Chapter XXII

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sorry for the late late late super dee duper late UPDATE! Pag pasensyahan niyo tong un edited update.. Cellphone ang gamit ko -_____-

----------

Kia's POV

Tumigil na ako sa pagmaneho at pinark ang sasakyan ko sa gilid.

Pagbaba ko, bumaba na rin yung iba.

"Nasan tayo?" Ethan.

Hindi ako sumagot at tinitignan ko lang ang magandang view. Actually hindi ko rin alam kung nasan kami.. Basta nasa mataas kami.

"Ang ganda dito Kia ah!" Kyle sabay upo sa hood ng sasakyan niya.

"Hide out! Hide out ni Kia!!" Austin.

"Hindi to hide out Austin, di ko nga alam kung ano to eh! Basta ang alam ko, nakapapawala dito ng stress, isigaw niyo lang ang galit at lungkot niyo. Wala namang makakarinig na tao." Sabi ko sa kanila at umupo sa damuhan.

"So tayong nakarinig hindi tao?" Austin.

"What ever Austin!"

Humiga naman si Blake sa tabi ko.

"Wala kang problema?" Tanong ko sa kanya

"Wala.."

Mag sasalita sana ako ng biglang sumigaw si Ethan.

"ANG GWAPO KO!!"

"Wow dude, yun ang problema mo?" Niel.

Huminga naman ng malalim si Ethan at sumigaw ulit.

"MINAHAL KITA! MAHAL PA RIN KITA! NAKAKAINIS KA!"

Tumabi naman si Kyle sa kanya.

"MAG HIHIGANTI KAMI!!" Kyle.

"LALABAS DIN ANG KATOTOHANAN!" Justin.

Ngumiti nalang ako sa pinag gagawa nila.

"Aray!" Napatingin naman ako kay Austin na may hawak na maliit na bato.

"H-hindi ako! Si Niel!" Sabi niya sabay turo kay Niel.

"Dude! Nag mo-moment yung tatlo oh! Disturbo!" Hanz sabay tabi sakin.

"Hoy Hanz! Lumayas ka sa tabi ni Kia." Kyle.

"Ayaw ko." Sagot naman ni Hanz at bigla akong niyakap.

O.O the eff?!

Tumakbo naman si Hanz tapos hinabol naman siya ni Kyle. Lumapit naman sakin si Justin.

"Ok ka lang?" Justin.

"Kung maka tanong parang akong na rape ah!"

"Nagalala lang kasi ako."

Inirapan ko lang siya. Lumapit naman sakin si Kyle at tinadyakan si Justin kaya, nag habulan ang tatlo. Si Niel at Austin nag batuhan ng maliit na bato. Si Blake tulog -_-

Tumayo naman ako at lumapit kay Ethan.

"Mahal mo pa si Devonne?" Agad kong tanong. Nakatingin lang siya sa magandang view and let out a sigh.

"I think so.. Nung nakita ko siya, nagwawala ang puso ko eh."

"Bestfriends pala kayo ni Mitch. How sad."

Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko.

"Yaaaaah! Stop it!" Sabi ko.

"Pout ka muna!"

Nag pout naman ako kaya tumawa siya ng mas malakas.

"Tse!" Sabi ko at tinignan ang view.

"Bipolar ka ata Kia."

"Di naman, moody tawag dun."

May sasabihin sana si Ethan ng lumapit si Niel at Austin.

"K-kia.." Austin.

"Oh?" Sabi ko sabay harap sa kanila.

Tumingin naman si Austin kay Niel na parang kinakabahan. Lumapit naman si Niel sakin at may binigay. Pagtingin ko.. Isang bullet. Not just an ordinary bullet.. Bullet ito ng mga Valdez.

"Nagbabatuhan kami ni Austin ng napulot ko yan." Niel.

"Paano to napunta dito?" Tanong ko.

"KIA!!!"

Napalingon naman ako kila Kyle,Hanz at Justin na hingal na hingal.

"M-may nakita kami! Dali sundan niyo kami!" Hanz.

Sinundan naman namin sila. Tumayo si Blake at sumama.

Pag dating namin dun, nakikita namin ang Green Hills at yung daan kung saan na ambush sila Niel.

"So tama nga yung nakita ko." Blake.

"Anong nakita mo?" Tanong ko sa kanya.

"May panyo akong nakita sa daan na nakasabit sa kahoy, may tatak yun ng Valdez."

So may possibilidad na dito sila tumira ng mga bomba at nag snipe.

"Meron sigurong mga Snipers dito." Ethan.

"I think meron talaga." Justin.

Napayukom naman ako sa mga kamay ko.

"Lagot talaga yang mga Valdez na yan!" Inis na inis kong sabi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#humor