Chapter Nine

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Hello po! This chapter is dedicated for you! Thank you po sa ginawa niyong bagong book coveer!

===========================

Nasa Pancake house kami ngayon. Si Kyle busy sa pagkain ako naman tinitignan siya.

"What?" Tanong niya.

"Kilala mo ba yung lalake na kasama ni Mia kanina?"

"Oo."

"Sino siya?"

"Siya ay isa sa mga naging KALABAN nang bagong gang ko."

"Anong gang mo ngayon bukod sa santiago?"

"Ang WOLVES."

"Cool,Pero kelan ka nakahanap nang bagong gang?"

"Kahapon."

"Anong gang yung guy."

"Ang SIX."

"Woah, so silang lahat dun sa bahay ang mga members?"

"I'm not sure..Kakainin mo yang ni libre ko oh hinde?"

Kumain nalang ako.After 30 minutes, umalis na kami.

"Saan mo gustong mag tambay?" Tanong niya habang nag dri-drive.

"Sa bahay nalang."

"Oh sige."

Pagdating namin sa bahay dumeretso agad kami ni Kyle sa kwarto.

"Kyle, tell me about that guy." Sabi ko sabay upo sa harap ng computer.

"I don't know about him." Sabi niya sabay higa sa kama

"Paano mo namukhaan siya? Diba may mask namang sinusuot?"

"Habang nag aaway kami, accidentaly na tanggal namin pareho yung mask namin, kaya ayun!"

Dinedma ko nalang siya at nag research ako sa GANG ZONE WEBSITE about sa SIX.

"Mukhang magaling sila..52 wins." Sabi ko habang isinulat ito sa notebook ko.

"Ilan naman ang talo nila."

"Isa palang.At kayo ang nakatalo dun."

"Ang leader nila is Hunter. Yun ang codename niya.Leader lang ang may info.Wala na yung iba."

"Kaya pala may H yung damit niya."

"Ikaw, anong codename mo?" Sabi ko sabay harap.

"Joker."

"At bakit?"

"Nababagay kasi yun sa mask ko, may ngiti ni Joker eh."

"Umalis ka na nga." Sabi ko at hinila siya patayo.

"Maya na." Sabi niya at humiga ulit.

"Stop acting like a.."

Napatigil naman ako sa pagsalita kasi may nag message alert sa GZ website.Umupo ulit ako sa harap ng computer at inopen ito.

[ Gang Zone Founder: RUMBLE - SIX vs WOLVES vs Royalties vs Jaguars, 7 pm ]

"May laban mamaya." Sabi ko.

Agad naman napatayo si Kyle at tinignan ito.

"Makakalaban naman namin yung SIX. Sino yang Royalties at Jaguars?!" Tanong niya sakin.

"Ang Royalties, ang kalaban ng Jaguars. Ang gang ko is Jaguars."

"Cool, huwag mo akong saktan sa rumble ah!"

"At bakit hindi naman kita sasaktan" Sabi sabay smirk.

"Kia naman eh! Ang sakit mo kayang manapak!"

Tumawa nalang ako at binuksan ang cabinet ko at kinuha ang damit ko.

"Same costume pa rin?!" Tanong niya.

"Ito naman yung ginagamit ko ah! At tsaka marami akong masayang memories dito."

"Masaya talaga?"

"Yeps."

6:30 pm na, kaya na pumunta na kami ni Kyle dun. Syempre hindi magkasama dahil ibang gang kami. Una akong nakaratig then after 10 minutes.Dumating na si Kyle. Pumunta ako sa gang ko which is busying-busy sa paguusap.

"Sino represantatives?" Agad kong tanong nung nakalapit na ako.

Napatingin naman silang lahat sakin.

"Bossing, Si Princess nalang ang ipasok." Sabi nung new member.

Tumayo naman yung lalake at tumingin sakin. Ngayon ko lang to nakita ah.

"Magaling ba to? Sinong nagpapasok nito." Sabi niya at akmang susuntukin ako pero nahawakan ko ang kamao niya.

Itinulak naman niya ako pero nung itinulak niya ako sinabayan ko ito nang sipa sa tyan niya. Hindi naman ako natumba, siya naman napahawak sa tiyan niya.

"Ikaw ba ang leader dito? Ang weak naman." Sabi ko.

Aatake pa sana siya pero may pumagitna samin.

"Tumigil ka nga Storm." Sabi nung lalake.

"Sorry Pinuno." Sabi nito.

Humarap naman sakin yung lalake na sinabihan ni Storm nang pinuno.

"Black Hearted Princess, sama ka sa representatives."

"At sino ka naman?"

"Ako ang leader sa gang na ito. I'm Rain."

May tatlo naman siyang kasama na lumapit sakin.

"Rain, babae to.Baka matalo lang tayo niyan."

"Shadow, siya ang tumulong sa gang natin upang manalo nung isang rumble." Rain.

Ah..So Shadow pala tong lalake kung makasabi parang magaling.

"Shadow nga pala."

"Vlade, ang ikatlong leader sa jaguars."

"Unknown ang ika apat na leader."

"I'm Black Hearted Princess."

"Ang taas naman nun.Dapat sa Royalties ka." Vlade.

"Eh dito ang gusto ko.May magagawa ka pa ba?"

"Wala." Unknown.

May kotse naman ang nag park sa gitna nang battle area. At bumaba ang isang lalake na may masquerade mask na puti. Kilala namin siya, siya ang Founder dito.

"Nakapili na ba kayo nang lima niyong representatives? Kung oo, maghanda na kayo dahil magsisimula na ang rumble."

Pagkatapos niyang sabihin yon, pinark niya ang sasakyan niya palayo sa battle area at pumasok sa nag iisang mansion sa lugar. May speaker sa paligid at mga CCTV Camera.

"Represetatives prepare!" Rinig naming sabi nang founder sa speaker.

Nag forward na kaming lahat na representatives at hinintay ang signal nang founder.

"RUMBLE NA!"

Unang umatake ang royalties. Nakita ko naman si Kyle na kalaban si Rain. Tapos may akmang susuntok sana sakin pero naunahan ko ito.

"Wow, nice to see you Ice Princess." Sabi ko.

Tumayo naman siya at nagsimula na kaming naglaban.

Suntok lang siya nang suntok pero ako ilag lang nang ilag tapos binigyan nang upper cut, agad naman siyang natumba. May lumapit sakin na representatives sa WOLVES pero madali ko lang itong napatumba. Suntukan dito suntukan doon, hanggang FROM 16 naging 4 nalang ang natira.

Ang natira ay AKO-KYLE-ICE PRINCESS- at si HUNTER.

"Sumuko nalang kayo bago ko kayo masaktan!" Ice Princess.

"Pasalamat ka, hindi kita ni knock-out at lumayo ka sakin." Sabi ko sa kanya.

"Tama na ang satsat, dahil ang SIX ang mananalo." Hunter.

"Talaga lang ha? Eh, bakit kita napatumba?" Joker a.k.a si Kyle.

"Psst, Joker." Sabi ko kay Kyle.

Lumingon naman sakin si Kyle.

"Walang personalan.Labanan lang." Sabi ko at nag smirk.

Alam ni Kyle na nag smirk ako. Kaya tumango ito at ang una niyang sinapak ay si Hunter.

Hinila ko naman yung buhok ni Ice princess saka ko ito sinuntok.Napahiga naman ito sa sahig.Kaya sumugod ako kay Hunter. Habang sinusuntok siya ni Kyle sa harapan, sinipa ko naman ito sa likuran.

"Fvck!" Hunter.

Sinenyasan ko naman si Kyle na siya muna ang bahala kay Ice princess at ako naman kay Hunter. Kaya umalis si Kyle at nakipagbakbakan kay Ice Princess.

"Humanda ka sakin!" Hunterat binigyan ako nang suntok sa mukha.

Natamaan naman ako pero hindi ako natumba.

"Masakit diba?" Tanong niya.

Kinindatan ko lang siya at sinuntok yung mukha niya.Pinalapit ko naman siya sakin at sinipa at tyan niya. Sumakay naman ako sa likod niya at parang minamasahe yung shoulders niya pero yung massaheng masakit tsaka bumaba na ako at sinipa ang likuran nang tuhod niya kaya napaluhod siya. Pumunta naman ako sa harap niya at hinawakan ang buhok niya at pinatigin ko siya sa mata ko.

"Sorry ka nalang." Sbai ko then last hit ko siyang sinuntok sa mukha kaya knockout siya.

Lumingon naman ako kela ice princess at kyle. Sinipa naman ni Ice princess si Kyle sa ano niya.Kaya napahiga ito sa sakit na nararamdaman.

So ganyanan? Patay ka talaga sakin Ice Princess! Habang nakatalikod si Ice Princess , hinila ko ulit yung buhok niya para matumba. Nung natumba siya ay agad siyang tumayo at umatake sakin. Hindi siya makatama kaya hinawakan ko ang 'Upper part na dapat safe sa mga babae' at kinumot. Napasigaw naman siya sa sakit tapos sinuntok ko siya sa mukha niya. Then knockout na siya.

Pagtingin ko kay Kyle.Hindi pa knockout tapos nung tinignan niya ako, pinikit niya agad yung mata niya. Takot lang sakin yan eh! Hahaha!

Naghiyawan naman yung mga JAGUARS dahil kami ang panalo sa rumble.

"ANG PANALO AY ANG JAGUARS!" Founder.

Tinulungan naman nang kapwa gang yung mga na knockout at yung nagpa knockout -knockout.

"Ang galing mo Black Hearted Princess." Rain.

"Magaling ka pala, kahit babae ka." Shadow.

"Bilib ako sayo." Vlade

 "Sana maging GF kita. Ang cool mo kaya!" UnKnown.

"Geh, alis na ako." Sabi ko at lumakad palayo.

"Teka! Hindi ka sasama sa victory party?!" Shadow.

"Di yan uso sakin." Sabi ko at tumakbo paalis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#humor