Chapter 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Apollo's POV

"Maganda ba ang palabas, Kuya Apollo?" Tanong sa akin ni Artemis habang magkatabi kaming kumakain ng popcorn habang nakasalang sa DVD Player namin ang isang pelikula kung saan siya ay nasa second lead.


Kumuha pa ako ng dalawang piraso ng popcorn habang tutok na tutok sa palabas. "Mas maganda na ikaw ang bidang babae. Hindi bumagay sa itsura ng bida ang role. Masyadong daring ang itsura niya para sa isang teen fiction na palabas na tulad nito." Komento ko habang patuloy na pinagmamasdan ang bawat galaw at arte ng mga nasa palabas.

Hindi ko ito sinasabi dahil kakambal ko si Artemis. Sinasabi ko ito dahil iyon ang totoo.

Matagal ng pangarap ni Artemis ang maging artista. Nagsimula siya sa pagmomodel tulad ng pinsan naming si Leonard na ngayon ay abala rin sa ginagawang pelikula. Tulad ni Leonard ay matataas ang expectations ng madla dahil sila ay may dugo ng mayayaman at makapangyarihang pamilya rito sa Pilipinas, gayundin sa ibang bansa.

Samantalang ako, mas pinili ko ang maging pulis dahil sa isang mabigat na dahilan.

Ilang taon rin bago magbalik si Clovis mula sa military service niya'y biglang nawala ang aming ama na si Rayver Barron, at hindi rin nagtagal, napag-alaman naming may pumatay rito. Sino man iyon at ano man ang dahilan, wala kaming nalalaman, maliban sa aming ina.

Masakit para sa amin ng kuya ko na si Cedrick Jackson Barron, at kambal ko na si Artemis Kelsey Barron angmga nangyari. Pero mas pinili namin ni maging matatag para sa aming ina na si Luchia Athena Cross ang magpakatatag. Pero isa na namang suliranin ang dumating sa amin. Matapos magka-asawa't magka-anak si Clovis, namatay naman ang abuelo namin na si Rey Charleston Cross.

Hindi ko ba alam kung sumpa ito. Dahil nawala rin sa piling namin ang kuya Cedrick matapos nito mag-graduate sa kolehiyo. Pakiramdam ko, lahat ng pressure ay pasan ko na dahil sa amin ni Artemis, matanda ako ng isang minuto sa kaniya, kaya ang tungkulin bilang nakakatanda ay napunta sa akin kahit alam naman naming naririyan lang ang aming kapatid kahit halata na iniiwasan niya kami. Walang nakakaalam kung bakit, pero kahit magkaganu'n man, ayos lang dahil naiintindihan ko siya.

Napaigtad ako ng bahagya ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nagpaalam muna ako kay Artemis na ngumingiwi pa habang umaarte ang kasama niya na bida sa pelikula na ginawa nila. Hindi niya ako pinansin pero tinaboy niya ako dahil daw sa maingay ang cellphone ko at naririndi na siya. Natawa ako ng mahina bago lumabas ng theater room para sagutin ang cellphone ko.

"Hello."

"Bruh, si Zero ito. Kumusta na? Hang out naman tayo oh. Namimiss ko ng ilibre mo ako." Walang kagatol-gatol na pahayag ng nasa kabilang linya na si Zero Brace.

"Kahit kailan talaga oo. Ang kapal pa rin ng mukha mo." Natatawa kong pahayag.

Natawa rin ito sa kabilang linya pero alam ko, ramdam ko na may mali sa kaniya. Zero is my friend bago ko pa malamang anak siya ng professor ng kuya ko. Pero that time, ayaw niya sa kuya ko dahil akala niya ay inaagaw nito ang atensyon ng kaniyang ama, but he figured it out all wrong at naging magkaibigan din sila. Pero unlike us, hindi aila naghahang-out dahil palaging abala ang kuya ko sa animal clinic niya at sa Cross Builders sa Inglatera.

"Oh siya. Sige, sige. Tapusin ko lang ang movie na pinapanuod namin ni kambal at baka patayin ako nito pag bigla akong umalis na hindi natatapos ang palabas." Paalam ko bago kami natatawang tinapos ang tawag.

Pumasok akong muli sa loob ng theater room at naabutan ko si Artemis na halatang nabobored na sa pinapanuod kaya lumapit ako at tinabihan siya sa mahabang couch. She leaned closer to me and pause the movie then she rested her head to my shoulder as she speak.

"Kuya, I missed our family bonding. I miss Daddy, I missed Kuya Cedrick. I missed Abuelo." She paused and looked up at me, with tears glistening in her eyes. "Hindi ba natib pwedeng ibalik ang dati? Para mabuo tayong muli?"

I swallowed the lump in my throat, thinking on how can I comfort my celebrity twin sister. But my head is full of revenge, revenge, revenge and revenge. I looked down and I saw how her tears flow down her cheek. I feel so guilty dahil hindi ko siya kayang i-comfort. Nakaka-guilty dahil maging ako ay hinihiling na sana ay maibalik ko ang oras na kompleto pa kaming lahat. But I am not God but if I am, hindi ko rin magagawa iyon.

I hugged my twin sister until she cried her heart out. Ayoko pa naman sa lahat ay ganitong may dinaramdam siya dahil maging ako ay nasasaktan.

Hindi rin nagtagal, nakatulog ito. Binuhat ko siya at dinala sa kuwarto niya. I removed her make up by her wipes then tucked her in her bed before leaving a note to say that I am with Zero.

Habang nagmamaneho, I received a text message from my other cousin, Raphael Cerebro Cross, saying, 'I need a favor. Please meet me.'

I sighed and left Zero a voice mail. "Zero, pasensya na pero kailangan ng tulong ng pinsan ko. Babawi ako next vacation ko."

Nagmaneho ako papunta sa isang port. Pero sa halip na si Raphael ang makita ko, isang magandang babae na may blonde na buhok ang sumalubong sa akin habang nakasuot ito ng isang black cami top at itim rin na flare leg pants.

Nangunot ang noo ko dahil hindi ko kilala ito. "Sino ka?" Tanong ko sa babae na may kakaibang kulay abong mga mata.

She looked at me with interest. Para bang ang mga mata niya ay tumatagos sa mga damit ko na nagpapailang sa akin. I am wearing a simple white v-neck shirt at isang ripped and faded pants.

"Stop staring at me. It's creepy." Saway ko rito but she just chuckled and finally answered my question.

"I am Zandra Denise Brace. Raphael's inside. Sleeping."

"I am Apollo Kendrick Barron. Can you tell me who the hell are you?" Masungit kong tanong.

"Employee." She simply said.

"Anong kailangan niyo?" Tanong kong muli.

But instead answering, she walked towards me and trailed her finger through my shirt that sends something down my system kaya naman, before anything happens, I stepped back and glared at her.

"Sasabihin kong maganda ka nga, Ms. Zandra. Pero hindi iyan sapat na dahilan para hawakan mo ang anumang parte ng katawan ko." Angil ko.

"Huwag ka kasing masyadong masungit, Mr. Police Officer. Nagpapatulong lang naman ako eh." Sagot nito.

"Sabihin mo na kasi. Bakit hawak mo ang phone ng pinsan ko? Bakit nasa loob ng yate ang pinsan ko? Ano ba ang kailangan mo at talagang inistorbo mo ako sa pakikipaghang out sa kaibigan ko?" Naiirita na talaga ako na pakiramdam ko ay lalabas na sa lungga nila ang mga ugat ko.

"Chill lang. Ipapaliwanag ko."

Nalaman ko kay Zandra na may babaeng gustong puntahan ang pinsan ko. Ang problema lang ay nasa isla ito. But knowing Raphael, hindi pa nakakasimula sa paglalayag ay mamamatay na agad ito dahil na rin sa trauma na naranasan nito halos dalawang dekada na ang nakakalipas.

"Okay. I get it."

Sa araw ring iyon bumiyahe kami papunta sa isla. And for everyone's information. Nasa US kami magkapatid at gayundin si Zero. Hindi ko lang alam na naririto rin ang pinsan ko. We have a house almost everywhere that I can't name nor count. Nasa bakasyon ako pero ito ako ngayon, kasama ang isang babae na ilang oras ko pa lang nakikilala.

At ng malapit na kami sa isla, naghiwalay kami, ako dumiretso sa likurang bahagi ng malaking isla, samantalang siya ay duniretso sa daungan kung saan niya iiwan ang pinsan ko na hanggang ngayon ay lango pa rin sa sedative na tinurok ni Zandra sa kaniya.

Pinanuod ko pa sila mula sa malayo ng babaeng may burgundy na kulay ng buhok na tingin ko ay ang babaeng kinababaliwan ng baliw kong pinsan.

"Mabuti ka pa, may nahanap na." Bulong ko.

Nakaramdam ako ng matinding init kaya naman tinanggal ko ang damit ko that made my muscles almost popped out from my skin visible. Wala naman akong pakialam kung makita ako ng mga babae. Ang mahalaga sa akin ay ang mahimasmasan ang katawan ko sa matinding init ng panahon.

Tumingala pa ako bago ko marinig ang malakas na sigaw ng pinsan ko. Lumingon ako at nagtama ang mata namin ng babae na may burgundy na kulay ng buhok na nakalublob ngayon sa tubig. I recognized her, but I can't name her.

Nagkibit-balikat na lamang ako at saka hinintay na makasakay si Zandra habang patuloy ang pagsigaw ng pinsan ko na mukhang nagising na sa sedative na pinagtututurok ni Zandra sa kaniya.

At ng makasakay na ito ay agad kong pinaandar ang yate pabalik sa mainland.

Tahimik lang ang biyahe namin pero dahil pawis na pawis na ako dahil rin sa mabilis na reaksyon ng katawan ko kahit hindi naman gaano mainit ang panahon, pumasok ako sa loob para kunin ang isang extra shirt ko na nasa kuwarto ng yate. Pero sa halip na makita ko iyon sa ibabaw ng kama ay nakita ko itong suot ni Zandra.

'Great!' Please note my sarcasm.

----------------

A.N: Hello guys. Oh well, alam ko naman na nag-aabang kayo ng MBAA at TBG, pero ano magagawa ko kung ang nasa isip ko mula ng makatulog ako ay ang hunk natin na si Apollo? Ohmoooo! Pag pulis talaga nakakapang-init ng... Basta! Haha. Oh well, salamat nga pala sa nagpahiram sa akin ng name at nagbigay ng pagkakataon sa sarili na magkaroon ng asawa xD


Zariyahdenise16

Bebetot. Ayan na ah. Simula na ng love story niyo ni Apollo. Enjoy xD

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro