Chapter 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SHE closed her eyes when Greygory kissed her. Sa tuwing hinahalikan niya ito ay parang may paru-paro sa kaniyang tiyan at hindi siya mag sasawa na halikan ito.

Niyakap siya ni Greygory nang bumitaw ito sa paghalik sa kaniya. Mahigpit naman niya rin ito niyakap. Nasa isa silang silid na walang mga estudyante.

"Gustong-gusto mo halikan ako, no? Ayaw daw no'ng una pero hindi mabitawan labi ko," asar niya rito. Natawa naman ito at mas niyakap siya.

"Inaasar mo ba ako?"

"Maybe? or maybe not?" Natawa siya nang kilitiin siya nito sa tagiliran. Minsan talaga ay ang saya nito asarin. Lalo no'ng mga panahon hindi pa nila alam na soulmates silang dalawa.

Kaya, siguro inis na inis si Greygory sa kaniya dahil sa soulmate pulled. Maisip lang 'yon ay hindi niya mapigilan matawa ulit.

Sa huling pagkakataon ay hinalikan siya nito sa labi bago silang dalawa humiwalay sa isa't isa at lumabas ng silid.

     "Putangina!"

Napahawak siya sa kaniyang dibdib at gulat na tinitigan si Carter kung saan sa tabi nito ay si Cooper na seryosong nakatingin sa kaniya.

Kinakabahan na nilingon niya si Greygory lumabas ng silid. She bit her lower lip at tinitigan sina Carter at Cooper.

"I.." hindi niya mahanap ang gustong sabihin sa mga ito. Halatang huling-huli sila sa akto. Hindi na siya pwedeng mag sinungaling.

"We heard," Cooper said. Tumango siya. Binalik niya ang tingin kay Greygory. Gulat din ito pero halatang naguguluhan sa nangyayari.

Lumingon siya sa paligid pagkatapos ay hinila sina Cooper at Carter sa loob ng silid. Kahit si Greygory ay tinawag niya rin na bumalik sa loob.

Naabutan niyang nakatingin sa kaniya ang tatlo. Humihingi ng kasagutan.

Greygory sighed. "May tinanong lang ako kay Ash. So, let's go back—" binalik ni Greygory ang tingin sa kaniya pagkatapos sa kambal.

"Alam niyong babae siya?!"

Napahawak siya sa kaniyang ulo. Sumasakit ang ulo niya. Hinawakan niya ang kamay ni Greygory para lumapit ito sa kaniya. Nag tataka na tumingin si Greygory sa kaniya. Tumango naman siya rito.

"Yes, alam nila. Si Cooper unang nakaalam but since Carter is a mischief twin. He pretended to be Cooper para i-prank ako but he saw—"

"He saw what, Ashley?!"

"I saw her—" mag sasalita pa sana si Carter nang unahan niya ito. "He saw nothing!" sigaw niya para tumigil na ang mga ito.

"Wait, ito ba 'yong dahilan kung bakit mo nasabi katulad ako ni Carter?"

"Anong katulad mo ako?" Tumingin si Carter sa kaniya pagkatapos kay Greygory. May masama itong tingin, basically.

"You, sinabi mo sa kaniya na hindi mo tatanggapin ang soulmate mo. Kaya, iniisip niya rin na hindi ko siya tatanggapin!" inis na saad ni Greygory.

"B-but you said, focus ka muna sa studies and sa team mo."

"That is before I met you, silly!"

Natigilan siya. Kahit sina Cooper at Carter ay natigilan din. Maski siya ay hindi inaasahan ang sinabi ni Greygory.

"Anyway, before we come to conclusion that we already knew her secret. Can I punch you, Gory?" Hinawakan pa ni Carter ang kamao nito na parang nag hahanda na sa isang suntukan.

"Kuya! Walang suntukan mangyayari!"

"I told you, bibigyan ko siya ng isang suntok sa pinag-gagawa niya sa 'yo. I don't care kung Captain pa siya ng team."

Hinawakan ni Cooper ang kamao ni Carter at seryosong nilingon si Greygory. Kanina pa siya nag aalala kay Cooper dahil kanina pa ito tahimik.

"Walang suntukan mangyayari sa ngayon but I promise you. Kapag sinaktan mo si Ashley, hindi lang kamao ko ang makakalapat di 'yan sa mukha mo, Greygory," saad ni Cooper.

Patago siyang ngumiti sa sinabi nito. Sobrang swerte niya nakilala niya ang mga ito. Kung uulitin niya ang ginawa ay sigurado siyang hindi siya mag dadalawang isip na gano'n ulit ang gagawin.

Sa sobrang saya niya ay niyakap niya si Cooper na kinagulat nito. Hinila niya rin si Carter sa yakap when she heard him cleared his throat.

"Thank you mga kuya ko!"

Marahan na tinapik ni Carter ang ulo niya habang hinalikan naman siya sa noo ni Cooper.

"Don't tell kuya Samuel, I hugged you both," bulong niya sa mga ito. Natawa naman si Cooper.

"Ehem," singit ni Greygory. Sabay silang tatlo lumingon dito. She smiled at him pagkatapos ay bumitaw sa kambal.

Niyakap niya rin si Greygory.

"Ashley." Nilingon niya si Carter nang seryoso itong nakatingin sa kaniya, sa kanilang dalawa ni Greygory.

"Tapos na pinag-usapan natin. You finally found him."

    KANINA pa siya paikot-ikot sa kama. Hindi niya magawa makatulog. Nilingon niya ang kama ni Cooper. Mahimbig na itong natutulog.

     Kinuha niya ang cellphone. Pumunta siya sa inbox. Hindi niya alam kung gising pa si Samuel pero sinubukan niya pa rin i-text ito.

    Kanina niya pa kasi iniisip ang sinabi ni Carter. Katulad nang pinag-usapan nila. Nahanap na niya ang soulmate niya pero ang usapan, matapos ang unang semester at may ilang buwan pa para matapos ang first semester.

    Pero sa tutuusin. Pwede na niya tapusin. Para na rin sa ikakabuti ng lahat.

     Chineck niya ulit ang inbox pagkatapos ay lumabas siya ng dorm kung saan nag aabang na sa kaniya si Samuel. Nakasuot ito ng varsity jacket habang nakasuksok ang kamay sa bulsa dahil sa lamig.

     Pumunta sila sa malapit na terrace. Pinagmasdan nila ang kumikinang na mga bituin sa kalawakan.

     "Thank you, kuya Sam," panimula niya. Hindi niya rin inaalis ang tingin sa kalangitan.

     "I found him," nang sabihin niya iyon ay lumingon siya kay Samuel. May ngiti sa labi nakatingin ito sa kaniya.

     "Alam ko. I'm happy for you." Ginulo nito ang buhok niya. She smiled. "Can't you believe it? Si Greygory 'yong soulmate ko?"

    "Yeah, I also couldn't believe it. Kaya siguro, inis 'yon sa iyo."

     "That's what I thought din."

Parehas silang natawa ni Samuel. "But Ashley, ang gusto lang namin para sa 'yo ay maging masaya ka. You deserved it."

    Niyakap niya ito nang mahigpit. "After this semester, babalik na ako bilang Ashley. I just need more time to think how to reject my arranged marriage to Kayden," she said then bumitaw siya kay Samuel.

     "Have you talk about this to Gory?"

     Umiling siya. "Not yet but shempre he's against it."

     "If you need any help. Andito lang kami nina Law at Cooper."

     "Salamat ulit, Samuel."

     He smiled. "Come on, let's go back. Masyado nang malamig." Tumango siya at sabay na silang bumaba at umuwi sa sari-sarili nilang dormitory.

    HINDI niya inaasahan ang dami ng taong pupunta sa kanilang paaralan. Lumipas ang dalawang linggo dahil na busy sila sa pag aasikaso para sa gaganapin na event. It was their university yearly foundation wherein the girls-town would also attend to their campus.

     Isang beses sa isang taon.

     "I'm sorry, it slipped my mind, Ash," bulong ni Samuel sa gilid niya habang sabay nila pinapanood ang mga taong dumadami.

    Hindi lang ito isang araw dahil isang linggo idadaos ang kasiyahan. Maraming activities at palaro. Ito rin ang nakaraan pa nilang bi-ni-busy pero hindi man lang nasabi sa kaniya ni Samuel ang mangyayari.

    "Why the fuck no one told he—m!" Turo pa ni Carter sa kaniya.

     "Akala ko nasabihan na siya ni Samuel," dipensa ni Cooper sa sarili. Sa totoo lang, wala na silang oras para mag sisihan dahil ilang oras na lang ay mag sisimula na ang laro ng soccer team.

     "Inamin ko na kasalanan ko. Can we proceed now?" inis na saad ni Samuel. Ngayon niya lang ito nakitaan mainis. Sigurado siyang sinisisi nito ang sarili.

     "Mag i-ingat na lang ako ng mabuti." Hinawakan niya ang kamay ni Samuel.

     Lumingon naman si Carter sa kaniya. Nanlilisik ang mata. "Siguraduhin mo lang. Nasaan ba 'yang si Gory?"

     "A-ah, eh, busy siya dahil Captain niyo siya?" alanganin niyang saad. Mas lalo naman nanlisik ang mata ni Carter sa kaniya.

    "Come on, guys! Let's go." Hinila sila ni Samuel para mag patuloy na ngunit huminto rin ito saglit pagkatapos ay lumingon sa kaniya. "Just, just be careful," he said. She nodded.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro