Chapter 17

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Update-update din pag may time dahil walang class xD I wanna finish this story!

----------

Kia's POV

Nandito kami sa bahay ngayon, ginagamot ng mga maids ang mga sugat namin.

"Grabe Kia, ang galing mo pala." Niel.

"Di mo pa kasi ako gano ka kilala, Niel." Sabi ko at sinenyasan ang maids na umalis na. "Wala ka pang alam."

"Then, lets get to know each other." Sagot niya.

"Bad idea." Kyle.

Tumayo naman si Austin para kumuha ng drinks at saktong dumating si Mia. Napatingin naman siya sa amin.

"How bitchy, dami mong lalake lately ah!" Sabi ni Mia.

Tumayo naman ako at kwenelyohan siya.

"Huwag mo akong itulad sayo Mia."

"Ano ba Kia! Nasasaktan ako!" Mia sabay tulak sakiin palayo pero hindi ko pa rin siya binitawan.

"Aww, Masakit ba? Kahit grip lang sa kwelyo mo masakit agad?"

"Hey Kia! Stop it." Kyle sabay hila sakin palapit sa kanya.

Inayos naman ni Mia ang damit niya at inirapan ako saka umakyat sa taas.

"Control your temper,Kia."

"Bitawan mo ako, Kyle."

Binitawan namn niya ako kaya lumabas ako sa bahay.

"KIA! SAAN KA NAMAN PUPUNTA!?!" Rinig kong sigaw ni Kyle sa loob.

Kinuha ko naman yung extra mask ko dahil gusto kong mag bugbog ngayon.Agad naman akong pumunta sa GANG ZONE. Nandun ang SIX, at gulat na gulat sila nung nakita nila ako.

"Walang laban ngayon BHP." Sabi ni Hanz sakin.

"Suntukan nalang tayo?" Sabi ko sa kanya.

"May problema ka?" Tanong niya sabay hawak sa shoulders ko.

Hindi ko alam pero naalala ko si Mama.Napaluhod naman ako.

"Kia? Kia!" Hanz sabay luhod din para maging pantay na kami.

Naramdaman ko naman na may tumulong luha sa mata ko.No! Hindi pwede akong umiyak sa harapan nang isang gang! Lalo na sa SIX na hindi ko gano ka kilala. Pero hindi eh, nag fla-flashback ang memories ko with Mama at sa gabing yun.Sa gabing pinatay si Mama.

"Maghihiganti ako! Papatayin ko sila! Huhu" Sabi ko sabay iyak pa rin."PAPATAYIN KO SILA!!"

Niyakap naman ako ni Hanz.

"Tahan na."

"Papatayin ko talaga sila.Papatayin ko sila." Pinagsusuntok ko si Hanz, pero alam kong mahina yun.

"KIAAA!"

Pagtingin ko sa likuran, nakita ko si Kyle, Austin, Niel at Blake. Lumapit naman si Kyle sakin at sinuntok si Hanz.

"ANONG GINAWA MO SA KANYA?!" Galit na sigaw ni Kyle, inawat naman siya ni  Austin.

Si Blake naman nilapitan ako at si Niel naman..Gulong-gulo ang isip.

"Wala siyang ginawa Kyle." Sabi ko.

"Eh bakit ka umiiyak!" Kyle.

"Wala, naalala ko lang si Mama at ang gabing yun."

Nakita ko naman napakumot nang kamao si Blake.

"Huwag kang mag-alala,Kia.Hahanapin natin sila at papatayin." Blake.

Lumaki naman ang mata ni Niel.

"Isang kang SANTIAGO KIA?! So ikaw nga yung famous gangster lady! Akala ko talaga nag contacts ka lang ngayon!" Niel.

"Really, Niel? Yan lang iniisip mo?" Austin.

"Ay, peace.hehe?"

Sinuntok ko naman si Niel sa mukha niya.

"ISA KANG VELEZ NIEL! ISA KA SA MGA KAAWAY NG MGA SANTIAGO! KAYO BA ANG PUMATAY?!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Wala kaming kinalaman Kia! F*ck! Inambush nga kami nung dumaan kami sa lugar na yun! Buti nga walang namatay sa pamilya namin eh!" Niel.

"Nagsasabi ka ba ng totoo?" Blake.

"Bakit hindi niyo ako pinaniniwalaan? Akala ko kaibigan ko kayo!"

"Teka, Sa Green Hills yan naganap no?" Isang member ng six.

"Oo bakit? May alam ka ba?" Kyle.

"Ako hindi, pero si Hanz,oo." GM sabay tingin kay Hanz.

"May alam ka?" Mahina kong sabi.

"May alam ako dahil pinatay din doon ang clan ko.Buti nga nabuhay si Papa." Sabi ni Hanz at tumalikod samin. "Nasa North wing kami noon.Masaya kami dahil nag reuinion kami, pero biglang may sumabog at umatake.Buti nga marunong kaming lumaban pero may mga baril sila kaya madali lang kaming napatumba.Namatay ang mama ko at pinatay ang bunso kong kapatid sa harap ko."

Nakita ko namang may tumulong luha sa mata ni Hanz.

"Teka, parang isa itong mystery!" Austin.

Napalingon naman kami sa kanya.

"Niel, saang daan kayo inambush?" Tanong ulit ni Autsin.

"Sa East wing." Niel.

"Ikaw Kia at Kyle, nasa West wing at ikaw Blake? Anong wing?"

"Nasa South Wing." Sagot ni Blake.

"Oh ano ngayon?" Kyle.

"North si Hanz,Santiago sa West,South sa Fortel.Pero sa daan ang Velez. Ang kailangan natin ngayon ay alamin kung sino ang nasa East wing mismo!"

"Mahirap yun Austin.Hindi kumpleto ang new article.Sinunog yun.Narinig ko yun sa balita." Niel.

"Pero may natirang isa."

Napaligon naman kaming lahat sa nag salita.Si Justin, isa ding Velez.

"Pano ka nakapunta dito Justin?" Tanong ni Niel.

"Eh sa dito ako tambay eh."

"May gang ka din dito?" Kyle.

"Oo." Tumingin naman siya sakin. "Kia---Black hearted Princess. Ako nga pala si Rain, Gang leader sa Jaguars."

"Ikaw si Rain?!" React ko kaagad.

Madami na ang na bulgar na mga sekreto ngayon.

"Oo at ako lang ang taong makakatulong sa inyo.Kasama din ako sa na ambush." Justin.

"Siguro dun muna tayong lahat sa bahay baka kasi delikado dito." Sabi ko.

Sumangayon namang silang lahat kaya nag umpisa na kaming mag lakad kaso may humarang sa daan namin.Ang Royalties, mga mayayabang talaga!

"Ohh, May apat sigurong nawawala na hindi kasali dito sa Gang Zone at parang tinutulongan ng SIX at ni BHP." Ice princess.

"Wala ako sa mood ngayon Yelo." Sabi ko sa kanya.

"Pero ako meron.Hindi ka namin papalampasin kasama yang grupo mo kung hindi ka makikipag away samin." Ice Princess.

Lumingon naman ako sa likuran at hinarap yung mga lalake.

"Pano na yan? Gutso nila eh, wala tayong magagawa." Sabi ko.

Tumawa naman sila.

"Sige, Game!" Blake at Kyle.

"So easy, walang ka challenge-challenge." Austin.

"Kaya natin yan!" Justin and Niel.

"SIX! PATULUGIN NATIN SILA!" Hanz.

Humarap naman ako ulit sa Royalties.

"Ano na? LETS GET THIS PARTY STARTED!" Sigaw ko at sumugod.

Sumugod na rin yung Royalties. Si Yelo talaga target ko dito, for sure ako din target niya.

Nagkabanggaan na ang dalawang gropu.Pati rin kami ni Yelo.

"Dami mong lalake ah!" Yelo sabay suntok sakin pero nakailag naman ako.

"Bakit? Inggit ka?" Sabi ko sabay sipa sa tiyan niya at sapul na sapul naman yun.

Napaatras naman siya at tinignan akong masama.

"YUN LANG KAYA MO!?" Siya.

"Ilang beses ka nang natalo.At sisiguraduhin kong pag gising mo nasa hospital ka na!"

Nag suntukan kaming dalawa, minsan natatamaan ako pero mas marami ang sakanya. Binigyan ko siya ng "A Kick in The Temple." Na agad siyang nakatulog. Alam kong masakit yun, pero ginusto niya eh.

May sumuntok naman sa likuran ko kay sinipa ko siya at binigyan ng upper cut.Kaya knock out din, may sumugod pang dalawa sakin kaya yung isa binigyan ko ng 'Hook' isang boxing punch at yung isa naman 'Cross'.Di pa naman sila natumba dahil ang laki nila. Kaya binigyan ko silang 'High Kick' na saktong tumama sa ulo kaya knock-out.Yung isa nalang ang kulang kaya binigyan ko siya ng Snake Fist at sinipa ang mukha niya, kaya nakatulog na.

Pag tingin ko sa paligid ko, nakatulog na ang Royalties.

"Siguro, tatawag ako ng ambulance?" Austin.

"Tawag na." Sagot ko.

Nag dial naman si Austin, kaya umuwi na kami sa bahay.Sanay na ang Hospital na may ma ho-hospital galing sa Gang Zone, kaya parang balewala lang sa kanila yun.

Pagdating namin sa bahay, binigay niya sakin ang news paper.

"Basahin mo ng malakas." Hanz.

Tumango naman ako at binasa.

"4 clans has been attacked by the "Mysterious Gang" at Green Hills. Mga Gonzales sa North WIng, Santiago sa West wing, Fortel sa South Wing at Cierro sa East Wing.At inambush naman ang mga Velez sa daan."

Napatigil naman ako at tumingin kay Kyle.So hindi rin ang Cierro ang pumatay. Pinagpatuloy ko pa rin basahin ang article.

"Napagalaman ng pulisya na pareho ang killing style sa apat na clan na kinikilalang mga mayayaman at mga matatapang na clan. Pero sa Center Wing ay hindi inatake, sa pagkat ito ay hindi na bibilang sa top 10 most powerful clans--at ang clan na ito ay ang Valdez Clan."

"VALDEZ?!" Hanz.

"Bakit?" Tanong ni Austin.

"Si Mitch, isa siyang Valdez..pero hindi siya marunong lumaban." Blake.

"Matagal mo na ba itong alam,Justin?" Tanong ko.

"Oo, binabantayan ko nga si Mitch palagi eh, pero wala.So sa tingin ko hindi ang Valdez ang pumatay." Justin.

"Ako, sigurado akong Valdez yan!" Hanz.

"At bakit mo na sabi?" Kyle.

"Dahil Mortal na kaaway namin yan.Ang technique nila ay hindi fighting styles kundi mga armas at bomba.So may possibilidad nga na sila ang pumatay sa Clan natin." Hanz.

"At bakit naman nila yun ginawa pinuno?" Member ng Six.

"Oo nga." Niel.

"Simple lang, dahil gusto nilang umakyat at mapasali sa Top 10 most powerful clans." Sagot ko.

"May tama nga si Kia, pero pano yung natirang limang clan.Bakit hindi nila inatake?" Austin.

"Dahil nag kataon na, nandun tayong Limang clan, kayo tayo ang inuna at para medyo magiging konti nlang tayo at madali na tayong pabagsakin, ano pa ba?" Sagot ko ulit.

"Tama nga si Kia, dahil kung yung Top6 below ay hindi ganu ka malakas.Kaya inuna kayo." Austin.

"Each of our clan needs to know this.Sa impormasyon na nakuha natin at mag join forces para talunin ang mga Valdez." Sabi ko.

"Pero wala pa tayong sapat na ebidensya." Niel.

"Uggh! Tama nga si Niel, wala tayong sapat na ebidensya." Sabi ko sabay gigil-gigil ko sa unan. "Ang bobo kooooo!! Kainis naman eh.Huhu." At nag pout ako.

"Kia??" Silang lahat except Austin,Kyle and Blake.

Damn! They saw the old me--the childish me.

"Hahahaha! Ang cute no?" Kyle,Blake and Austin.

"Kalimutan niyo na yun!" Sabi ko at yumuko.

"Ang cute nun Kia.Sana ganun ka nalang lagi." Justin.

"No waaaay!" Sabi ko pero nasa childish tone.What the hell is wrong with me?

Kinurot naman ni Hanz ang pisngi ko.

"ANGG CUUUUTTTEEEE." Gigil niyang sabi.

"Tama na nga yan! Seryoso na! Maawa kayo sa pisngi ng pinsan ko." Kyle.

Tumigil naman sila at tumingin kami kay Kyle.

"Sige, ito opinion ko.Wala nga tayong ebidensya, pero alam naman nating lahat na malakas yung mas matanda satin.Sila ang dahilan kung bakit nabilang tayo sa Top 5. May natira pa naman diba? Kaya mas mabuting sabihin natin sa kanila para ma espiya din nila ang mga Valdez at mas makakuha pa sila ng mas maraming impormasyon at ma identify nila ang mga membro ng clan sa mga Valdez."

"Sang-ayon ako kay Kyle." Hanz.

"So ano na? Snacks na tayo at pag-uwi natin.Sabihin natin sa mga nakakatanda." Niel.

"Kia, saan kusina niyo dito?" Justin.

"Naman =.=" Sabi ko at tinawag ang butchers.

"Dalhin niyo ang mga pagkain sa Entertainment room."Sabi ko. Nag bow naman ang mga butchers at nagsibalikan sa kusina.

"Bakit sa entertainment room pa?" Justin.

"Dude! Mag e-enjoy ka dun promise!" Kyle.

"Oy, parang masaya yan!" Hanz.

"Sundan niyo ko." Sabi ko at naunang nag lakad.

"AYOOS!!" Silang lahat.

Mga baliw tong mga kasama ko ah! Pero masaya ako, dahil parang tanggap nila yung OLD KIA at pare-pareho lang kaming pinagdaanan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#humor