-Chapter 11-

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SHAMYRA


Bakit hindi ako nakakalipad?


Magmula noong bata pa ako, hindi mawala-wala sa isip ko ang tanong na iyan. Bakit hindi ako nakakalipad katulad ng mga ibon? Bakit hindi ako nakakalipad katulad ng mga eroplano? Kahit nga mga eroplanong papel kayang lumipad. Pero bakit ako, hindi?


As I grew older, Science explained why. Ipinaliwanag sa akin na may gravity. Na may hihila sa atin pababa. Na may humihila sa atin para hindi tayo nakalutang sa ere. Na kahit tumalon man ako ng pagkataas-taas ay babalik pa rin naman ako sa lupa. Na kahit anong pagsusumikap kong maabot ang mga ulap, ay wala pa rin naman. Babagsak lang din naman.


Pero naniniwala ako na hindi lang gravity ang dahilan kung bakit hindi ako nakakalipad. Siguro dahil wala akong pakpak. Siguro dahil kapag nakakalipad na ako, hindi na ako bababa, o kaya'y hindi ko na gugustuhing bumaba.


Life would always continue its sweet torture on me. Kaya siguro siya na rin ang nagdedesisyon na hindi pa ako handang lumipad. Siguro alam niyang wala pa akong mga pakpak. Siguro alam niyang dadating ang panahon na makakalipad din ako.


Makakalipad din ako...


Sa wakas ay talagang okay na rin kami ni Anjo. Magkasama kaming pumunta sa school just like the usual and I decided na ipakilala na siya kina Sin. Well, Sin already knows him, iyong iba nakita na siya pero hindi pa rin sila formally na napakikilala sa isa't-isa.


Ti-next ko silang lahat na kitain kami sa gate at pagdating naming doon, ay nakita ko agad ang lukot na mukha ni Sin. Kumaway ako sa kanila at hinila si Anjo palapit.


"Guys!" bati ko. Kinausap ko si Sin. "Problema mo?"


"Red tide," pabalang na sabi niya. Hindi nalang ako umimik kasi alam ko kung gaano kahirap n'on. Pati ang mga boys napangiwi. Mukhang nakuha na kasi nila ang sagot kung bakit sila tinatarayan ni Sin.


"Guys si Anjo nga pala." Itinaas ko pa ang mga kamay ko at winagayway. Si Anjo naman nahihiyang ngumiti lang at kumaway. Ses. Pa-shy type pa ang mokong.


Lumapit si Kei sa kaniya nang nakangiti at inilahad ang kamay niya kay Anjo na siya namang tinanggap nito. "Keian pala pare. Huwag ka ng magalit sa akin, ha."


"Depende," nakangising sagot ni Anjo kaya napa-ngangang umatras nalang si Kei. Pambihirang Anjo 'to. Kung maka-smirk kay Kei, wagas. Hindi ba siya aware na ito na ang magiging bago niyang barkada sa buong College Life niya?


Si Nemo naman ang lumapit sa kaniya para makipag-kamay. "Dude I'm Nemo. Nemo na tao, ha. Hindi Nemo na clown fish. Tsaka huwag mo na rin akong pag-initan sa susunod."


Tinanggap ni Anjo ang kamay ni Nemo at naka-smirk pa rin siyang sumabi nang, "Depende rin."


Bagsak ang mga balikat na umatras si Nemo tsaka nagtago sa likod ni Kei. Pawang nakayuko silang dalawa. Aww. Kawawa naman. Mamaya pipitikin ko sa tainga si Anjo para maipaghiganti ko sila.


Si Ari naman ay parang wala lang na lumapit kay Anjo. Hindi niya nga inilahad ang kamay niya, eh. "Arianna nga pala pare. Ari nalang kasi hindi ko rin trip ang pangalan ko."


Tumango lang si Anjo sa kaniya. Kay Ari lang yata siya hindi harsh ng approach.


"Bi or Lesbian?" pahabol na tanong ni Anjo.


Oh, come on. Saan pa ba aabot ang bibig ng isang 'to? Jusme. Ipapahiya niya ba talaga ako sa mga kaibigan ko? And here I was thinking na kay Ari lang siya hindi harsh ng approach. Eh, mas malala pa nga yata ang approach niya kay Ari kaysa doon sa dalawa. Mamaya susuntukin ko na talaga siya para talagang maipaghiganti ko sila ng bonggang bongga.


"Bi," cool na sagot ni Ari kahit napatitig siya ng ilang Segundo kay Anjo. Siguro iniisip niya din ang iniisip naming lahat.


May saltik ba sa ulo si Anjo?


"May gusto ka ba sa best friend ko?"


"Jo! Will you stop?"


Grrr. Antonio Juan Vivaldez itigil mo na ang kalokohang namumuo sa isipan mo ngayon din! Talagang pinapahiya mo na ako sa mga kaibigan ko. Bakit ba niya tinatanong ang mga tanong na iyan? Napaka-insensitive ba niya o ano?


"I have a girlfriend." Ari shrugged. Na parang normal lang ang inaakto ni Anjo. Sina Kei at Nemo literal na nakanganga. Si Sin nakapikit lang. Umaatake na siguro ang sakit sa puson.


Kinurot ko sa tagiliran si Anjo. "Pwede ba tumigil ka na."


"What? I was just making sure na walang didiskarte sa iyo dito sa kanila." Inakbayan niya ako na parang wala lang tsaka ngumiti lang siya sa kanila. "Una na kami guys. Nice meeting you."


Tinalikuran na namin sila pero nakita ko pa ang pag-irap ni Ari sa ere tsaka ang bukas pa ring mga bibig nina Kei at Nemo. Si Sin naman nagmamadaling umalis na nakahawak pa sa puson niya. Kawawa naman.


Siniko ko si Anjo. "Alam mo bang ang insensitive mo?"


He shrugged. "Meh. Naninigurado lang naman."


Alam ko na kung bakit hindi pa ako nakakalipad. Hindi ko kasi maiwan-iwan si Anjo. May saltik pa kasi...

---

Note: Thanks for the question May Martinez!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro