Respect

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nagising ako mula sa masarap na tulog nang magsisisigaw ang mama ko. Tila galit ito sa napapanood sa telebisyon.

Kusot ang mata na lumabas ako sa k’warto. Naabutan ko siyang nakapamewang na nakaharap sa TV namin.

“Ma?” mahinang tanong ko rito.

“O, anak! Gising ka na pala.” nilingon ako nito bago bagsak ang balikat na umupo sa sofa.

Nang makitang parang nanghihina siya, ay kumuha ako ng tubig sa kusina at ibinigay ito sa kaniya. Nang matapos siyang uminom ay saka ako nagtanong.

“Ano problema, Ma?”

“Sarado na ang ABS... Wala ng silbi ang TV plus natin. Pero hayaan mo na, baka mag-renew naman siguro sila. O siya, diyan ka muna, magluluto na ako.” tumayo ito at tinapik pa ang balikat ko bago ako lagpasan.

Sarado na ang ABS?

Kunot-noo akong bumalik sa k’warto at kinuha ang cellphone. Pagbukas ko pa lamang ng Facebook ay puro post na tungkol sa ABS ang bumungad sa akin.

Iba-iba ang opinyon ng mga tao. May natutuwa, may nagagalit.

Sa bawat post na nakikita at pati na rin sa mga balitang nababasa ko, ay nabuo ko ang opinyon ko. Nagsimula ako magtipa at pinost ko ito sa aking Facebook account.

Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay maraming tao na ang nag-react doon. May mga comments na rin, na karamihan ay hindi magaganda. May iba pa na idinamay pati ang panlabas na itsura ko.

Muli kong binasa ang aking pinost. Maingat naman ang mga salitang naroon at nilagyan ko pa ng ‘sa aking opinyon’ ngunit bakit parang ayaw nila tanggapin?

Huminga ako nang malalim bago isarado ang app at makinig nalang ng musika.

Wala naman akong mapapala kung magrereply pa ako sa mga ‘yon. Isa pa, opinyon nila ‘yon. Kahit na hindi nila irespeto ang akin, irerespeto ko pa rin ang sa kanila. Iyon ang turo ni Mama, at masaya ako na sa ganoong pag-iisip ako lumaki.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro