XVII. Bestfriend

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

*continue to play the audio/youtube video*

♪♫♬ ‘Take my heart and I'll hide behind to see you close. I'll be watching you’ ♪♫♬

“Ilang taon na ang nakakaraan nung ako ang nakaupo sa inuupuan mo ngayon. Umuulan ng malakas at wala akong dalang payong, naiiyak pa ako nun dahil nagalit siya sa akin nung araw na 'yun. Siya, siya 'yung crush ko simula ng pagtungtong ko ng highschool. Alam ko naaasar siya sa akin dahil mahangin ako, lagi ko kasing pinipisil 'yung pisngi niya”


♪♫♬ ‘Come into yourself and feel the touch I always do. Look into your mind and see that I'm next to you. Hear the voices that tells you there is someone. Who's over and watching you’ ♪♫♬

“Pero ang ikinagulat ko nung oras na 'yun ay may babaeng pumasok sa loob ng 7eleven. Siya. Nakita niya akong umiiyak dahil broken hearted ako dahil sa kanya."

♪♫♬ ‘But it feels like nothings gonna cross our ways. It’s alright, I'm never giving up on you again’ ♪♫♬

“Nagsinungaling ako sa kanya. Wala kasi akong lakas ng loob para sabihing crush ko siya at siya ang dahilan kung bakit ako umiyak. Naging close kami, naging magbestfriends kami”

Hindi ko mapigilan ang pagngilid ng mga luha sa mga mata ko.

♪♫♬ ‘Don't forget about the things we did and often do. Look into your mind and see that I'm next to you’ ♪♫♬

“3rd year kami nung tanungin ko siya kung pwede ko ba ligawan 'yung kaklase namin. Natuwa siya at umoo habang naasar ako. Siguro kasi masaya siyang may gusto akong ibang babae. Naging kami nung kaklase namin pero tuwing kasama ko 'yung babaeng 'yun, naiisip ko siya. Nagkunwari akong broken hearted para mayakap ko siya. Kunwari malungkot ako na naghiwalay kami nung kaklase namin, pero hindi. Malungkot ako kasi naisip ko, gusto ko na siya”

♪♫♬ ‘Hear the voices that tells you there is someone. Who's over and watching you’ ♪♫♬

Kaya pala, kaya pala may tissue.

“Ang tanga ko talaga. Bakit ako nagkagusto sa bestfriend ko? sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa kanya? Maganda siya, mabait, matalino at masarap kasama. Ibang kilig 'yung nararamdaman ko sa tuwing nagkukulitan kami. Pinipilit kong kalimutan pagkagusto ko sa kanya kaya nung 4th year, niligawan ko 'yung babaeng sinasabi kong matagal ko nang crush. Tinulungan pa nga niya ako at naging tulay siya”

♪♫♬ ‘But it feels like nothings gonna cross our ways. It’s alright, I'm never giving up on you again’ ♪♫♬

“Nung sinagot na ako nung crush ko kunwari, niyakap ko siya. Pinakita ko sa kanyang masaya ako na naging kami ng kaibigan niya. Akala niya masaya ako, pero ang totoo n'yan, gusto ko na magpakamatay sa sobrang hirap ng sitwasyon ko”

♪♫♬ ‘Will you soar and lift up my sorrows. Let me free until tomorrow. Nothing like I did before’ ♪♫♬

Bakit, bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin 'to?

“Js namin at kasayaw ko siya. Gusto ko siyang patahimikin dahil 'yung kaibigan na lang niya ang laging binabanggit niya kaya naman sa buong pagsasayaw namin, hindi ko man lang nasabing gusto ko siya. Last dance, kusa siyang umalis sa piling ko kaya sobrang nasaktan ako”

♪♫♬ ‘Will love you more, I need to be with you’ ♪♫♬

Nakakainis ako, nakakainis.

“Akala ko, pag nagkagirlfriend ako, sasaya ako at makakalimutan ko siya. Pero hindi, nagbreak kami nung kaibigan niya dahil alam ng kaibigan niya kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman. Buti pa 'yung kaibigan niya di ba? Pumunta ako sa bahay niya para sabihing gusto ko siya pero hindi ko magawa. Best friends kami eh. Ayoko masira 'yung pagsasama namin. Niyakap ko siya at umiyak ako. Umiyak ako dahil sa puntong 'yun—mahal ko na siya, siya na best friend ko”

♪♫♬ ‘Don't forget about the things we did and often do. Calm and ask yourself if everything is said was true’ ♪♫♬

Kinuha ko 'yung tissue sa harap ko at tinakpan ang mga mata ko. Nakakahiya man pero oo, umiiyak ako ngayon.

“Nagcollege na kami, best friends pa din. Pero nung nagcollege kami, may dumating na lalake na may gusto sa kanya. Hinayaan ko siya magpaligaw dun sa lalakeng 'yun at lumayo ako dahil nasasaktan ako. Halos ginawa ko lahat ng ayaw niya para magalit siya sa akin. Nagpakagago ako para lumayo na kami sa isa't isa.”

♪♫♬ ‘Hear the voices that tells you there is someone. Who's over and watching you’ ♪♫♬

“Nagtext ako sa kanya isang gabi at sinabi kong pumunta siya sa amin. Nung naaninag ko siya, nakipaghalikan ako sa babaeng matagal ng may gusto sa akin. Gusto ko siya magalit sa akin, kahit ako mismo, nasasaktan sa ginagawa ko.”

♪♫♬ ‘But it feels like nothings gonna cross our ways.’ ♪♫♬

"Napansin kong hindi na niya ako pinansin pagkatapos nung gabing 'yun at masakit man, hindi ko na din siya pinapansin. Mahirap pero kailangan kong kayanin. Kailangan ko kalimutan na mahal ko siya dahil kailangan ko panatilihin ang pagiging magbest friends namin.”

♪♫♬ 'It’s alright, I'm never giving up on you again’ ♪♫♬

“Nakikita ko sa kanya na mahal niya 'yung lalaking nanliligaw sa kanya. Masakit para sa akin, nasasaktan talaga ako pero ano nga bang magagawa ko? Masaya siya at kailangan kong sumaya para sa kanya. Magbestfriends kami eh.”

♪♫♬ ‘Soar and lift up my sorrows. Let me free until tomorrow’ ♪♫♬

“Isang gabi, nakita ko siyang papuntang 7eleven. Buti na lang at handa ako, nagyosi ako. Hindi ako sanay pero kailangan ko 'yun gawin para magalit siya. Tinawag ko pa 'yung kaibigan kong babae para makipag halikan sa akin. Nakita niya 'yun, halatang nagalit siya at nag usap kami”


♪♫♬ ‘Nothing like I did before, will love you more’ ♪♫♬


“Nainis ako sa sinabi niya: ‘akala ko ba bestfriends tayo’. Nalungkot at nagalit ako, hindi ko sinasadya lahat ng sinabi ko sa kanya pero nangyari na. Siguro nga best friends lang dapat kami. Dapat pala hindi ko siya minahal higit pa sa kaibigan. Dapat best friend lang turing ko sa kanya tulad ng turing niya sa akin”

♪♫♬ ‘I need to be with you... lift up my sorrows. Let me free until tomorrow’ ♪♫♬

“Isa lang siguro ang pwedeng solusyon, pag alis ng bansa. Nalaman kong sinagot na niya 'yung lalakeng nanliligaw sa kanya noon. Pinagpatuloy ko ang pag aaral ko at grumaduate. Ginawa ko ang lahat para makalimutan ko siya pero hindi, hindi ko kaya. Pag uwi ko, siya ang una kong pinuntahan. Pagkakita ko sa kanya, gusto ko umiyak. Gusto ko umiyak dahil hanggang sa puntong 'yun—mahal ko pa din siya”

♪♫♬ ‘Nothing like I did before will love you more’ ♪♫♬

“Nagkausap kami. Umiyak siya sa harap ko at hindi ko inaakalang mamimiss pala niya ako nang sobra. Natuwa ako. Siguro ok na nga ang ganito. Ok na mag best friends na lang kami”

♪♫♬ ‘I need to be with you... ohh...’ ♪♫♬

“Nagkatawanan kami. Namiss ko 'yung dating kami. Nagsorry na din pala ako sa kanya sa lahat ng nagawa kong kagaguhan sa harap niya. Natulog kaming magkatabi nung gabing 'yun. Masaya ako. Masasabi kong 'yun ang pinaka masayang gabi ng buhay ko pero kailangan ko gumising at tanggapin—ang katotohanan na mag best friends lang kami”

♪♫♬ ‘I do, I do, I need to be with you’ ♪♫♬

“Pero hindi eh, kung ititigil ko 'to--sasabog ako dahil hindi niya malalaman ang gusto kong sabihin. Nag isip at napagtanto ko ang lahat ng bagay kaya ngayon--”

♪♫♬ ‘I need to be with you...’ ♪♫♬

“--ako si Jerryk. Isang lalakeng nagmamahal sa kanyang best friend na si—”

Napatingin ako sa likod dahil biglang may kumuha ng ear phones sa tenga ko pero may nagtakip naman ng mga mata ko.


“Nuriko”

Lumakas tibok ng puso ko.

Umiiyak ako ngayon sa saya.

Umiiyak ako ngayon sa lungkot.

Umiiyak ako ngayon dahil all these years…

Itininayo ako nung nagtakip ng mata ko. Unti-unti niyang tinanggal ang pagkakatakip sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang mabilis na pag agos ng luha ko.


“Ang cute mo”

Nakangiti ka sa akin sabay pisil sa pisngi ko.

“Ngayon lang ako nagkalakas ng loob para sabihin 'to. Maniwala ka sana, mahal na mahal kita” At sa hindi ko malamang kadahilanan, natuwa ako nang makita kong tumulo ang mga luha na galing sa mga mata mo.

Lalo akong naiyak.

“All these years naghintayan lang tayo” Niyakap mo ako nang mahigpit.

Ganito pala ang pakiramdam magmahal.

May saya. May lungkot.

Pero ngayon, ako na ang pinaka masayang tao sa buong mundo.

Masaya akong sa'yo ako nagmahal.

Sa'yo, sa'yo na best friend ko.




—FIN—

---x
Author's Note:
Tapos na po ang bestfriend. Kinikilig ako sa mga naglalike/vote at naglalibrary nitong kwento na ito pero mas kinikilig ako sa mga nagcocomment lalo na kapag kakilig kilig talaga 'yung comment. Maraming salamat sa pagbabasa ng kwento ng dalawang magbestfriend. Maraming salamat sa 2000+ reads, sa 100+ votes/likes at sa 10+ comment (huhu). Sana po ay patuloy lang ang pagsuporta niyo sa akin. Ahehekz :"> ^_____^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro