-Chapter 20-

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SHAMYRA

Lunes na naman. Tanginang Lunes yan. Sarap patayin. Nagiging sobrang bitter na ako dahil sa mga kadramahan sa buhay.

Papunta na ako sa University at nakasakay ako sa sasakyan ni Anjo. Yep. Sa kabila ng lahat ng nangyari noong Sabado, sabay pa rin kaming pumunta ni Anjo sa school. Syempre. Nakakontrata kaya siya sa paghatid at pagsundo sa akin.

Nang dumating na kami sa parking lot, sabay kaming bumaba nang walang imik. Naglalakad nang sabay. Pumasok sa gate nang sabay. Nagtinginan nang sabay. Umiwas din nang sabay. Sabay na hindi nagpaalam. Tinahak ang magkaibang daan nang sabay.

Umirap ako at hinigpitan ang hawak sa strap ng bag ko. Silent treatment? Just the thing that I need.

Lutang ako sa buong umaga. Pagsapit ng lunch break lutang pa rin ako. Hindi ko masabi kung lutang ba si Anjo o hindi kasi sumasagot pa din naman siya sa mga tanong nila Kei at Nemo. Silang tatlo lang ang nag-uusap. Wala akong imik. Si Sin nagmememorize, may quiz siguro mamaya. Si Ari naman naglalaro lang ng Candy Crush.

Biglang pinitik ni Nemo ang kamay niya sa ere.

"Alam ko na! Maghiking tayo sa Mt. Naandan!" sigaw ni Nemo.

"Mt. Naandan? Bakit?" napasali bigla si Ari sa usapan.

"Oo. Nabasa ko sa isang site ang ganda daw doon. Tsaka free naman tayong lahat this Saturday diba? Suggestion iyan ni Anjo." dagdag pa ni Nemo.

Napalingon ako kay Anjo na nakatingin din sa akin. Ako ang unang umiwas ng tingin. Parang alam ko na kung saan pupunta ito. Dalawa lang ang posibleng gusto niyang mangyari. Either gusto niyang makipagbati sa akin or gusto niyang ayain sa date si Mikka kaya ginagamit niya lang kami. Pero I think it's the latter.

"Isasama ko si Mikka, okay lang?"

Shots fired. Sabi ko na nga ba. Gusto kong matawa pero bakit ang sakit?

Walang umimik sa aming lahat kaya maybe he took it as a yes. Wala naman talaga kaming choice kung tutuusin.

Ngumiti ako ng pilit at sinabing,"Okay, game."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro