Kabanata 12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Kabanata 12

Opening Up

Hindi na ako tumingin muli sa dalawa. Wala akong kawala dahil nagsisimula na ang stylist sa buhok ko.

Kumuha na lang ako ng isang magazine at pinilit ang sariling malibang sa mga pahina doon. Damn it! Asan na ba iyong beking iyon at bakit hindi pa nakakabalik? Is he hunting for a man somewhere in his gym?

Nakataas ang kilay ko. Parang galit na galit habang binabasa ang isang artikulo tungkol sa isang modelong sobrang taba noon na payat na ngayon. Buti pa siya, may pagbabago after three years daw. Ako? Ano? Heto at nagkukunwari.

Sa likod pumwesto si Jacob. May mga sofa doon at nasa line of vision ko siya pag diretso ang tingin ko sa salamin.

"Hindi ka ba magpapagupit?" tanong ni stylist.

"Hindi na..." I said without looking at him.

"Color?"

"Treatment only..." may iritasyon na sa tono ko.

Stop asking me questions. Pinipigilan ko ang sarili kong mapatingin sa salamin. Kahit siguro kalbuhin ako, hinding hindi ako titingin. Mamaya makita ko ang mukha nI Jacob.

"I'd like some keratin treatment... and footspa, too..." matigas at malinis pakinggan ang ingles ng girlfriend ni Jacob.

Oo, naririnig ko ang mga sinasabi niya kahit na apat na upuan ang pagitan namin. Kahit na may relaxing music sa loob ng salon, naririnig ko ng klaro ang malambing niyang boses. Tangina.

Tinaas ko ang magazine para tuluyang matabunan ang mukha ko.

I peeked through the end of the magazine pages. Diretso sa line of vision ko si Jacob na naka upo ng maayos at nakatingin sa kanyang cellphone.

Napalunok ako. Even the way he sits is different. His aura is so different.

Umangat ang mukha niya kaya agad kong binalik ang mga mata ko sa article. Tinaas ko rin ang magazine para matabunan ang mukha ko. My goodness.

"You okay?" tanong ng stylist.

"Hindi pa ba babalik si Karl?" tanong ko binalewala ang sinabi niya.

"Ay baka pabalik pa 'yon. Bakit?" usisa ng stylist.

"Wala..." sabi ko.

Unti unti kong binaba ang magazine. Kalahati pa lang ng mata ko ngunit nakita ko na ang pagtulak ni Jacob sa transparent door. Umalis siya. Lumabas.

Nilingon ko ang kanyang girlfriend na nasa linya ko lang. Nakatitig siya sa salamin at parang wala lang sa kanya. Siguro ay nagpaalam naman. Wait, why is this a big deal to me?

Dalawang taghirap na oras ang lumipas ay natapos din ang treatment ko. Binoblow dry na ang aking buhok at dinadalaw na ako ng gutom. Wala parin si Karl at gusto ko na siyang murahin sa cellphone. Sobra bang slow motion ang paglalakad niya?

Napatalon ako nang may biglang pumasok. For the two hours, wala akong ginawa kundi ang paulit ulit na ganoong reaksyon tuwing may pumapasok. Sa kabutihang palad, hindi na bumalik si Jacob doon. Pero lagi ko iyong inaanticipate!

"Rosie..." sabay ngisi ni Karl, siya iyong pumasok.

Gusto ko siyang paulanan ng mura. Ayaw ko lang talagang makuha ang atensyon ng kahit sino. Lalo na't nandoon parin ang girlfriend ni Jacob!

"Saan ka galing?" mahina ngunit may diin sa aking tanong.

"Sa gym! Nag gym ako tapos I met a couple of friends. Why? Are you hungry?"

Nanatili ang tingin ko sa kanya. Sa matalim kong tingin ay tumahimik siya at nagkunot ang noo. Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa.

Nang sa wakas ay nakakuha ng koneksyon sa akin, pinasadahan niya ng tingin ang buong salon.

"You're done, girl..." sabay panghuling haplos ng stylist sa akin.

"Salamat."

Tumayo agad ako at kinuha ang bag. I can't stay here for long. Hindi ko na rin aantayin si Duke kahit na iyon ang bilin niya. I'm gonna drag Karl's ass out of here if I have too.

"Kumain na tayo sa labas. Iyong malayo dito," sabi ko.

Kitang kita ko ang pagtigil ng kanyang paningin sa dulong upuan. Napatango si Karl at pumunta kaagad sa counter.

"Ohh. Okay..." aniya.

Nauna na akong lumabas. Hindi ko na ulit tiningnan ang loob. I don't want to have an eye contract with that girl. I am not even sure if she knows me. I'm not even sure if she even cares. Kung sobra sobra ang seguridad na binigay ni Jacob sa kanya, hangin na lang siguro ang pakiramdam niya sa akin.

Humalukipkip ako habang nag aantay kay Karl sa labasan ng building. Hindi nagtagal ay dumating siya. Sabay kaming naglakad patungo sa kanyang sasakyan. Pinatunog niya ito kaya binuksan ko ang front seat.

"Itext mo si Duke kung saan tayo mag didinner..." sabi niya.

Tumango ako at pumasok sa loob ng sasakyan niya.

Pagkaandar noong sasakyan niya ay 'tsaka siya nagsalita.

"I don't see his Hummer. Is she alone?" tanong ni Karl. Kahit walang pangalan ay kuha ko agad.

"Is he still driving a Hummer? And no... she's not alone. Kasama niya si Jacob."

"Nagkita kayo?" Sumulyap si Karl sa akin.

"Nakita ko siya."

Tumawa siya. "Do you think nakita ka niya? Pumasok siya sa loob ng salon ko? That girl isn't a regular... or I don't know. Magtatanong ako kay Martha kug regular ba siya doon."

"I don't care..." Humalukipkip ako.

May pinindot si Karl sa kanyang cellphone. Umirap ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinipigilan.

"Martha..." matigas na ang boses ni Karl.

"Po, sir?"

Naka loudspeaker ang kanyang phone. Nakapangalumbaba na lang ako. Tinukod ko ang aking siko sa kanyang bintana.

"Nandyan pa ba iyong nagpa Keratin sa huling upuan?"

"Alin po dito, sir?" tanong ni Martha.

"Naka dress. Maputi, mahaba ang buhok, makinis, hindi katangkaran," ani Karl.

"Itong maganda, sir?"

Gusto kong sipain ang dashboard ni Karl. I'm trying so hard to be okay pero ito ang nagiging resulta. Maybe it's my nature to really hate something when I don't like it. Pero bakit noong si Callix at Belle, hindi naman ako badtrip?

"Nandito pa po..." ani Martha.

"Is she a regular? May record ba diyan?" tanong ni Karl.

"Ba't mo pa tinatanong? I mean, para saan?"

"It's time to finally name you-know-who, Rosie."

"Hindi ko naman tinatanong, ah? I don't care..." giit ko.

"Then just for me. Because I want to know."

"Nahanap ko ang record. First time niya sa salon, sir. Nagpa brazilian wax siya noon sa spa."

Gustong humagalpak ni Karl. Umamba akong papatayin ang cellphone niya kaya nilayo niya iyon sa akin. Fuck!

I really think these are all my karma for the curses I uttered for the past years.

"What's her name?"

"Martha, you have a protocol of confidentiality, hindi ba?" singit ko.

"Felicity Llanes, sir."

Right. He's the owner so what protocol am I talking about?

"Salamat."

Binaba ni Karl ang cellphone at tumingin siya sa akin. Hindi na ako kumibo. Nanatili ang mga mata ko sa labas.

"Felicity Llanes. Tunog mayaman na mabait na simple, a?"

"Yeah at anong sinasabi mo? So opposite, ganoon? Let's just get to some food chain or something, please..."

Halos napatalon ako nang tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko iyon at nakita kong si Duke ang tumatawag. Sinagot ko kaagad. Nakalimutan kong itext siya.

"Hi! I'm done with my meeting." He sighed, tunog pagod. "Asan kayo? Tapos ka na sa salon?"

"Yeah. Kakain kami ni Karl."

"Saan?" tanong niya.

"Saan?" tanong ko kay Karl.

"I don't know. Ask him, if you want..."

Kinagat ko ang labi ko. Kapag si Duke ang magsusuggest, this would mean he's paying for everything.

"You have not decided yet? Spiral. Paki sabi kay Karl."

"Duke..."

"Please, Rosie. Sabihin mo na sa kanya. Anyway, I'll ask a favor from you."

"Favor? Ano 'yon?"

"Doon na natin pag usapan. Kaya doon na tayo magkita. No buts..."

Bago pa ako makaapila ay binaba niya na ang tawag. Alam niyang aapila ako. I'm not even sure where that restaurant is.

"Spiral daw..." sabi ko kay Karl.

"Oh?" Tumango si Karl at niliko ang kanyang sasakyan. "It's an honour to be a thirdwheel."

"This is nothing, Karl. May favor daw siyang hihingin..." sabi ko para matigil ang kanyang pag iisip.

"Right! Anong pabor naman kaya?"

Nagkibit ako ng balikat.

"Hindi mo ba talaga naiisip o nakokonsider man lang si Duke bilang, you know, boyfriend?"

"He's just a friend. Ayaw kong pagsamantalahan ang kabaitan niya."

"Oo nga. He's a friend at mabait siya. Hindi ba doon naman talaga nagsisimula ang lahat? Sa pagiging magkaibigan? At ang pagiging mabait ng isang tao ay isang katangian na dapat una mong tinitingnan when considering a partner?"

Hindi ako nakapagsalita. May punto siya. I don't know why I'm just so hard on myself.

"He's not the hopeless romantic type. That's what you need, you know. Someone low key. Someone who doesn't need too much attention. At mabait pa, dagdag points. You're not high maintenance. Dapat sa'yo 'yong hindi clingy... alam mo na... siguro naman nakita mo kung anong mangyayari kapag napares ka sa clingy..."

Kinagat ko ang labi ko. "You think Jacob's still clingy, though?"

"What the hell, Rosie? Bakit iyan ang tinatanong mo?!" halos pasigaw na tanong ni Karl.

"Nevermind! It's just a passing thought!"

"If he's not, then you like him?"

Umiling kaagad ako.

Ni hindi ko alam kung alin ang gusto ko... kung iyong pagiging clingy ba niya tulad noong dati o 'yong pagmamature niya. Kahit alin. Basta siya. And I hate myself for that. I hate myself so much. Ako rin ang nagdadala ng sakit sa aking sarili, e. Ako rin talaga. Kaya there's no one to blame but me.

"We're here... And Duke's here too..." sabay turo ni Karl sa sasakyan ni Duke.

Nilingon ako ni Karl habang pareho kaming nagtatanggal ng seatbelts.

"Siya ipahatid mo sa apartment ninyo, ah? It's time you show him your house. Unless you want to sleep on his bed again."

"Shut up, Karl!"

Tumawa lamang si Karl at lumabas na ng sasakyan. Lumabas na rin ako.

Pagkapasok namin, nakita ko kaagad na engrandeng buffet restaurant itong napasukan namin. Manghang mangha ako sa looban.

"This way, sir."

May sumalubong kay Karl na waitress at tinuro sa amin ang lamesa kung nasaan si Duke. Umupo ako sa kanyang harap at si Karl ay umupo sa aking tabi.

"Your hair looks great!" sabay ngiti ni Duke.

"Thanks..." hinaplos ko ang buhok ko.

Ni hindi ko na namalayan ang pagbabago sa aking buhok o ang pagkakarelax ko dahil sobrang stress ang dala sa akin ng pangyayari sa salon.

"Let's eat?" ani Duke.

Kumain kami. Nag kwentuhan si Duke at Karl tungkol sa stock market. I don't have anything to share since I don't have a business or I don't belong to the corporate world. Ang tanging alam ko lang sa negosyo ay iyong sa bukirin, iyong paghawak ng lupain, at kung anu-ano pa. This goes to show how different my upbringing is compared to them. Hindi ako lumaki ng Alegria pero pakiramdam ko may malaking parte ang probinsyang iyon sa akin.

"By the way, Duke, anong favor ang tinutukoy mo nga pala?" natanong ko nang humupa ang kwentuhan nila.

"Ah! You said it. Two days from now may party with the suppliers of VMalls and all the other chain of malls here in Manila. It's a big party."

"Oh? It's that time of the year?" ani Karl.

"Yup... I want you to join me in that party..."

Agad akong umiling. That's too flashy! Naaalala ko noong mga nakaraang taon na isang family friend ang dinadala niya. Ngayon, bakit ako?

"Oh come on!" ani Duke. "Ako na ang bahala sa damit mo at artist mo. It's only right to bring you. You're the face of VMalls."

"What happened to Sol or Jane? Noong nakaraang taon, hindi ba?"

Tumawa si Duke. "I'm asking you now. Hindi sila ang tinatanong ko."

"Sus, Rosie. Sumama ka na nga! It's only right that he brings you. Like he said, you're the face of VMalls. Nobody would question your presence. Sa laki ba naman ng Billboard mo sa EDSA, paniguradong maiintindihan nila."

Tumawa lang ako. Hindi ko alam. Sige na nga... payag na ako.

"By the way, another billboard is coming next week."

"Oh? iyong ishoshoot ba ni Rosie? Billboard 'yon? Akala ko catalogue lang," tanong ni Karl.

"Billboard ulit. It's the last set for summer... so..." ani Duke.

"O sige na nga. Hindi ko alam kung anong susuotin diyan. Sinu sino ba ang dadalo? Your co Mall-CEOs? Who?" sabi ko.

"Some contributors, suppliers, and yes... some CEOs."

Tumikhim si Karl at natahimik. Nanatili ang kanyang mga mata sa baso ng tubig.

Suppliers.

Unti unting bumangong muli ang J.A. Foods noong nangibang bansa si Jacob. Truly, his Tito Samuel did a great job. Pero ang alam ko, mas lumaki ito pagkabalik ni Jacob. It doubled in size and in numbers in a span of six months simula ng pagbabalik niya dito.

Hindi ko alam kung paano niya ginawa iyon pero ganoon ang nangyari. Their farm is the major suppliers of corn related processed foods, rice, poultry, cattle, and so much more. Hindi ako makapaniwala na sa sobrang pag expand ng J.A. ay nasali sa scope nito ang animal farm.

"Suppliers, huh?" sabi ko.

Kitang kita ko angpagkakabigo sa mga mata ni Duke. Humugot ako ng malalim na hininga.

"Well, okay. Sige. Sasama ako. Sagot mo ang damit. Ayaw kong ma stress sa kung anong susuotin ko..." sabi ko kay Duke.

"Perfect!" he said.

Ilang sandali pang kwentuhan ang ginawa namin. Kung wala lang akong pasok bukas ay papayag na akong lumabas muna kami kaya lang ay mukhang pagod si Duke at kailangan ko na ring umuwi.

"Bye! Take care of her, Duke!" panunuya ni Karl nang pumasok na siya sa kanyang sasakyan.

"Ito talagang si Karl, palabiro..." sabi ko at pumasok na sa sasakyan ni Duke.

"He's so supportive of us." Tumawa siya.

Hindi ako nagsalita. Pinaandar niya ang kanyang sasakyan at tinanong niya na ako tungkol sa daanan patungo sa aming bahay.

"I really can't believe that you're finally leading the way to your house now..." tumawa siya.

"Syempre, for the past years... how can I lead you the way when I'm so drunk to even open my eyes..."

"Sa bagay, Rosie..."

Natuwa ako sa pagtuturo sa kanya ng daanan patungo sa apartment. I even fiddled with his phone sa isang Waze App para maipakita ang mas magandang daanan, iyong walang traffic.

"I'll remember this," sabay tawa niya.

Nang sa wakas ay nakarating na kami sa apartment. Tiningnan ko iyon galing sa salamin ng kanyang sasakyan. Uminit ang pisngi ko nang pinuna niya ang aming apartment.

"So which one is your unit?" tanong niya.

"Iyong una, Duke."

May ilaw doon. Hudyat na naroon na si Maggie.

Unti unti kong kinalas ang aking seatbelts. Nahihirapan pa ako kung paano 'to ngayon. Should I invite him inside? Or thank you na lang?

Nakakahiya na ang ganda ganda ng kanyang condo at malalaki pa ang kanyang bahay at heto ako't nakatira lang sa isang mumurahig apartment. I can clearly see the difference of our social status. Naangat lang ako dahil sa mga kaibigan ko at dahil na rin siguro sa nature ng trabaho.

Hindi tulad noon, hindi na kami gaanong naghihirap ni Maggie. Papa can actually pay for some of our bills kahit na tumatanggi na ako dahil kaya ko naman. I want them back here but they insist. Ang gusto nila'y patapusin na muna si Maggie. Tutal ay last year niya na 'to. Sa Marso, gagraduate na siya. By then, my mama and papa will be back home.

"Duke, maraming salamat sa paghatid sa akin. I really appreciate it..." napapaos ang boses ko. "Gusto mong pumasok muna? Nandyan sa loob si Maggie."

He's met my sister before. Hindi nga lang dito sa bahay.

"No... Maybe next time. I can see that you already want to rest. You'll get tired entertaining me, Rosie..."

Tumango ako. "Next time, then..."

Binuksan ko ang pintuan. Nagulat ako nang hinawakan niya ang braso ko at napigilan ako sa paglabas.

"I'm happy, Rosie..."

"For what? Kasi pumayag ako sa pabor?"

"That... and... you're finally opening up for me..." He smiled.

I smiled back at him. Tumango ako at walang sinabi. Binitiwan niya ako kaya nakalabas na ako at sinarado ko na ang pinto.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro