Chapter 20 ¤ She Died ¤

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng



Mabilis na sinugod nila si Thea sa hospital, nangingiyak naman si Jiro habang tulak-tulak niya ang strecher kung saan nakahiga si Thea.

"Thea, wake up! Please stay!"

"Sir bawal po kayo dito sa loob." Sabi ng nurse nang maipasok sa operating room si Thea.

"Hindi! Kailangan niyong buhayin si Thea parang awa niyo na!" paki-usap ni Jiro sa nurse.

"Opo sir gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya." ito nalang ang sabi ng nurse at pumasok na sa loob. Dumating naman ang mga kaibigan niya at si Xander na ngayon ay parang gusto niya ng umalis.

"Kasalanan ko to eh! Kasalanan ko to!" galit na sabi ni Jiro at sabay suntok sa pader.

"Jiro Tama na wala kang kasalanan, di mo kasalanan ang nangyari." gusto mang sabihin ni Xander ang lahat pero di niya pa kaya. Ang kapal man ng mukha para magpakita dito pero naiinis siya sa sarili niya.

"Cheer up, bro. She'll be fine." Malungkot na sabi ni Fyzer.

"Pag nangyari ang hindi dapat na mangyari kay Thea, di'ko mapapatawad sarili ko!" sabay tumulo ang luha ni Jiro, pati na rin kay Xander. Habang naghihintay sila na lumabas ang doctor ay dumating naman ang papa ni Thea, tinawagan na kasi ito ni Xander kanina.

"What's going on here?" nag-aalalang boses na tanong ng papa ni Thea.

"Tito, si Thea po-" sabi ni Jiro habang tumutulo ang luha niya,.

Ano? Ano ang nangyari sa anak ko?" this time galit na ang tono ng boses niya.

"I'm sorry, kasi si Thea po." sasagot na sana si Jiro nang biglang lumabas ang doctor, mula sa operating room na agad namang napabaling ang atensiyon nilang lahat.

"Who's the family of the patient?"

"Ako po doc!" Sagot ng papa niya.

"Are you her father?" tanong ng doctor.

Yes Doc, I am how's my daughter's condition?" sabi ng papa ni Thea na may lungkot ang boses. Pero imbis na sasagot ang doctor ay umiling lang siya.

"Doc! Sumagot ka!" sigaw ni Jiro agad naman siyang hinimas ni Xander sa balikat, iba na kasi ang kutob niya.

"There's a lot of blood lost on her nerves, we did our best to save your daughter sir and....." pagputol ng doctor

And?" nangingiyak na sabi ng papa ni Thea, tumingin nalang sa sahig ang doctor "and what!?" pagsigaw ng papa ni Thea

"And we sad to say but she's gone. Ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya pero sumuko ang anak niyo." sabi ng doctor at napaangat ang tingin nito at tinapik ng mahina sa balikat ang papa ni Thea "I'm sorry sir." at umalis na.

Kasalanan ko'to!" sigaw ulit ni Jiro at sinuntok ulit ang pader habang si Xander nananahimik lang sa isang tabi na tumutulo ang mga luha nito. At ang papa rin ni Thea ay sinandal ang ulo sa pader at sabay na umiiyak. Nilapitan naman ito agad ni Jiro, at ng makalapit si Jiro ay hinawakan niya ang kamay ng papa ni Thea at sabay itong lumuhod sa harapan niya.

"Tito, I'm sorry it's all my fault. Tito I'm really really sorry." makaawang sabi ni Jiro sa papa ni Thea pero imbis na patawarin siya ay sinuntok siya nito. Mabilis naman na lumapit ang mga kaibigan niya para awatin sana sila pero pinahinto sila ni Jiro.

"Ngayon? Masaya ka na, ha!" Galit na sabi ng papa ni Thea.

"Tito enough!" Pag pigil ni Xander, at tinulongang tumayo si Jiro.Tumingin lang ito ng napakasama sa kanila, sabay turo at sabing

"Don't you dare to show your face anymore, Jiro nor your shadow! I can't forgive you Jiro! Kinamumuhian kita! Nang dahil sa'yo! Nawalan ako ng anak! Lumayas ka dito you're such a trouble to my family! Kung alam ko lang na masamang impluwensiya ka sa anak ko di ko na sana hinayaang maging kayo!" at sabay na umalis ang lahat kahit gusto pa nilang manatili ay di nila magawa dahil pinaalis na sila.

- * -

Trixcy's Point of view

"Ouch!! Ang sakit ng ulo ko." napabangon ako sa pagkakahiga at sabay na hinawakan ang ulo ko. Pagdilat ko sa mga mata ko, teka di ko bahay 'to ah nasan ako?

"Heaven? Nasa langit na ako?" sabi ko kasi puro puti yung nakikita ko,.

"Aray!" napahimas naman ako sa ulo ko nang may pumalo ng papel dito..

"Tanga! Wala ka sa langit, nasa condo kita!" sabi ni Jiro at sabay na nagtawanan ang mga kasamahan niya. Ay pahiya ako.

"Teka anong ginagawa ko dito?" taka ko namang tanong, anong nangyari?"

"Somene is trying to abduct you Trix, kaya lang matapos kang isalba ni Jiro, ay nawalan ka bigla ng malay." Sagot ni Fyzer ba 'yun?

"Ahh...." Tango nalang ako. Naalala ko kanina, 'yung mga pangit na yun? Pero bakit parang byernes santo 'yung mga mukha nila?

"Umuwi ka na sa inyo, hatid na kita sa baba baka hinahanap ka na ng mommy mo."
alok ni Jiro sa akin. Bakit parang bumait siya? Parang kumiliti naman sa puso ko. Ano kaya nakain nito? Para 'yun nalang ang lagi kong ipapakain sa kanya, baka tae? Yuck!

"Ayyy. Dito muna ako palipas ng gabe di ko pa kayang harapin ang papa ko eh!" naalala ko kasi na may papa na pala ako, at di ko pa siya kayang makita.

"May papa ka?" takang tanong ni Jiro sa akin. Syempre kwentohan namin noon wala akong ama.

"Oo, bumalik kasi ang walang hiya. Bakit?" sabi ko naman kainis no kakasabi ko pa nga lang na may instant papa na ako eh.

"Wala sige na, hatid na kita sa baba, di ka pwedeng magpalipas dito aalis ako."

"Aalis ka gabe na ah, saan naman punta?" tanong ko.

"Psh! Bakit ba napaka daldal mo, wala ka na dun! Tara na nga!" Ay masungit pa pala, aalis na sana kami nang may nag bukas ng pinto, at pumasok si Xander.

"Oh, Xander saan ka galing?" Tanong ni Fyzer, pero walang sagot mula kay Xander patuloy lang siya sa paglakad papunta sa amin ni Jiro, at nang makalapit na siya ay tiningnan niya ako sa mata, tiningnan ko rin naman siya pero di'ko mabasa.

"Ayaw kong mawala ka sa akin Trix." kinagulat ko naman nang bigla niya akong niyakap.

"Xa-Xander, lasing ka yata?" at pinipilit kong kumawala sa yakap niya, pero ang lakas niya mahigpit ang yakap niya sa akin. Ano kaya problema niya?

"Xander ano ba?!" Napalakas naman ang tulak ko sa kanya dahilan para mapalayo siya sa akin.

"So-sorry Trixcy." at umalis siya. Harro juiice colored with coke! Anong nangyayari sa kanya, kinikilabutan ako sa ginawa niya.

"Ehem..... Ihahatid mo pa ba siya Jiro?" Tanong ni Alex. Si Andy naman ay nakatingin lang siya sa akin pati si Fyzer at Julio. Sila lang ang nandito umalis daw kasi sina Josh, Sophia at Rocky bumalik lang ang iba dahil sa nangyari.

"Yeah. Let's go." Sabi niya nalang at nauna ng lumabas.

"Hmm..." tumango lang ako at sumunod na sa kanya. Habang naglalakad kami ay tahimik lang. Oo sinabayan niya akong maglakad pauwi, wala kasing nagpapasakay sa aking taxi kanina eh kaya ito ihahatid niya na lang daw ako. Gabi na kasi daw baka ano pa daw mangyari sa akin sa daan. Akalain mo nga naman concern pala ang shokoy na'to sa akin, hihihi may bait pa palang natitira eh. Kaya tiningnan ko lang siya, nakatingin lang siya ng diretso sa daan,. Hmmm makausap nga lang.

"Jiro bakit naging Gangster ka?" tanong ko sa kanya ewan ko bakit ko naitanong 'yun.

"Anong tanong yan?" Kunot niyang tanong sa akin.

"At anong klaseng sagot 'yan?" pagbalik ko sa tanong niya.

"Pssh! Pwede ba manahimik ka na lang ang ingay mo, at isa pa ano bang konek mo sa pagiging Gangster ko?" Aish! Bakit ba napaka moody niya pabago-bago ang mood minsan good mood at minsan rin di ma spelling 'yung mood niya naka incounter na ba kayo ng taong gaya ni Jiro? Hirap unawain no!

"Ehh bakit ba ha, bawal ba mag tanong? Sungit mo pre!" Pagkasabi ko n'on ay tiningnan niya lang ako ng napakaseryoso, di naman nakakamatay 'yung tingin niya di rin naman masama, 'yung parang simpleng tingin lang talaga. Tiningnan ko rin siya sa mata it means nag sangga yung paningin namin. And ofcourse napahinto kami sa paglalakad, kung nagtitinginan kami habang naglalakad edi bunggo sa pader o di kaya sa poste labas namin.

"Di mo kasi alam nakaraan ko." sabi niya sabay ng nagpatuloy sa paglakad habang nasa bulsa ng jacket niya 'yung mga kamay niya

"Hay! Kung alam mo lang Jiro alam ko na ang tungkol sa'yo." sabi ko sa sarili ko ng makalayo na si Jiro. Bakit nga ba 'yun nangyari sa kanya, siya pa naman ang sinisi ng papa ni Thea, speaking of Thea's father ano na kaya ngayon 'yun? Buhay pa kaya siya? Kasi kung buhay pa siya Ipamumukha ko talaga sa kanya na di kasalanan ni Jiro 'yung pagkamatay ni Thea, it's all Thea's fault he catch the death of Jiro! Pero much better na rin 'yun, kasi nakilala ko pa si Jiro kung hindi siguro dahil kay Thea di ko makikilala si Jiro. Ay ang bad ko sorry Thea.

"Hoy! Ano ba? Titigan mo na lang ba 'yang poste sa harapan mo?" Natauhan naman ako sa nagsalita, di ko yata namamalayan sa kakaisip ko eh poste na pala 'tong kaharap ko. Agad naman akong napalakad papunta sa kanya.

"Ayy sarry." Nalang sinabi ko sabay peace sign ang sama kasi ng tingin eh iba kasi tingin niya ngayon kaysa kanina, parang gusto niya ako. Gusto niya akong ibaon sa puso niya ay syete malandi ka Trix!

"Nananaginip ka na naman ng gising, ano ba iniisip mo nagmukha ka tuloy'ng tanga tingnan kanina, HAHAHAH!" asar niyang sabi , and wait tumawa siya? "Kinunan pa kita ng picture para may pantakot ako sa daga."

"Teka, tumatawa ka?" taka ko namang tanong sabay harap sa kanya ng may nagtatakang tingin. Tumikhim naman siya at tinago sa bulsa niya ang cell phone.

"Hindi, ahh baka nagkamali ka lang ng rinig!" Tae halata na nga't magdedeny pa!

"Weh? Ay nako ide'deny mo pa tumawa ka eh rinig ko! Simula kasi n'ong araw na nagkakilala tayo parang ngayon lang kita narinig ulit na tumawa." oo tama hahaha nakakatunaw 'yung tawa niya ha, parang kinilig na rin ako sa tawa palang 'yan, how come kung liligawan niya ako nyek! Asa much Trixcy! Assuming!

"Oh, okay I admit it, I laughed because of you. You looked funny earlier." Sabi niya na dahilan para mapatinok ng mabilis ang puso ko. Nakakatuwa na tumawa siya nang dahil sa akin, I mean iba talaga pag ikaw ang dahilan ng kasiyahan ng tao.

"Wait! It's because of me?" taka kong tanong sabay turo sa sarili ko.

"Ah huh, ano sinabi ko?" parang temang lang kakasabi niya pa nga lang limot agad!

"Tumawa ka dahil sa akin!" may galak na boses kong sabi.

"No! that's not what I supposed to say, I mean yeah! Mukha ka kasing temang habang kaharap ang poste kanina. Pfft!" Ayun natuwa siya sa mukha ko nang kaharap ko ang isang poste.

"Bakit ano ba itsura ko nang kaharap ang poste ha!" Inis ko naman na sabi, na curious lang naman eh kasi bakit ganon siya makatawa.

"Ah, like this." Humarap naman siya sa akin sabay pocker face. Ang exagerated niya naman, niloloko lang ako ng shokoy na'to eh, ang pangit kaya samantalang tulala lang naman ako kanina.

"Ako ba pinagloloko mo Jiro eh ang pangit kaya!" inis kong sabi sabay inilagay ang buong palad ko sa mukha niya para itigil niya na ang itsura ng mukha niya,

"HAHAHA! Totoo naman eh, do I look like I'm joking?" Ang ngite at ang tawa na 'yan. Jiro you're making me argh! never mind.

"Che! nang-aasar ka lang eh!" kaya iniwan ko na siya at naglakad na ako. Akala ko pa naman ano dahilan ng pagtawa niya 'yung itsura ko lang pala kanina, naging assuming tuloy ako. Habang naglalakad ako di ko na inisip si Jiro, baka mas lalo lang mahulog ng tuluyan si Ms. Puso sa kanya. Ramdam ko naman na nakasunod lang siya sa likoran ko. Ang lamig gabi na kasi kaya masyado ng malamig 'yung hangin, kaya niyakap ko nalang sarili ko nanv biglang...

"Here, wear my jacket, so you can't catch a cold." he said with a sweet voice, then he remove his jacket and put it on my shoulders. Gosh I'm going yo melt! Everytime

"Thanks!" Ito nalang nasabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi na kami nagsalita pa at tanging katahimikan na lamang ang bumabalot sa paligid. Nakarating na kami sa bahay, at nagpaalam na rin siya, nagpasalamat na lamang ako, alangan naman I Love you ang sasabihin ko, papasok na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"Trix, wait!" at humarap siya sa akin,

"Hmmm.... ano 'yun?" at humarap din ako sa kanya.

"Good Night" Ngiti niyang sabi at tumalikod na siya, anong saveh! Good night daw? Trixcy ikaw na! Nakikiliti talaga puso ko sa sinabi niya. Isang simpleng good night lang naman 'yun eh, bakit parang feeling ni Ms. Pusl ang saya niya ng marinig niya 'yun. Yay! Jiro inlababu kana sa akin oh ako ang in love sayo. Dream on Trixcy! Dream On!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro