para sa pamilya

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Ano ba 'nay! Bukas na ang prom namin pero wala pa akong gown!" Pagpasok ko pa lang ng bahay galing trabaho ay ito na agad bumungad sa akin, ang sigaw ng dalaga kong anak.

Napabuntong-hininga naman ako bago bumunot ng limang libo sa wallet at ibigay sa kaniya.

Nakita ko ang gulat sa kaniyang mukha ngunit agad nawala iyon.

"Wow, totoo ba ito? Huwaaa mamimili na ako! Thank you, 'nay." Saglit akong niyakap ng aking anak bago tumakbo papasok sa kaniyang kuwarto.

Talaga namang nakakagulat iyon para sa aking anak na ang alam ay isang labandera lang ako.

Tuluyan akong pumasok sa k'warto at nagpahinga. Pagod na pagod ako galing sa trabaho.

---
Alas-diyes ng gabi noong makatanggap ako ng tawag galing sa isang negosyante.

O-order siya.

Ako naman ay mabilis na naghanda at dahan-dahang umalis sa bahay.

Nang makarating sa isang madilim na eskinita, nakita ko na siya roon na nasa tabi ng kotse. Ang kaniyang tayo at

Nilapitan ko siya at nagpakilala.

"How much?" Sambit niya.

"100,000 per pack ," sagot ko.

"Okay, give me five packs." Saad niyang muli bago bumunot ng pera sa wallet niya. Ako naman ay kumuha nga ng lima at ibinigay sa kaniya.

Nang matanggap ko ang pera ay nagpasalamat ako bago magpaalam at naunang umalis na.

Eto ang trabaho kong bago, ang magbenta ng pinagbabawal na gamot para sa malaking halaga ng pera.

Wala kasing mangyayari kung mananatili ako sa pagiging labandera. Kaya tinanggap ko na ang offer ni Christian, ang mayaman na aking supplier.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro