Chapter 17

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

     WHENEVER Greygory had a chance. Patago siya nito hinihila at hinahalikan sa labi. Minsan din ay hihilahin lang siya nito kapag gusto nito siya yakapin at amuyin.

     Hindi niya sinabi kala Samuel, Cooper, at Carter ang tungkol kay Greygory dahil na rin, ayaw niya pangunahan ang binata kahit hindi nito alam na alam nina Samuel na babae siya.

    Gustuhin man niya ipaalam sa kanila pero siguro hindi pa sa ngayon. Busy pa rin kasi si Greygory sa paghanap ng scholarship nito sa university. Alam niyang sobrang importante iyon sa binata.

    "So, bakit kasama ka na naman namin?"

     Natahimik siya nang mag tanong si Cooper kay Greygory. Umiwas siya ng tingin sa mga ito at nag patuloy sa pagkain ng kaniyang tanghalian.

     "Masama ba? I want new friends," saad nito. Gusto niya umikot ang mata sa sinabi nito. Way to go, Greygory. Sana paniwalaan ka nila lalo na't nakakahalata na si Cooper.

     "Talaga lang, ha?" may pag-uuyam ang tono nito. Hindi siya naki-asusyo sa mga ito at kumain lang. "Ikaw ba, gusto mo ng bagong kaibigan, Ash?"

     Muntik na siya mabulunan sa gulat. Hahawakan sana siya ni Greygory nang bigyan niya ito ng masamang tingin.

     "H-ha? I guess? Since bago lang naman ako rito," nag iingat niyang saad sa mga ito. Pinagtaasan naman siya ng kilay ni Cooper. Binalewala na lang niya ito. Hindi naman siya nito pipilitin kung ayaw niya mag kwento pa.

     "Ikaw din ba, Bleu? Gusto mo ng bagong kaibigan?"

     She mentally shook her head. Sinama rin kasi ni Greygory si Bleu sa kanila para daw hindi gano'n kahalata sila.

     "Kasi I'm sure, Ash likes to be friends with you," malokong saad ni Cooper. Doon na siya natuluyan masamid. Gusto niya gupitin ang naka-ngising labi ni Cooper sa inis.

     Nahihiya na ngumiti siya kay Bleu. Ramdam naman niya ang titig ni Greygory sa kaniya pero hindi niya ito pinagtuonan ng pansin.

     "Sa 'kin ba? Gusto mo ako maging kaibigan?" saad ni Greygory. Tangina. Doon na siya napalingon dito.

     Napansin niya pa na mas lalong lumawak ang ngisi ni Cooper kung saan tinapik-tapik pa nito ang balikat ni Samuel naguguluhan sa nangyayari.

    She cleared her throat then proceeded to talk. "Hm, maybe? But maybe not?" may maloko niyang saad.

NASA bleachers siya ng soccer field. Sinusubukan niya iguhit ang mga ito habang hinihintay si Greygory. May practice kasi ang mga soccer team.

Tumakas lang siya kala Cooper at Samuel pero sigurado siya malalaman din ng mga iyon kung saan siya pumunta dahil kanina pa siya binibigyan ng masamang tingin ni Carter.

"Little dude! Anong ginagawa mo rito?" Nagulat siya nang lumapit si Anthony sa gawi niya nang mag announce si Greygory ng fifteen minutes break.

"A-ah, wala naman. Nag papahangin." Pilit pa siyang tumawa. Pasimple naman niyang hinahanap si Greygory kung saan nakatingin na sa kaniya.

Tumabi sa kaniya si Anthony habang umiinom ng energy drink. Pinakita naman niya ang hawak na sketch pad.

Kinuha ito ni Anthony at pinagmasdan. "Galing," papuri nito sa kaniya pagkatapos ay ginulo pa nito ang buhok niya. Naka busangot na inayos niya ang buhok.

"Kumusta ka pala, Ash?"

Hindi niya inaasahan ang tanong nito sa kaniya. Bigla rin kasi ito nag seryoso.

"Maayos naman. Nasasanay na ako rito sa campus niyo," sagot niya. Natawa ito. "Campus mo rin naman 'to."

Nahihiya na kinamot niya ang batok. Oo nga naman pero kasi hindi naman talaga siya lalaki para manatili sa campus nila.

Binalik ni Anthony ang sketch pad sa kaniya pagkatapos ay tinuro si Greygory. Kinabahan naman siya bigla.

"I didn't know close na rin kayo ni Gory."

"Hindi ko rin akalain na magiging close ko siya," bulong niya pero narinig ni Anthony dahil lumingon ito sa kaniya.

Sa totoo lang, seryoso itong nakatingin sa kaniya. Bigla tuloy siya nailang dito.

Nang hindi siya makatingin dito ay bigla ito natawa pagkatapos ay ginulo ulit ang buhok niya. "Ayos din 'yon, para marami kang kaibigan."

"Oo nga." Binalik niya ang tingin kay Greygory. Nakamasid pa rin ito sa kanila. Hindi lang ito makalapit dahil mariin niya ito tinititigan para hindi lumapit sa kanila.

"I found her."

Mabilis siyang napabalik ang atensyon kay Anthony. Nang gulat pa rin siya at hindi mahanap ang sasabihin ay nag salita ulit ito.

"I found my soulmate, Ash."

"Wow, Ants! That's great!" Marahan niya ito hinampas sa balikat. "Ipakilala mo sa 'kin sa susunod," saad niya pa.

"Sure, ikaw ba nahanap mo na? Siya dahi—"

"Tuazon! Tapos na ang fifteen minutes break. Bumalik na kayo sa field!" sigaw ni Greygory. Tinapik naman siya ni Anthony sa likuran bilang paalam bago bumalik sa field.

SABADO ng gabi. Makalipas ang dalawang linggo. Sinamahan siya ni Greygory mag laundry. Nasa second floor sila. Iilang mga estudyante na lang din ang naroroon sa mga oras na iyon.

     "Naalala mo ba 'yong araw nakausap kita rito pero nasa first floor tayo no'n?" panimula niya. Pinag hiwalay niya ang puti sa de color na damit sa washing machine.

    Lumapit si Greygory sa kaniya at tinulungan siya mag hiwalay ng mga damit nito. Nauna kasi ito sa kaniya mag laba kanina dahil may tinapos pa siyang pag pinta kanina.

    "Speaking of, I felt so tired and empty that day. Wala akong gana mag training."

Nang sabihin iyon ni Greygory ay nag kunwari siyang hindi ito narinig dahil alam niya ang dahilan kung bakit gano'n ang naramdaman ng binata no'ng araw na iyon.

"What did you do that day? Umalis ka no'n, hindi ba?"

"H-ha? Hindi no!" Kinuha niya ang ilang damit niya nasa kamay ni Greygory at mabilis niyang pinag sasalpak ang mga ito sa loob ng washing machine.

"Bakit pakiramdam ko nag si-sinungaling ka?"

     "Hindi ko na matandaan, Grey—" Nagulat siya nang hawakan nito ang braso niya at pinaharap siya nito. Sinubukan niya tumingin dito pero hindi niya magawa, kaya umiwas na lang siya.

"Oh, really? Hindi ka nakipagkita kay Kayden no'n?"

She hissed nang marinig ito pagkatapos ay tumingin siya sa paligid. Nakahinga siya ng maluwag nang sila lang ni Greygory ang nando'n.

"Sorry," he apologized.

"Oo na, nakipagkita na ako and he kissed me. That's why you were feeling empty and—"

"He did what, Ash—" Mabilis niya tinakpan ang bibig nito. Sobrang bilis din ng tibok ng puso niya.

     "Shh!" Pinatitigan niya ito sa mata. Hinawakan naman nito ang baywang niya at niyapos siya sa katawan nito. Nabitawan niya ito at napahawak sa gilid ng balikat nito.

Nang hindi niya matagalan titigan si Greygory ay niyakap na lang niya ito. Nilagay niya ang ulonan sa dibdib nito. Tumagal sila sa gano'n posisyon. Rinig na rinig niya rin ang bawat hampas ng puso ni Greygory sa dibdib nito.

Mas humigpit ang yakap niya rito. Hindi rin nag tagal ay namalayan niya na sinu-sway ni Greygory silang dalawa.

"Wala naman kanta, Grey," bulong niya. Nilagay nito ang baba sa kaniyang ulonan at nag simula ito mag hum.

"I'm sorry, hindi ko alam na gagawin niya 'yon."

"It's okay."

"I was really worried about you that day. Alam mo ba 'yon?— without me knowing you're actually mine."

"Talaga? I'm yours?" Marahan na hinaplos ni Greygory ang baywang niya habang nag patuloy pa rin ito sa pag swayed.

She smiled. "Of course, idiot. Ikaw lang naman ang may ayaw sa 'kin."

"Who told you na ayaw ko sa 'yo, baby?"

"Ewan ko sa 'yo. Puro ka kalokohan," saad niya pero mas lalo naman niya ito niyakap.

"Ashley?" marahan nitong tawag. She hummed. Chi-ne-cherish niya ang yakap nito sa kaniya. Hindi niya pa kasi ito magawa in public.

"I love you."

Natigilan siya. They haven't said those three words yet. Akala niya kasi ay dadahan-dahanin muna nila kung anong mayroon silang dalawa. Hindi niya inaasahan ito.

"I love you, Ashley. I don't want to lose you."

Mas humigpit ang yakap nito sa kaniya. Siniksik pa nito ang mukha sa kaniyang leeg.

"You will not, Grey. I won't let them," she said at mas niyakap ito nang mahigpit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro