Special Chapter 3: Lee

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

(Author’s POV)

 

----------------------------> (Paul's Picture on the right side/media link. Taecyeon as Paul Keil)

Gabi na pero nasa bar ni Paul si Cade at umiinom. Napapailing na lang nga si Paul sa kanya. He’s used to it. Lately kasi, laging umiinom si Cade dahil sa sama ng loob nito. He doesn’t know what to do. So confused dahil kahit na anong pilit niyang ipaintindi sa sarili niya na kalimutan na si Allison, he can’t do the thing. Ba’t ba naman daw kasi sa lahat ng rason kung bakit hindi siya magawang mahalin nito eh yung dahil sa inlove nga ‘tong si Allison sa childhood friend slash lover niya. Aba matinde?

The past is his enemy. Ba’t naman ganun? For him, what matters is the present.

 

“Takteng childhood chingu na yan…” yan na lang ang nasambit niya sabay inom ng walang tigil sa alak niya.

 

“Ba’t ba kasi nagpapakatanga siya sa babaeng yun? Ayaw na nga sa kanya eh? Wag na ipagpilitin pre?” yan naman ang bulong ni Paul sa kanyang sarili. Na-fru-frustate na nga siya sa pinaggagagawa ng kaibigan niya.

Hinatak ni Paul si Cade palabas ng bar. Hindi niya alam kung anong trip ng senses niya at bigla na lang niya sinapak si Cade. Napahiga naman si Cade sa sahig.

 

“Umayos ka nga Cade! Ganyan ka na ba katanga ngayon?!” sigaw niya dito habang si Cade naman nakahiga at nakikinig sa kanya.

 

“Takte naman Cade! Babae lang yan! Hayaan mo siya kung gusto niyang magpakatanga sa Childhood Friend or Lover niya! Humanap ka na lang ng iba and don’t waste your life on her! B*llsh*t!” Paul kicked the can.

 

“That’s… easy for you to say… dahil wala ka sa… sitwasyon ko!” ngingisi-ngisi naman si Cade na tumayo. Pinunasan niya ang gilid ng labi na nagdugo sa malakas na suntok ni Paul.

 

“Aish…!” susugurin at susuntukin na sana ni Paul ulit si Cade nang may pumigil sa braso niya. Lumingon naman siya at napakunot-noo siya nung makita niya kung sino yun.

Si Allison. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang bumaba ang kamay niya at napakalma siya nito sa mga tingin niya.

 

 

“Nuguya…? (Who are you?)” pagtataka niya dito sabay higit sa mga braso niya. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Nakita na niya ito noon nung nagparty sa bahay ni Hans but he wasn’t sure if it’s her nga ba. Nakasuot ito ngayon ng pangparty at mukhang ang punta rin ay mismo sa bar niya.

 

“Ikaw, sino ka ba at sinasapak mo kaibigan ko?” pabalik naman tanong ni Allison at napa-smirk naman si Paul.

 

“Ako ang unang nagtanong, ako rin ang… aish.” He scratched his nape and sighed. He looked at her again. But something caught his eyes.

Nakita niya yung suot na kwintas ni Allison. And that necklace reminds him of something. Napaisip siya ngayon at hindi maalis ang tingin niya sa kwintas nito. And then, moments later…

His eyes widened. He remembered everything. It seems like it’s already clear kung ano yung necklace na yun.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

(Paul’s POV)

 

“That… necklace.” Lumapit ako sa kanya at she took a step backward.

 

“What the heck? A-anong gagawin mo…?” hinawakan naman niya yung necklace.

Huminto naman ako at nakatingin lang sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Yung necklace na yun… hindi ako nagkakamali,

Yun yung necklace na binigay ko sa childhood friend ko. Walang kaparehong design ang necklace na yun dahil customize yun. Imposibleng may kapareho yun.

 

“Yah!” nanumbalik naman ako sa sarili ko nang higitin ako pabalik ni Cade at suntukin dahilan para mapahiga rin ako sa lupa. Sinugod ako ni Cade at hindi pa siya nakuntento sa isang suntok. Tinadtad niya ko ng suntok at hindi ko alam kung ba’t hindi ako nanlaban. Para akong na-paralize, hindi maigalaw ang mga kamay ko.

 

“Yah! Tama na nga kayong dalawa!” hinatak naman nung babae si Cade na napaupo naman sa sahig.

 

“K-Kaya pala sinasabi mo sa’kin na sumuko na! Dahil ikaw pala! Ikaw pala! Wala kang kwentang kaibigan!” nakatingin lang ako sa galit na Cade. Ano bang pinagsasasabi niya? Ni wala nga akong idea sa mga sinasabi niya!

 

“Yah! Stop it!” tumayo si Cade at susugurin pa sana ako pero pinigilan siya nung babae. Sino ba ‘tong babaeng ‘to at kung maka-interfere dito eh feeling heroine? =________=

 

“Bitawan mo ko Allison Lee!” and when I heard her name, that’s when I realized that… it was really her.

 

“Cade ano ba?! Tumigil ka na nga!” she’s trying hard to stop him pero nakalapit parin sa’kin si Cade at kinuwelyuhan ako.

 

“Cade wala akong alam sa mga sinasabi----“

 

“Tigilan mo na nga ako Paul! Tama na yung gawin mo kong tanga ng isang beses! You can’t fool me again!” lalo niyang hinigpitan ang hawak niya.

 

“Cade ano ba?!” hinatak ni Allison si Cade at natumba naman siya. Tinulungan naman ako ni Allison na tumayo. Pinunasan ko yung bibig kong tadtad ng dugo. Ngingisi-ngisi naman si Cade na tumayo. Pero nung makita ko yung expression niya, parang naghahalong galit at lungkot ang nakikita ko sa kanya.

 

“Sh*t! Ba’t ikaw pa Paul?! I thought you’re my best buddy. B-But… why?” - Cade

 

“Sabi ko sayo Cade… wa-wala akong alam sa mga sinabi mo. Ngayon ko lang din nalaman… Ngayong nakita ko yung necklace na suot niya.”

 

“A-ano bang pinag-aawayan niyong dalawa?!” tumingin ako sa kanya but I felt the pain all of the sudden. Parang bigla akong nakaramdam ng panghihina sa mga tuhod ko.

 

“Lee…” kasabay ng pagbanggit ko ng pangalan niya, na-out of balance ako at napahilig sa kanya. At tuluyan na ngang nagdilim ang paningin ko.

Hindi ko na alam kung ano pang nangyari matapos kong mawalan ng malay…

 

 

(Allison’s POV)

 

“P-Paul!” Takte ano bang gagawin ko dito?! Ba’t ngayon pa siya hinimatay?! Siya pa may ganang himatayin?! Aba matinde?

Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko. Pinilit kong gisingin siya pero ayaw talaga eh.

 

“Takte Cade! Tulungan mo nga ko dito!” he looked at me with a poker face. Yung tingin niyang walang emotion at wasak na wasak, hindi ko naman siya matingnan ng diretso. Binaling ko na lang ulit ang tingin ko kay Paul na wala pa ring malay.

 

“Cade ano ba?! This is not the right time to show some pride!” I said pero hindi pa rin siya nagbago ng expression. At imbis na matinag siya, ito pa sinabi niya.

 

“Since na siya yung hinihintay mo, why don’t you grab the opportunity to be with him? Yun naman ang gusto mo di ba?” he left after saying that. Bitter! Lalong tumindi yung inis ko sa kanya promise. Nakakainis siya talaga ever! Ganyan ba talaga kahalaga sa kanya yung pride niya pati kaibigan niya nagawa niyang tiisin?! Sinabi na ngang walang alam yung kaibigan niya sa mga sinasabi niya eh!

Well ano pa bang magagawa ko? Tch…

Dinala ko na lang ‘tong napakabigat na Paul na ‘to sa sasakyan ko. Good thing I brought my car dahil kung hindi, hay nako pababayaan ko siyang matulog sa parking lot. Hahaha! Okay medyo mean! Joke lang guys ^___^

Ini-start ko na yung sasakyan ko and I was about to step on the gas when suddenly I heard him moaned. And nang magsalita siya, bigla akong natigilan…

 

 

“Lee…” it’s like my whole world stopped as I heard him said my second name. Para akong nanigas sa kinauupuan ko after hearing him. Nakadrugs ba ko? Tama ba talaga yung pagkakarinig ko…? Kasi to tell you the truth…

No one calls me on my second name except… my childhood friend.

I turned my gaze on him slowly. At nang makalingon ako sa kanya, it seems like… I can’t breathe. Parang sasabog yung puso ko sa nangyayari ngayon. I can’t tell if this is a dream or not. Para akong nag-aanticipate sa nangyayari pero hindi ko alam kung alin ba dun ang totoo?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro