Kabanata 27

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 27

Refuse

Tahimik ako sa loob ng sasakyan ni Duke. I don't want him to be bothered though. Alam kong ramdam niya ang katahimikan ko kaya niya pinatugtog ang stereo. Madalas hindi niya ginagawa iyon.

"Are you okay?" binasag niya ang katahimikan.

Duke is a friend. I suddenly want to share some things to him but I know it will probably hurt him so I didn't. Si Maggie na lang ang kakausapin ko. O di kaya ay si Karl!

"Okay lang ako..."

"You're spacing out."

Tumango ako. "May iniisip lang."

"May problema? Pamilya?" tanong niya.

Ngumiti ako. "Wala..."

Hindi na ulit kami nag usap. Ikinahiya ko iyon. I have to remind myself that next time, I shouldn't let him drive me home.

Kinalas niya ang aking seatbelts. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. Napagtanto ko kaagad na nasa tapat na pala ako ng bahay.

"I-I'm sorry..." natatawa kong sinabi.

"It's okay..." aniya.

Binuksan ko ang pintuan. Karga karga ko ang bouquet na binigay niya sa akin kanina. Nginitian ko siya. Tipid rin siyang ngumiti sa akin.

Sinarado ko ang pinto. Pagkatapos ay umalis na siya. Nanatili ako ng ilang sandali sa labas bago tinalikuran iyon para makapasok sa aming gate.

Hindi ko pa nabubuksan ang gate namin ay nakita ko na ang anino ng isang matangkad na lalaki sa pintuan. It was Jacob. Nagtiim bagang ako. He's here again! Mabuti naman at hindi ko na kakailanganin ang tulong ni Leo para lang makipag kita kay Jacob.

Pumasok ako sa gate namin. Kitang kita ko ang paglunok ni Jacob at pagbukas niya sa pintuan ng bahay para makapasok ako.

Dire diretso ang pasok ko. Si Maggie at James ay nasa kusina at mukhang abala sa paghahanda ng pagkain.

Nilapag ko ang mga rosas sa lamesa at hinarap si Jacob.

"Hiwalay na kayo ni Felicity?" malamig na tanong ko kay Jacob.

Hindi siya nakapagsalita. Parang nagulat sa tanong ko.

"Why did you court her in the first place, anyway?"

Matalim ko siyang tinitigan. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nakatingin si Maggie sa aming dalawa. Wala akong pakealam kung marinig ng kapatid ko at ni James ang mga bagay na ito.

"What? To show me that you're with someone new?" tanong ko. "Pumunta siya sa opisina kanina! She went there! She cried! She told me she left you because she thinks you don't love her! Tell me! Do you love her?" sigaw ko sa kay Jacob na ngayon ay nakatayo lang sa harapan ko.

Pakiramdam ko mababaliw na ako sa kakatanong sa kanya dito ngunit mananatiling ganyan ang reaksyon niya.

"Tingin ko ay tama ang lahat ng sinabi mo noon sa akin..." mas malamig niyang tono.

"Na ano?" inip kong tanong.

"Na... nakakasama ka sa akin. Gusto kitang balikan... pero natatakot akong pag nakita mong masyado ulit kitang mahal, iiwan mo ulit ako. So I chose her. She's a better choice."

"Yes..." Tumango ako. "She's a better choice."

Tangina!

"Hindi niya ako bibiguin. Mahal niya ako. Wala akong takot kapag siya ang para sa akin. Kapag ikaw, lagi akong takot. Ayaw ko nang maulit pa iyon..."

Tangina ang sakit!

"O! Edi bakit mo hinayaang makawala 'yon! Edi sana 'di ba? Nagmakaawa ka! Kasi 'yon dapat 'yong sa'yo! She's a better choice!"

Pagod niya akong tiningnan. Hindi siya nagsalita. Pumungay ang mga mata niya at ngayon ay pulang pula ang kanyang ilong.

"Kaya ka ba nandito kasi wala na siya? Wala na 'yong better choice mo kaya ako ulit?"

I did not want to sound so bitter and hurt but I did. Nawalan na talaga ako ng filter ng tuluyan.

"Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi? Nakakasama ka sa akin. I believed in you. Masyado akong in love sa'yo kaya totoong nakakasama na iyon. She's a better choice because I don't love her the way I loved you."

Hindi ako nakapagsalita.

"Hindi ko siya hinabol dahil alam kong sa huli, hindi parin talaga pwede! Sinong niloloko ko? 'Di ba?"

"Fuck! And you shut up! I'm trying my best to move on! I hated you so much for finding someone! For not listening to me when I needed you to hear my heart! Ang tanging nakikita mo lang noon ay ang sarili mong puso! That you'll get hurt if I let you go!"

"I hated you too, Rosie! Tinulak mo ako palayo! Sobra sobra ang sakit na binigay mo sa akin! At alam kong nasaktan ka rin sa ginawa mo noon! Hinawakan mong mag isa ang relasyon nating dalawa! Nating dalawa! Sating dalawa ang relasyong iyon! Dapat tayong dalawa ang nag dedesisyon!"

"Hindi mo kayang mag desisyon sa mga panahong iyon. You're broken that time!" sigaw ko.

"Mas lalo ka dapat nag ingat sa desisyon mo! Dahil wasak ako noon! You did not believe in me. Hindi ka naniniwalang kaya ko. Ang taong sandalan ko, hindi naniniwala sa akin. How can I believe in myself, then?"

Natahimik ako.

"Nawalan ako ng tiwala sa sarili ko noon! Dahil sa nangyari! Ayaw ko nang balikan pero nasaan ako ngayon? Ha?" sigaw niya.

"Then should I thank Felicity for breaking up with you? Kaya nandito ka ulit sa akin?" Nanliit ang mga mata ko.

Huminga si Jacob ng malalim. Pulang pula ang kanyang mga mata. Maging ang kanyang ilong ay pulang pula na rin.

"Dito rin naman 'to patungo. Alam ko 'yon, noon pa... She just spared me the break up lines..." Nag angat siya ng tingin sa akin. "Bakit? Masaya ka ba na nandito ulit ako? Hindi ba ay may iba ka na rin?"

Napatingin siya sa mga bulaklak sa lamesa.

Suminghap siya ng matagal at nakita ko ang sa gilid ng mga mata niya ang mga luha. Parang kinukurot ang puso ko. Nawalan ako ng lakas para sigawan siya o magsalita man lang.

"Kaya nga pagkakakaibigan na lang 'di ba? Kahit anong kaya mong ibigay, 'yon na lang... Ayokong magaya kay daddy. I refuse to marry for convenience. Kahit na sabihing minahal niya si mommy, alam kong ganito ang naramdaman niya para kay Auntie Precy. I refuse to be like him. I want... you... Pero kung hindi pwede, edi di bale na."

Hindi ako nakapagsalita. Ang sikip ng dibdib ko at pakiramdam ko 'di ko pa kayang magsalita.

Tumikhim si Maggie. Walang nagsalita sa aming dalawa ni Jacob. Na estatwa ako sa kinatatayuan ko. Ganoon din siya.

"Dinner?" ani Maggie.

Hindi ako nagsalita. Umiling naman si Jacob.

"Salamat, Mag... Mauuna na ako... Uuwi na muna ako..." ani Jacob.

Sumulyap siya sa akin. Hindi ko siya pinigilan. Masyadong masikip itong bahay para sa aming dalawa.

"Oh? Kumain ka muna bago umuwi..."

"Hindi na..." ani Jacob sabay labas sa aming pintuan.

Sumunod si Maggie sa kanya para siguro ihatid sa labas. Nanghina ang tuhod ko. Hindi ko kinaya kaya naupo na ako sa sofa. Niyakap ko ang mga tuhod ko at ginulo ko ang buhok ko.

Nang narinig ko ang pag alis ng Hummer. Bumalik si Maggie sa loob. Umuga ang sofa. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nasa tabi ko si Maggie.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong naiyak dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko ang mga luhang ito ay masyado kong inalagaan sa loob ng aking mga mata.

"Tangina, Mag... Ano na ngayon? Hindi ko na alam!" sabi ko.

"Ganoon ba kayo lagi kung mag usap? Nag sisigawan? Mag usap naman kayo ng mahinahon o..." ani Maggie.

"I'm trying to move on! Nakapag simula na ako. Tapos ganito? Ano? Balik sa dati? Nawala lahat ng pinaghirapan ko?"

"Bakit? Rosie, ano ba ang gusto mo?" tanong ni Maggie.

Maging ako ay wala nang sagot sa tanong na iyan. Ang hirap. Sobrang hirap.

"It's not that easy! It's not that easy to come back to him, you know! Paano? Hindi ko alam! I can't even imagine it!"

"Dahil nagbago na siya?" tanong ni Maggie.

Hindi ko alam kung bakit nahihirapan ako. Hindi ako makapaniwala na may posibilidad na magkabalikan kami. And if it's a wise choice! What's a wise choice in this situation? Hindi ko alam. Natatakot na akong mag desisyon at magkamali! Natatakot na ako!

Paano kung nagkabalikan kaming dalawa tapos mapagtanto niyang sana si Felicity na lang pala talaga? Paano kung dahil sa pagbabago niya, hindi na ako magkasya sa mundo niya? Paano ako? Ako na hanggang ngayon mahal na mahal parin siya tulad ng dati?

"Natatakot ako!" sabi ko, nanginginig ang aking boses.

Noon, matindi ang pananalig ko kay Jacob. Ngayon, pakiramdam ko ibang tao siya. Pakiramdam ko hindi na siya iyong dati. Pero mahal ko parin siya kaya natatakot ako.

"You'll figure it out. Mag usap ulit kayo. Sabihin mo 'yan sa kanya... You two matured. I'm sure you'll find a way..."

"Do you think we need space?" tanong ko.

Pakiramdam ko mababaliw na ako sa kakaisip ng mga susunod na mangyayari. Ito ang nagagawa ng pagmamahal ko kay Jacob. Kung tutuusin, pareho lang naman yata kaming dalawa noon.

"You'll figure it out..."

Habang kumakain kaming tatlo sa kusina ay tulala ako. Hindi na ako nahiya kay James na panay ang tingin sa akin. Pakiramdam ko sobrang pagod ako sa nangyayari.

"Mag absent ka muna bukas..." ani Maggie.

"Hindi pwede... may interview ako..." maagap kong sagot.

"I think you need to rest, sis. i'm sure may mag ki-carry out sa task mo if wala ka bukas..."

"Ayoko..."

Pakiramdam ko kapag aabsent ako, itutuloy tuloy ko na. Mag li-leave ulit ako ng mahabang panahon. Parang ayaw kong pumasok.

"Mabait naman si Duke. Maiintindihan ka noon."

Naisip ko si Duke. I remember everything about him. Lahat ng namagitan sa aming dalawa. It's breaking my heart.

Pumikit ako ng marahan.

"Hindi ka pa sumusubo ng kahit isa. Magkakasakit ka niyan..."

Hindi nagkamali si Maggie. Nilagnat at sinipon nga ako sa kakaiyak sa gabing iyon. Sumabay pa talaga ang sakit sa mga nangyayari. Kaya kinaumagahan ay wala akong choice kundi ang umabsent.

"Duke, I'm sorry I can't go to work. Nilalagnat ako," sabi ko nang tinawagan ko siya kinaumagahan.

"Oh? What happened? I'll drop by your house to give you medicines..." ani Duke.

"Huwag na! Trangkaso lang 'to. Tsaka nakainom na rin ako ng gamot. Pahinga na lang 'to."

I know he would insist but I promised myself to be firm.

"Rosie, gamot lang naman. Sige na. Tsaka pagkain na rin..."

"No, Duke. Baka wala ring tao dito mamaya kasi mag papacheck up ako kung lumala 'to."

"Edi samahan kita sa doctor?"

Suminghap ako. "Duke, I'm really okay. I just need my rest. Please, don't bother..."

Natahimik si Duke. Pakiramdam ko may ginagawa akong mali pero hindi ko parin binawi.

"Okay... Get well then..."

"Thank you, Duke."

"Ako na ang bahalang tumawag sa Manager. You'll be fine."

"Hindi na. Tinawagan ko na si Ma'am. Okay na daw."

"Ganoon ba? O sige... Mabuti naman."

Binaba ko ang cellphone ko. Nanatili akong nakahiga sa kama buong araw. Walang laman ang utak ko kundi ang lahat ng nangyayari.

He refused to be like his father. I refuse to be like Auntie Precy. Ayaw niyang maging katulad siya ni Don Juan kaya hinayaan niyang umalis si Felicity. Ayaw kong matulad kay Auntie Precy kaya di ako mag aantay sa kanya at sinubukan kong mag move on. It's so funny that we did the same thing only in a different light. Magkasalungkat kaming dalawa, kahit saan tingnan.

Pero kung ginawa noon ni Don Juan ang ginawa ni Jacob ngayon, ano ang gagawin ni Auntie Precy?

She would probably reject him and tell him to go back with Cielo. Or... she would grab that opportunity to be with Don Juan? Hindi ko alam kung alin.

And I refuse to be like her.

I dialed her number. Bago ko pa tuluyang ma dial ang number niya ay may tawag galing kay Leo.

"Hello?" sagot ko kaagad.

"Mamaya ha?"

Bahagya akong nag hang. I don't remember any hang out session today.

"Mamaya?"

"Tsss. Rosie, it's my birthday!"

"Oh! Shoot! Happy birthday, Leo! Mamaya?"

"Oo! Iyong sinabi ni Karl sa'yo... Okay? I'm expecting you to be there, Rosie..."

"O-Okay..." sabi ko.

"Okay... Bye. Tatawagan ko pa ang iba..."

"Bye. Happy birthday ulit."

"Thank you..."

Binaba niya ang cellphone. Ilang sandali akong natulala bago tuluyang dinial ang numero ni Auntie Precy.

Pagkasagot niya sa tawag ko ay rinig na rinig ko pa ang mga boses ng estudyanteng nag gu-Good morning sa kanya.

"Rosie, napatawag ka?"

"Auntie... I have a question..."

"Ano? May klase ako. Bilisan mo..." aniya.

"Kung... iniwan ni Don Juan Antonio si Cielo noon, tapos bumalik siya sa'yo... anong gagawin mo?"

Ilang sandali siyang hindi nagsalita. Napatingin pa ako sa cellphone ko para icheck kung naroon pa ba siya.

"Well... Itutulak ko siya palayo. Ipapabalik ko siya kay Cielo. Bakit mo naitanong?"

Nabigo ako sa sagot ni Auntie. "Bakit po?"

"Minahal ko si Juan Antonio dahil sa paninindigan niya. Kung iniwan niya si Cielo, ibig sabihin hindi niya ito pinanindigan."

"But you have your chance! You can't blow it away!"

"Bakit ka nagtatanong? Rosie, hindi ko na maibabalik ang dati. Ang importante ngayon, pinanganak si Jacob. Iyon ang isipin mo. Sige na... Ibababa ko na 'to."

"Te!" sigaw ko pero binabaan niya na ako.

Padabog kong binaba ang cellphone ko sa aking kama.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro