humanap ka na lang ng ibang mauuto mo diyan sa pautot mo."

"Wow ang hard! Parang hindi ako nasasaktan sa mga sinabi mo! Grabe ka na ah!" – Nicola

"Nasa looks mo naman na hindi ka nasasaktan eh. Mukha namang matigas mukha mo. Sintigas ng Adobe. Diyan ka na nga!"

Itong babaeng 'to eh hindi ko malaman kung anong espiritu ang sumanib sa kanya eh. Lakas ng fighting spirit eh!

Ako pa ang inalok ng ganung offer?! As if naman kakagat ako sa pakulo niya? Maski kung ako si William hindi ako kakagat sa trip niya. Ang babaw kaya ng dahilan niya! Sinong niloko niya?

Tumayo na ko. Akmang aalis na ko nang bigla siya muling magsalita.

"Think twice Hans. May pakinabang ka rin sa planong 'to. Di ba gusto mo rin namang maghiganti kay William? Why don't you grab this opportunity? Sayang naman. I'll wait for your response pag nakapag-isip ka ng maigi." – Nicola

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad matapos niyang sabihin yun. Ang weird niya ngayon ah? Parang may sapi na yata yung babaeng yun. Ano bang tinira nun?

Sabay kami ngayon na naglalakad ni Yodo pauwi. Nung una, ayaw pang umuwi ni Yodo dahil nakikipaglaro pa siya kay Allison ng marbles. Yung babae talagang yun, may pagkachildish. Pero mas prefer ko naman siya kaysa kay Nicola na suminghot yata ng rugby.

Nabangag na!

Nakarating na kami sa tapat ng bahay. Pagkabukas ko ng pinto...

*BUGSH!*

Sinalubong ako ng malakas na suntok. Napatumba ako sa sahig at tatayo na sana ako para lumaban pero sinipa ako sa tiyan. Napahawak ako sa tiyan ko.

"KUYA!!! TIGILAN NIYO KUYA KO!!!" narinig kong sigaw ni Yodo at tumakbo papalapit sa'kin pero bago pa man siya makalapit sa'kin, pinigilan siya ng isang lalaki.

Napatingala ako sa mga lalaking lumapit sa'kin at nanlisik yung mga mata ko sa nakita ko.

"William..." nanginginig ako sa galit.

Nakangisi siya sa'kin at lumuhod siya. Hinatak niya ko sa buhok at nagtama ang tingin naming dalawa.

"Hayop ka William! Ba't kailangang masama tatay ko rito?!"

"Tinatanong pa ba yan? I warned you. Sabi ko naman sayo di ba? Wag kang magtangkang makisawsaw sa mga bagay na may kinalaman ako?" – William

"Humanda ka sa'kin. Sisiguraduhin kong mapupunta ka sa impyerno. I'll have my revenge!"

Nagsmirk muna siya tapos nilapit niya yung mukha niya sa'kin.

"Mauuna ka gago! I'll make sure that you can't have that revenge. Dahil ngayon palang, ililibing na kita ng buhay!" binitawan niya yung buhok ko dahilan para masubsob ang mukha ko sa sahig.

"Burahin niyo na sa mundo yan," Sabi ni William at lumabas na ng bahay.

At sinimulan na nila akong bugbugin. Sipa at suntok ang natamo ko mula sa mga tauhan ni William. Halos mangiyak-ngiyak na ko sa sobrang sakit. Masakit na masakit.

Habang pinagpepyestahan nila ako, pilit kong binubuksan ang mga mata ko para makita pa si Yodo. Pero sa tindi ng sakit ng mga sipa't suntok nila, hindi ko nakayanan at tuluyan na nga akong nawalan ng malay.

The next thing I knew is...

Nasa isang masikip na lugar ako. Para akong isiniksik sa loob ng isang sako, pilit na pinagkasya. Hindi ako makahinga. Lalo akong natakot ng unti-unting pagtaas ng tubig sa lugar na yun. Pilit kong inaabot yung pangpang pero...

Walang pangpang. Wala na kong nagawa kundi magpalamon sa tubig.

(Nicola's POV)

"WHAT?!" nagulantang silang lahat sa sinabi ko.

Nandito kami ngayon sa headquarters namin. Sinabi ko lang naman yung scheme ko sa kanila. Yun nga! Yung offer ko kay Hans.

"That's so impossible. Sa state niyo ngayon, lalo na't ginawa mo pa siyang dummy nung kamakailan ka, hindi malabong dumisagree yun." Seryosong mukha si Erielle.

"Yeah. I agree with that." – Natalie

"I second the motion!" nagtaas pa ng kamay si Allison. Pssh...

"Tiwala lang! Kakagat rin yun sa plano ko. Kayo makabring down naman kayo! Kaibigan ko ba talaga kayo?"

"Hindi ka namin binibring down! At ikaw pa talaga nagtanong sa'min niyan ha?" – Erielle

"Eh kasi nama—" natigilan kami ng biglang magring yung doorbell.

Binuksan naman ni Allison yung pinto.

"Oh? Ba't hingal na hingal ka?!" napatingin naman kaming lahat sa direksyon ni Allison at agad na lumapit.

"Yodo?" – Erielle

"Ma-mga ate...! Tu-tulungan niyo po a-ang ku-kuya ko!" mautal-utal na sinabi ni Yodo.

"Huh?! Bakit?!" – Allison

"Binugbog po siya nung William!" – Yodo

"ANO?!" lahat kami nagulat.

"Nasaan siya ngayon?!" tanong ko.

"S-Sa may ta-tabing ilog po!" – Yodo

Agad naman kaming kumilos lahat. Nakita kong hinang-hina si Yodo kaya naman pinauna ko na siya sa may loob ng sasakyan. Agad na kaming umalis sa headquarters at nagtungo na sa lugar na sinabi ni Yodo.

Iniwan na muna namin si Yodo sa loob ng sasakyan. Pagdating namin dun, wala ng tao. Blood stains lang ang nakita namin sa lupa. Sinundan namin yung blood stains at kinabahan ako ng makita ko kung saan nagtuloy-tuloy yun.

Sa may ilog mismo. Nakakita kami ng isang sako na may bahid ng dugo kaya naman...

"NIC!" sigaw nilang lahat ng tumalon ako sa ilog.

Lumangoy ako papalapit dun sa may sako. Nang makalapit ako, tinanggal ko ang tali at hindi nga ko nagkamali...

Si Hans nga ang nasa loob nung sako.

Lumangoy akong nakapasan siya sa'kin at nang makarating kami sa pangpang, agad naman kaming nilapitan ng mga kaibigan ko. Hinahabol ko pa yung hininga ko sa sobrang pagod sa kakalangoy. Ang bigat niya in fairness!

Pinakiramdaman ko yung pulso niya sa leeg.

"Buhay pa siya," Nakahinga ako ng maluwag.

"I-CPR mo!" napatingin naman ako kay Allison.

"D-Di magandang joke yan ah Alliso—"

"Do I look like I'm kidding?! I'm serious! Wag ka ngang maarte! This is a matter of life and death!" sigaw sa'kin ni Allison.

Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang mukha ni Hans. Why do I have to do this?

Pero may choice ba ko? Wala naman di ba! Iisipin ko na lang yung aso ko I-CCPR ko. Jokes!

Inilapit ko na ang mukha ko at ginawa na nga yung pinapaggawa sa'kin.

CPR.

Hindi nakuha sa unang CPR. Ni-press ko yung dibdib niya and once again, Ni- CPR ko. Maya-maya pa...

Umubo si Hans at nagluwa ng tubig na may kasama pang dugo.

Punung-puno ng pasa ang buong katawan niya. Hindi siya makatayo sa sobrang hina ng katawan niya. Ikaw ba naman eh gawin kang punching bag di ka manghina? Binuhat na namin siya hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Naupo ako sa likod sa tabi ni Yodo. Nakahiga si Hans sa lap ko.

Hindi mangyayari lahat 'to kung hindi dahil sa'kin. Sorry kung pati ikaw, nadamay rito. But if it weren't for you, I would've died. You saved me and now, I saved you. This is not enough para matumbasan ko yung mga nagawa mo sa'kin. I don't have a choice dahil malaki ang utang na loob ko sayo. Promise Hans...

I'll help you get what you want, just like what I've wanted also.

REVENGE.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro