Chapter 11

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

INIWAN siya ng apat sa food court kung saan mag kikita sila ni Kayden. Habang nag hihintay ay ilang beses niya binaba ang suot na bestida. Ilang weeks pa lang ang lumilipas pero hindi na siya sanay mag suot nito.

"Hey." Ang kaninang maliwanag na paningin niya ay dumilim dahil sa dalawang kamay nag takip sa kaniyang mata.

"Kayden," sita niya rito. Lumingon siya rito nakasimangot. Kinurot naman nito ang dalawa niyang pisngi habang may nakapaskil nakakainis na ngisi ito sa labi.

"Na-miss mo siguro ako inisin, no?"

"Actually, yeah, I missed you." Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi siya makapagsalita habang titig na titig sa mata nito.

Mabilis siyang umiwas ng tingin dito pagkatapos ay tumikhim. Inayos niya ulit ang suot na dress.

"Kumain ka na? Tara, kain tayo. I'm so hungry!" Hahawakan niya sana ang kamay nito nang matigilan siya. Nasanay siya kay Cooper kapag nakain sila.

"Mukha ngang gutom ka na," asar nito sa kaniya pagkatapos ito na mismo ang humawak sa kamay niya na kinabigla niya.

Seryoso? Si Kayden ba talaga 'to? She asked to herself. Simula nang halikan siya nito sa noo ay nag bago na ang pakikitungo nito sa kaniya.

Ever since they were kids. They love to tease each other. Hindi rin siya nito hinahawakan. Sa totoo nga lang ay sobrang iwas nito sa kaniya.

So, what happened in those past weeks?

"Saan mo gusto kumain? Sa KFC? That's your favorite, right?"

How?

"Ah, oo. H-how do you know?"

Hindi nawawala ang ngiti nito sa kaniya nang lingunin siya nito. "You love chickens," he toothy said.

Nang makarating sila sa loob ng resto ay sabay silang pumila para umorder sana. "Mauna ka na do'n. Ako na ang o-order."

"Ha? Bakit? May paa at kamay naman ako?"

Tawa lang ang sinagot nito sa kaniya bago siya nito tinaboy paalis. Sinunod na lang niya ito at nag hanap ng mauupuan nilang dalawa sa hindi kaduluhan.

Hinawakan niya ang kamay nang makita niya nanginginig ito sa kaba. Grabe, 'yong takbo ng puso niya. Parang makikipagkarerahan.

Hindi rin nag tagal ay bumalik si Kayden na may bitbit na tray kung saan may laman na isang bucket of chicken and mashed potato.

Pumuso agad ang mata niya ng makita niya ang maraming manok sa bucket. Hindi na siya nakapaalam sa binata at kumuha agad ng manok at kinain ito.

Mahinang pumadyak siya ng malasahan ang manok lalo na kapag sinawsaw ito sa gravy. The best!

She moaned while eating nang matigilan siya. Nasa half-way na ang manok sa kaniyang bibig ng makita niya si Kayden nakatingin sa kaniya. Bigla siya na-conscious.

"Huwag mo nga ako titigan ang pangit mo!" Kinuha niya ang tissue nasa gilid niya at binato sa harapan nito.

"Ang cute mo kasi kumain. Na-miss ko 'yon."

Inikutan niya ito ng mata at nag patuloy kumain. Ano-ano mga pinagsasabi nito sa kaniya. Bwisit lang!

"How are you, Ashley?" he asked. Inabutan siya nito ng plato at nilagyan ito ng manok. Nasa manok ang buong atensyon niya nang mag tanong ulit ito sa kaniya. "Have you met him?"

Pinatitigan niya ito. Gusto niya basahin ang tumatakbo sa isipan nito ngunit hindi niya ito mabasa.

"No," she answered truthfully. "I am afraid," dagdag niya pa.

"Why? Takot kang ma-reject ulit?" Sinamaan niya ito ng tingin. Gusto sana niya mag mura kung hindi niya lang naalala ang sinabi nina Cooper at Carter sa kaniya. Kainis din!

"Ano siya pogi? I won't let him reject me, no?"

He chuckled. "Good," biglang seryoso nitong saad. "Because I will snatch you away from him If he rejects you."

What the fuck?!

    Sa gulat niya ay nabitawan niya ang hawak na manok habang may malokong ngisi si Kayden sa kaniyang harapan.

TULALA pa rin siya nang ihatid siya ni Kayden sa tapat ng Evinea girls' town. Hindi pa rin nag pa-process ang sinabi nito sa kaniya.

Ano raw?!

Narinig niya ba talaga 'yon ng tama? o her brain just fucking her?

"I'll be going," he said. Doon lang nabalik siya sa realidad nang mag salita ito. Tumango-tango siya rito pagkatapos ay dumako ang paningin niya sa sasakyan nasa hindi kalayuan.

Sinundan siya ng apat. Hindi nila inasahan na may balak pa siyang hatirin ni Kayden.

"O-okay, ride safely." Kumunot ang noo niya. Tama ba 'yong sinabi niya? Hindi ba, drive safely 'yon?

"I mean, mag ingat ka mag maneho. Tell them I missed them so much especially mama."

"I will." He nodded.

Akala niya ay aalis na ito nang yakapin siya nito ng mahigpit. "Oh, there's a hug?" awkward niyang saad rito. Marahan na lang niya ito tinapik para sabihin na hindi siya bastos man lang.

    "Bye, Kayden," paalam niya rito. He smiled and nodded to her pagkatapos ay tumalikod na ito para pumasok sa sasakyan nito.

    Napansin niya na kanina pa may nakatingin sa kanila na mga estudyante. Ang laki ng school ay parehas lang din sa boys-town.

    Hinihintay niya lang si Kayden na pumasok sa sasakyan nito at umalis para makaalis na rin siya ngunit nag taka siya nang tumalikod ito ulit at hinarap siya.

    Dinalawang hakbang nito ang pagitan nilang dalawa. Namalayan na lang niya ang sarili na hinalikan siya ni Kayden sa labi.

    Naistatwa siya sa kaniyang kinatatayuan. Limang segundo nakadikit ang labi nito sa kaniya hanggang marinig niya ulit ito mag paalam sa kaniya.

    "What the fuck, Kayden!" sigaw niya rito. Ilang mura ang napakawala niya sa inis lalo nang hindi niya ito naabutan dahil mabilis itong nakapasok ng sasakyan nito.

    Sinipa niya ang sasakyan nito nang hindi nito binuksan ang pinto. "Tangina mo!" mura niya ngunit pinaandar na nito ang sasakyan paalis sa kaniya.

    "Gago ka pa rin talaga!" malakas na sigaw niya nang kinalingon ng mga babaeng estudyante dumaan sa gilid niya.

    Nag papadyak siya sa inis nang makarating ang apat sa kaniyang harapan. Mahahalata rin ang gulat sa mga mukha nito.

    "Tangina talaga ng lalaking 'yon!" She hissed. Hinawakan nina Law at Win-win ang kamay niya.

"It's okay, Ashley. Halik lang naman 'yon."

"Yeah, halik lang," saad ni Samuel.

"Maliban na lang kung naka-contact na si Ashley sa soulmate nito ng hindi namamalayan. Hindi maganda ang balik nito sa lalaki," si Cooper ang tumapos sa sasabihin ni Samuel.

"Anong mangyayari?" she asked.

"Babagsak enerhiya niya ng isang araw. For some reason, he will feel the emptiness and the sadness," paliwanag ni Law. Sila lang pala ni Win-win ang walang may alam sa impormasyon.

    "But I haven't met him," giit niya.

    "I know, honey. Kaya, it's all good," pag co-comfort ni Law sa kaniya. Marahan pa siya nito hinimas sa braso. Yumakap naman si Win-win sa kaniya.

"Come on, Ash. We need to go back," ani Cooper. Bagsak ang balikat na tumango siya sa mga ito.

Today was so fucking exhausting.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro