Best Friends and Boyfriends Series 2: Man Eaters (Chapter Seven)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Jun 24 04:30 pm

Sovereign_01: :) Kamusta?

Sossy_bonita: Ayos lang, ikaw kamusta?

Sovereign_01: Eto, nami miss ka. Kailan ka ba talaga uuwi dito?

Sossy_bonita: Hmm, hindi ko pa rin kasi alam eh.

Sovereign_01: Ganoon ba? Anong ginagawa mo?

Sossy_bonita: Eto friendster lang tapos chat, ikaw?

Sovereign_01: Ganoon din. 

Sossy_bonita: Kamusta pala ang school?

Sovereign_01: Ganoon pa rin.

Sossy_bonita: Anong ganoon pa rin?

Sovereign_01: Sa 8 kong subject, 2 lang pinapasukan ko. Basta next sem babawi ako, sa ngayon kasi depress pa rin ako.

Sossy_bonita: Hoy naman, nakaka guilty ka naman. Parang kasalanan ko talaga na hindi ka pumapasok sa klase mo. 

Sovereign_01: Ay sorry, sorry dahil napapa feel ko sayo yan. 

Sossy_bonita: Hay, I can't believe this.

Sovereign_01: Sorry Cath, I'm so sorry. Promise sa susunod na sem babawi ako.

Sossy_bonita: Eh bakit naman kasi hindi pa ngayon?

Sovereign_01: Alam mo may point ka, buti na lang nandyan ka.

Sossy_bonita: O eh anong oras pa klase mo?

Sovereign_01: 5 pm. Art Appreciation.

Sossy_bonita: Eh 4:50 na, nasa computer shop ka pa! Magagalit ako pag hindi ka pumasok, sige ka.

Sovereign_01: Hehe, sige po, eto na papasok na. 

Sossy_bonita: Sige pagbutihin mo ha.

Sovereign_01: Salamat, ingat ka ha. Chat with you later. <3

Sossy_bonita: Sige ingat din.

Jun 26 07:30 pm

Sender: Kaynee Arena ([email protected])

To: Catherine Chan ([email protected])

Cath!!!

Di ko na alam ang gagawin, pakiramdam ko mababaliw na talaga ako sa nangyayari sa akin. Si Troy nga pala hinahatid na ako pero hanggang sa kanto lang ng bahay namin. Alam mo naman magagalit si Papa. Ayoko rin sana ipaalam ito kahit kanino pwera sa inyo ni Alyssa. At dahil nga doon ay lalo kong nararamdamam ang mga taas kilay na tingin ni Arianne sa akin, para bang sinasabi na I don't deserve Troy. Madalas nga Cath ay pinapahiya niya ako sa ilang class. I hate this so much! At pag sinasabi sa akin ni Troy na "I love you.", hindi ako nakakapagsalita, para akong bato as in.

Teka nababasa ata ng kapatid ko pinagsusulat ko dito, tsismosa talaga iyon! Teka eto pa, kanina rin bago ang training ay dinalhan niya ako ng energy drink. Grabe, itatago ko ang  bote. Haha! Kilig much. Sige baboosh!

Jun 27

SMS received

Paul: Alyssa, okay ka lang ba? Kamusta ang pakiramdam mo?

Alyssa: Ayos naman ako sa ngayon.

Paul: Nasaan ka? Bakit ka nag absent ngayon sa store? Mag absent din kaya ako kasi sabi ni Jane may sakit ka daw. Okay lang naman na puntahan kita diyan di ba?

Alyssa: Paul, wag na. Okay? Gagaling din ako.

Paul: Sure ka ba diyan? Basta pupunta ako sa house niyo!

Alyssa: Paul, wala ako sa bahay ngayon, may importanteng lakad lang ako and it's a family matter. I'm okay so don't worry. Bumalik ka na sa store. Sige na, talk to you later!

Paul: Aly, nasaan ka ba kasi? Is that really important? Sabihin mo kung nasaang lugar ka, pupuntahan kita.

Paul: Hay sige na nga, ingat ka na lang. I love you.

Jun 28 11:00 pm

Sender: Alyssa Rondo ([email protected])

To: Catherine Chan ([email protected])

Cath! Hindi pwede yang iniisip mo eh. Nakalimutan mo na ba, may boyfriend ako! At nangako ako sa sarili ko na iiwas ako sa mga pagtwo two time na yan. Sinabi ko na magiging faithful na ako this time. 

Oo nga pala kahapon, mineet ko ulit yung lalakeng yun. Talagang suplado ang lolo mo girl. Ang yabang yabang pa, kung siya lang din naman ang makakatuluyan ko eh wag na lang. Kaso hindi ko pa nasasabi kay Paul ang mga bagay na ito eh. Hays, di ko alam kung saan magsisimula.

Si Kaye naman kasi hindi ko makausap tungkol dito, malaki problema nun sa love life. Basta Cath, kailangan mo ng umuwi dito. As in now na. Para kasi tayong tripod na pag kulang ng isang paa, babagsak?!!

SMS received

Kaynee: Aly, gising ka pa ba?

Aly: Oo bakit may problema ba?

Kaynee: Pwede ba tayo magusap bukas sa school, kailangan eh...

Aly: Oo ba, need to talk to you din. Kahit nasa iisang school tayo at iisang bansa, halos hindi na tayo magkita. 

Kaynee: Oo nga eh, buti na lang si Cath, kahit ang layo niya eh, parang nandyan siya sa tabi natin.

Aly: Oo nga eh, teka love life ba yang problema mo?

Kaynee: Yup, ikaw ba?

Aly: Malamang ganoon din.

Kaynee: Sige kita tayo sa school bukas. Good night!

Aly: Good night!

Jul 1 

Sender: Catherine Chan ([email protected])

To: Alyssa Rondo ([email protected]); Kaynee Arena ([email protected])

Hi guys! Good news! Uuwi na ako next month! Hay, sa wakas. Yippey! Isang buwan na lang ng pagtitiis and I'll be seeing you all over again. You know what, we must stay put together. Tama ka Aly, para tayong tripod, alam ko kahit gaano pa kalaking love problems pa o anumang problem pa ang darating sa atin, hindi tayo susuko. Tandaan natin palagi na dapat sundin ang nilalaman ng puso, wag lang kalimutan ang utak. 

O ano madrama na ba masyado? Na excite lang talaga ako, dahil sa wakas masisimulan na rin natin ang pangarap nating fashion boutique. Grabe, akala ko hindi na tayo ulit magkakasama. Basta stand by lang kayo diyan. Mabilis lang naman ang isang buwan. 

I love you girls, 

Cath 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro