-Chapter 24-

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SHAMYRA

“A-ano?” napasuklay pa siya sa styled niyang buhok nang wala sa oras.

Napayuko ako. Bakit ba siya nag-tatanga-tangahan? Honestly, hindi talaga bagay. Hindi ko alam kung maiinis o magagalit o malulungkot sa sasabihin niya. Dahil panigurado namang i-re-reject niya ako. I have longed braced myself for this. Pero sana pinindot ko muna ang pause button para bukas ko nalang malaman ang isasagot niya.

Napabuntong-hininga ako bago tinutok muli ang tingin sa kaniya, “Take it or leave it.”

Naramdaman kong may papalapit na mga yabag sa direksiyon namin kaya inayos ko ang sarili ko.

“May problema ba dito Shamyra?” tanong ni Theo. Si Theo lang pala. Na-sense niya siguro na kailangan ko ng tulong.

Tinignan ko si Anjo sa mata at sinabing, “Wala naman Theo. Tara.” Hila ko sa kaniya.

“Ano bang problema natin, pare?” Anjo asked him. “Kanina ka pa ah.”

May issue ba ang dalawang ito? May issue ba talaga kapag pareho ang mukha? Pareho din ang ugali? Parehong kumag tsaka gago? Ay ang dami ko namang pasanin sa mundo, Lord. Ano po bang kasalanan ko?

Theo looked at him from head-to-foot. Anak ng gago. “Wala naman daw’ng problema pare? Ano bang problema mo?” he smirked.

Hinila ko na siya papunta sa tent bago ko pa sila mauntog ng carbon copy niya. Kinuha ko ang traveling blanket ko at mga iba ko pang nilatag sa damuhan at nilagay ulit sa bag ko. Nakita ko ring nagliligpit na si Theo. Biglang pumasok si Sin at napatitig sa amin pagkatapos ay bumuntong-hininga.

“Jusko Amyra, dai. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo.” Napailing-iling siya. “Ang sabi ko sa iyo, kung nahihirapan ka na, kalimutan mo na iyang nararamdaman mo para kay Anjo. Hindi ko naman kasi sinabing maghanap ka ng kamukha niya. Harujusko inay laman nimong bayeha ka. Lamia nimo layugon! Yawa ka!” mataas na litanya ni Sin. Kahit hindi ko na maintindihan ang panghuli niyang mga sinabi, paniguradong minura na ako niyan.

Nginitian ko nalang siya, “Chika ko nalang sayo later ‘pag may time.”

Isinukbit ko na sa balikat ko ang bag tsaka nilingon si Theo kung ready na ba siya.

Naguguluhan pa rin si Sin na nakatitig sa amin. “Saan ba kasi kayo pupunta? Babalik na kayo agad? Magpahinga muna kayo uy.”

“Magtatanan na kami hihi,” sagot ni Theo.

Ay anak ng palakang may pitong anak na nakatira sa pitong bundok! Talagang hindi ko na maintindihan ang isipan ng lalaking ito. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at inambahan ng suntok.

“Ay sige, ingat sa honeymoon,” ngumiti pa ng nakakaloko si Sin tapos tumakbo. Hahabulin ko pa sana siya kaso ang bigat naman nitong bag ko. Kung bakit pa kasi ako nagdala ng madaming necessities kung hindi din naman kami tatagal rito? Ay ang bobo talaga dai Shamyra.

Lumabas na ako ng tent at naramdaman kong nakasunod lang si Theo sa akin kaya hindi ko na siya hinarap pa. “Bakit mo sinabi iyon?”

“Ang alin?” pagmamaang-maangan niya pa.

“Na magtatanan tayo?”

“Ay hindi ba?” napakagat pa siya sa labi niya upang pigilan ang tawa niya.

Inirapan ko nalang siya at naglakad papunta sa direksiyon nina Mikka para magpaalam. Hindi naman sila nag-usisa kaya’t nagpatuloy nalang kami ni Theo sa paglalakad.

“Alam mo, you have a very outstanding and possibly mind-blowing personality.” Out of the blue na sabi niya. Ilang minuto na din kaming naglalakad pababa pero hindi man lang kami nag-uusap. Siguro ayaw niyang matuyo ang laway niya kaya gusto akong kausapin. Akala ko ba manghuhula siya? Sira ang antenna niya ngayon? Hindi niya ma-sense na nagdadrama ako?

“Bakit ako? Tsaka bakit mind-blowing? Ano ako? Droga? Gamot? Bomba?”

“Dinala mo ako dito, pinakilala sa barkada mo, ay oo nga pala. I don’t like Anjo. I also don’t like calling him Anjo---

“Call him Juan then.” I shrugged.

“Juan, hmm. Ang baho din pala ng pangalan niya,” he scoffed.

“Nagsalita si Teodoro,” tawa ko.

Siniko niya ako, “Call me Teodoro all you want. I won’t mind because I’m too proud of you today.”

“Proud? You? Me? Why?” tinuro-turo ko pa ang sarili ko at siya para mas dramatic effect.

“I heard everything. At sino ba naman ako para magsalita at sabihing you’re too much for him and he doesn’t deserve you but I’m so proud you finally told him. Ako nga talaga siguro ang swerte sa buhay mo ‘no? My purpose and presence gives everything justice,” he muttered while never taking his eyes off me.

Ang dami kong pwedeng isumbat sa kaniya pero I chose to stay silent at inunahan na lang siya sa paglalakad. Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa pinag-parkingan naming kanina. Nauna na rin akong maglakad papunta sa kotse niya at hinintay siyang buksan iyon. As soon as I opened the door and collapsed into the seat, the traitorous tears in my eyes also started to fall. Tangina bakit ba ako umiiyak? Siguro napagod lang.

I was just crying silently when I felt something warm wrapped tightly around me. It was Theo. It was Theo’s arms.

“Tahan na Shamyra. It’s not okay but you will be okay. Hindi mo pa nga nalalaman ang sagot niya. Just hang in there, okay?”

Tumango tango nalang ako kahit hindi nag-sink in ang mga sinabi niya kasi pumalahaw na ako sa iyak. I feel so weak but I just cried there, in his arms.

Pagkaraan ng ilang minuto ay kumalma na ako ngunit hindi pa rin niya inaalis ang mga bisig sa akin. He smelled so sweet. At kahit nga may allergic rhinitis ako, hindi masakit sa ilong ang body scent niya, o baka perfume niya.

“Theo,” tawag ko sa kaniya.

“Hmm?”

“Sana nga ikaw na ang swerte ko.”

Stars, pinadala niyo ba si Theo para sunduin ako? Salamat ha. Sana nga swerte ko na talaga siya. O baka ako ang swerte niya. Who knows, right?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro