Chapter 56

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Another update xD

---

7 chapters to goo!!

---

Kia's POV

Kanina pa nagpapanic si Ethan kaya sinabihan ko siyang puntahan yung madalas tinatambay ni Mitch. Parang nag light bulb naman yung mukha niya sa sobrang liwanag tapos umalis.

"Haay.. Sana ok lang sila." Sabi ko sa sarili ko habang tinitignan si Ethan paalis habang nagmamaneho sa kotse niya.

"Sinong 'Sila'?"

Nagulat naman ako at napatingin kay Austin na wini-wiggle yung eye brows niya.

"Huwag kang tsismoso." Sabi ko at umirap.

"Kia! Uwi na tayo!" Nikka sabay link sa arms ko.

"Bakit si Kia lang yung inaya mo?" Blake.

"Oo nga! Pare-pareho lang naman tayo nang uuwian!" Niel at inayos yung tie.

"Sa ngayon." Justin sabay kain nang peanut.

"Sa'n si Ethan?" Kyle sabay ayos nang buhok tapos yung glasses niya.

Sasagutin ko sana yung tanong niya kaso inunahan ako!

"Umalis eh." Austin sabay akbay sakin.

"Kia!" Napalingon naman ako kay Hanz na sinusuot pa yung jacket niya. "Sabay tayong mag gym ngayon!"

"Oh sige." Sabi ko at tinanggal yung kamay na naka akbay sakin.

"Mamaya nalang guys! Tara na Hanz!" Sabi ko at akmang aalis.

Hindi naman ako binitawan ni Nikka na nakalink pa rin yung arms.

"Uwi ka nang maaga!" Nikka.

"Kundi grounded ka talaga!" Blake.

"Yes Mama and Papa!" Sabi ko at hinila na si Hanz.

"Anong mama at papa ha?!" Nikka.

"Hoy Hanz! Ingatan mo yan!" Blake.

Nung malayo na kami inakbayan naman ako ni Hanz.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Mataray kong tanong.

"Haay! Hindi mo ba alam tong ginagawa ko? Ang tawag nito ay I--"

"Alam ko ang tawag sa ginagawa mo. Pero bakit? Gusto mo bang magpasapak?"

Binitawan naman niya ako tapos napakamot sa likuran nang ulo niya tapos lumayo.

"Kung si Austin.. Okay lang!!" Hanz sabay pamulsa.

"Nagpaparinig ka ba?"

"Hindi halata?"

May bato naman akong nakita kaya pinulot ko ito at binato sa kanya pero tumakbo yung duwag!

***

7:34 kaming nakauwi ni Hanz sa bahay at gutom na gutom ako!

"NIKKAAA!!" Sigaw ko nung nakapasok na ako.

Napalingon naman silang lahat samin, at nanunood pa sila nang horror movie. Kaya pala maraming unan at blankets. Tapos todo takip pa yung mga lalake. Si Ethan lang ata yung chill.

"Oh?!" Nikka.

"May pagkain ba?" Tanong ko.

"Patay! Mia kasii eh!" Nikka.

"Sabi niyo ubusin ko eh!" Mia.

"Hindi ba kayo kumain?" Niel.

Sinamaan ko naman nang tingin si Hanz.

"Ang kuripot nang kasama ko eh!" Sigaw ko at padabog na pumunta sa kusina.

Dumating naman sa kusina si Kyle at Austin.

"Gusto mo paglutuan kita?" Austin at naglabas nang ingredients sa ref.

"Haaay salamat Austin! Da best ka talaga! Hala luto na!" Sabi ko at umupo sa table.

"Isali mo ako,Austin." Kyle at umupo sa tabi ko.

"Di kapa busog?" Tanong ko kay Kyle.

Tinitigan niya naman ako.

"Busog na ang puso at mata ko." Sabi niya.

Agad ko naman siyang binatukan kaya tumawa naman nang malakas si Austin.

"Brutal." Kyle at umirap.

Ako naman yung tumawa. Maya-maya, nung naluto na yung pagkain. Agad ko itong nilantakan.. Masarap kasing magluto si Austin.

"Ang bangooo!!"

Napalingon naman kami sa likuran namin at nakita yung buong barkada tapos sa gilid.. Si Hanz na may dalang chicken bucket tapos si Mia na nanghihingi pero hindi binibigyan.

"Mia, huwag ka nang manghingi sa selfish na yan." Sabi ko.

Napa sigh naman si Mia tapos lumapit kay Kyle at inagaw yung pagkain.

"Hoy!" Kyle.

"Shattap! Bad trip ako." Mia at patuloy lang kumain.

"Pahinge nga!" Niel sabay lapit samin.

"Buti dinamihan ko!" Austin at ibinigay sa kanila yung natira tapos bumalik silang lahat sa sala.

Nung tapos na akong kumain. Dumeretso na ako sa kwarto ko. Nanunood pa kasi sila nang horror sa baba.

***

Nagising naman ako dahil sa sikip. Pagtingin ko sa tabi ko. Si Kyle nakayakap. Tapos sa isang tabi ko naman si Hanz na nakayakap din.

>///////////

Agad ko naman itong tinanggal tapos umupo. Pagtingin ko sa kwarto ko. Napuno ito -___-

Si Justin,Blake at Ethan nasa sofa. Sila Nikka, Mia at Pia nasa sahig natutulog sa sleeping bag nila. Si Niel nasa ilalim nang table ko -_-.

Napailing naman ako. Yan kasi! May nalaman pa silang Horror!

Napatingin naman ako sa bed side alarm clock ko. 4 o'clock na pala.

Dahan-dahan naman akong tumayo at naglakad. Ayaw ko kasi silang gisingin. Pagbukas ko sa pinto nang CR ko, agad akong pumasok tapos isinara ito.

Napasandal naman ako sa pinto tapos naligo na. Nung tapos na akong maligo. Nilagay ko na yung towel ko.

"Arhmmm.."

O.O what the heck is that?

Napalingon naman ako sa direction nang bath tub ko.

What the eff?!

"AAAAAAAAHHHHHHHH!!!!" Sigaw ko.

Nataranta namang umupo nang maayos si Austin. Tapos nag rub siya nang mga mata niya. Meron nga'ng kalabog sa labas.

"Oh? Kia?" Austin.

"WHAT THE HELL?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!"

Tinignan naman niya yung sarili niya tapos napakamot sa leeg niya.

"Dito ako natulog. Di halata?" Tapos tumingin ulit sakin then nanlaki yung mata tapos pumikit. "Kia! Mag bihis ka nga! Ba't naka towel ka lang?!"

"LAAABAAAAASSS!!" Sigaw ko tapos hinawakan yung tenga niya at kinaladkad. Take note: gamit yung tenga!

"A-araaay!"

Pagbukas ko naman sa pinto ko. Nakatayo na silang lahat kaya binitawan ko na si Austin.

"Woaah.. Sexy." Hanz tapos nag lip bite.

Binatuhan naman siya ni Justin nang unan.

"Darn it! ALL OF YOU GET THE HELL OUT OF MY ROOM!" Sigaw ko.

Nataranta naman silang lumabas. Great! Sira na yung araw ko -_-.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#humor