dumating ang bagong taon na wala ka
"nagbakasyon ka," ito ang iyong tinuran
pero isang litrato ang akin namang bumungad
pinadala, nagulat, wala nang pakundangan
anila, "may bago kang kinakasama"
animo, "hindi, kaibigan ko lang iyon"
alin ba sa mga ito ang tama?
tulong, naguguluhan na naman ako
— archivesniayeng
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro