Kabanata 15

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 15

An Asset

"I checked the files, Karl, siya talaga iyon..." sabi ko habang sinusukatan ako.

Inangat ko ang aking mga braso para sa bust. Si Maggie ay nagbabasa lang ng magazine sa sofa.

"Hindi ba ayaw nga ni Jacob ng nagtatrabaho ang girlfriend? Paano pa 'yong ganyan? Sa kanyang kompanya dapat pero nagtrabaho sa iba. Talagang nagbago na siya, kung ganoon..." ani Karl.

Tumango ako. "Yup..."

Natigil lang kami sa pag uusap ni Karl nang dumating ang designer na paghihiraman ko ng gown. Nag beso kaming dalawa at nilingon ko si Maggie para ipakilala.

"Rosie! I'm so happy! May photographer ka bang kasama? Will you please take a picture of you wearing the gown sa event?"

"Oo naman, Mike!" sabi ko sa bading na designer.

Syempre, kahit nahihiya ako'y kailangan ko paring pagbigyan. Nanghihiram na nga lang ako, aayaw pa ako sa simpleng request!

"Upload it on your social media accounts." Nanliit ang mga mata niya. "Dalawa ang hihiramin mo, 'di ba? Sinong susuot ng isa?"

"Ah! Mike..." Binalingan ko si Maggie.

Sinenyasan ko siyang tumayo. Tumayo naman ang kapatid ko at lumapit sa amin.

"This is my sister, Margaret Aranjuez. Siya ang susuot ng isa pang gown."

Natulala saglit si Mikael Pereira, ang sikat na designer ng mga gown na hihiramin ko, sa kay Maggie. Tumawa lamang ako. Lalo na nang nilapitan niya ang aking kapatid at hinawakan ang buhok.

"My, Rosie! You did not tell me you have a sister!" aniya natatawa.

"Hindi ko ba nasabi?" Humalukipkip ako.

"Rea! Sukatan mo nga itong si Margaret!"

Tawang tawa ako sa nakakunot noong reaksyon ni Maggie.

"You can call me Maggie," anang kapatid ko.

Naglahad ng kamay si Mike sa kanya at sinabi nito kung gaano siya kaganda!

"I can imagine you wearing my gowns! Pwede kitang kunin bilang modelo! Like your sister!"

"Ay, hindi po ako marunong mag modelo..." ani Maggie.

"Matututunan din 'yan!" ani Mike.

"Naku, Mike! Next year na! Malapit na 'yang matapos sa pag-aaral-"

"O edi side line, Rosie! May pang allowance ka na!" tawa ni Mike kay Maggie.

Umiling ako. "Pagkagraduate na lang. Last year na niya, e."

Ngumiwi si Maggie. I know this is making her uncomfortable. Unlike me, hindi siya sanay sa ganito.

Tinutukan ni Mike ng camera si Maggie. Nahihiyang nag pose ang kapatid ko sa bawat click ng designer.

"So, anong plano mo?" tanong ni Karl.

"Plano saan?" Nakatingin parin ako kay Maggie na awkward ang bawat ngiti sa camera.

"Sa kay Felicity Llanes? I'll get more information. Baka kilala nina Ava at Belle 'yan."

"Huwag na. Plano? Edi iinterviewhin siya..." Bumaling ako kay Karl.

"Itutuloy mo? Hindi ba awkward?"

"Wala na akong magagawa. I'll take the responsibility. Lalo na't sinabi ko na kay Duke na ako na ang bahala-"

"Alam ba ni Duke na isa iyong girlfriend ni Jacob sa applicants?"

"Hindi," sagot ko.

"Kung ganoon, sabihin mo para mabawi mo pa!"

"Hindi na..." Suminghap ako. "Alam kong ieencourage ni Duke ang pagiging propesyunal ko. So he'd want me to go for it-"

"Nah! I know he's on your side on this one. Isa pa, kahit anong sabihin mong propesyunal ka, e, talagang labas ito sa trabaho lalo na't girlfriend 'yan ng ex mo."

"Being professional means you can't take personal matters in the field, Karl..."

"O siya! Panindigan mo 'yan! I'm sure you'll quit the second job interview when the time comes. O baka naman ibagsak mo talaga siya sa paunang interview!"

Umiling ako at tiningnang muli si Maggie. Tuwang tuwa si Mike sa kanya kaya kinailangan ko pa itong kumbinsihin na kung may balak siyang kunin si Maggie, 'tsaka na pag tapos na ito sa kanyang pag aaral.

"I trust you on this, Rosie..." ani Duke sabay ayos sa kanyang coat and tie.

Isang linggo ko ring pinag isipan ang mangyayaring ito at ilang beses kong naisipang umatras pero sa huli ay hindi ko kaya. I need to face this odd situation. Kaya ko naman siguro ito. Besides, that girl isn't toxic. Magaan ang loob ko sa kanya kumpara sa mga naging babae ni Jacob. Well, I know I'm his first love. Pero naiisip ko parin si April at Jasmine na kahit paano'y na ugnay sa pangalan niya.

"Ako na ang bahala! Good luck with your deal! I know they will invest!"

I winked at him. Isang malaking international clothing line ang kameeting niya ngayon. Parang kahapon lang ay na close niya iyong deal sa isang magarbong store ng designer bags. I know this is going to be easy for him now.

"Thank you! Kahit paano nawala ang kaba ko."

Tumawa ako. "Kinakabahan ba ang isang Duke Valenzuela?"

Ngumuso siya at umiling. Parang may gustong sabihin pero hindi tinuloy. Siguro talagang hindi naman siya kinakabahan.

Nang umalis siya ay tinalikuran ko na ang elevator. Ngayon, ako naman ang abot abot ang kaba pabalik sa office.

Kukunin ko ang soft copy ng files na nisend ni Duke at mamaya'y didiretso na ako sa office kung saan ako mag iinterview ng mga applikante.

Kaonti lang sila. Fifteen applicants lamang pero dahil by batch ay hindi pa ito ang huli. Felicity Llanes was one of the first batch.

Hindi naman ako ang talagang mag dedesisyon sa pagkakapasok niya sa VMalls dahil may ilang panel naman. Ako lang iyong magiging taga tanong, pero I can say no if I really don't want to. But of course they'd question it if she's doing well in the interview. Bakit ko ba iniisip na hindi ko tatanggapin iyon? Titingnan pa natin sa interview, hindi ba?

Pinag aralan kong mabuti ang mga papel ng applikante. One of them had a very good credential. Pakiramdam ko tuloy ay masyado pa akong kulang para mag desisyon dito dahil sa iinterviewhin kong mga propesyunal sa trabahong ito.

Pumasok na ako sa loob ng office. Open iyon, kita ang mga empleyado sa labas. Doon madalas ang mga maliliit na presentation ng empleyado.

"Ready na?" tanong ko sa kay Rey na isa sa mag eencode ng minutes ng interview.

"Kulang na lang si Mrs. Mercado, Miss Rosie..." sagot niya.

Tumango ako at inayos ang aking damit. I checked on my make up while waiting for the other HR. SIla iyong mas may kapangyarihan silang tumanggap ng empleyado.

Nang nakumpleto na ang tatlong kasama ko, at si Rey na mag eencode ay nagsimula na kaming tumanggap ng applicants.

Pinaakyat na sa floor namin ang mga applikanteng naghihintay sa lobby ng building. I can't help but think about Jacob's girl waiting on our lobby. Well, if it's for his girl's professional growth.

Napapikit ako ng mariin. Hinilot ko ang sentido ko at may kung ano akong naramdaman sa aking puso. Tumigil ka, Rosie. Hindi ito ang tamang panahon para mag isip ng ganyan.

Nang nakatapos kami ng limang applikante ay nag short break muna kami.

"Magaling iyong naunang aplikante. What do you think, Rosie?" tanong ni Mrs. Mercado sa akin.

Tumango ako. "Opo. He's worked abroad and that's a big thing. Ibig sabihin, kaya niyang mag handle ng international clients."

Nang natapos ang break ay para na akong naiihi sa kaba. Humilig ako sa swivel chair at nang namataan ko si Felicity sa labas ay tumuwid na ako sa pagkakaupo.

She's alone. Of course! Bakit naman sasama si Jacob sa kanya?

Pumasok siya sa pintuan at bumati sa mga naroon. Kitang kita ko ang paglaki ng kanyang mga mata nang nakita ako sa panel. I forced a little smile then look at her papers.

"Good morning!" bati niya.

She's wearing a white hop and a black pencil cut skirt. Kita ang hita sa kanyang skirt at ang sexy niyang heels ay nagpatangkad sa kanya.

"Good morning, Miss Llanes..." bati ko.

Tumikhim siya at umupo sa harap ko. If she's going to tell everyone that we knoe each other, it's going to be a better day.

"Good morning, Rosie! I didn't know you work here. Ang akala ko ay modelo ka ng V Mall. Di ko inakalang isa ka sa HR..."

Napatingin ako sa mga beteranong HR. Pinagsalikop ni Mrs. Mercado ang kanyang mga daliri. Alam ko kaagad niya siya ang magtatanong rito.

"You know Miss Aranjuez personally?" tanong ni Mrs. Mercado.

"Yes," nakangiting sagot ni Felicity.

"She's the girlfriend of... an old friend, Mrs. Mercado," sabi ko.

Tumango din si Felicity at matamis na ngumiti. Tiningnan ni Mrs. Mercado ang files ng aplikante. Hudyat iyon na pwede na akong magsimula.

"So... Felicity, can you tell us about yourself?" sabi ko, nakatingin sa kanyang mga mata.

Her eyes were very honest. Iyong tipong lahat ng gusto mong malaman sa nararamdaman niya ay nakalahad sa'yo sa kanyang mga mata. Her thick curly lashes made it more expressive. I can't help but stare.

"I'm a graduate of Bachelor of Science in Business Administration Major in Management in the University of Asia and the Pacific. After graduation, an international bank hired me as their Credit Analyst. After a year, I got promoted as a senior credit analyst. After another year, I got hired as the manager of J.A. Foods."

Tumikhim ako. "May I ask... why did you leave an international bank for the J.A. Foods?"

Considering it was probably failing by that time? Err...

"My father ran for public office on a province near Alegria so my family decided to move in near the J.A.'s farm land." Ngumiti siya.

So? Wala ka bang sariling desisyon? If your father ran for the public office, can't you stay in Manila and work where you want to work?

Tumikhim muli ako. "So... you now want this position in V Malls. Why did you leave the J.A. Foods?"

"My boyfriend is the owner of the J.A. Foods. I think the company will be a better one if he's going to manage other people. Kapag ako kasi ang manager, hindi siya masyadong mahigpit."

Halos mabilaukan ako doon. Tinitigan ko ang kanyang papel at unti unti kong naramdaman ang kagustuhan kong punitin ito. I hate how this is making me feel. I'm trying so hard to be okay. I'm trying to accept it all but maybe this one is just really too much.

"Miss Llanes, what do you know about the V Malls Holdings, then?" tanong ni Mrs. Mercado.

"V Malls Holdings is the company of one of the biggest chain of malls here in the Philippines. It also has malls all over Asia. It is owned by Marietto Valenzuela, Sr."

"Why should we hire you?" I can't help but interrup.

Iba na ang tono ko at hindi na ako makatingin ng diretso kay Felicity. Hindi ko napansin kung gaano ka totoo ito noon. Ngayong nakausap ko na siya ng harap harapan at seryoso ay 'tsaka ko pa lang napagtanto na nakawala nga'ng talaga si Jacob sa akin. He slipped. He drifted. He was holding on to me so tight but he slipped.

"I think I would be a great asset to the company. I am passionate. I love business, marketing and finance. I learn fast and I am very resilient. I can also easily adjust to all types of clients, workmates, and team."

"Can you assure the company that you won't just resign whenever your father runs for the public office in a province again? Or maybe your boyfriend moves out of Manila." Malamig at matigas ang boses ko.

Napatingin si Mrs. Mercado, Mr. Veloso, at Rey sa akin. Nanatili ang mga mata ko sa papel ni Felicity.

"I won't. I am now based here in Manila. We are both based in Manila." nahimigan ko ang pag alinlangan sa boses ni Felicity.

"Thank you, Miss Llanes! We'll call you for the next interview..."

Tumayo si Mrs. Mercado at naglahad ng kamay kay Felicity. Tumayo rin ako at huling naglahad ng kamay sa kanya. Tipid akong ngumiti. Tinapik niya ang aking balikat.

"Thank you, Rosie..."

Tumango ako. Tinalikuran niya ako at nang nakalapit siya sa pintuan ay isang beses pang kumaway at ngumiti.

Bumagsak agad ako sa aking swivel chair. Hinilot ko ang aking sentido. Ang hirap nito.

"It would be an asset if the company hires an idealist..." ani Mr. Veloso sa aking gilid.

"She's young and she's also a Magna Cum Laude! Not bad!" ani Mrs. Mercado. "But my vote goes to the first man we interviewed. What do you think, Rosie?"

Tangina.

"We'll see on the next interview, Mrs. Mercado."

"So she passed the first interview, huh?" ani Mr. Veloso.

Tumanggap pa kami ng mga susunod na aplikante pero halos hindi ko na masundan ang mga sagot. Ang nasa loob ng utak ko ay iyong mga sagot ni Felicity at kung paano niya ako tingnan.

Her eyes were very honest. You can see her soul through it. Pakiramdam ko ay hindi siya marunong mag sinungaling.

Jacob... finally landed on a good girl. Jacob have someone he deserves. I can't decide who's the lucky one now.

Masikip ang dibdib ko pero hindi na ako makaiyak. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako sa paulit ulit na pag iyak at pagtatanong sa Panginoon.

Inulit ulit ko ulit lahat ng nangyari simula noong una hanggang sa nang umalis si Jacob. I did something wrong somewhere, I'm sure. I just don't know what. I just can't put my finger on it.

"Hindi na ako sasama," sabi ko.

"Sinasabi ko na nga ba, e!" ani Karl.

Nagkatinginan sila ni Ava. Sa loob ng isang bar ay magkasama kaming tatlo. Wala na ako sa sarili buong araw dahil sa interview. Naikwento ko kay Karl at sinabi ko rin sa kanyang uuwi na ako pero iniisip niyang iinom ako ng muriatic pagka uwi ko kaya di siya pumayag na dumiretso ako sa bahay.

Self harm is not my talent. Siguro'y kaya kong magtiis sa sakit pero wala akong pagsinta sa sakit.

"I can only take a little pain. I can't take too much."

"Edi mag dry run tayo!" nanliit ang mga mata ni Karl.

Napatingin ako sa kanya. What does he mean? Ngumisi siya at tumindig ang balahibo ko. Whatever it is... I don't like it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro