chiko imperial
October 11, 11:39 p.m.
Inalok ka na ba ni tito xavier?
Oo
Pero sagutin mo tanong ko kuya
Masaya ka ba dyan?
Yung totoong sagot ha
Depende rin kasi
Paanong depende?
Minsan masaya ako kapag may nagagawa ako
Lalo na kapag malaki yung contribution sa kumpanya
Pero madalas hindi kasi napapagod ako
Tapos wala pa si price at si cala dito
Gustong-gusto kong umuwi
Kaso kapag maiisip ko na para sa kanila rin naman tong ginagawa ko, okay lang. Sulit naman yung pagod ko
Nalilito ako sa sagot mo
Depende kasi talaga yun sayo chigo
Hindi naman sa lahat ng oras masaya ako kahit gusto ko tong ginagawa ko. Siguro kahit wala rin si price at cala, pareho pa rin sagot ko sayo. Wala naman kasing madali
Pero kung iisipin mo kung para saan at bakit mo ginagawa ang isang bagay, sana sapat na yun para tumuloy ka
Maganda yung alok sayo, pero di rin naman kita pipilitin kung ayaw mo. Nagsabi lang din si Tito sayo, ikaw pa rin ang bahala
May isa pa akong tanong ulit kuya
Ano yun?
Kailan mo nalaman na gusto mo si ate price?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro