-Chapter 16-

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ANJO


What did just happen?


Nagtampo bigla si Shammy sayo. Gago!


Pero bakit?


Kasi gago ka at tangina mo rin.


Hindi naman ganoon kababaw si Shammy para magalit sa akin nang ganoon. Nagtatawanan pa nga kaming tatlo ni Mikka kanina tapos biglang ganito.


Siguro I was dumb enough not to notice na nahihirapan na siya minsan sa akin. Siguro ang gago ko lang talaga.


Ahh siguro red tide iyon. Pero hindi niya naman ako sinusungitan kahapon. Ahh baka ngayon nagsimula. Pwede ring PMS lang. Pwede ring galit lang siya sa mundo. Baka siguro galit talaga siya sa akin matagal na.


Huh? Imposible. Si Shammy galit sa akin matagal na? Neknek. Sus. Hindi iyan.


Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Shammy.


To ShamyraE:
Shammy magpahinga ka lang kung masakit ang puson mo ha. Sorry kung galit ka sa akin. Tc. :)


Okay na siguro ito. Lilipas lang din naman ang init ng ulo niyan.


Bumalik nalang ako sa kwarto ni Mikka kasi wala na din naman si Shammy. Alangan namang mag-emote din ako. Loko.


"Oh Jo. Nasaan na si Shammy?"


Siguro ang isa sa mga hindi nagbago kay Mikka ay ang pagiging maalalahanin niya. Ganoon pa rin siya. Tsaka ang ganda niya pa rin. Siya pa rin iyong Mikka na minahal ng batang puso ko. Siya pa rin si Mikka.


Tinabihan ko siya ng upo sa kama. "Ayun. Umuwi na."


"Ay sayang. Makikipag-chikahan pa sana ako sa kaniya, eh."


Siguro isa sa mga hindi nagbago sa akin ay gago pa rin ako. At marupok din ako.


"Mikks gusto mong gumala?" out of the blue na sabi ko.

Nagdalawang-isip pa siya bago sumagot ng, "Okay game. Tatawagan ko lang si Shammy----


"Ay hindi hindi. Nagpapahinga lang iyon sa kanila. Iyong tayong dalawa lang sana."


Shit. Ano ka ba Anjo. Hindi ka pa ba nasanay? Basted ka pa din kahit ang tanda niyo na!

Wala eh. Siya talaga ang gusto ko.


"Okay. Sige game." naka-ngiting saad ni Mikka.


I'm sorry Shammy. Pero ang tagal-tagal ko nang hinihintay na mangyari ito. Sana naman maiintindihan mo ako. Suporta ka sa akin anuman ang mangyari 'di ba?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro