-Chapter 40-

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan. Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman.
-December Avenue, Sa Ngalan Ng Pag-ibig

SHAMYRA

A week has passed. Natapos na rin ang midterms namin. Seven days and a hundred sixty-eight hours went by on the clock. Still, walang Anjo o Theo ang nagparamdam sa akin.

Nagugulumihan na rin sina Sin dahil wala naman silang kaalam-alam sa mga nangyari. At wa rin naman akong balak sabihin sa kanila. They are also oblivious of the fact that Theo and I are in a relationship. Mas nakakahiya naman kung pati ako, na mismong girlfriend, wala na ring balita sa kaniya.

It hurts. A lot. Spending each morning waiting for my phone to ring to receive a good morning greet from him. Pero sino bang niloloko ko? He's not in his greatest shape. Hindi ko na rin siya kailanmang nakita sa loob ng campus. I've been regularly coming to the coffee shop pero he's not there. Palagi ko ring tinatanong ang mga barista pero laging "wala" at "hindi" lang ang nakukuha kong sagot. Pakiramdam ko naiinis na rin sila sa pabalik-balik ko roon pero wala, eh. Namimiss ko na siya.

I've also tried calling his condominium building. Pero katulad ng mga barista, the receptionist didn't want to share any information regarding him. I bet Theo forbid them to do so. Hindi ko naman kailangan ng translator at thesaurus upang hindi ma-gets ang gusto niyang iparating. Akala ko kasi temporary lang na gusto niyang iwan ko siya. Now he's acting like he really wants me out of his life. In a snap. Ganoon lang.

Malalim akong napabuntong-hininga at pinaglaruan ang pagkain sa harap ko. Nakita ko sa sulok ng aking mga mata ang pasimpleng pagtawag ng pansin ni Sin sa atensiyon ng iba at nginuso ako. Para bang nagtutulakan pa sila kung sino ang magtatanong  sa akin.

Looks like Nemo lost because he deeply sighed in frustration and cleared his throat.

"Pst. Amyra... Spill naman diyan o. Problema natin?" Nemo asked, which made me look up at him at the other side of the table.

I shook my head and forced a smile. "Wala naman."

Sin scoffed. "Anong wala? Imong mama wala! Tapos na nga ang exams tapos naka-ganyan pa rin ang mukha mo? Ano na ngang nangyayari sa iyo? Tsaka nasaan na ba iyong dalawang magkaparehong mukha na umaali-aligid sa iyo?"

Umiling lamang ako't sinubukang galawin ang pagkain sa aking harapan. As much as possible, ayaw kong sagutin ang mga tanong nila. Mawawala na rin naman sa akin ang spotlight maya-maya. I'm sure maiinip lang ang mga iyan kakahintay ng sagot mula sa akin.

Pero mukhang mali ako, dahil pag-angat ko ng tingin sa kanila ay nakapokus pa rin ang kanilang mga mata sa akin. Para bang sinasabi na hindi na nila ako papakawalan hangga't hindi ko sinasabi sa kanila ang mga nalalaman ko.

Padabog kong binitawan ang kubyertos na hawak ko't matalim silang tinignan.

"Fine. What do you want to know?"

Ari slapped the table. "Gurl, lahat. Gusto naming malaman ang lahat. Nag-aalala na kaming lahat sa iyo dito, o. Nakalimutan mo yatang may barkada kang makakasama through thick and thin."

Sumang-ayon naman si Kei at hinampas rin ang mesa. "Oo nga. Lods mo kaya kami all throughout, Amyra. Kaya sabihin mo na. Hindi ka namin itatakwil, promise."

I sighed. Nakaka-ilang buntong-hininga na ba ako ngayong araw? Gahd.

"Huwag kayong mabibigla ah," I warned. Tumango-tango naman silang lahat bilang sagot. Looks like wala nga akong kawala mula sa mga taong hayok na hayok sa mga sagot mula sa akin.

I braced myself. "Una, boyfriend ko na si Theo."

"What?!" sabay-sabay pa nilang sabi.

I rolled my eyes. "Pangalawa, hindi na siya nagpaparamdam sa akin."

"Ay hala, ghoster!" pahayag ni Kei.

"Ay gago naman pala iyang Theo na iyan, eh!" sabi pa ni Sin.

I once again rolled my eyes. Hindi naman nila kailangang malaman itong pangatlo pero pandagdag lang sa mga mind-blowing facts na malalaman nila ngayong araw.

"Kambal si Theo at Anjo." There. I said it.

"Sabi ko na nga ba, eh! O, akin na iyang mga pusta niyo!" natatawang sigaw ni Ari.

Nanghihina namang napadukot sa kaniya-kaniyang mga bulsa ang mga 'natalo' sa pustahan nila at nilapag iyon sa mesa. Pangiti-ngiti namang kinolekta ni Ari ang mga panalo niya. And take note, hindi bumababa sa isang libo ang bawat pusta nila. Pinagkakakitaan na pala nila iyong kambal? Amusement na pala ang dalawang iyon?

My brows furrowed.  "Pinagkakakitaan niyo na pala iyong dalawang iyon? I can't believe you guys."

Nemo pouted. "Eh kasi naman. Pusta ko kasi na robot lang si Theo. I was so sure of it! Nag-research pa ako ng mga robot labs dito sa Pinas tsaka sa ibang bansa. There are actually a handful of them. Tago sila sa gobyerno tapos ang cool pa! Could you imagine that?!"

I absolutely cannot believe Nemo is actually betting on that fantasy! Super fan ba siya ng mga Korean Drama series at kinakain na ang buong sistema ng mga iyan?

"Ako rin! Akala ko din robot si Theo! Damn, parang imposible na din naman kasi ngayon iyong mga long lost twins," dagdag pa ni Kei.

"Ako, akala ko talaga nagpa-retoke lang siya. Ang dami kayang pelikula tungkol doon. Mas realistic pa. Tsk, talo din pala ako," nakasimangot na saad ni Sin at umirap pa.

Ngumingiting binilang ni Ari ang panalo niya. "Mga ulol. Ako ang panalo dahil ako ang pinaka-critical thinker sa ating lahat," panghahambog niya.

"Yucks. Sinwerte ka lang, kamo. Naniniwala pa rin akong robot siya," pakikipagtalo ni Kei.

Ari gave him a stern look. "Gusto mong bastedin na kita?"

Kei pursed his lips. "Oo na, tatahimik na. Tsk."

Napailing na lang ako sa mga tinuran nila. They never fail to ease my burden or ease the heaviness of the air around us. Para bang may magic kapag sila ang kasama ko. O baka talagang pang-mental na ang mga pag-iisip ng mga ito dahil talagang hindi iyon ang inaasahan kong reaksiyon mula sa kanila. Well, typical them.

"Pero seryoso. Anong balak mong gawin, dai?" may bahid ng pag-alala sa tanong ni Sin. Umiling lamang ako bago sumagot.

"Hindi ko alam."

"Anong hindi mo alam? Jowa mo iyon. May karapatan ka doon. Iyong isa naman, first love mo na best friend mo pa."

Napaisip ako saglit sa first love. Oo nga, 'no? Sino nga ba talaga ang first love ko? Sino ba talaga ang unang minahal ko? Ang unang nagnakaw sa puso ko?

It's so frustrating to doubt my whole existence. And even more frustrating to be confused between two people I loved, love.

Hindi ko nga rin sure kung mahal ko na ba si Theo. Sure, I really really like him. Pero considering our history, pwede ring siya ang unang minahal ko simula noong mga bata pa kami.

But also considering my history with Anjo, baka siya nga talaga ang minahal ko. Siya pa rin ang nakasama ko sa majority ng eighteen years na iyon. Siguro I fell for him over time. Pero hindi ko rin maipagkakaila na baka tama siya. Na baka I just mistook him for someone I fell for when I was just a child.

"Saan ba siya nakatira? Ambush-in natin!" suhestiyon ni Kei.

"Alam mo Keian, iyan na yata ang pinakamatalinong sinabi mo. Ano pang hinihintay natin? Tara, ambushin natin!" pagsang-ayon ni Ari.

Sandali ko naman silang tinignan isa-isa. Seryoso? Parang sasabak na sa gyera iyong mga aura nila, eh.

"Ha? Seryoso ba kayo? Paano kung nandito lang naman pala iyon sa campus."

Sin rolled her eyes and grabbed my shoulder. Tumayo na siya't hinila na rin ako patayo kaya nagpadala na lang ako. Sunud-sunod ring nagtayuan sina Ari, Kei, at Nemo.

"Pupuntahan natin ang kumag na iyon at aayusin niyo iyang pasang-awa niyong relasyon. I don't know a thing about relationships but you guys are my friends so dapat mag-ayo mong mga buanga mo. Ug di mo mag-ayo, ay maayo pa magbuwag mo! Pagbuwag mo oy! Kaya tara na, bago pa magbago ang isip ko!" mahabang litanya ni Sin.

Iniwan na namin ang mga pinagkainan namin at lumabas na ng cafeteria. Nasa loob na kami ng sasakyan ni Ari nang mapagtanto ko kung anong gagawin namin.

"Teka, magcucutting tayo?"

They all groaned in unison.

"Gurl, pwede ba. Sasamahan ka nga naming bawiin iyong jowa mo kaya huwag ka nang mag-inarte diyan!" sabi pa ni Ari bago niya tinapakan ang gas at pinaandar na nga ang sasakyan.

Magcucutting ang buong barkada para sa iyo, Teodoro. Sana naman makinig ka na sa akin ngayon, o.

Parang biglang nag-fast forward ang oras at nakarating na nga kami sa condong tinutuluyan ni Theo. Nag-atubili pa iyong receptionist pero talagang wala siyang laban sa fighting spirit at pamimilit ni Sin. Hindi ko na nga rin matandaan kung paano niya nagawa iyon. Napagtanto ko na lang na nasa harapan na kami ng pintuan ni Theo at wala ni isa sa amin ang balak kumatok niyon.

"Ikaw na!" narinig kong bulong ni Kei.

"Anong ako? Driver na nga ako tapos ako pa ang kakatok? Sasakyan ko na nga rin gamit eh. Sa akin pa iyong gas. Kaya huwag ako, Keian."

"O bakit kayo nakatingin sakin? Hoy piste ako ang nag-speech doon sa receptionist. May ambag ako."

"Alangan namang ako. May ambag kaya ako doon sa-ano may ambag ako!" pag-angal ni Nemo.

"Nemo, ikaw na lang!" pagpupumilit pa ni Kei.

"Gago ka Keian. Akala mo naman may ambag ka. Ikaw kaya kumatok diyan!"

"Ayoko nga! Hindi naman ako ang jowa---

"Guys," putol ko sa iba pa nilang sasabihin, "ako na."

"Sure ka?" paninigurado ni Sin.

"Oo naman. Gusto niyong sumama sa loob?"

Sabay-sabay pa silang napailing at nagkaniya-kaniya ng dahilan. Akala ko ba ang tatapang nila, tsk.

Tinatagan ko muna ang aking loob bago kumatok ng tatlong beses. Nang walang sumagot ay sinubukan kong ituyok ang doorknob. Surprisingly, it's open.

Tahimik ko iyong sinarado at hinayaan ang aking mga matang pag-aralan na naman ang kabuuan nitong condo niya.

Halos wala ng laman ang sala niya. May iilan ring mga kahon na nakalapag sa sahig. Inalis na rin ang mga kurtina kaya't pumapasok ang sinag ng araw sa kaniyang floor-to-ceiling windows. Napakaaliwalas na nga pero wala ng buhay ang minsang naging tahanan niya. Ang minsang naging tahanan ko na rin. Ang minsang naging tahanan ng aming bawat halakhak at pagtawa. Wala ng liwanag.

Dahan-dahan kong inabante ang aking mga paa, natatakot na baka may masira o matapakan. May iilan rin kasing mga bubog na nagkalat sa sahig. May nasira siguro siya at hindi na niya nalinis at naligpit.

May mga yabag akong narinig mula sa kusina papunta sa sala. Sandaling nagtama ang mga mata namin ni Theo na siyang galing sa kusina at may hawak-hawak na mga baso. His gaze lingered on mine a little longer than expected. Iniwas na niya ang tingin sa akin at nilapag na sa kahon ang mga basong hawak niya.

"T-theo..."

"Anong ginagawa mo dito?" malamig niyang tanong. Na para bang sinasabi sa akin na kahit kakarating ko pa lang ay pinapaalis na niya ako.

"Binibisita ka."

His eyes once again looked up at me bago siya bumalik sa kusina. Sinundan ko siya doon at tumulong sa pagdadala ng mga dapat niyang dalhin.

Wala lang siyang naging imik at hinahayaan lang akong tulungan siya. Hindi na rin niya ako kailanman kinausap kung hindi iyon tungkol sa kung saan ko ilalapag ito o iyan. Kung paano ko ipwepwesto sa ganito, ganiyan. Nakakahibang na itong ginagawa ko. Nakakabuang na itong pinaggagawa ko para sa kaniya.

Sinadya kong ihulog ang basong hawak ko nang hindi siya nakatingin sa akin. Lumikha iyon ng malakas na tunog at dali-dali niya naman akong dinaluhan. Yes! May puso pa naman pala ito.

"Nasaktan ka ba? Hindi ka naman kasi nag-iingat, eh." Hinawakan niya ang mga kamay ko na parang sinusuri ang mga iyon.

Napatitig ako sa mukha niyang puno ng pag-aalala. Damn. Si Theo pa din pala ang kaharap ko ngayon.

Hindi ko mapigilang mapahikbi habang nakatingin sa kaniyang nag-aalala sa akin. Nataranta naman siya nang mas pumalahaw pa ako sa pag-iyak.

"Huy. T-teka kukuha lang ako ng first aid kit. Saan ba kasi masakit?"

Hinigpitan ko ang hawak sa mga kamay niya. Dinala ko ang kaniyang kanang kamay sa dibdib ko.

"Dito. Dito masakit. Tangina naman, Theo. Ano ba kasing nangyayari?"

"Fuck!" he hissed and pulled me closer to him. Narinig ko rin ang mahina niyang paghikbi at pamamasa ng buhok ko. Thank God, at hindi lang ako ang nasasaktan ngayon.

"I tried to stay away from you, Shamyra. God knows I badly want to sweep you off your feet and tell you that we can beat all the odds but I just can't."

Mas napahikbi pa ako at mahina siyang tinulak.

"Bakit naman hindi? Bakit hindi pwede?"

He wiped the tears off my face. "Kasi mismong ako nga hindi kilala ang sarili ko. I can't find myself if we're both lost into each other. I just can't."

I punched his chest. Paulit-ulit. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa magsawa ako. Napaka-selfish ko dahil gusto kong maramdaman niya rin ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang sakit na pinaparamdam niya sa akin ngayon.

"Alam naman nating dalawa na kaya natin. Ayaw mo lang talaga."

Wala siyang naging imik. Guilty as charged. Tahimik lang kaming umiiyak dalawa. Narinig ko ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas. Parang nakikisabay at nakikidalamhati pa sa nararamdaman naming dalawa.

Ilang sandali pa ang nagdaan bago kami kumalma. Dahan-dahan na ring kumalas ang pagkakayakap niya sa akin. Ayaw ko siyang tignan dahil baka tumulo na naman ang mga pesteng luha ko.

"Saan ka lilipat?" I managed to ask when I finally found my voice.

"Hind pa namin alam. But we're figuring things out."

Namin?

"Namin? Teka, sinong kasama mo?"

He deeply sighed. "Si Anjo. If we're going to trace our roots, we're going to start by treating ourselves as brothers. We're identical twins. Kailangan naming bumawi sa ilang taon na nagkahiwalay kami."

My heart is crying. Out of pure happiness para sa kanilang dalawa. Dahil sa wakas, magkakasama na rin sila. Sana wala ng makakapaghiwalay sa kanila. O kung mayroon man, sana magkabalikan lang sila sa isa't isa. Dahil sa simula pa lang, dapat naman talaga na ang tangi lang nilang sandigan ay ang isa't isa. And now, at last, at long long last, they're going to have each other. Finally.

"That's actually good. I'm happy for the both of you."

Masaya ako kahit ang ibig sabihin lang noon ay wala ako sa mga plano nila. Kahit pilit na nila akong pinapaalis. Pilit nila akong pinapalayas.

Sandaling tumayo si Theo at may kinuha mula doon sa isang kahon. Bumalik siya sa tabi ko na may dala-dalang picture frame. Ang parehong picture frame na nabasag noong nakaraan.

Inilahad niya iyon sa akin na alanganin ko namang tinanggap.

He chuckled. "Sa'yo na iyan. Tanggapin mo na."

My brows furrowed. "Bakit?"

He shrugged. "Kasi nalaman ko na ang rason kung bakit ko palaging napapanaginipan iyang play ground na iyan."

He smiled at me. Itinukod niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang likod at naging komportable sa posisyon na iyon. Mahigpit ko namang hinawakan ang picture frame bago iyon nilapag sa sahig katabi ko.

"Lagi kong napapanaginipan iyong nahulog ka sa monkey bars. But of course, I didn't know it was you back then. I was so sure it was a memory and not just a simple dream. Hinanap ko talaga ang play ground na iyon at kinunan ko pa ng litrato. Pina-frame ko pa dahil pakiramdam ko talaga there was something behind that dream. At tama nga ako." Napailing na lang siya matapos ang mahaba niyang pahayag.

Malakas pa rin ang ulan sa labas. Kanina lang ay sumisilip pa ang sinag ng araw tapos biglang umulan. Ganoon nga siguro talaga. Maaaring kahit maaraw pa ngayon, bigla nalang mababalot ng ulap ang kalangitan sa iyong mundo at biglang uulan nang malakas. Hindi ka man lang bibigyan ng warning para kumuha ng payong at makisilong. Talagang yayanigin ang buong pagkatao mo ng napakalakas na ulan na may dala-dala pang napakalakas na hangin. Malas lang talaga.

Marahas kong pinunasan ang isang butil ng luhang kumawala mula sa aking mga mata. Ayoko ng umiyak. Ang sakit kaya sa mata. Mukha na akong zombie na panda.

I laughed sarcastically. "Pinipigilan ba talaga tayo ng tadhana? All I see are blurred lines everywhere."

Umiling siya. "Kung pinipigilan tayo, sana hindi na dapat tayo nagkita. Oras. Oras ang pumipigil sa atin. Hindi pa natin oras sa ngayon," he paused and ruffled his hair, "And blurred lines? Maybe we just have to clear out the void. Refocus our vision. Hanggang sa maging malinaw na rin ang lahat."

Tinignan ko siya sa mata. "Kailan mo naman masasabi na oras na natin? Na hindi na tayo pinipigilan ng tadhana?"

He shrugged. "Alam ko lang. Hindi naman siguro masamang maghintay pa ng kaunting mga taon. Magdodoktor ka pa 'di ba? Ang tagal pa noon. Tapos ako naman," tinuro niya ang kaniyang dibdib, "magsusulat pa ako ng libro. Kaya tamang hintay lang muna tayo."

Sunud-sunod akong umiling at napaiyak na naman. Tangina, sabi ko hindi na ako iiyak, eh!

Hinila na naman niya ako kaya napasubsob ako sa kaniyang dibdib at tahimik na umiyak doon. Mahigpit ko siyang niyakap at dali-daling tinatak sa isip ko ang lahat ng bumubuo sa kaniya.

Ano, mahilig siyang magsulat. Mahilig siya sa kape, mapa-instant o overpriced brewed coffee. Ano pa, uhm, mabango din siya. Iyong hindi trying hard na pabango na gamit. Iyon bang natural body scent niya talaga. Ano pa nga ba?

Shamyra, think!

Ano, mabait siya. He's funny without actually trying to be mean. Napakaprangka niya din. He can make me laugh without an effort. He's very hard working and he managed to steal my heart in a snap. Kaya niya rin akong sabayan sa kahit anong trip ko. Dinala niya ako sa mga tala tapos sinamahan niya rin ako sa concert ni Lauv. Masugid rin siyang manliligaw. Tapos tapos--sobrang maeffort din. Hindi siya marunong magluto pero hindi naman iyon kailangan dahil marunong naman ako.

Ano pa. I love the way he calls me 'Misis' kahit alam kong mukhang malabo na maulit pa iyon. At masaya ako na natapunan ng kape iyong damit niya sa araw na iyon.

Siya din ang first love ko. Ang batang superhero ko. Ang laging to-the-rescue kapag nagkakasugat ako.

Si Anjo na naging Teodoro ang pangalan. Ang lalaking nakatadhana sa akin kahit tutol ang tadhana at oras sa amin.

"I love you," I whispered. Soft enough for him not to hear but loud enough to send me into haywire. Hindi niya siguro narinig dahil ilang minuto siyang natahimik.

He chuckled. "Huwag mong sabihin kapag hindi ka sigurado. Saka na kapag doktor ka na tapos nahanap ko na rin ang sarili ko. Wala ng magagawa ang tadhana sa araw na iyon. Dahil kahit anong mangyari, sa iyo lang ako."

Mas lumakas pa ang paghagulhol ko. Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Sana lang, magagawa ko siyang hintayin. Sana lang, makikiayon na ang tadhana at oras sa amin.

Stars akala ko ba pinadala niyo si Theo para sunduin ako tapos ngayon babawiin niyo na siya? Napaka-unfair ha! Akala ko ba kakampi ko kayo?

Sana lang makiayon na din kayo sa amin next time ha. Dahil kahit anong gawin niyo, alam kong kami pa rin talaga sa huli. At kung hindi man, edi hindi.

Sana sa susunod, alam niyo na kung kanino kayo makikiayon ha. You all are breaking my heart. Tama na. For once, pakinggan niyo naman ako. Tama na. Please.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro