Baka Sakaling Siya

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nananawa na ako. Isipin mo kasi, what are the odds na makilala mo ang taong para sa 'yo? Maybe you'll answer something like, "basta makikita mo rin 'yan" o kaya naman "hintayin mo kasi darating 'yan ng hindi mo inaakala. Pero sa dami ata nang dinate ko, mas mauuna pa 'yon na umabot sa isang daan keysa sa possibility na mahanap ko ang para sa 'kin. It's not that they are lacking at lalong lalo naman na hindi AKO ang nagkulang, sadyang laging 'di lang compatible. Walang spark or anything.

Bumuntong hininga ako at humigop nalang ng mainit na kape. Stressed na stressed na nga ako sa buhay pag-ibig ko mukhang 'di pa ako sisiputin ngayon ng kikitain ko. Wala namang bago, it just another fail attempt to fin–

"Hi," kalabit nito sa 'kin. Pagkalingon ko'y bumungad ang isang matangkad na babae. 'Di ko mapigilang titigan siya agad—diretso sa mata. Agaw pansin kasi ang mahahabang pilik-mata niya, kumaway kaway pa nga ito sa kanyang bawat pagpikit.

She extended her hand to me, "I'm Elise."

 Inabot ko ito at taas-kilay siyang tinanong, "Oh, are you..?"

"Ay, unfortunately, no." Bumitaw siya sa pagkakahawak at umupo sa tapat ng inuupuan ko. 

"It's my brother you're meeting with, nag-park lang siya." Tumango na lang ako sa kanya, kahit hindi ako sigurado sa narinig ko. Tama ba ang pagkakaintindi ko... hindi siya ang dapat na kikitain ko?

Bakit?

"Are you uncomfortable?"

Muli–diresto sa mata.

"Ha?" Taka kong tanong.

"You asked me why."

"Ah," narinig niya pala ako.

 "Medyo weird pero tolerable." nginitian ko siya pero napatitig lang siya sa 'kin. Tingin niya siguro ang kapal ng mukha ko para maging pranka. Pero sino bang hindi ma-wi-weird-an sa setup na 'to?

"You know what?"

Umiwas ako ng tingin at uminom muli ng kape, masyado kasi siyang titig na titig, 'di ko alam ang tumatakbo sa isip niya, sa lahat kasi ng nakilala ko siya yung tipo na unang kita mo pa lang, alam mo nang mahirap siyang basahin.

"I like you already." sabay tawa niya.

Biglang umakyat ang iniinom ko, naubo-ubo pa ako pero tawa lang siya ng tawa. I take it back, madali lang siyang basahin—sadista siya.

"Here," At siya? He looks...perfect. Dumiretso siya sa tabi ni Elise matapos niyang iabot sa 'kin ang kanyang panyo, nahihiyang ngumiti. Parang nabuhayan ako ulit dahil this time, mukhang matino ang inirekomenda ni Mir.

"Guess I'll go and buy a drink, yeah?" ani ni Elise sa katabi niya. Inikot ikot pa nito ang mga daliri't bago tumango sa kapatid. At talaga namang 'di paawat si Elise, nakuha pang kumindat bago tuluyang umalis para umorder.

Lumingon ako sa kanya na siyang sinuklian niya ng tingin na 'di nakakatunaw, 'di nakakakaba. Kung ikukumpara sa presensya ni Elise, kalmado lang ang lahat. Is this it?

"Hi.." panimula niya. "Pasensya ka na kay Elise, she can really be a handful."

"Normally bobolahin kita, pero mukhang ibubuking din ako ng kapatid mo mamaya pag-uwi niyo."

Tumawa siya, may dimples.

"Nga pala, I'm Kiko." inilahad niya ang kamay niya.

Inabot ko ito. "I'm Clara-"

"And I'm poor, sorry to interrupt your moment but I forgot to bring money with me." Balik ni Elise sa lamesa namin. Tinago ko ang ngiti ko, kasi naman, ang lakas ng dating biglang wala pa lang dalang pera. Mukhang 'di lang ata siya sadista, makakalimutin din.

"Uhm.. Clara? I hope you're not that bothered na dalawa kami na pumunta rito." sambit ni Kiko nang maiwan uli kami. "I know that the arrangement that was promised is far from this."

"No, it's fine. Nagulat lang ako kanina pero ngayon okay naman na." Tumango-tango siya, unti-unting bumaba rin ang mga balikat niya. Kalmado na katulad ko.

"Yung panyo mo pala ibabalik ko na lang next time."

"Wow, there's next time already?" Ani ni Elise habag nilalapag ng dalawang kape at tatlong chocolate cake sa lamesa. "Am I still invited?"

Really. This. Girl.

Tumaas ang gilid ng labi ko, "Depends." na siyang ikinataas ng kilay niya. "Kung hindi mo malilimutang magdala ng pera." pang-aasar ko. I know we all just met and I may come off as offensive pero 'di ko lang mapigilan sarili ko.

Nadadala na ata ako, hindi ko lang alam kung saan.

Ramdam ko ang pagkagulat niya dahil napatigil siya sumandali sa pagkain niya ng cake pero agad din siyang sumagot nang malunok niya ang nginunguya niya.

"You're really something, are you?"

"Something to keep–yes." Nakatingin lang saming dalawa si Kiko, gulong gulo na rin ata kung anong nangyayari. Debating in his head kung aawatin niya ba kami o kaawat-awat ba ang pag-uusap namin. Kung ang utak ko ang tatanungin?

Awat na, 'di ito ang napag-usapan.

Lumalim na ang gabi at napagdesisyunan naming mag-ikot ikot sa may plaza, sakto pa at nagsimula ngayon ang bazaar. Nauna si Elise, "alone time" raw muna namin.

"This looks good on you." hawak ni Kiko ang isang dilaw na korteng bulaklak na hair pin.

Kiko...really seems like a great guy. Sa lahat kasi ng naka-date ko siya lang ata ang walang hidden agenda, we are just hanging out na para bang matagal ko na siyang kakilala. At sa paglalakad namin mas nakikita ko kung gaano siya kabait. Pakyawin ba naman ang tindang kakanin ni lola para raw maka-uwi na ang matanda ng maaga.

"Kakainin mo lahat 'yan?"

Humawak siya sa batok, "Gusto mo?" Tama nga si Mir, yung officemate ko, ubod ng bait 'tong si Kiko.

"Salamat." kinuha ko ang iniabot niyang kakanin.

Pero kahit anong bait, anong kalma... bakit ako ganito? Parang naghahanap ata ako ng gulo.

Sa 'di kalayuan tanaw namin si Elise, nasa gitna siya ngayon ng plaza, napapalibutan ng sari-saring lilim ng liwanag at masayang nakikinig sa nagbu-busking na banda. Maya-maya'y umindak na siya sa tempo ng kanta.

Sobrang laya niya pagmasdan, aakalain mong parte talaga siya sa performance ng banda. Alam kong sinamahan niya lang si Kiko na kitain ako, and maybe she has somebody in her life but I can't help it. She's too intriguing to ignore.

Nagpaalam si Kiko sandali, hahanap lang daw siya ng kiosk sandali kaya nang matapos ang kanta'y ako na lang ang naabutan ni Elise. Kumaway kaway siya papunta sa 'kin.

"Sooo... how did it go?" Bungad niya.

"He bought dozens of rice cakes." Turo ko sa kuya niya na medyo nakalayo na sa amin, hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.

"What?!"

"Binigyan niya rin ako, syempre." Nanatili siyang gulat, bumulong pa ito sa sarili.

"Gusto mo ba ibalik–"

"No, no. It's okay, I'll deal with him later." Tinali niya ang buhok niya at pinaypayan ang sarili.

Which reminds me, "Naghanap pala si Kiko ng kiosk, inom daw tayo."

"Wow, that's new."

"Let me guess...siya ba yung tropa mo na biglang nawawala pag may inuman?"

"Precisely. He'll always insist that it's better without a killjoy like him or whatever." Uyam niyang kwento. "That's why he's also reluctant on this blind date and ended up bringing me to quote unquote waterdown the situation..."

Patuloy lang siya sa pagkwento pero halos kainin na ako ng konsensya ko. Unang kita pa lang kasi namin kanina ni Kiko ay alam ko ng nahihiya siya sa 'kin and to think that I became more interested in his sister. Ang gago ko lang.

Naabutan namin siyang nakaupo sa may tapat ng kiosk, nag-iintay sa 'min. Umupo ako sa tabi niya, nakokonsensya.

"What are you thinking?" He asked me.

"Wala naman." Sagot ko.

Naiwan ulit kaming dalawa sa lamesa, si Elise na kasi ang bumili ng beer dahil pagdating namin sabi ni Kiko, "I don't know which tastes good." tawa pa nito, dahil siya na nga raw ang nag-aya pero hindi siya maka-order.

Nakakainis pa dahil kahit pigilan ko, sinundan pa rin ng mata ko ang bawat galaw niya. 

"Alam mo ba, Clara..." panimula nito. "I can see right through people." ginawi ko ang tingin sa kanya at nakita siyang taimtim na nakangiti.

"Kanina ko pa alam, sa totoo lang, you never really bothered to hide it from me." pagpapatuloy niya. "I know that I'm not brave enough to meet up alone with you but, for once, I'm glad I am."

Nilahad niya ang kamay niya sa 'kin at tumayo, "It was nice meeting you, Clara. Since I've missed my shot, I hope you're not gonna waste yours?"

Sa bilis ng pangyayari, naiwan na lang akong nakatulala. Ang dami kong gustong sabihin pero wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko hanggang sa nakabalik na lang si Elise sa lamesa namin.

"Where's Kiko," iginawi niya ang tingin habang nilalapag ang mga bote ng beer sa lamesa. "restroom?"

"Uhm.." 'Di ko alam ang isasagot sa kanya. Umalis na kuya mo kasi nahuli niya akong nagnanasa sa 'yo. Ugh, from gago to manyak lang, Clara?

Kinuha ko ang isang bote at diretso itong ininom, Kiko already gave me a motivation to make a move pero sa tingin ko mas kakayanin ko kung may tulak ng alak.

"To be honest, Elise..." Ayan na naman siya sa tingin niya sa 'kin–diretso sa mata, tagos sa puso. "Umuwi na kuya mo."

"He– what?! Pucha, how can I go home then?" Sa kabila ng lutong ng mura niya at kaseryosohan ng problema niya ngayon, hindi ko na talaga kinaya at napahalakhak na ako ng malakas.

Kita kong nadikit na ang mga kilay niya kaya tinikom ko ang labi ko't pinigil ang tawa.

"Just borrow from me," I said as a matter-of-factly. "bayaran mo ko sa susunod."

Inikot niya pa ang mata sa 'kin, akala niya ata ay inaasar ko pa rin siya.

I don't know what got to me. Maybe it's her eyes o kaya naman 'yong pag-indak niya kanina. Kasi for the first time, in so many dates I've been at, napahiling ako't 'di napatanong na sana...sana itong babaeng kaharap ko na ang tao na para sa 'kin.

"And if it's okay with you, that next time would be a date?" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro