Chapter 6: Pâro

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Oh. My. God. Say something please."

Sa paraan ng pagkakasabing iyon ni Erin, hindi ko alam kung nanggigigil, naiiyak o hiyang-hiya siya dahil sa nagawa.

Hawak ko pa rin ang phone niya at poker faced na nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanya at sa hawak.

Sa itsura, mukhang ito na ang end of the world para sa kanya.

"Bakit mo ba pinabasa sa'kin 'to? Iniinggit mo ba 'ko?"

Napabuga siya ng hangin, napasabunot sa buhok at inirapan ako bago talikuran.

Ilang sandali lang ay muli din naman siyang humarap sa'kin. "Because I thought you're gonna help me." Pasigaw niyang bulong.

Ganito ba talaga 'to mag-panic? Ingrata pa rin.

Muli akong napatingin sa phone niya upang basahin ulit ang nai-sent niyang message sa lalaking hindi ko kilala.

"I want you to put your mouth on my..." Napailing na lang ako at iniwasang sabihin ang kasunod na salita. "I want to feel you ins--"

"Ghad! Stop reading it out loud!" Pasigaw ulit niyang bulong at mukhang nangigigil na talaga.

Poker-face ulit akong napatingin sa kanya. "Kung hindi ka rin naman tanga na magko-compose ng ganitong klaseng message at walang guts na i-send sa pontio pilatong kinababaliwan mo. Tapos kapag nai-send mo accidentally, sa'kin ka lalapit? Close ba tayo? At kung sakali man, pa'no kita matutulungan?"

"I thought you're smart. Ikaw bahalang mag-isip."

"Problema mo 'to Erin." Sapilitan kong ibinalik sa kanya ang phone na tila ayaw na niyang mahawakan.

Bumalik ako sa pag-aabang ng masasakyang bus pauwi. Biyernes na naman at araw ng pag-uwi. Isang linggo na lang talaga at graduation na. Hindi na 'ko makapaghintay na wag makita mga ganitong klase ng tao.

Hindi raw ako masusundo ni papa ngayon kaya makisakay na lang daw ako kay Leigh. Nasanay na yatang lagi akong isinasabay ng FC kong kaklase kaya umasa na. Kaso buong linggong wala si Leigh kaya wala akong maasahan ngayon. Kailangan ko talagang mag-commute.

"Help me please." Muli akong napalingon sa nagmamakaawang si Erin.

Pukang ama talaga. Bakit ba ako lapitin ng problema ng ibang tao? Problemang napakadali namang i-handle.

"Kilala ka ba no'ng lalaki?" Tanong ko na ang tinutukoy ay ang pontio pilatong pinadalhan niya ng...invitation message na sa tingin ko nama'y na-appreciate no'ng lalaki.

"No."

"Yun naman pala e. Anong pinoproblema mo?"

"Duh. Do you even know Instagram? Kahit hindi niya 'ko kilala personally, malalaman din niya kung sino ako. Because I DMed him using my personal Insta account. Everyone knows I'm the daughter of Celine Rey."

Yung screen name ng mommy niyang artista, tunog 'Celery' pa rin sa pandinig ko.

"Okay. Tapos?" Tugon ko na lang na kunwaring may pake.

"He might use that message against me or my mom for the sake of his popularity."

Gusto kong huminga ng malalim, mag-concentrate sandali at saka sapakin 'tong feelingerang ingratang nasa harap ko.

Hindi pa siya super-duper sikat gaya ng nanay niya pero kung umasta akala mo kung--"

"I'm famous, okay?"

"Ha?"

"Wala ka ba talagang ka-alam alam? Famous ako sa social media."

Hindi ko na kayang makipag-usap sa mainstream na gaya niya kaya muli akong naglakad palayo para mag-abang ng bus na papunta sa'min.

Magtatakip-silim na, hindi pa 'ko nakakauwi. Gustong-gusto ko ng humilata sa kama ko.

"Anong gagawin ko ngayon? Mag-isip ka."

Napalingon ulit ako kay Erin na nakasunod na naman sa'kin.

"Alam mo? Pwede mo namang sabihing na-hacked yung account mo or pinakialaman ng iba. Or i-delete mo na lang ta's gawa ka ulit ng bagong account. Pwede naman yun diba? Pero ako, hindi pwedeng magabihan kaya kung pwede lang tantanan mo na 'ko at nang makapara na 'ko ng masasakyan."

"I can't. Million na yung followers ko. Sayang."

Hindi ko na siya inimikan at itinuong muli ang atensyon sa pag-aabang ng bus.

Naramdaman ko na lang na bigla niya 'kong hinawakan sa braso at hinila papunta kung saan. "Ihahatid na kita pauwi."

Bago pa 'ko makaprotesta ay nasa loob na 'ko ng Rolls Royce na service niya. Agad niyang isinara ang pinto at nagmadaling umikot para pumasok mula sa kabilang pinto.

Hindi ako makapagsalita dahil sa pagiging intimidated. Mas mahal pa yata 'tong upholstery ng kinauupuan ko kumpara sa halaga ng overall kong suot isama pa pati ang mga dala kong bagahe at laman ng mga ito.

Tinanong niya kung tagasaan ako at yun din ang sinabi niya sa driver nila na agad ng nagmaneho.

Artista lang yung nanay ni Erin pero bakit ang rangya ng buhay? Hindi naman sa ano pero minamaliit ko lang talaga ang mga nasa showbusiness, unless Old Money talaga ang background.

Hindi kami close ni Erin. Wala akong kaibigan sa mga kaklase maski si Leigh. Sadyang FC lang yun pero wala talaga akong ikinokonsiderang kaibigan.

"Wala ka bang Insta?" Napatingin ako sa katabi nang magtanong ito sa'kin.

"Instagram?"

"What else? Duh."

Kung di lang talaga ako nakasakay sa magarang service niya, kanina ko pa binusalan ng panyo ang bibig niya. Nakakainis.

"I'm thinking of creating a fake account at sabihing yun ang nag-hack ng account ko. If ever na ilabas niya yung DMed ko sa kanya. "

Wala akong pakialam sa pinagsasabi niya. Binuksan ko ang bag para ilabas si Trenty.

"But I'm going to use you. Fake account mo yung gagawin ko-- Ew! What the fuck!"

"Ano?!"

Halos magkasabay kami sa pagkabigla. Ako, ay dahil sa narinig na idea niya. Siya ay nang makita ang alaga kong tarantula.

"Where'd you get that?!" OA niyang tanong na pilit lumalayo sa'kin kahit nasa pinakadulo na siya ng kinauupuan. "Itapon mo nga yan!"

"At bakit ko itatapon? Alaga ko 'to. Bigay sa'kin 'to ni Trent." Itinapat ko sa mukha ang hawak na plastic cage para pagmasdan ang nasa loob. "At isinunod ko yung pangalan niya sa nagbigay. Trent. Trenty."

"I don't care! Duh, it's creepy! Itapon mo!"

"Arte mo." Usal ko habang ibinabalik si Trenty sa loob ng bag, hindi ko na isinara ang zipper para makahinga siya. "Mas creepy pa nga yung sex message mo e." Humarap ako sa kanya. "Ipang-blackmail ko kaya sayo para naman kumita ako 'no?"

"Tingin mo may maniniwala sayo? Ni hindi ka nga mukang nag-aaral sa prestigeous boarding school para maging classmate ko."

Letche talaga 'tong mainstream na babaeng 'to, nagawa pang hamakin ako. Kung hindi lang talaga ako nakasakay sa sasakyan nila, itinulak ko na siya palabas kanina pa.

"Ano ba kasing pumasok sa kukote mo at nakapag-composed ka ng gano'ng message?" Tanong ko na lang.

Wala na bang kabataaang inosente ngayon? Bunga ng maagang pagka-expose sa internet kaya siguro marami ng batang nakakagawa ng kung ano-ano. Wala ba silang ibang hobbies na pagkakaabalahan maliban sa pag-browse ng kung ano ano sa internet, pakikipag-chat taong katabi lang, pakikipag-chat sa kahit hindi kakilala, panonood ng mga hindi dapat panoorin at pag-post ng kung ano ano. O normal na pinagdadaanan ng isang dalaga at binata ang pagiging horney--este curious?

"Maybe because of boredom, but I'm not horny okay? I don't mean every words I've said in the message. Devastated lang ako kasi ang sama ng araw na 'to para sa'kin tapos...ayun nga. Napagdiskitahan ko si Keil."

Napakunot-noo ako sa narinig na pangalan. "Keil?"

"Oo. Nag-aral din yun sa Elite Way dati pero one year lang kasi graduating na siya no'ng nag-transfer. You actually have the same last name pero hindi naman kayo related."

Sabay kaming lumipat ni Keil noon sa Elite Way. Ako grade ten at siya naman graduating na kaya isang taon ko lang siya nakasabay sa pagpasok no'n.

Walang nakakaalam na magkapatid kami dahil may kasunduan kaming magpanggap na hindi magkakilala kapag nasa loob ng eskwelahan.

"Patingin nga ulit no'ng DM mo sa kanya." Tarantang demand ko kay Erin. Kahit may pagtataka ay ibinigay naman niya ang phone.

Tiningnan ko ang profile ng lalaking napadalhan niya ng kahiya-hiyang message.

Confirmed.

"Yuck." Komento ko sa sarili habang tinitingnan ang bawat picture na nasa Instagram ng kuya ko.

Mabuti na lang narsisista at pasikat siya. Panay lugar na napuntahan, pagkain, mukha niya at abs lang ang naka-post. Wala siyang post ng kahit ano sa pamilya niya.

Ibinalik ko kay Erin ang phone bago pa mag-swap ang kilay ko dahil sa pagsasalubong ng mga ito habang tinitingnan ang Instagram profile ni Keil.

"Wala kang dapat ipag-alala. Hindi ka naman pag-iinteresan no'n." Komento ko.

"What do you mean?"

Kasi pareho kayong Adan ang gusto.

"Kasi... basta. Sa'n ka pala magka-college?" Pag-iiba ko ng usapan at para na rin siguruhin kung kailangan ko pa bang i-extend ang pag-iingat kong walang makaalam na magkapatid kami ni Keil. Letche talaga.

"Gusto ni mommy sa Paris." Sagot ni Erin.

Nakahinga ako ng maluwag kahit hindi pa sigurado. Ewan ko kasi kung kaya siyang pag-aralin sa abroad dahil artista lang naman ang ina niya. Hindi bigtime para sa akin ang propesyon ng mga aktor. Pero kunsabagay, baka naman nasa dugo talaga nila Erin ang pagiging mayaman kahit wala sa showbusiness ang mommy niya. Ewan. Wala akong masyadong alam sa kanya. Di naman kami close at wala akong pake.

"Maganda do'n." Tugon ko nang di na inaalam kung ano ang kukunin niyang karera, wala naman akong pakialam. "Do'n ka na lang."

Naweweirduhan siyang napatingin sa'kin.

"Brand new life." Sagot ko bago pa siya makapagsalita. "Kalimutan mo lahat ng katangahan mo dito tapos gawa ka ng panibagong buhay do'n." Pang-uudyok ko na para bang may napakalaking kahihiyang nagawa si Erin. "Kung makaramdam ka man ng pagkasawa sa pag-aaral at ma-bored ulit, do'n ka tumambay sa Louvre museum tapos ikamusta mo 'ko sa lahat ng makita mong art works."

Kahit abutin siguro siya ng isang linggo sa museum na yun, hindi pa rin niya matatapos ang pag-explore sa bawat gallery. Yun ay kung makakatagal siya sa gano'ng klaseng lugar. Baka matapos niyang mag-selfie, aalis na rin siya nang di man lang ina-appreciate ang mga art works na naroon. Gawain ng mga taong mainstream.

"o pag-aralan mo buhay nila Voltaire, Monet, Sartre para naman magkaroon ka ng alam tungkol sa mga tao do'n. At kung sakali mang babalik ka rito, sana fluent ka na sa french."

Wag naman sanang puro french kiss lang. Sa lagay ng nabasa kong message niya kay Keil, mukhang malayo ang mararating niya. Hindi lang sa France kun'di sa langit.

"You know what? You talk nonsense."

Hindi ako nasopla sa sinabi niya. "Oo na lang diyan."

Mas may sense kasing kausap yung mga taong: "Oh my gee! You're going to study in Paris? Eifel Tower is so instagrammable! You should go there."
Tapos titili na akala mo parang kinakatay na baboy.


"I thought you're gonna help me with my problem."

Nagising ako sa diwa dahil kay Erin. Napatingin ako sa kanya. "Ano bang problema mo?"

"About the message. Duh." Nagpapaalalang sabi niya with cherry on top. "He might take advantage because of that. What am I gonna do now? Ayokong masira ang image ko."

Image talaga? Hindi reputation?

Kunsabagay, hindi naman mabigat na pagkakamali ang nagawa ni Erin kumpara sa kaklase naming Muslim na hindi lang nababalot ng hijab kun'di pati ng misteryo.

Humugot ako ng napakatamis na ngiti para kay Erin. "Wag ka na masyadong mag-isip baka magka-wrinkles ka." Pero kunsabagay, mukha naman talaga siyang hindi nag-iisip. "Mag-enjoy ka na lang sa natitirang one week ng pagiging senior high mo. Ako na ang bahala sa problema mo."

Wala naman talaga siyang dapat ipag-alala dahil hindi naman siya pag-iinteresan ng kuya kong maton sa labas pero sa loob mas babae pa sa kanya. Pwera na lang kung ipagmamayabang ni Keil na pinagnanasahan siya ng anak ng sikat na aktres at ipagkalat sa lahat ng followers niya ang message ni Erin bilang patunay.

Animaliting mga mainstream. Ba't ba ako ang nagkakaroon ng iisipin dahil sa kanila?

"How can I trust you? Anong gagawin mo?" Tanong ni Erin.

"Gagamitin ko siguro yung bagay na meron din kayo pero parang wala?" Patanong kong sagot.

"Ano?"

"Brain cells?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro