Chapter 12 ¤ I Quit ¤

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Jiro's Point of view

"Trixcy!" Sigaw ni Xander dahilan para mapalapit rin kami sa kanya.

'Di na kasi maitsura ang mukha ni Trixcy parang may kaaway ito at sinabunutan siya?
Pumunta narin kaming lahat, kung nasaan si Trixcy nang makalapit kami ay parang nangingiyak na si siya, at ang gulo ng buhok niya pero maganda parin siya at ang cute niya pa pag umiiyak. Sinabi ko bang maganda oo, totoo naman maganda siya pero hanggang sa tingin lang naman ako.

"Trix what happened?" Alalang tanong ni Xander sabay na hinihimas ang likod ni Trixcy, parang may mali eh, lumapit ako kay Trixcy. Nakayuko kasi ang mukha niya kaya hinawakan ko ang chin niya upang maiangat ang mukha niya. She look mess at mapawis, what happened to her?

"Trix? Hey, tell me what happened?" Mahinahon ko lang sabi, ewan ko ba pero nakakaramdam ako ng awa sa kanya. Napatingin din naman siya bigla sa akin.

"Huhuhu!" Teka umiiyak na siya at sabay yakap sa akin, ano ba talaga nangyari sa kanya? Hell, why did she hugged me all of a sudden? She sobbed and cried to my chest. I don't know what I am feeling right now, coz I can feel his pain and sadness. Iww, corny.

"Woah! Woah! Trix bakit ka umiiyak?" Sabi ko ng nagtataka bigla-bigla nalang kasing yumakap sa akin.

"Panalo kana." Sabi habang nakadikit parin mukha niya dibdib ko, nagkatinginan naman kaming lahat dahil nalilito rin sa sinabi niya.

"Yes, I won. Kaya ba umiiyak ka?" I didn't know she has a soft heart.

"Alam ko kaya nga panalo ka na diba? I quit!" At mas umiyak pa siya.

"Ha?"

"Bingi ka ba?" Saka siya huminto sa pag-iyak at tiningnan ako ng masama. Did I do something wrong again that makes her mad?

"You sure, you're okay?" Napangiti naman siyang lumingon kay Xander at tumango.

"Oo, tara na gutom na ako." Wow! She's unbelievable, nagbabago agad ang mood?

"Wait, Trixcy what do you mean by quitting?" Taka kong tanong sa kanya. Ang labo niya kasi kausap kanina iiyak tapos hihinto at magbabago ng mood.

"Kasi, Jiro panalo ka na nga di mo'ko narinig? Okay I quit, I quit the game that means you won. Happy?" Nabalotan naman ng kasiyahan sa sarili ko. So she give up on doing the challenge? Wise choice.

"Good to hear that Ms. Monton." 'yun lang sinabi ko at inakbayan siya. "Now I can make your life a hell." I whispered.

"So I'll make yours." Bulong niya rin.

"What! Trix, you quit?" 'Di makapaniwalang tanong ni Xander. Ewan ko ba sa lalaking 'to over kung makareact.

"Eh, ano ba paki mo Xander sa ayaw na ni Trix sa challenge eh." Parang bata naman na sabi ni Alex.

"Oonga naman diba bruha?" Sophia tas sabay akbay kay Trixcy, napabitaw naman agad ako. Tae!

"Yeah, I quit. Hehe!"

"Wala ng bawian?" Kunot noo kong tanong baka gino-good time lang ako nito. Tumango naman bilang sagot. Ano kaya ang nangyari at sumuko siya?

"So you're his slave now?" Tanong ni Rocky.

"Siguro?" Inosente niyang sabi.

"So," I snapped. "Where do you want to eat guys?" Masigla kong tanong sa lahat.

"JOLLIBEE!" Sigaw ni Trixcy na parang bata. Tae bakit ang cute niya?

"Wait kulelat!" Nandidiri kong tawag sa kanya, mukha na kasi siyang taong grasa sa itsura niya.

"Oh! Ano?" Angas niyang sabi.

"Can you please comb your hair? Nagmumukha kang taong grasa sa buhok mo. Sonabunutan ka ba?" Walang gana kong suway sa kanya at nauna ng maglakad.

"Kung makataong grasa ka ah akala mo naman gwapo ka?" Tsk! "Gwapo ka?" Singhal niya, napahinto naman ako at hinarap siyang muli.

"Bakit hindi ba?"

"Pfft! Ikaw gwapo? Tara uwi na tayo." Natatawa niyang sabi sa kasama.

"Walang tayo." Anas ko.

"Awts!" Sabay napasipol si Joshua at nagtawanan silang lahat. "Walang tayo..." Panggagaya niya sa akin. Hinarap naman ako ni Trixcy na sinamaan ng tingin.

"Tae ka, ikaw ba kinakausap ko?!" Inis niyang sigaw sa akin.

"Bakit hindi ba?"

"Feeler ka rin eh no?" Tae, ang panget niya tingnan pag lumalaki mata niya sa galit.

"Laki ng mata mo. Tsk!" Saka ko na sila iniwan.

"Anak ka ng pusa! Akala mo naman sa mata mo hindi rin malaki, puputok na nga 'yang eyebags mo!" Ayaw ko ng makipagtalo sa kanya. Tsk!

"Baka 'yang away niyo mapupunta na sa kasalan 'yan ah?" Nilingon ko naman si Julio at sinamaan ng tingin. "Joke lang brad, chillax lang ang puso mo." Kahit na ganito ay mukhang masaya naman sila kasama gumulo nga lang nang dumating ang dalawang reyna. Reyna ng kaingayan. Narating din namin ang gustong kainan ni Trixcy Jollibee, ayaw niya kasi kumain kung hindi daw dito. Tae talaga isip bata!

"Guys ano gusto niyo kainin?" tanong ni Josh nang makapasok kami.

"Ah, 'wag mo na akong isali kayo nalang." Sagot ko sa kanya at nilingon ko naman si Trixcy na nakatingin din pala sa akin. "Ano tinitingin-tingin mo diyan?"

"Wala cute ako." Anak ng tupa!

"Sa'yo Trix ano gusto mo kainin?" Hinawakan ko naman si Josh sa balikat.

"Wag mo na rin siya isali." Kita ko naman ang paglaki ng mata ni Trixcy sa sinabi ko at nagpout pa.

"Sainyo guys?" matapos ng kolektahin ni Josh ang mga order nila ay omorder na si Josh at Sophia. Napapadalas yata ang paglapit nila sa isa't-isa, paano kaya nagkakilala ang mga 'to? Bakit ba ako concern sa kanila.

"At sino naman mag-oorder sa kakainin natin?" pagtataray niyang tanong sa akin.

"Ikaw!" Bigla kong sagot. Tama siya ang o-order dapat dahil slave ko na siya.

"Ako?" Gulat niyang tanong sabay turo sa sarili niya.

"Yup! Is there someone else? You're my slave now so you may take our order, go ahead." Saka ko siya tinulak ng mahina papunta sa counter.

"Seriously, wala man lang please?" Pigil niya sa akin.

"Do I have to?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
"Yes! Respeto bro nang-uutos ka eh!"

"Tsk! I'm the boss here. So, why would I?" Sagot ko nalang at iniwan na siyang pumila sa counter. Bakit pa ako maaawa sa kanya eh sinuko niya ang chance na pahirapan ako. Tsk! She should be wise on giving up something.

"Teka anong gusto mo!"

"Kahit ano." Sagot ko nalang.

"Anong kahit ano? Meron bang pagkain na ganyan dito?" Tae ang engot talaga.

"Kung ano sa'yo, 'yun nalang rin akin." Sagot ko nalang at humanap na ng mauupuan.

"Trix ako na mag-order para sayo." Yaya sa kanya ni Xander nang makatalikod ako, akal mo naman di ko narinig.

"No, okay lang ako Xander." Good choice Trix, dapat 'wag mo ipasa ang tungkulin mo na serbisyohan ako.

"No, I insist." Tigas ng balat ni Xander.

"Xander ako na, don't worry I can manage maliit na bagay lang naman to eh." Hindi na ako nakinig pa sa kanila at naupo na. Ilang minuto ay nakita ko na si Trixcy na may dala-dalang pagkain.

"Here's your order sir, enjoy your meal!" Masigla niyang sabi saka nilapag ang tray ng paglain. Bagay sa kanya maging crew, at nag suot pa siya ng Jollibee cap.

"Tsk! bagay sa'yo."

"Buti pa'to no bagay sa'kin tayo hindi." kunot noo ko namang siyang tiningnan, nang-aasar ba siya? Tiningnan ko lang siya ng masama at nag peace sign lang siya sabay ngiti.

"Joke lang shokoy magkakawrinkles ka niyan eh!" Umiling nalang ako ang kulit niya. Habang kumakain kami ay nang-aasar naman sila.

"Wow ang sweet ng dalawa." Rocky, anong sweet samin? Magkaharap lang naman kami ah.

"Lalangamin naman tayo nito." Julio

"Hoy! Pwede ba tumigil nga kayo dyan! Kutusan ko kayo eh!" Sigaw ni kulelat.

"Hay, gumagana." Hindi ko alam kung tama ang rinig ko sa sinabi ni Sophia.

"Anong gumagana?" Takang tanong ni Trixcy. Hindi naman palanmali ang rinig ko.

"Hehe. Never mind Trix." sabay higop sa drinks niya.

"Uy! Jiro paano ba magkaroon ng magandang slave?" asar na sabi ni Josh.

"Gag* ka talaga Josh, at paano naman magkaroon ng Sophia na laging nasa tabi mo lang palagi at sobrang sweet." pang-asar na sabi ko, totoo naman kasi na sweet sila kanina ko pa kaya sila napapansin. Hindi ko nga alam na close na pala agad sila nang ipinakilala sila ng both parents nila.

"Ah! Ganon pala ha, ito gusto mo?" Sabay na tinaas ni Josh ang kamao niya.

"Aba hinahamon mo ako? Hindi ako natatakot dyan no ang liit nyan!" Pang-asar na sabi ko, alam ko namang asaran lang 'tong sa'min pero ang tae hindi na agad namansin, siniseryoso.

"Tigilan niyo na nga 'yan para kayong mga bata!" pagtitigil sa amin ni Trixcy, parang siya naman hindi.

"Onga naman! umayos nga kayong dalawa." dag-dag pa ni Sophia na kanina pa namumula. Umayos na ako ako at kinain ang frenchfries ko.

"Uy! akin na nga yan!" sabay kinuha ni Trix ang frenchfries sa kamay ko.

"Ano ba akin 'yan eh!" Aagawin ko sana pero nailag niya agad. Ang takaw niya hindi ko pa nga nababawasan 'yun eh!

"Parang kayo naman pala ang mga bata eh frenchfries lang pinag-aagawan pa." sabi ni Xander, dahilan para mapatigil kaming dalawa. Napatingin naman ako kay Xander.

"Okay fine!" anas ko

"Kanina pa ubos 'yung sayo." Nakangiti niyang sabi, napabaling nalang ulit mata ko kay Trix

"Ano eh kakakain ko pa nga lang niyan eh!" kainis talaga ang kulelat na'to.

"Ah, ganon ba so sa'yo pala 'yung nakain ko kanina? Hehe akin nalang 'to order ka nalang ulit." may pa-puppy eyes pa siyang nalalaman, sarap niya talagang kurotin.

"Fine, edi sayo na!" Mahirap makipagtalo sa isip bata.

"Thanks!" sabay kuha ng fries at sinawsaw ito sa coke float?

"What the!" Gulat kong usal nang matapos niya itong isaw-saw sa coke float ay sinaw-saw naman sa gravy. Tae ano ba klaseng dila meron siya?

"Try mo masarap kaya." sabay niyang subo. Sarap-sarap talaga siya.

"Onga Jiro masarap nga!" Julio

"At ginaya mo talaga Julio?"

"Yesh! Sharap kaya." ngsasalita habang may laman pa ang bibig. Ngumuya pa ito na parang bata nagkakasounds effect pa bawat nguya niya.

"Shee? Shabi ko shayo eh!" dagdag pa ni Trixcy na ginaya rin ang ginawa ni Julio. Anak sila ng mga ingkanto kung anu-ano mga trip sa buhay, may mga saltik sa utak.

"Ewan ko sa inyo!" Hindi ko nalang sila pinansin, mas lalo lang akong naiinis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro