Alamat III: Alamat ng Kamoteng Kahoy

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ALAMAT III
Alamat ng Kamoteng Kahoy

  Noong unang panahon, nagpadala si Bathala ng punla na nagkatawang tao sa mundo. Ang lalaking  ito ay may mabuting kalooban para sa kapwa at siya ay isa lamang pulubi.  Iniiwasan sya ng mga tao dahil maliban sa sya'y sobrang payat, ito ay madumi at nakakatakot ang itsura. Lagi itong naghihintay sa mga magbibigay ng pagkain sa kanya mula sa mga taong dumadaan ngunit hindi ito pansin.

  May tatlong laging lumalapit at nang-aalipusta sa pulubi sa tuwing dinadaanan nila ito. Tanging ngiti na lamang ang tugon ng pulubi sa tuwing siya ay sinasabihan na mga masasakit na salita Isang araw, may lumapit na babae sa kanya. Nginitian niya ito at siya ay tinanong, "Ano ang pangalan mo?"

  "Ote ang aking pangalan." ngiting sagot ni Ote sa binibini.

  "Ako naman si Tana. Isa akong magsasaka. Nais mo bang sumama sa akin? Halika, pakakainin kita sa amin." Sumunod si Ote kay Tana at naglakad sila papunta sa kanilang bahay.

  Inihain ni Tana ang mga kamote sa harapan ni Ote at umupo ito nang nakaharap sa kanya. "Bakit napakabuti mo sa akin?" tanong ni Ote kay Tana. "Bakit? Wala namang masama na pakainin ang sinumang nagugutom na kapwa tao, hindi ba?" sagot nito.

  "Salamat at napakabuti mo." sambit pasasalamat ni Ote kay Tana at sinimulan nang kainin ang kamote. Nasarapan ito sa lasa kaya nagawa niyang ubusin ang mga kamoteng inihanda ni Tana para sa kanya.

  "Mukhang paborito mo ang kamote ah." tuwang-tuwang sabi ni Tana kay Ote. Kinabukasan, bawat mga taong dinadaanan ni Ote ay tinutulungan niya. Kahit napakadumi ng kanyang itsura, kusa lamang itong tumutulong sa mga taong nangangailangan ng tulong.

  Tinitignan siya ng mga tao dahil sa kanyang itsura pero sa kabila non ay pinasasalamatan siya sa kanyang pagtulong. Simula nung araw na iyon, nag-iba ang paningin ng mga tao kay Ote na kahit marumi ang itsura nito, malinis naman ang kanyang kalooban sa kanyang kapwa. Binibigyan na siya ng mga tao sa bayan nang paborito nyang pagkain,  ang kamote.

  Isang araw, pumunta si Ote sa mga taniman ni Tana at ito ay namaalam na. Nakita siya ni Tana at nilapitan siya nito, "Oh, Ote ano ang ginagawa mo rito?"

  "Nais ko lamang magpasalamat sa inyong kabutihan na ipinadama sa akin." sabi ni Ote. Ngumiti si Tana, "Walang ano man, Ote. Salamat rin sa iyo dahil napakabuti mong ding tao."

  Ilang araw lumipas magmula noong lumisan si Ote, isang halaman ang tumubo sa matabang lupa ni Tana. Yumuko si Tana, hinukay niya ang halaman na iyon at kamote ang kanyang nahukay ngunit iba ang itsura nito kumpara sa paboritong kamote ni Ote. Ito'y parang kahoy ngunit may maputing laman sa loob. Sinubukang lutuin ni Tana ang kahoy, tinikman at ang lasa ay hindi nalalayo sa kamoteng paboritong kainin ni Ote. Simula noon ang kahoy ay pinangalanang, "Kamoteng Kahoy".
  ‎

Vote | Comment
= follow from chibeighal_viewers

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro