Chapter 38// The Mall

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

hi guys! Short update lang po to! Nikka at the side by the way ;)

---

Kia's POV

Nung dumating na kami sa mall, agad-agad akong hinila ni Nikka papunta sa isang clothing shop.

"Kia, we need to prepare para sa parteeh!" Nikka tapos palakpak.

"Seryoso? Yun lang pinuntahan natin dito?? Nikka! May gowns na ako dun sa bahay!"

"That would be boring,Kia! Kailangan fresh ang gown mo!"

Napaisip naman ako.

"How about.. I won't wear a gown."

"Baliw! Hindi puwede! Napagawan na kita!!"

Nanlaki naman ang mga mata ko. Grabe talaga tong babaeng to! Girl scout na girl scout! Laging handa eh!

"What the eff,Nikka! Ayaw kong gumastos noh!"

"Libre ko na to!"

Pero.. How did she..

"Pano mo nalaman size ko?! Baka di yun kakasya sakin!"

"Kakasya yun! Nung tulog ka sa resort.. Pinakunan kita ng body size."

"What the?!"

"Sige kukunin ko lang yung gown na pinagawa ko dito! So enjoy yourself watching the other clothes thingy." Sabi niya at umalis.

Like what Nikka said. Nagtingin-tingin lang ako sa mga damit hanggang sa may nakabungo akong lalake. Napatingin naman ako sa lalake. And guess who it is? Si Lucas Valdez nga lang naman.

"Nice to see you.. Kia Santiago." Sabi niya sabay ngiti.

Nag smirk lang ako at nilagpasan siya kaso hinawakan niya yung wrist ko. Napatingin naman ako sa kamay niya na nakahawak sa wrist ko tapos sa mukha niya.

"Anong kailangan mo,Lucas Valdez? And please, bitawan mo ako or else papatayin talaga kita."

Binitawan niya naman ako at nag chuckle.

"Chillax! Manghihingi lang naman ako ng advice. Anyway, Paano mo mapa fall ang isang nerd?"

Napacross arms naman ako.

"Hindi ako love expert. Killing expert ako, gusto mo e example pa kita?"

Natawa naman siya tapos napamulsa.

"Alam mo, medyo magkahawig tapos magkapangalan kayo ng babaeng naka caught ng attention ko."

Tinignan ko naman siya nang masama. That can't be me! Hindi talaga pwede kundi ililibing ko nang buhay tong Valdez na to!

Lumapit naman siya sakin at bumulong.

"Nakaka curious nga eh. Magkahawig na nga kayo, pareha pa nang pangalan.. Alam mo may plano ako para malaman kung.. Iisa kayo." Sabi niya tapos lumayo nang konti tapos ngumiti.. Isang ngiting normal na medyo, nakalaglag panty.

Ang gwapo niyang ngumiti!! What the hell is wrong with me?! Napailing naman ako. Ano ba naman tong pinagiisip ko?! Dapat makabahan ako kasi may na fe-feel siyang kakaiba! Na ako at si Kia Rodriguez ay iisa!

"Tulala ka." Sabi niya at hinawakan ang magkabilang shoulders ko.

"Alam mo. Ako lang ang nagiisang Kia!"

Nilapit niya naman yung mukha niya sakin.

"T-teka.."

Hahalikan na niya ako! And ghaad, feeling ko nanghihina ako!

"I love your lips,Kia. Nakakaaddik."

Dinip naman niya yung ulo niya papunta sakin para magtagpo ang mga labi namin. Konti nalang yung distance nang may humila sakin at kay Lucas.

"Fvck! Get your hands off me!" Lucas sabay tulak kay...Devonne.

Napatingin naman ako sa humila sakin. Nakahawak pa kasi sa shoulders ko.

"Kia.. Tinulak mo sana siya." Sabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#humor