-Chapter 38-

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

For better or for worse, I'll always put you first.
-Moira x Nieman, Promise



Napahikbi ako nang makita ang tuhod kong nagdurugo mula sa pagkakahulog ko sa monkey bars.



"Shammy! Are you okay?!" Anjo rushed towards me with Mikka behind him.



Mas lalo lang tuloy akong napahikbi. "Alam mo namang hindi kasi masakit tapos tinatanong mo pa. Mamaa!" I cried even louder.



"Shall I call Tita, now?" Before we could answer, Mikka came running back to the direction of our house, probably to get my mama.



"Shh na Shammy. Akala ko ba hindi ka takot sa blood. I thought you're gonna be a doctor, too."



I pouted at him. "I'm not scared of blood. It hurts kaya. You should try jumping from a high place and then falling down without someone to catch you. Akala ko ba lagi ka lang nandiyan."



"Hindi naman ako superhero, Shammy." Tumabi siya akin sa pagkakaupo sa lupa at inayos ang palda ko.



Humikbi pa ako lalo nang matuluan ng luha ko ang sugat.



"Tss. Ayan kasi, umiiyak ka pa. Tahan na. Ibibili na lang kita ng ice cream mamaya." He used his hands to wipe my tears. My mood brightened just because of what he said.



"Tayo lang? Hindi kasali si Mikka?"



"Oo tayo lang."



Dali-dali kong pinagpagan ang palda kong nadumihan na ng lupa at tumayo na.



"I'm okay now. Let's go." Kinuha ko ang mga kamay niya't pinagsalikop iyon.



"That's my girl," he said before playing with my hair.



"Hey, stop that!"



"Stop what?"



"Iyan! Mama braided my hair. Stop that." I pouted.



He laughed. "Ang cute mo kasi."


SHAMYRA



Just a day after Lauv's concert. Everything went back to normal. Or maybe it's not. Maybe it's just wishful thinking on my part since all we have been doing is studying. Nasa condo kami ngayon ni Theo. Nakasandal ako sa mahaba niyang sofa dito sa living room habang nakaunan naman siya sa aking kandungan.



Napatingin ako sa wall clock. Mag-aalas sais na pala ng gabi. Hindi man lang kami nagpahinga kahit saglit man lang dahil talagang nakababad na kami sa mga text books at notebooks namin buong araw. Kahit nga medyo puyat pa kami ay kinaya naman namin.



Sinundot ko ang tagiliran ni Theo. "Teodoro. Huy."



"Hmm?" Mahina niyang tanong habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa librong hawak niya.



"May groceries ka pa ba? Magluluto ako." I pushed him to get off my lap and he lazily obliged. Tinuro niya lang ang gawi ng kaniyang ref habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniyang libro.



I rolled my eyes and stood up. Talagang hindi na niya ako pinapansin kapag may hawak na siyang libro. I walked up to his refrigerator almost the same height as me ngunit saying lang ang laki nito kung lagi naman iyong walang laman. Typical Theo.



At tama nga ako dahil pagkabukas ko niyon ay tanging isang gallon ng cookies and cream ice cream na binuksan namin last week. I groaned and closed the refrigerator.



"Ice cream lang ang laman ng ref mo, Teodoro," I crossed my arms, obviously pissed of now, "ano? Hindi ka tatayo diyan o uuwi na lang ako? Hindi natin pwedeng gawing dinner ang ice cream."



Finally he looked up to meet my eyes and closed the book he's holding. He sighed and put on his hoodie. Nakapamulsa siyang naglakad papalapit sa akin. He offered his hand out to me and I raised a brow at him. Hindi ba nauubusan ng pakulo ito?



"Pahingi ng pera." He flashed his puppy eyes and batted his lashes at me.



Tinampal ko ang kamay niyang nakalahad at inunahan na siya sa paglalakad. "Bahay mo ito tapos ako ang magbabayad ng groceries mo? Hindi ako ang nanay mo, Teodoro—



Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa kaniya. Teka nga, ngayon ko lang ba napagtanto na hindi ko alam ang apelyido niya?



"O, bakit?"



"What's your last name?" I asked.



Nagpakawala siya ng tawa at nauna ng maglakad papunta sa pintuan. Binuksan niya iyon at hinihintay akong unang makalabas. I walked up to him and punched his right shoulder.



"Ano nga ang last name mo?" I impatiently asked.



"Bakit ko sasabihin? Baka bigla mo akong ayain magpakasal dahil lang ang ganda ng apelyido ko. Shamyra, pwede namang pigilan ang pagkabaliw sa akin minsan, eh."



I scowled at him at nauna ng lumabas. I waited for him while he locked the door. Pagkatapos niya iyong ma-lock ay sumupil na naman ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi niya. I rolled my eyes at him at mas binilisan pa ang mga lakad ko, ngunit naabutan pa rin ako nito. Inakbayan niya ako ngunit inalis ko lang ang bisig niya. Ilang beses pa niya iyong inulit hanggang sa sumuko na ako't pinabayaan na lang siya.



"Bakit ba gusto mong malaman ang apelyido ko?"



I squinted my eyes to look up at him. "Kasi gusto ko."



"Paano 'pag Jollibee pala ang apelyido ko? O kaya'y McDo?"



"Really? Aww. Edi wow. Paki ko sayo." I impatiently stated.



He soundly laughed bago pinindot ang ground level button ng elevator. Dumiretso na kami sa supermarket nitong condo. Theo pulled a cart and followed me. Abala ako sa pagpili ng mga gulay habang panay lang ang cell phone ni Theo sa likuran ko. Kumuha na rin ako ng ilang packs ng instant coffee dahil napansin kong paubos na ang sa kaniya.



"I can do this all day," Theo uttered out of the blue. Pinipigilan rin niya ang ngiting gustong kumawala mula sa kaniyang mga labi habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa cell phone na hawak niya.



"Do what?"



"This. You, shopping for groceries, acting like my wife. Soon enough, baka sa araw na malaman mo ang apelyido ko sa araw na ng kasal natin."



I felt my heart skip a beat. Muntik ko na ring mabitawan ang kapeng hawak ko bago iyon maingat na nilapag sa cart. Malamig naman dito pero bakit pakiramdam ko nilalagnat ako.



Napatingin ako sa salamin sa gilid namin. What the hell? Bakit ang pula-pula ng mukha ko?



Nagpatuloy na lang ako sa pagpupuno ng cart namin ngunit hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Theo kanina. Sure, it may just be a little thing, pero hindi ko maiwasang kiligin. We still have a long way to go but he's now talking about marriage! Marriage for crying out loud!



Nang masiguro kong kumpleto na ang mga kakailanganin namin ay hinayaan ko na si Theo sa may counter upang magbayad. Bumalik ako sa freezer at kumuha ng dalawang gallon ng cookies and cream ice cream para sa amin ni Theo. It was also a good thing na pareho din kami ng favorite. Iwas-away na din sa amin.



I walked back to the counter and set the ice cream gallons down. Theo just eyed them and pouted.



"Akala ko ba hindi pwede gawing dinner ang ice cream?" naka-pout niyang tanong.



"It's perfect for a midnight snack." I smiled.



Pagkabalik namin sa condo ay kaagad akong naghanda sa kusina ng mga lulutuin ko. Plano kong magluto ng tinolang manok dahil bago ko lang ding napag-alaman na takam na takam pala si Theo kapag may sabaw.



Saglit ko siyang ninakawan ng tingin sa may living room. Seryosong seryoso siyang nag-aaral at wala yatang balak tumulong kaya't nagpatuloy nalang ako sa paghiwa ng mga gulay at pampalasa.



In the middle of slicing, I felt my phone buzzed inside my pockets. I wiped my hands first before fishing for it. Napakunot ang aking noo nang makita na unknown number ang nag-text sa akin.



From: Unknown Number
Shammy. Playground. Ako to. Hihintayin kita.



Kaunti lang naman ang tumatawag sa palayaw kong Shammy. Ang pamilya ko, si Mikka, at Anjo.



Anjo.



Sandaling sumikdo ang tibok ng aking puso habang pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.



Ano ang sasabihin niya? Sobrang importante naman siguro niyon at dapat sa playground pa kami mag-usap at hindi na lang sa telepono.



Oh right, I blocked his number.



Fudge, oo nga pala. He probably figured out and used another phone or bought another sim.



Napakagat-labi ako bago nagtipa ng panibagong mensahe at pinindot ang send.



To: Unknown Number
Ok.



"Teodoro," I called.



"O?"



"Mauuna na pala ako pagkatapos nating kumain ha. Pinapauwi na ako." I automatically felt guilty dahil hindi ko masabi sa kaniya kung saan ako pupunta pero tinatagan ko na lang ang aking loob.



"Ay. Hindi ikaw ang maghuhugas?" he pouted.



I gave him a stern look na ikinatawa niya lang. Alam naman niya na siya na ang assigned manghugas since ako naman ang palaging nagluluto.



Ilang minuto lang ay lumambot na ang manok na aking pinakuluan kanina pa. Tinimplahan ko na iyon at nilagay na ang mga pampalasa.



Ilang saglit pa'y tinawag ko na si Theo para ihanda na ang mesa. Agad naman siyang tumalima dahil iyon na nga lang ang ambag niya palagi.



Sabay na kaming umupo at nagdasal. Binibilisan ko pa ang aking pagkain pero hindi ganoon kabilis na mapapansin ni Theo.



"The best ka talaga, misis," nakapikit na sambit niya pagkatapos makahigop ng sabaw.



Umangat ang tingin ko kay Theo at pinaningkitan siya ng mata.



"Anong misis misis ka diyan? Nakakatuliro talaga ang luto ko 'no?" pag-iiba ko ng usapan.



Umiling siya. "Doon din naman papunta iyon."



Hindi ko napigilan ang ngiting kumawala sa akin kaya't tumawa na naman ang loko.



Nang patapos na siyang kumain ay nauna na akong tumayo at niligpit ang mga libro kong nagkalat sa sahig at sa center table. Pinagkasya ko lahat ng iyon sa aking bag at tumayo na.



Natapos na rin palang kumain si Theo dahil naglalakad na rin siya papunta sa direksyon ko.



"Hatid na kita," he offered.



I shook my head, maybe too dramatically. "Huwag na. Mag-aabang na lang ako ng taxi."



"I want to make sure you're safe. Ihahatid kita."



"No! I mean, Teodoro, kaya ko na. Ang dami mo pang kailangang i-review o," I tried to convince him. Ang buong sistema ko'y nagtatalo na. I obviously sound so guilty right now.



Kumunot ang kaniyang noo. "You're acting really weird. Ihahatid na nga kita." Dinampot niya ang kaniyang susi sa gilid ng pintuan at nauna ng lumabas sa akin. "Akin na bag mo," he commanded.



I just sighed and handed him my bag. I'm too tired to even argue with him today.



Pagkababa namin ay dumiretso na kami sa kotse niya. He then drove me home with The 1975 singing on the radio. He's busy singing along habang pinapakinggan ko lamang siya. His voice is okay. Hindi nga lang pang-contest.



"They're just girls breaking hearts
Eyes bright, uptight, just girls
But she can't be what you need if she's 17
They're just girls
They're just girls."



Pabalik-balik ang tingin niya mula sa akin at sa daan, all the while singing the song. Para bang dinededicate pa sa akin ang buong kanta.



"So sinasabi mong heartbreaker ako, ganoon?"



Tumango-tango siya. "The moment I saw you, I knew you'd break me. And baby, you did."



Umiiling-iling akong itinuon na lang ang tingin sa bintana para iwasan ang mga titig niya.



I just hope I won't break you anymore, Teodoro.



Itinigil na niya ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Akmang lalabas na sana ako nang magsalita siya.



"Kiss ko?" he pouted.



I laughed and gave him a peck in his right cheek.



"Ay, cheeks lang?" dismayado niyang tugon.



Sinimangutan ko siya. "You didn't even tell me your last name."



"Sa'yo lang."



"Huh?"



"Teodoro Sa'yo Lang. Iyan ang buong pangalan ko para sa iyo," he winked playfully.



Inirapan ko siya bago tuluyang binuksan ang pintuan. "Ewan ko sayo," sabi ko na lang kahit medyo kinikilig din naman ako.



"Bye misis!" Theo waved his hand goodbye. I laughed and also waved him goodbye.



Hindi ko inaalis ang tingin sa kaniyang sasakyan hanggang sa mawala iyon sa aking paningin. Dali-dali kong binuksan ang gate namin at basta na lang binitawan ang aking bag sa lupa. Dala ang kumakabog sa kabang puso ay nagawa kong hilahin ang aking bike at nagsimulang mag-pedal papunta sa play ground.



Pagkarating ko doon ay nandoon pa nga si Anjo na nakaupo sa parehong swing noong nakaraan. Tumabi ako sa swing katabi ng kaniya. Doon ko lamang napagtanto na he reeked of alcohol. Too much alcohol.



Umangat ang tingin niya sa akin. His eyes were puffy and red, na para bang kagagaling niya lang sa pag-iyak. Gulo-gulo rin ang kaniyang buhok na kadalasan ay styled naman. He is such a mess.



"Hi." Anjo forced a smile I did not accept.



"Spill. Ano bang nangyayari sa iyo, Jo?" frustrated kong tanong.



Everything that's been happening lately, everything that's been happening to Anjo lately, it's not him. Parang ibang Anjo na ang nakakaharap ko ngayong nakaraan.



"Shammy, I'm sorry." he started to sob kaya naman hindi na ako mapakali.



"B-bakit k-ka n-nagsosorry? Ano bang nangyayari?"



"Shammy, ampon ako."



Holy fuck. What?



"Ha?! Paano nangyari iyon?"



He laughed like a madman and played with his unruly mass of hair. "At iyong nakasama mo noong bata pa tayo?" he paused.



Ayaw ko ng marinig ang iba pang lumalabas sa bibig niya ngunit may parte rin sa akin na gustong malaman ang lahat. Ang lahat lahat. I can feel my whole world cracking, the walls slowly breaking down.



I waited.



"Si Theo iyon. Hindi ako."



My breathing hitched and I felt my heart constricted because of shock and pain. Too much unbearable, unforgivable, and unbelievable pain.



And my world shattered. Literally.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro