Fifteen

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Fifteen.

Masama bang madissapoint ako na dinala niya ako sa isang restaurant? Gosh. Hindi ko na din maintindihan sarili ko. Really, Kiwi, kakakita ninyo pa lang ulit tapos nasa hotel na agad ang isip mo? Kaloka.

"Avocado shake na lang." sagot ko ng tanungin ako kung anong drinks ang gusto ko. Nginitian ko ang waiter pagka alis.

Unti unti kong nilingon ang paligid. Tahimik ito, hindi tulad ng mga restaurant na napupuntahan ko. Halos lahat tuxedo and formal dress. Bigla tuloy akong napatingin sa mini dress na suot ko. Bakit pa kasi ako sumama dito kay Loey? Ang akala ko kasi sa ano..kami pupunta..teka nga, bakit ko nga ba naisip 'yon?! Purket ba, nag kita kami?

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Loey na ikinagulat ko pa. Ipinatong niya ang kanyang braso sa lamesa. "What's wrong-"  aniya na bahagyang natigil dahil dumating na ang mga pagkain.

"Thank you." sabi namin doon sa waiter.

Tahimik kong kinain ang steak na nasa harapan ko. Paulit ulit ko ring pinaglalaruan ang mga hilaw na nandoon sa aking plato. Hindi ko alam kung anong inorder ni Loey pero sarap na sarap naman siyang kumain.

Biglang pumasok sa isip ko, ano kayang ulam nila mama ngayon? Kumain na kaya sila, o kailangan ko pa silang bilhan ng food pag uwi?

"Kiwi," tawag niya sa aki. Kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya at hindi na sa carrots.

"Bakit?" tanong ko.

"In two weeks, makakalaya na ang papa mo." Simpleng sabi niya na nagpagalaw ng utak ko.

"A..ano?" nalilitong sabi ko. Tama ba yung narinig ko?

"In two weeks, laya na si Mr. Astralavio." ulit pa niya na lalong nagpakabog sa akin.

"Totoo ba 'yan?" mabilis na kabog na ang dibdib ko. Hindi na rin kasi ako makapaniwala. Ilang taon na ang kaso ni papa at walang abogado ang gustong mag hawak ng kaso dahil nga, talo na daw agad si papa, tapos ito si Loey.. Mag iisang buwan pa lang niyang hawak ang kaso pero lalaya na agad si papa? Totoo ba?

"Naparole ba?" paninigurado ko. "Parole o piyansa lang?"

"He's a free man. In two weeks." sagot niya at sumimsim sa wine glass.

Hindi ko mapigilan ang mapaluha sa sinabi niyang balita. Inabot ko ang kamay niyang nasa table at tsaka ito pinisil. Dinikit ko pa ang aking noo doon at tsaka doon an din umiyak. Magmukha man akong tanga sa harap ni Loey, pero wala akong pakielam. Gusto ko lamang siyang pasalamatan. "Salamat loey.."

Ilang sandali ay naramdaman kong hinaplos niya ang aking buhok kaya nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Shh.. Babe, i'ts my pleasure to help you." sabi niya. "Pero alam ko na may problema ka pang isa. What is that? Can you please tell me so that i can help you, babe?" pagkasabi niya nun at mabilis niya akong pinatakan ng halik sa labi.

Napalunok ako. "Wa..wala..wala naman akong problema,"

"Shiela told me, about your step dad."

"Ayos na 'yon. Salamat pero  hindi mo na siguro kailangan pang ma involve sa problema ko-"

"Just tell me about it, at ako ang mag dedecide kung gusto ko bang ma- involve o hindi."

Huminga ako ng malalim, ayos na ba 'yon? Tingin lo kasi ah sobra sobra na ang ginawa niya para sa akin,  napalaya niya na si papa, and i think that's enough. "Huwa-'

"Sinaktan ka ba ng stepdad?" assuming na tanong niya. "We can report him-"

Umiling ako. "Kahit pa ireport mo siya at makulong ngayong gabi, after two days, makakalaya ulit siya."

"What do you mean?"

"Palaging ganon, Loey." sabi ko. "Palagi siyang nakakalaya, labas pasok sa kulungan at may dala pang pera pag labas. Kaya..malabo ang sinasabi mo..malakas ang kapit ni Tito Mar."

"Mar?"

"Mariano Dela cruz." wala sa sariling sabi ko. "Tulad lang nitong nakaraan, nakulong siya pero nakalaya after two days.."

"Don't worry about him, let me handle him. Finish your food at ihahatid na kita sa inyo."

"Ihahatid mo ako?" nakangusong sabi ko. Hindi ko alam kung lumabas yung tunog Pagka dismayado ko.

"Yeah. May trial ako bukas." sagot niya. "Don't worry, susunduin kita sa trabaho mo bukas."

"Eh bakit?"

"Mag uusap ulit tayo, Kiwi. Stop thinking about us, going to a hotel. Trust me, kanina pa ako nag pipigil."

"Kapal mo!" hiyaw "Hindi ko iniisip 'yan no!"

"You're forgetting, abogado ang kaharap mo, babe." aniya at kinindatan pa ako.

Lalo tuloy akong napasimangot. Gosh! Ang walang hiyang lalaking ito, ang talino!

"So, dito ka pala nakatira?" si Loey pagkahatid sa akin. Nasa tapat na kami ngayon ng Apartment ko. Siya'y kalalabas lang nang sasakyan, ako naman ay nakahawak na gate ng apartment.

"Oo, dito ako nakatira. Salamat sa paghatid." ngiti ko sa kanya. "At..salamat din sa pagtulong kay papa."

Ilang sandali kaming nagkatitigan. Walang nag sasalita, hindi ko alam kung meron pa bang mas sa word na salamat, at habang hindi ko pa natutuklasan 'yon, ang mga mata ko na ang magpapasalamat. Hindi ko maisalita kung gaano ako nag papasalamat sa kanya.

"You're welcome." sabi niya pagkalipas ng ilang sandali. Ngumiti ako. Yung totoong ngiti.

"Sige na, pap-"

"At hindi daw siya pokpok sabi niya." ani nang isanc mapang asar na tinig na may kasama pang halakhak sa dulo.

Agad akong kinabahan ng makita si Tito mar, na nasa gilid ko at may hawak na sigarilyo.

"Tito mar," tanging nasabi ko. Agad tuloy akong nag sisi kung bakit hinsyaan ko pa na ihatid ako ni Loey, binalingan ko siya. Seryoso siyang nakatingin kay Tito mar na para bang kinikilala niya ito. Mabilis akong lumapit kay Loey para paalisin ito.

"Sige na, Loey...ano..ah..um..uwi ka na-"

"Sino 'yan? Kliyente mo?" natatawa pa ring sabi ni Tito mar. Nagbuga pa ito ng usok ng sigarilyo . "Magkano ba ang perfoance nitong bata'ng 'to?"

"Tito mar, mali naman po ang iniisip niyo!" sigaw ko sa mukha niya. "Sinabi ko na po-"

Natigil ako sa pag sasalita ng maramdaman ko ang haplos ni Loey sa braso ko, bahagya niya akong inilagay sa gilid niya.

"Goodevening, Sir." aniya at naglahad ng kamay kay Tito mar, natigil pa nga ang matanda sa paghithit ng sigarilyo at natututwang tinignan si Loey. "Hindi po ako kliyente ni Kiwi-"

"Ah! Edi suki mo na ito kung ganon?" agad na singit ni uncle kay Loey.

"No sir." kalmado pa rin si Loey. "In fact, siya po ang kliyente ko, im her lawyer."

Nakita ko kung paano natigil si Tito at nabalisa. Saglot pa nga itong tumingin sa akin bago tuluyng tinapon ang sigarilyo.

"I am attorney Loey Aundrezz M. Ressurection." hindi ko alam kung kailangan pang sabihin ni Loey ang buong pangalan niya pero... Kakaibang aura ang lumabas sa kanya pagtapos niyang sabihin 'yon.

At ang kaninang mayabang na si Tito mar, ay nagmukang uod sa harapan ni Loey. Namutla at parang hindi makapaniwala sa kung sino ang nasa kaharap niya.

"Re..ressurection?" nauutal na wika ni uncle kaya kumunot ang noo ko.

"Sounds familliar, sir?" ngisi ni Loey.

Pagkasabi non ni Loey ay halos hindi magkandaugaga si Tito mar, sa pagpasok sa apartment. Palingon lingon pa ito sa amin, hanggang sa makapasok na siya ng unit.

Hinarap ko si Loey at mariing tinitigan. Alam ko naman na hindi biro ai Loey sa larangan ng abogasya, pero hindi ko naman akalain na pati ni si Tito, ay makikilala siya at katatakutan pa. Si tito mar ang klase ng taong walang kinatatakutan pero..

Tumingin si Loey aa relos niya. "I need to go, babe." sabi niya lang at hinatid ako sa may gate. "Lock your door, okay? I'll ask Akai. Be safe. Call me, if somethings happen." sabi niya bago umalis.

Naiwan akong nakatunganga lang sa kawalan. Sinong Akai?

Hanggang sa nakapasok ako sa bahay ay wala ako sa sarili. Iniisip ko si Loey.. napapaisip ako kung bakit niya ako tinulungan? At ngayon ay tutulungan ulit. Malinaw naman ang usapan namin noong nasa boracay pa kami. What happens in boracay, stays in boracay. We both agreed to it. Actually, alam kong talo ako sa ganoong set-up, pero ako naman ang may gusto nun, kaya akin ang pag sisisi kung meron man, pero ngayon na pinansin at kinausap ako ni Loey.. sa totoo lang nabigla ako. Well..alam ko naman na maaari kaming magkitang dalawa dahil nasa iisang bansa lang kami at jowa pa ng kaibigan ko ang pamangkin niya, pero iba yung naimagine ko na mangyayari kapag nagkita kami.

Inimagine ko na iisnobin niya ako, hindi papansin at magpapanggap na hindi ako kilala dahil siya si Loey.. si Loey Resurection. Ang isa sa mga hot bachelors at..can i say, gwapo? But..the point is, hindi ko talaga inexpect na papansinin pa niya ako. Dahil sure ako, marami na siyang naikama mula ng makabalik sa manila.  At ang pinaka hindi ko ineexpect sa lahat ay yung tototohanin niya ang pagtulong kay papa. Ayun talaga ang pinaka nakakaloka sa lahat..

"Ikaw na putang ina mo!"

"Tito mar?! Aray po!" malakas na hiyaw ko ng hablutin ni tito mar ang buhok ko at kaladkarin ako papuntang lamesa.

"Tang ina mo! Bakit dinala mo dito ang abogadong 'yon, ha?! Ipapakulong mo ako?!" si Tito mar na galit na galit at piniga ang aking pisngi. Masakit 'yon, halos gusto ng lumabas ng luha ko sa sobrang sakit pero wala akong oras para doon, sinubukan ko siyang suntukin, nakatama ako ng isa ngunit pagtapos nun ay hinampas na niya ako sa pader.

"Mar? Kiwi?!" si mama na lumabas sa kwarto ko at agad na dumalo sa akin. "Kiwi, anak?!" nanginginig ang boses ni mama na inalalayan ako para makatayo, ngunit wala pa man din ay kinuha na ako ni Tito mar sa kanya at pilit hinihila sa braso. Sinubukan ko siyang sapakin ngunit nakailag ito sa akin at mabilis akong sinampal.

"Mar! Mar-" si mama bigla akong binitiwan kaya mas lalo akong nahila ni Tito mar at hinila ang aking buhok.

Halos wala na akong makita sa sobrang labo ng mata ko dahil sa pagpipigil ng iyak, ang tanging mukha lang ni tito mar na galit na galit anf nakikita ko.

"King ina ka! Ilang beses kang nagpagalaw sa abogadong 'yon? Ha!? Ilan?! Para samahan ka! Tang ina ka!" aniya at muli akong sinampal ng malakas. Tumama 'yon sa tenga ko kaya napapikit ako sa sakit. Habang nakabaluktot ako ay sinipa ko siya sa tuhod kaya mas lalo siyang nagalit at sinampal muli ako. "Puta ka! Kung ganon, ibebenta na lang kita sa amo ko! Tang ina mo, akala mo ba mapapakulong mo ako?! Ha!"

"Demonyo ka!" balik na hiyaw ko at kinalmot ang mukha niyang pangit

"Aray, puta ka talaga!" nang itinaas niya ang kamao niya ay alam ko na, susuntukin niya ako kaya pumikit na langa ako at hinintay 'yon, ngunit..

"Sige! Ituloy mo pa!" mabilis akong dumilat, at nakita ko si mama na may hawak na baril at nakatutok kay sa ulo ni tito mar. Umiiyak siya ngunit matapang ang mukha at masama ang titig kay tito mar

"Mama...ma..ama!" hindi na napigilang hagulgol ko. Nakita kong napahinto si tito mar kaya mabilis akong gumalaw upang makawala sa kanya. Nang makalapit kay mama, ay nakita ko ang kamay ni tito mar na puno ng hibla ng buhok mula sa akin.

"Mama..." yakap ko kay mama. At ngayon ko nalaman na nanginginig si mama..

Baliw na tumawa si tito mar na humarap sa amin.. "Kaya mo ba 'yan iputok, mahal?" si tito na nag uuyam pa..

"Mama..." bulong ko kay mama.. Alam kong galit siya sa kay Tito mar, at gusto niya lang akong ipagtanggol pero..ayoko naman na makagawa siya ng kasalanan at mabahiran ng dugo ang kamay niya dahil lang sa walang kwentang si tito mar.

"Wala kang karapatang saktan ang anak ko.." mahinahon ngunit may diin na sabi ni mama. "Wala kang karapatan!"

Masyadong mabilis ang pangyayari, hindi ko nasundan, nag agawan sila mama ng baril ngunit nakita ko na lang na nasa kamay na ito ni tito mar, at sa amin na ni mama nakatutok ang baril.

Halos mawalan ng kulay ang mukha ko ng makitang inilagay iyon ni tito mar sa noo ni mama. "Huwag po.." hagulgol na sabi ko habang walang magawa.

"Pwede kitang patahin ngayong gabi, Kiwi." ani ni tito at inilipat sa akin ang tutok ng baril.. Napapikit ako, ngunit kahit papaano ay nakahinga ng maluwag nang malaman na ligtas si mama..di bale ng ako na lang huwag lang si mama.. "Tarantado kang bata ka, ako pa kakalabanin mo!"  aniya. "Di mo ba ako kilala?! si Mar ako e! si Mar ako!" Ako naman ay nakapikit pa rin at tahimik na umiiyak, kahit pa anong pigil ko ay umiiyak pa rin ako..

"Mar, ibaba mo ang baril!" rinig kong naginginig na boses ni mama. "Mar, ano ba?!"

Masaya ako na marinig ang boses ni mama..atleast, medyo okay siya..

"Mar!"  sigaw ni mama, kasabay nun ay ang pagtulak sa akin ni tito mar at ang napakalakas niyang pag sigaw.

"Putang ina, Gloria! Palayasin mo 'yang anak mo ngayon na!" hiyaw niya bago ko narinig ang lagabog ng pinto..

Sa sobrang takot..ang buong akala ko ay matutumba na ako.. Ngunit bago pa man ako bumagsak sa sahig ay sinalo na ako ni mama.

"Kiwi, anak!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro