Thir-teee!

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Imbes na nakasabit sa akin ang sling bag ko ay bitbitbit ko 'yon habang durog na naglalakad sa hindi ko alam kung saan. Nasa labas na ako ng venue-sa wakas. Dahil alam ko naman na sinundan ako ni Loey palabas. For some reason..nararamdaman ko ang bawat yabag ng paa niya. Kaya nga ngayon tumigil ako sa gitna ng parking lot. Tahimik at malayo sa lakas ng tugtog sa loob.

"Babe.."

Mabilis ko siyang hinarap. At halos madurog ako sa nakikita kong hitsura niya ngayon. Wala pa akong sinasabi sa kanya ngunit durog na durog na ang hitsura niya. Mukha siyang natatakot sa hindi ko alam kung ano.. aligaga at hindi alam ang gagawin. Malayo sa Loey na palaging composed at malakas. Sa hitsura niya ngayon ay para na siyang matutumba.

Tinatagan ko ang loob ko.

"Kiwi ang pangalan ko, pero para sayo Kristine, dahil hindi naman tayo close."

"Babe please," mabilis niyang hinawakan ang kamay ko pero mas mabilis ko naman iyong binawi tsaka lumayo sa kanya. Pero muli siyang lumapit sa akin

"Babe.." aniya habang nadudurog ang boses. "Yes, naging fiance ko siya pero hindi natuloy yun dahil iniwan niya ako-"

"Oh, tamang tama! Bumalik na siya, mag pakasal na kayo ngayon!"

"No babe, ikaw ang mahal ko ikaw lang ang gusto kong pakasalan-"

"Kwento mo sa pagong Loey!!"

"Babe please, nag sasabi ako ng totoo sa'yo. Ikaw lang ang mahal ko, yung sa amin ni Sandra matagal ng tapos 'yon, please babe maniwala ka sa akin ple..ase" nang marinig ko ang boses niya ay hindi ko na napigilan ang maiyak. Mabuti na lang at nakayuko siya kaya hindi niya makikita.. hindi niya makikita kung paano ako unti-unting lalayo at naglalaho..

"Ilang beses akong n-ag tan-ong sayo.. At ilang beses ka rin nag sinungaling sa akin,"

"Babe no.."

"Ilang beses kitang binigayan ng chance para mag sabi ng totoo pero hindi mo ginawa.. Ginawa mo akong gago, Loey.. GINAWA MO AKONG KABIT?!" binigyan ko siya ng matinding sampal.

"Nagtiwala ako sayo! naramdaman ko na minahal mo ako pero.. bakit mo naman ako niloko?! Bakit?!" sabi ko sa nababasag na boses. Ang mga kanina pang luha na pinipigilan lumabas ay malaya ng bumubuhos ngayon sa aking mga pisngi, at saksi ang mga mata sa kung gaanong luha ang niluluha ko dahil sa kanya.

"Ginawa mo akong kabit!"

"No, hindi ka kabit!" aniya at muli akong hinawakan. "Ikaw lang ang girlfriend ko ngayon, matagal ng walang kami ni Sandra, please! Believe me, ikaw na lang ang meron ako!"

"Tigilan mo ako!"

"Tang ina! All along nakikipag sex ako sa may sabit?! Putang ina lang ginawa mo akong parausan habang wala siya?! Ang galing mo!"

At ang kaninang pagtitimpi ay tuluyan ko nang nabitawan at para na akong tigre na walang hinto siyang pinaghahampas.. "Ginawa mo akong kabit! Ginamit mo lang ako! Ginago mo ako, ginago ko ako! Wala akong kaalam-alam niloloko mo na ako gago ka! Gago ka! Tangina mo, Loey!! Huwag mo akong hawakan!!"

"Bitawan mo ako!" hiyaw ko sa kanya ng yakapin niya ako ng mahigpit dahilan para hindi na ako makagalaw. "Bitaw na!"

Sa ilang minuto namin nag uusap ay ngayon ko lang napansin na may nanonood pala sa amin ang dalawang lalaki sa likod, ai Akai at Camillo, at may isa pang humahangos palapit sa kanila, si Eugene. Pero wala akong pakielam sa kanila, mga manloloko silang lahat! Pinagmukha nila akong katawatawa sa harapan nila! Mga walang puso! Kinunsinte nila ang kaibigan nilang manloloko! Mga bobo!

"Babe, please! Believe me, matagal ng wala kami ni Sandra, please, hear me out, hindi ko alam kung bakit pa siya bumalik."

"Ilang beses na kitang pinakinggan pero puro kasinungalingan lang ang naririnig ko sayo,"

Tumigil ako kumawala sa yakap niya at hinayaan siyang damhin ang gusto niyang damhin. Wala na akong pakielam sa kanya.

"Babe.." basag at wasak na ang boses niya. Bigla siyang lumuhod sa harapan ko at niyakap ang tuhod ko. "Ikaw na lang ang meron ako, Kiwi..kapag nawala ka pa sa akin hindi ko na alam ang gagawin..mahal na mahal kita please, belive me, nagsasabi ako ng totoo! Please! Ikaw lang ang nagpapasaya sa akin-"

"Wow! Nagpapasaya? So pang entertainment lang talaga ako sayo? Pwes maghanap ka na ng ibang magpapasaya sayo," malakas ko siyang tinulak upang makalayo.

"Babe,"

"Hindi ako laruan, Loey! Break na tayo, putang ina mo!" huling salita ko sa kanya bago umalis para hindi na makita ang mukha niyang nakakabwisit.

Ngayon, pwede na nilang ituloy ang naudlot nilang kasal, tama yan. Magsama sama silang parehas na mga manloloko.

Umuwi sana ako sa aoartment ko ngunit alam kong agad niya akong pupuntahan doon kaya dumiretso ako sa condo nila Shiela.

"Kiwi? Anong nangyari?"

Agad na tanong ng naka pajama ng si Lei sa akin ng pagbuksan niya ako ng pinto. Hindi pa rin kasi tumitigil ang luha ko sa pagtulo, hindi ko rin alam kung titigil pa 'to.

"Huy," ani nito ng hindi ako mag salita at tumuloy lang sa loob. Naupo ako sa sofa, ganun din siya habang suot ang ang aalalang mukha.

"Kabit ako." tanging sabi ko habang pinupunasan ang mga lintek kong luha.

"Ano?! An..ong kabit ka?" gulat niyang sabi at medyo nahampas pa ako sa balikat. Masakit. Ngunit wala naman iyon kumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Tinignan ko siya. "Kabit ako Lei, may fiance na siya."

"Putang ina?"

"Putang ina talaga!" natatawang sabi ko din at kalaunan ay sabay kaming napahagulgol ni Lei.

"Nilo..ko niy..a ako Lei, hin..di ko alam.."

"Wala kang kasalanan, siya ang may kasalanan dahil sinungaling siya," ani Lei. "At yung mga hinayuoak niyang kaibigan ay hindi man lang sinabi sayo na ganon pala! Pati yung babae niya!"

Umiling ako. Dahil sa totoo lang, wala namang ginawang kasalanan sa akin si Sandra. Parehas kaming biktima dito, wala siyang alam na niloloko siya ni Loey at ako din walang alam na niloloko na din pala ako. Sa totoo lang, naaawa ako kay Sandra.. Hindi ko alam kung bakit, ako ang nasasaktan para kay Sandra sa oras na malaman niya ang nangyari sa amin ni Loey habang wala siya.

Nagiguilty ako..ngayon pa lang, humihinye na ako ng sorry..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro