II

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Carnelian

"Tapos na ang sampung minuto na ibinigay ko sa inyo." Saad ni ma'am

"Ano ba yan." Maktol ng katabi kong si Kaizer "May gawa ka na?" Tanong niya sa'kin. Tumango naman ako bilang sagot.

"Miss Del Valle, bilang isang manunulat, nais kong ma-una ka."

Pumunta ako sa harapan upang i-presinta ang aking gawang tula.

"Wika"

"Ngayong mga nakaraang araw
Tila may nag iiba
Mas tinatangkilik na natin ang mga bagay na galing sa ibang bansa Gamit, pagkain, o iba pa"

"Koreano na ang iniidolo
Tila pinalit na nila ang kanilang pagiging Pilipino
Iniidolo ko rin naman ang mga Koreano
Pero ang pagsisisi na ikaw ay isang Pilipino at isinilang sa bansang ito? May mali na dito"

"Bakit hindi niyo pangalagaan ang ating wika at bansa
Na ipinamana pa ng ating mga ninuno
Na ipinagkatiwala sa atin ng mga sinaunang Pilipino
Pero bakit mas minamahal niyo ang salita at kultura na hindi naman sa atin ipinamana"

"Hindi niyo ba alam na ang pagiging Pilipino ang sumasalamin sa ating pagkatao Ang pagiging Pilipino ang nagsasabi kung sino talaga tayo
Pero bakit tinatalikuran mo ito?
Bakit hindi mo magawang ipagtanggol ang kapwa Pilipino mo?
Bakit puro away ang pinapairal niyo?
Hindi ba dapat nagkakaisa tayo?"

"Wika lang?
Wika lang?
Hindi mo alam kung gaano ito kaimportante sa pagiging isang tao"

"Wika LANG?
Lang?
Pinaghirapan ito ng ating mga ninuno
Lang?
Ipinagkatiwala nila ang wika sa atin ngunit sila ay binigo mo"

"Bakit hindi mo magawang mahalin ang sarili mo?
Bakit hindi mo magawang tangkilikin ang gawa ng mga kapwa mo?
Bakit hindi mo magawang mahalin ang pagiging Pilipino mo?"

"Nagsisisi ka ba?
Nandidiri ka ba?
Ayaw mo ba?
Huwag kang mag-alala
Sa pag talikod mo,
Sa pag talikod mo sa dugong dumadaloy sa'yo
Pinapatunayan mo lang na hindi ka karapat dapat maging Pilipino"

Pagkatapos ko ay nag-bow ako tsaka bumalik sa  aking upuan.

Ngunit bago pa man ako mapa-upo, nadulas ako. Buti naka PE uniform ako. Buti na lang at nakapag balance ako kahit papaano.

Nadinig ko namang napatawa lahat. Lalo na si Kaizer. May nakakatawa ba?

Inalalayan ako ni ma'am para maka-upo. Pero hindi pa rin natigil sa pag tawa ang Kaizer na 'to.

In-obserbahan ko kung saan nagmula ang tubig na dahilan ng pagkadulas ko. And look! Galing iyon sa natapong tubig ni Kaizer.

Akala niya hindi ako gaganti? Siya naman ang pagtatawanan ko.

~

Na sa locker room ako ngayon, papunta pa lang sa practice room. Yung locker na kasya yung mga damit. Kasi nga halos lahat ng students dito ay may kaniya-kaniyang club at scholarship. Bali ang locker room ay naka locate sa pinakababa, ang practice room ay na sa pinaka taas, at yung badminton court naman ay na sa likod ng school na may anim na court.

Naka suot ako ng blue jacket, pantalon at black na rubber shoes. 3:00 PM pa lang. 5:00 mag a-out ako para makapag training naman. Kailangan ko kasing maghabol ng sayaw dahil bukas na ang presentation. Para sa opening ng laban ng mga private schools sa city namin. And next next week naman ang badminton. Di daw kasi available ang ibang school sa Thursday.

"Ay! Ano ba yan Jay! Akala ko totoong ipis!" Rinig kong sigaw ng isang babae

"HAHAHA!" Tawa naman ng isang lalaki. Nilingon ko silang dalawa. Ipis daw? Hmm.

"Kuya!" Nilapitan ko yung lalaki tsaka kinuha yung laruang ipis niya. Mukha siyang na sa grade 8 or 9. "Pwede kong mahiram 'tong laruang ipis? Isusoli ko naman. Kilala mo naman ako diba?" Sabi ko. Tumango naman siya.

"S-sige po. M-mauna na jo kami." Sabi nung lalaki at umalis na sila nung kasama niya

Nakakatakot ba ko? Agad-agad yung pag-alis? Baka nahihiya lang.

Since ang bawat locker ay may pangalan, hinanap ko ang locker ni Kaizer. And I found it! Pinilit kong isiksik ang laruang ipis sa locker niya. Mabuti at nagkasya. Dali-dali naman akong umakyat papuntang practice room.

Kaizer

5:30 PM na, pinapanood ko ang mga Badminton players mag laro at syempre, pinapanood ko din ang pinsan ko. Sabay na kaming uuwi. Kung siguro nagtuloy akong magtraining, kasing lakas nila ako.

Nabaling naman ang aking tingin sa napaka gandang babaeng nag ngangalang Carnelian. Oo. Lodi ko talaga siya. Sa totoo lang, siya ang naging dahilan kung bakit ako naging sikat ngayon. Naging inspirasyon ko siya.

Nakita ko kasi noon ang pinsan ko na may ka-chat. Tinanong ko siya kung sino, sabi niya girl best friend niya, Carnelian daw ang pangalan. I stalked her and found out that she is a famous poet. Pinanood ko sa YouTube lahat ng gawa niya. And na-inspire niya ako. I also want to be a poet, kaya lang wala akong talent doon. And I tried to create a story base sa mga napanood kong tula niya.

Carnelian is very talented. She has good looks, famous poet, a good dancer, a good singer, and a very good badminton player. Hindi na ko magtataka kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya. To be honest, I like her. I want to be close to her. Kaya lang, ang cold niya sa'kin, pero I can sense na mabait siya. Kaya lang yung kanina, I think hindi niya ko titigilan. Feeling ko di niya ko mapapatawad.

~

Carnelian

Recess na ngayon, galing akong library at pupuntahan ko na sa canteen ang tropa ko. Kinausap lang ako ng librarian kung pwede daw bang bumili sa'min ng libro.

Our family owns a bookstore kasi. Different kinds of books and school supplies ang nandoon. Yun ang pangunahing business ng family namin sa mothers side. Sa fathers side naman, may resort kami. Sabi nga ni papa, gusto ng school na doon mag field trip ang grade 10. And I'd love to! Without Kaizer.

"Hey Carnelian!" Tawag ng isang lalaki sa'kin sabay akbay. And guess who. Pag minamalas ka nga naman.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin. Hinarap ko siya at huminto sa paglalakad.

"You did a great job! Natakot mo talaga ako sa ipis na yon!" Sabi niya. Kinuha niya ang kamay ko at nakipag-apir. Tsaka siya umalis.

Ipis? Yung kahapon? How did he knew?

"Carnelian!" Tawag sa'kin ni Sofia ng magkasalubong kami. Bakit naka uniform siya ng dance club? "May dala kang maroon na jacket ng school? Tsaka pantalon at white rubber shoes? Basta yung uniform." Tanong niya at tumango naman ako.

Kaizer

Ang galing talaga manakot ni Carnelian. Hindi ko ine-expect na magka-kasya ang laruang ipis sa pagsiksik niya sa locker ko.

~flashback~

Kapapasok ko pa lang. Natapunan ang uniform na suot ko ng kape na inok ko. Buti na lang at may extra uniform ako sa locker.

Kinuha ko ang uniform ko sa locker at nagpalit sa CR. Pero teka, bakit parang ang kati. Hinubad ko ulit ang uniform. Pano nagkaroon ng ipis dito? At laruan pa talaga ha.

"Sir Kaizer! Saan niyo po nakuha yang laruang ipis?" Tanong nung isang lalaking estudyante

"Sa locker ko. Bakit. Sa'yo ba 'to?" Tanong ko

"Opo. Hiniram po kasi ni miss Carnelian. Okay lang po kung kuhanin ko?"

"Ah. Sure." Sabi ko at sinauli ang laruan

"Thank you po." Sabi niya at umalis

So si miss Carnelian Del Villa pala talaga ang may balak. She succeed.

~End of flashback ~

Na sa back stage ako ngayon. Habang nagpapapak ng ketchup. May muse and escort kasi para sa program. Ako ang gagawing pambato ng University of St. Joseph. Ang muse ay si Therese. Dapat daw ay si Carnelian, pero mas pinili niyang sumayaw.

"Excuse me!" May lalaking dumaan sa likod ko at natulak ako. Sakto namang may damit sa upuan sa harap ko at natapunan ito ng ketchup. Yung pantalon, natapunan, sa bandang puwitan pa talaga. Sh*t! Mag mu-mukhang may menstruation ang magsu-suot nito.

Binaliktad ko ang pantalon para hindi mapansin ang mantsa. Tsaka naman ako nagtago.

At kilala ko na kung sino ang may-ari nito.

Sorry, Carnelian.

Carnelian

Nagpe-perform na sila sa stage, bali papasok na ang iba sa next part. Rise ang sayaw namin. Ang ganda nung tugtog. Energetic!

Umakyat na ko at sumayaw. Kung kanina na puro palakpaka, bulungan ang naririnig ko ngayon. Halata rin ang gulat sa mukha ng mga ka-miyembro ko pero tuloy pa rin kami sa sayaw.

Ngunit nabigla ako nang huminto ang tugtog. Hinila ako ni Sofia at dinala sa banyo kasama ang iba pa naming babaeng ka-miyembro. Sinara nila ang pintuan.

"Oh bakit? Anong nangyari?" Tanong ko

"Meron ka ba ngayon?" Tanong ni Sofia

"Wala naman. Bakit?"

"Ha? Eh bakit may kulay pula diyaan sa pantalon mo? Nakakahiya pinag-uusapan ka!" Saad naman ni Andrea

Hinubad ko ang pantalon ko dahil may cycling naman ako. Tama nga. Ngunit hindi siya dugo. Ketchup siya. Halata ito sa amoy nito.

"Sino-sino ang mga na sa backstage kanina?" Tanong ko sa kanila

"Sila Kaizer, Je--"

"Kaizer ba kamo?" Tanong ko "Na saan siya?" Mukhang alam ko na kung sino ang salarin.

"Na sa canteen."

"Samahan niyo ko, pupuntahan natin siya."

Sinuot ko ulit ang pantalon. Tinanggal ko ang jacket at tinali ito sa bewang ko para hindi halata. Mainit din naman. Naka t-shirt naman ako kaya mas presko.

Hinanap namin si Kaizer. Nakita namin siya sa canteen, nagpapapak ng ketchup habang nakikipag-usap sa mga girls na puro marupokpok.

"Excuse me! Mister Kaizer De Guzman!" Pang-e-epal ko sa usapan nila

"Excuse me din oh. Kita mong nag-uusap kami nila Kaizer diba." Sabat ni Arianna

"First of all kausap ka lang niya pero hindi ikaw ang tinawag ko so shut your mouth. Masyado kang pa-importante." Sabi ko sabay irap. Tumayo naman si Kaizer at hinarap ako sabay ngiti. "Pwede bang wag mo 'kong ngitian. Katawa-tawa ba yung ginawa mo sa pantalon ko?" Halata sa mukha niya na kinabahan siya "Napahiya ako sa harap nang napakaraming tao!"

"Carnelian. Wag ka namang ganyan umasta. Bago lang din naman siya dito eh. Be friendly." Sabat ni Sofia

"Isa ka pa!" Sigaw ko kay Sofia "Napahiya na ako sa harap ng napakaraming tao! Masaya ka na ba? Ha? Bakit mo ba ko laging pinapahiya? Ano bang nagawa ko?!"

"I-I'm so sorry. It was an accident." Sagot niya dahilan para mapa-ismid ako

"Sorry? Tingin mo may magagawa pa yang sorry mo?" Saad ko "Naturingan kang sikat, ang dami mo namang katarantaduhan sa buhay!" Sabi ko sabay at umalis

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro