3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Three | Ang Diary Ng Wattpader

Dear Diary,

Malapit na ang pasukan pero ang utak ko nasa bakasyon pa din.Gusto ko pang magliwaliw para mahanap ko ang bagong version nila Jeydon at Deib na pinapangarap ko.

"What the hell Ayeth!"Yan agad ang narinig ko kay Mira ng makalapit ito sa pwesto ko.

Hindi ko sya pinansin at patuloy na kinakalikot ang librong hawak ko.

"Akala ko ba mamimili ka ng school supplies?Bakit hawak mo ang part three'ng libro ng He's Into her?"Hindi ko sya binibigyan tingin kahit naririnig ko naman siya dahil abala ako sa librong hawak ko.Gusto ko na ngang baklasin ang plastic na nakabalot dito kundi lang bawal.

"Ayethea Yakashi!"Gigil na ang boses niya kaya sandali ko syang tiningnan.Nakasimangot na ang mukha niya kaya halos matawa ako.

"Nakita ko sya dito,tapos naalala kong wala na akong collection nito dahil sayo kaya balak kong bumili na lang ng bago."Pinagdiinan ko pa ang salitang 'SAYO'dahil kasalanan nya naman talaga kung bakit nawala ang collection ko nito.

"Whatever."Inirapan nya ako na ikinangisi ko na lang.Siguro naalala nya rin kung ano ang ginawa nya sa libro ko at kung anong parusa ang ibinigay ko sakanya dahil don.

Naaalala ko pa ang sinabi nya non"Hindi mo ako sasamahan?ha?Akin na yang libro mo..."Mabilis nyang hinigit sa kamay ko ang libro ko kaya tiningnan ko sya ng masama.

"...kung hindi mo ako sasamahan maligo,ang libro mo na lang ang sasama sa'kin."Alam nyo ba kung anong ginawa nya sa libro ko?Ha alam nyo?!Para akong namatayan dahil don.

Hinagis nya lang naman ang librong yon sa swimming pool at pinaglangoy mag-isa.Ako naman itong natakot na baka malunod kaya tumalon din agad ako para masagip sya.Pero sa kasawiang palad tuluyan na itong lumubog sa pinakailalim at hindi ko na naabutan pa.Hindi na ito maaayos at malabo pa sa malabo.Parang pinangarap kong makita si Jeydon Lopez na isang fictional Character na hindi naman mangyayari.It's hurt but this is the fact.

"HOY!"Sigaw ng bruha kaya muli akong nabalik sa sarili ko.

Tiningnan ko sya ng masama"Meron akong naalala sa librong to."Seryosong sambit ko at pinakita pa sa kanya ang librong hawak ko.

Nakita kong natigilan sya at hindi rin nakawala sakin ang paglunok nya sa sariling laway.

"May nakalimutan pala akong bilhin.Hintayin na lang kita sa Jollibee for dinner!"

Kumaripas siya nang takbo na akala mo'y may gagawin akong hindi maganda.Akala nya siguro gagawin ko ulit sa kanya ang ginawa ko before.

Syempre,hindi naman ako papayag na basta na lang masira nya ang libro ko.
Kaya para makabawe ako binunutan ko sya ng 100 pirasong buhok sa ulo.Halos magkanda-iiyak sya nong araw na yon tuwing gagabutin ko ang buhok nya.




"AYETHEA,MAHUHULI KA NA SA FIRST DAY OF SCHOOL MO!"

Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ni mommy.Inaantok pa ako at gusto ko pang matulog kaya lang...

"30 minutes na lang anak!"

"What?!Late na ako!"

Mabilis akong bumangon sa kama ko.Kinuha ang kulay red na towel at mabilis na pumasok sa banyo at naligo.

Pagkalabas ko ng banyo nakita kong nakahanda na sa ibabaw ng kama ko ang uniform ko at nakatiklop na rin ang hinigaan ko.Napansin ko pang nawala na din ang kalat kong papel sa sahig.Malamang nilinis na naman yon ni mommy.

Dali-dali akong nagbihis dahil late na ako.Hindi ko man lang na blower ang buhok ko kaya tulong-tulo ito.Tanging ang nagawa ko nga lang ay magsuot ng uniform at suklayin ang buhok ko ni hindi ko nga man lang naikabit ang necktie ko.

Pagkalabas ko naman sa kuwarto ko pinuntahan ko si mommy sa kusina.Iniabot nya sakin ang breakfast na sandwich with ham.Baunin ko na lang daw dahil late na nga ako.

_______

"WELCOME TO THE WATTPAD HIGH!"

"What the hell Miracle!"Inis ko syang nilampasan nang siya ang aking mabungaran pagkababa ko pa lang sa kotse ko.

"Sungit mo naman Ayeth."Narinig kong wika niya na sumusunod sakin papasok sa loob ng Wattpad High.

Maganda ang school.May malaking puno sa gitna na umabot sa third floor ng mga building.Meron namang tatlong building na nakatayo sa left,right and front na hanggang 4th floor.Gusto ko ang ganitong school makakalanghap ka ng sariwang hangin dahil sa malaking punong nakatayo sa gitna,mas lalo ring gumanda ang malaking puno dahil nilagyan nila ito ng pailaw na parang pasko na.Pasukan pa lang pero parang pasko na sa punong ito.Inisip ko rin na baka ito pa ang christmas light last year hindi lamang tinanggal.

"Bakit nandito ka pa?Hindi ba't may pasok pa tayo?"Tanong ko sa kanya habang nasa unahan pa rin ang tingin.

"Wow!Parang ang sipag mong mag-aral a?"Tumigil ako sa paglalakad at kinutusan sya.Paniguradong natamaan sya sa bunbunan.

"Awww!"Hindi ko sya pinansin kahit narinig ko pa ang pagdaing nya.Muli akong naglakad at iniwan sya.Hindi din naman nagtagal muli ko syang naramdaman sa likuran ko.

"Brutal mo ngayon!"Ramdam ko ang irita sa boses nya pero nakatuon lang ang atensyon ko sa kumukulo kong sikmura.Si mommy kasi!kulang ang limang sandwich with ham na pinadala.

Hindi rin kalaunan nakarating kami sa room ng hindi man lang ako nakakakita ng isang tao sa pasilyo o hallway ng school na to.Hindi naman halata na subrang late na talaga kami.

"We're late!"Bulong ni Mira na tumapat din sa pintuan ng classroom namin.

Bumuntong hininga ako bago binuksan ang pintuan na walang pagkatok man lang.

Ako ang naunang pumasok.....










...kaya ako ang unang nabiktima ng pambubully nila.

Saktong sakto at tyming na tyming ang pagtama ng tubig sa mukha ko na ibinuhos ng kung sino.Tapos naririnig ko pa ang tawanan nilang lahat na may sari-saring komento.

"Hahahaha!"

"You look basang sisiw na haha!"The conyo girl said.

"Tsk!Stupid!"The masungit said.

"Ang hot nya.Kitang kita ko ang kulay red nyang bra ugh!"The manyakis said.Aba't!Manipis lang kasi ang tela ng uniform namin kaya tama naman ang manyak na yon na kita na ang bra ko.

"Omo!Are you alright bebegurl?"The Childish said.

Magagalit at sisigaw sana ako dahil sa ginawa nila,kaya lang naalala ko ganitong-ganito rin ang nababasa ko sa wattpad books.Yong taong gumawa non ang syang makakatuluyan ko sa huli.

Ikinalma ko ang sarili ko at tiningnan silang lahat.

"Sino may pakana nito?!"Pasigaw kong tanong.Kunwari'y galit kahit ang totoo excited na akong malaman kung sino ang version 2.0 ni Jeydon Lopez a.k.a badboy.Ang harot ko!

"Welcome to our room newbie!I am Char,ang presidente ng section C Lopez."May pumuntang lalaki sa harapan ko at nag pakilala bilang presidente ng room namin.Masyado akong nadismaya dahil hindi iyon ang inaasahan ko.Pero naagaw ang atensyon ko sa pangalan ng section namin.Hmpp?!Section C Lopez?Sino nagpangalan nito at bibigyan ko ng sampong palakpak?Hindi naman halata na halos lahat ng pangalan ay galing sa wattpad.

Yong totoo wattpader ba ang may-ari ng school na to?

Tanging pagnganga na lamang sa harapan nila ang tangi kong nagawa.Okay!Meron na nga yatang nag-eexist na wattpad school sa mundo ko.

"Pasensya kana Miss Yakashi ganito kami magwelcome sa mga bago."Nakabusangot akong tumango na lamang sa pakulo nila.

"Hmm!Welcome Ayethea Yakashi!"
Nabaling ang tingin ko sa huling lalaking nagsalita.

At hindi ko inaasahan na makikita ko sya dito ulit.

"Bakit ka nandito?"Pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Para buhusan ka ng tubig bilang pagbati."Nginisian nya ako na nakapag-pairita sa akin.Napansin ko din ang hawak nyang timba na kulay blue,siguro ito ang ginamit nilang lalagyan para mabuhusan akong tubig.

But wait!Siya ba?No.This can't be?

"Ikaw ba ang nagtapon ng tubig sa'kin?"

Ngumisi sya"Hindi...."Mabuti naman kung ganon.

"...hindi ka nagkakamali."Dagdag pa nito.

"Bwesit ka!"Sigaw ko.Nang malaman kong siya ang nagbuhos sakin ng tubig para akong sinaniban ng masamang ispirito para mainis sa kanya.

Nagbibiro lang ako sa sinabi ko kanina na kung sino ang gumawa non ang syang makakatuluyan ko sa huli.

Napansin ko naman ang buong klase na pinapanood lang kami.Halos lahat sila nag eenjoy sa eksenang nakikita.Tumalikod na lang ako sa kanila at naglakad paalis para magbihis.

"Ayeth saan ka pupunta haha?!"Maging si Mira ay natawa din.Inisip ko tuloy na may alam din ang bruhang yon na may ganitong pakulo kaya hindi nya binubuksan ang pinto.Traydor.

"What do you think?"Medjo irita ako.Pinalampas ko nga ang pakulo ng buong klase pero nang malaman kung kasabwat dito ang lalaking yon parang gusto kong ihagis sa harapan nila ang blackboard na nakadikit sa pader.

Pagkarating ko sa locker room na nasa kabilang building pa agad kong kinuha ang extra uniform ko.Wala pa rin akong ibang taong nakasalamuha sa paglalakad ko bukod sa mga kaklase ko kanina.

Pero akala ko wala,pero meron pala at isang asungot pa.

"Siguro favorite color mo red?"Inis ko syang hinarap kahit nagtataka kung bakit nya nasabi yon.

"At bakit?"Tinaasan ko pa sya ng kilay dahil hindi talaga ako komportable na nandito sya.Pakiramdam ko inaasar nya ako.Siguro hindi ko lang matanggap na kaya na nya akong harapin ngayon,samantalang dati..lumiliko sya sa tuwing sasalubong ako.

Hindi sya umimik pero may pilyong ngiti sa kanyang mga labi na nagpadagdag sa inis ko sa kanya.

"What?"Naiirita na ako sa pilyong ngiting yon.

"Kung hindi ka magsasalita umalis kana."Pananaboy ko sa kanya pero parang nagsabi lamang ako sa hangin.

May balak na sana akong sapakin siya ng makita ko kung saan siya nakatingin.What the hell!Sa dibdib ko.

"Pervet,Jhero Lahb!"

Dali-dali akong umalis sa harapan niya habang tinatakpan ang maselang bahagi ng katawan ko.Sinundan lang yata ako ng lalaking yon para pag samantalahan ang kahinaan ko.


Tapos na akong magpalit ng damit kaya pabalik na ako sa classroom ko.Wala pa sana akong balak bumalik pero wala rin ako sa wisyo para tumambay na lang.

Nagulat ako nang may nakita akong tao.Hindi naman ako alien!Ngayon lang kasi ako may nakitang tao puro kasi demonyo yong nakasalamuha ko kanina.

Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko?Para naman akong magfefeeling close kapag kinausap ko siya ng basta na lang.Pero gusto kong tanungin kong tao ba sya?

Paano kaya?

Ganito kaya''Hi kuya,tao ka ba?"Parang pinalabas ko naman na hindi sya tao kung yan ang sasabihin ko.

Paano kung ganito"Mukha kang tao."Hays!

"Ayyy!"Nagulat na lang ako ng bumangga ako sa isang pader.Pader?Hindi ito pader,kundi isang katawan ng tao na mala-pader.

Agad akong dumestansya dahil nahiya naman ako sa height nyang ikinababa ko.Ang tangkad nya at mala-Jeydon Lopez ang pangangatawan.

Omo!Ang pangarap kong version nila,nakita ko na.Pero hindi ko pa rin nakikita ang mukha nya dahil nakatungo lang siya.

Parang slow motion ang naging galaw nya ng iangat nya ang ulo nya at tiningnan ako.

"Bluejin?"

Meet Bluejin Hurth my elementary crush.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro