Chapter 1: Fonias

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Kyria mou.."

"Se parakalo xypna.."

"Prepei na fygete, prepei na eiste eleftheroi.."

Hmm I opened my eyes to see where that voice came from but I can't see anything.

It's pure black and I dont really know if I'm sitting on the ground or am I floating..

I can't feel anything...

Then there goes the voice that keep on saying something that I don't understand..

It was a man's voice. I don't know who it is.. but his voice is so familiar.

"Kyria mou.."

"Who are you?! Show your self!" - I finally manage to say something.

"Frontisei .. kyria mou..."

I don't understand what he said but something.. there's something inside me- I can't name it!

What am I feeling right now?!

Then I felt a drop of water fell off my eyes..

"Se agapo, Lucas. Proseche "

- I don't know the meaning of it.. it just came out of my mouth..

I closed my eyes, I feel so tired.. I don't know why..

And Before I fell asleep, I heard his voice again.. it's so soft and full of care and love.

"Se agapo toso poly, kyria mou. na eisai asfalis" - the last thing I heard before everything went black..

.....

"Tulog ba sya kuya?"

"Bakit naman sya matutulog sa madumi na kuweba eh napaka raming pwedeng tulugan dito na malinis?"

"Oo nga no? Tignan mo rin yung suot nya kuya, napaka ganda."

"Oo nga, paniguradong isa sya sa mga prinsesa. Pero bakit sya andito?"

"Baka nawawala sya? Baka naligaw at naka tulog na lang dito?"

"Hmm baka nga. Pero napaka imposible pa rin. Anlayo ng kahariaan ng mga royalties at madami pang bayan ang kaylangan nyang daanan para nakarating dito.. pero Yun ay kung galing sya sa kaharian ng mga royalties."

"Kung ganon maaaring taga ibang bayan lamang sya na malapit dito."

"Ganun na nga."

"Ngunit kataka taka pa din ang kanyang kasuotan."

"Maaaring may pyestahan o iba pang pagdiriwang sa kanilang bayan kayat ganyan ang kanyang kasuotan."

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko.

Minulat ko ang mata ko at nakita ang isang batang babae na may maikling buhok na kulay berde. Sa tabi naman nito ay isang batang lalaki at berde rin ang kulay ng buhok. 

Napatingin naman ako sa kanilang kasuotan na halatang gawa gawa lang nila at butas butas pa.

"O-ohh kuya gising na sya!"

Boses iyon ng batang babae, na unang nakakita sakin. Lumapit ito kasunod ng kasama nya na tinatawag nyang kuya.

"Ayos ka lang ba, binibini?"- tanong ng batang lalaki sakin.

Tumayo na muna ako bago sya tugonan ng simpleng tango.

"Aumm.. saan ka po nakatira? Bakit ka po dito natutulog? Naliligaw ka po ba?"- sunod na tanong ng batang babae na sinulyapan ko lang saglit dahil hindi ko naman alam kung anong isasagot sakanya. Inilipat ko na lamang ang paningin sa buong paligid.

Nasa isang gubat ako na may matatayog na puno at merong ibat ibang klase ng bulaklak na napaka kulay, namamangha man ay hindi ko magawang ngumiti...

Napa baling naman ako sa dalawang nasa harap ko na titig na titig sakin. Mukhang naghihintay pa din sila sa sagot ko sa tanong ng batang babae.

Umiwas ako sabay yuko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko..

"I.. d-don't know... I don't know where I came from, why am I here and who I'am..."- for no reason I felt sad. I don't remember anything and my head hurts..

Nakita ko naman ang gulat sa mga mata nila at ang mga mata nila na parang nag uusap habang nakatingin sa isa't isa bago tumingin sakin.

"Gusto mo ba munang sumama sa tirahan namin habang inaalala mo kung sino ka at kung saan ka nakatira?"- tanong ng batang lalaki.

Sa pagtango ko ng dahan dahan ay nasulyapan ko ang galak sa kanilang mga mata. 

Pareho silang kumapit sa magkabila kong kamay saka ako hinatak kung saan. At habang naglalakad ay kinukwentuhan nila ako, marami silang nabanggit na mga bagay na hindi ko maintindihan kagaya ng ULILA na sila.. at tangi ko lang naisaulo ay ang pangalan nila. Yung batang Babae ay si Bela at ang batang lalaki naman ay si Brent.

Ilang oras lang ang nilakad namin at nakarating kami sa isang lugar na puno ng mga kung ano anong nilang. May mga matutulis na Tenga at sobrang puti.. if I'm not mistaken they are called elves. Marami pang nilalang dito na palakad lakad na hindi ko pa kilala.

Napansin ko rin ang mga matatalim na bagay na ibinebenta nila. Sa tingin ko eto ang tinatawag nilang sandata para mag protekta at pumatay- ackk!! 

I'm starting to regain my memories but I'm regaining it too painfully! Sumasabay pa ang titig ng mga nadadaanan namin ngunit isinawalang bahala ko na lamang.

"Ate ayos ka lang ba?"- tanong ni Brent na kanina na pa ata napapansin ang panghihina ko.. hindi ko rin alam kung bakit pati ang pag hinga ay sobrang nakakapanghina...

Tumango lang ako bilang tugon.

"Ate, may gusto ka bang bilhin na patalim bago tayo dumeretso sa aming tahanan?"- tanong sakin ni Bela 

Simpleng tango lang ulit ang tinugon ko sabay punta sa harap ng pamilihan at nagtingin.

Napansin ko ang pag aalala sa mukha ni Brent habang nakatingin sakin ngunit wala na ring nagawa dahil hila hila na sya ng kapatid.

  Nagtitingin din sila sa ibang pamilihan na medyo malayo saakin. Ayos na din yun para hindi na masyadong magtanong si Brent.. sobra na rin kasing nanghihina ang katawan ko at nahihirapan na ko sa paghinga pero ayoko namang silang bigyan ng pasanin.

Nagtingin tingin na lamang din ako. 

"Hindi pamilyar ang mukha nya."

"Saang lahi sya nabibilang? Wala akong maramdamang kahit na anong kapangyarihan sakanya.."

"Kakaiba rin ang kanyang kasuotan.. wlang ganyan dito sa ating lugar."

"Iyan din ang napansin ko, pwede kong sabihin na isa sya sa mga nakatataas ngunit wala pang dumadalaw rito na Isang royalty maliban sa mga warrior at wizards."

Bulungan ng mga matatandang kaninang nagtitingin tingin lang. Hindi ko na sila pinansin dahil may naka agaw na ng pansin ko.. dalawang magkapares na patalim na kung titignan ay parang simpleng patalim lang.

 Hinawakan ko ito at naramdaman ko ang pagdaloy ng inerhiya na galing sa patalim patungo sa saaking mga palad.

Ice... 

"Ikinagagalak kong makita kang muli."- napabaling ang paningin ko sa matandang sa tingin ko ay namamalaha nitong maliit na pamilihan

Nagtataka akong tumingin sakanya ngunit umiling lamang sya at ngumiti.

"Gusto mo ba yan ija?"- tanong nya

Tumango ako at tinignan muli ang patalim. 

Sinong walang hiya ang nagsilid sayo rito kapatid? 

"Kung gayon ay sa iyo na iyan." 

"At ano ang kapalit?"

"Wala. Ang gusto ko lang ay pangalagaan mo iyan."-sagot nya. 

Napatitig ako sa kanya ng nagtataka pero nawala rin yun ng biglang magsigawan ang mga nakapaligid samin, nagtatakbuhan na akala mo ay hinahabol ng isang halimaw na handa ng pumatay..

Narinig ko ang sigaw na may halong gulat, takot hinanakit, at galit. Kasama nito ang halakhak na Ng gagaling sa masasamang tao. Nararamdaman ko.. nararamdaman ko ang kadiliman na bumabalot sa kanilang puso at utak.. nararamdaman ko ang inerhiya na dumadaloy saakin sa bawat galit na isinisigaw ng bawat panig... 

Bumabalik ang aking lakas.. 

"A-ate! ATE!"- narinig ko ang sigaw ni Bela. Nakita ko sya na tumatakbo papunta sa direksyon ko kasama si Brent at paglapit na paglapit nila ay hinila na nila ako papunta sa kung saan saang butas.

Bago kami makakaalis ng tuluyan sa pamilihan ay nakita ko ang biglang pagkawala ng matanda.

And my brother (the dagger) is reacting to this havoc.

He needs to be named to be fully activated. Okay, I'll name you brother.

"Cross. That will be your new name"

I heard a loud yawn "Good morning Master"

"Good Morning my little devil"

I saw Brent looking at me..
Fear and confusion is painted all over his face.

He wants to ask something but right now we're in the middle of 'running for our lives..'

Ng medyo makalayo ay  tinanong ko kung anong nangyari. Nagtinginan muna sila bago sumagot.

"Foniás..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro