Chapter 22 ¤ A Plan To Pretend ¤

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Trixcy's Point of view

"Trix, baby wake up!" bungad agad ni mommy nang pumasok siya sa kwarto ko at nilapitan niya ako sa kama sabay himas sa buhok ko at sinabing

"I love you baby Trix gising na." with kiss on my forehead Aw... I miss this mom I miss on how you treat me like this. Your charm, sweetness, caring and lovable mommy namiss ko talaga to at syempre nakapikit pa ako gusto ko talaga ifeel to eh matagal na kayang di ako nalalambing ni mommy kasi sa tuwing umuuwi ako galing school kiss I mean beso beso and hugs nalang natatangap ko mula kay mommy simula naman kasing dumating tong si Harold nagka Letche! Letche! na ako well never mind about that kasi nilalambing na ako ni mommy.

"Trixcy here's your breakfast!" bungad ng familiar na boses lalake, hmm at inimulat ko ang mata ko, si Harold lang pala nagpapansin para mapatawad ko? Ghad! benebaby nila ako pero like duh! as if na madadala ako sa paghatid niya sa akin ng breakfast no! never ko siyang patatawarin hmm... di naman yata sa hindi pero pag-iisipan ko muna.

"Oh hon ang bilis mo nakapagluto ahh," pahayag ni mommy kay Harold sabay ngiti psh! hon? like eww! Hon agad? Agad naman akong bumangon sa pagkakahiga at umupo na.

"Hmm... Anong meron ma?" taray kung tanong.

"Hmm... Wala naman baby, gusto lang namin dalawin ang one and only princess namin," Di nga one and only daw!? joke ba yun? Pwede na akong tumawa!

"One and only princess? Wow! ngayon ko lang yata narinig 'yun!" pagtataray kong sabi, seriously ngayon ko lang talaga narinig yun.

"Hmm... Trixcy hanggang kailan mo ba iiwasan ang daddy mo, kailan mo siya patatawarin?" lambing na boses na sabi ni Mama, na stuck naman isip ko dun sa sinabi ni Mommy bakit kailangan niya pa ng tawad ko para saan eh andito na nga siya diba! psh! patatawarin ko naman yata siya pero this is not the right time, why they don't just give me some other time to think about that Harold's apology! Atat masyado! Kaya tumayo agad ako at sinabing.

"Ma, I have to go I'm already late, and I don't want to talk about that from now give me more time to think please?" sabay akong tumayo para makapunta sa banyo para maligo at makapunta na sa school ayaw kong makasama si Harold ng matagal dito sa bahay no! At para narin makita ko na naman ang mala prinsepeng kagwapohan ni Jiro stupido ko, hehehe oo tama kayo ng rinig hahaha I think M.U na kami kasi sa tuwing nagsusungit siya mapapalitan na ito ng ngiti unlike before parang sinakloban siya ng langit at lupa kasi araw-araw ang sungit niya, well dati pa naman 'yun at excited na akong harapin ang bagong Jiro ngayon, mabilis kong kinuha ang towel ko ng may nagsalita

"Ehem!" agad naman akong napahinto, papasok na sana ako sa banyo eh!

"Trixcy you're still dreaming," singit ni mommy at humarap agad ako sa kanya ng nagtataka,

"Dreaming? What do you mean?" nagtataka ko namang tanong ,habang sila nagpupumigil na tumawa. Ano bang mali sa kilos ko?

"Trix it's Sunday, weekend, may pasok kayo?" natatawang sabi ni Harold,

"Ano? Sunday? Niloloko nyo po ba ako?!" pagdepensa ko pa,

"Trix!"

"Okay! Okay! Ma sorry Sunday pa nga, ngayon nakalimutan ko eh!" pagputol ko sa sasabihin ni mommy, sabay pout kong sabi, na out of mind yata ako si Jiro kasi iniisip ko eh, kaloka lakas talaga makatama sa akin ng Jiro na 'yun! Arghh!

"Trix it's okay, Alam mo kainin mo muna ang almusal mo at pwede ka ng pumunta kung saan mo gusto o magpahinga ka na lang dito sa bahay, okay?"

"Okay po Ma," I said with a sweet voice, nag nod lang siya sabay ngite at sabay na silang umalis ni Harold.

"Wait Ma!" pagpigil ko at napahinto naman siya

"Bakit baby?"

"Thank's for understanding me," at ngumiti lang ulit siya.. Hayyy! Sana hindi nadidissapoint si mommy sa akin nang dahil lang dun kay Harold, di bale na nga lang.

Sophia's Point of view

Pagkalabas ko ng banyo ay may bigla nalang na tumawag sa cell phone ko. Lumapit naman ako sa side table ng kama ko at tiningnan ang cell phone ko kung sino ba ang epal na tumawag sa akin. Nang makita ko ito ay napalaki ang mga mata ko, si Joshua tumawag.

I exclaimed in excitement 'yung mata ko parang nag form ng heart at ang puso ko parang may tigidig-tigidig sa loob. Relax lang Sophie tumawag lang crush mo, hindi ko mapigilang tumili habang napapalundag sa kilig. Matagal na 'kong may gusto sa Joshua na'to eh di ko lang masabi dahil natotorpe ako, tch! At isa pa babae ako at ayaw ko ng nagfi'first move. Hirap talaga pag babae at 'yung lalake di mo alam kung ano talaga ang nararamdaman niya! Pati kaming mga babae napapaasa dahil sa closure na binibigay nila. Ay teka nagdadrama na ako masagot na nga lang 'tong tawag niya, ano kaya kailangan ng bebe ko! Bebe ko? Ayiee! kilig to the boto hahahaha okay enough na Sophie sasagotin mo na yan! Okay!

Ito na sasagot na ako. "Ehem!"

"Hello?" Malambing na boses kong sabi.

"Sophie, where are you now?" Bakit niya naman ako tatanongin kung nasaan ako?

"Nasa bahay, bakit mo naitanong?" Nakangiti kong sagot.

"Can talk to you for a while?" Parang naiilang siya sa boses niya.

"What, talk? Ano paba ginagawa natin ngayon di ba tayo nag-uusap? Gusto mo 'yung talk as in tok-tok?" We're talking right now, ano pa bang klaseng pag-uusap ang gusto niya?

"Sophie, please be serious I need to talk with you, it's about the plan."

Plan? pinagsasabi nito?

"Plan for what?" Nakakunot kilay kong tanong sa kanya.

"Okay Fine! It's between Jiro and Trixcy have you even remember that?" Jiro and Trixcy? Aha! I remember, yes! we have a plan for those two creatures Jiro and Trixcy hahaha ano kaya magandang name combination nila? Think! JiTrix? Hmm panget, TriRo? tssk! Ewan hirap icombine name nila. Bahala na nga 'yan.

"HEY! SOPHIE STILL THERE!?"

"Ay! Tokwa! Josh naman pwede 'wag sumigaw OK!? Masisira eardrum ko sayo eh!" takte! sumigaw pa talaga kaloka kitang nakalapit cell phone ko sa tenga ko eh!

"Sorry, you're not answering me so I shouted." sheyt! His voice I think I'm going to melt ang lambot ng boses niya para akong yelo na dahan-dahang natutunaw, I can feel it with his voice... wah!! Kung anu-ano na iniisip ko. Maging seryoso na ako.

"Oh! I'm sorry, Josh may iniisip kasi ako eh kaya sorry." Ito nalang sinagot ko totoo namang may iniisip ako at siya nga lang yun hahaha

"It's okay. Anyways, what your're thinking about?" Nagtanong pa ikaw nga iniisip ko eh! Pero di bali na 'yun, bakit ba tanong siya ng tanong.

"Josh, please stop aaking me. Ano ba 'yung dapat natin na pag-usapan?" Puro kasi tanong, minsan iisipin ko nalang na sumasabak ako sa interview.

"Uhh, haha I'm sorry for that." at nagawa pang tumawa ha? "So the plan is, we have to pretend as a couple, get it?" Hanudaw? Couple? Oh my! Oh my! Gulay!? We have to pretend that we are a couple? Wah! Bakit pa ako tatanggi diba? It's a blessing wooh! This is the moment! I can flirt Josh alone buwahahaha!! Landi ko talaga. Pero joke lang syempre hindi naman ako malandi medyo lang.

"Hey? Ano na sagot mo? Nasa iyo din 'yan Sophie if you wanted to do this, ito nalang kasi ang paraang naiisip ko para magkamamabutihan 'yung dalawa it's your plan right? That we have to find ways to make them both in love with each other so this, ito na diba gusto mo magkalovelife si Trixcy? Ito lang alam ko paraan so ano? Both you and Trix will have a boyfriend..." ang drama ng baby ko hahahaha sabing di ako tatanggi eh! Di ko na rin narinig ang huli niyang sinabi.

"Sus! Ano ka ba Josh, like what you have said it's our plan—my plan, kaya kung ano naiisip mo sunod lang ako, so this is what we call the plan B?" Yeah! I think it's the plan B, do you guys remember the plan A? If not, well it's about the game na natalo ni Tc si Jiro sa Video game na Race Car! hahaha saya n'on!

"So, let's meet later?" Oh my gosh date daw kami mamaya hahaha sweet talaga. Magkikita lang kayo Sophia hindi kayo nagde-date.

"Sure! So saan naman Josh?" Alam ko namang nagpapanggap lang kami eh, kaya dapat sulitin ko na.

"Sa may park katapat ng condo ni Jiro, may gala ang grupo mamaya dun kami magkikita-kita pero dapat dika malate kasi may pag-uuasapan pa tayo." Naks! for sure ipakilala na niya akong girlfriend sa kanila mamaya, ghad! Excited na ako. Pero 'yun nga lang hindi naman ako aasa na magtatagal din 'to. Papasukan ko 'to kaya alam ko paano lumabas sa sitwasyong ito.

"Okay I'll see you." Sagot ko nalang sa kanya. 'Yun na lamang at binaba ko na ang tawag pagkatapos ay nag-ayos na para maging ready mamaya.

Papunta na ako sa park at syempre habang naglalakad ay ang saya ko, abot hanggang tenga ngite ko hahaha dahil kami na ni Josh ng walang kahirap-hirap. I know it's temporary but what can I do, at least we have this temporary relationship. Habang papalapit ako sa waiting shade ay may napansin akong babae na nakaupo, she looks familiar, nang makalapit ako geez!! It's Trixcy! hmm... ano na naman kaya ang ginagawa niya dito, parang ang lalim ng iniisip ng babaetang ito ah, hmmm magulat nga. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya at hinahanda na gulatin na siya.

"Hoy! Thrixcy!"

"Ayy tokwa!!" gulat niyang sabi sabay napalundag sa kinauupoan niya kaloka siya lutang kasi lagi eh.

"Waoh! masyado ka namang magugulatin!" Pang-asar ko sa kanya. Lagi nalang siyang lutang at wala sa sarili minsan pag nakikita ko siya. Ito na siguro epekto ng pagbangga ng tadhana sa kanila ni Jiro.

"Eh! nanggugulat ka naman kasi eh!" inis niyang sabi, haha teka maasar nga muna 'tong bruhitang ito medyo matagal naring hindi ko naiinis to eh. Kay Jiro nalang kasi lage ang attention niya.

"Sus! lutang kana naman kasi, siguro iniisip mo si Jiro no? Uy... lumelevel-up na kayo ah!" Pang-asar kong sabi sabay sundot sa tagiliran niya. Sarap asarin nito eh namiss ko 'tong bruhitang ito!

"Level-up ka d'yan! Ano ba! nakikiliti ako!" kiniliti ko siya ng kiniliti pero sabay niya naman akong tinapik, asus! May pa tapik-tapik pa siya kinilig yata, magdi'deny pa! tssk!! magtatagumpay din kami sa plano namin at magiging kayo. Ano bang dahilan namin bakit namin ginagawa ito? First Trixcy hate boys because she think that every boys are like her father. And Jiro is keeping him self away from any girls because he thinks himself as a danger of them. Dunno what really the history.

"Deny ka pa ah!" deny pa siya eh halata na nga! diba! pansin niyo naman yun diba guys! hahaha

"Anong deny? Loko ka ba? Ano naman ededeny ko ha!" inis niyang sabi sarap talaga asarin nito.

"Asus! pachoosy kapa ah!"

"Pachoosy ka dyan! Teka ano ba ginagawa mo dito?" natanong niya naman agad sa akin. Hmm... ano naman kaya sasabihin ko? Di pwedeng sasabihin ko na magkikita kami ni Josh dito kasi may plano kami, ay hindi may palusot pa ako.

"Hmm... ano nga ba ginagawa ko dito?" kunwari nag-iisip ako.

"Tanga! Tanong ko 'yan sayo inulit mo lang, tama bang itanong mo ulit sa akin?" kung makatanga to oh! parang siya hindi! Nahawa na talaga siya sa kasungitan ni Jiro.

"Ang totoo eh nandito..." magsasalita na sana ako pero dumating na si Josh.. Tae paano 'yan eh nandito si Trixcy. Siya pa nagsabi na 'wag magpalate tapos siya pa 'tong nahuli sa usapan. Baliktad na ngayon babae na maghihintay para sa babae.

"Hey! Beautiful girls!" bati ni Josh pero 'yung tingin niya ay sa akin parang nagtatanong kung bakit nandito si TC. Binigyan ko lang siya ng sign na ewan ko. Pero nawala din naman agad 'yung tingin niya at nagsmile siya saka lumapit sa akin at inakbayan ako.

"Good morning babe." Bati naman ni Josh sa akin at may pahug pa siya, kaya sinabayan ko na para halata. Ayiee! He hug me tightly nanaks! kenekeleg ako may binulong naman siya sa akin.

"Nice act." para akong matutunaw nito sa boses at yakap niya. Napansin ko naman ang palipat-lipat na tingin ni Trixcy sa aming dalawa.

"Wait, babe? You mean kayo na?" 'Yung mata ni Trixcy ay parang tarshier sa sobrang laki dahil sa gulat.

"Yup!" Sabay nami'ng sagot ni Josh na nakangiti saka niya ako inakbayan ulit.

"As in kayo na talaga, kayong-kayo na? As in officially mag syota na kayo? Kailan lang, last month, last week o last day?" sunod sunod niyang tanong sa amin tae! OA talaga nito! Last two hours ago.

"Bruhita! ang O.A mo promise! Pwede ba hinay-hinay lang sa kakatanong ha!" Saka ko siya binatukan.

"Ay ganern mambabatuk agad? OA agad ako? Parang nagtatanong lang eh!" at naka pout pa siya ha!

"OA mo kasi eh!" sabi ko,

"OA-OA ka d'yan, oh ano na kailan nga naging kayo, paano mo siya sinagot paano siya nanligaw sa'yo? Di man lang sinabi sa akin tampo na ako sa'yo ah. Akala ko ba bestfriend tayo?!" loka talaga may pa emote pa itong nalalaman. Ano naman kaya isasagot ko nito eh kakaplano pa nga lang nito eh!

Tumikhim naman si Josh bago sumagot. "Uhh, actually Tc sinagot niya lang ako last week." Ayan tama lang Josh na dapat ikaw magpalwanag kasi plano mo 'to! "akala ko nga wala na di na tatalab charm ko pero di pala kasi abot langit ang tuwa ko nang sinagot n'ya ako nung araw na 'yun masasabi kong I feel good! Diba babe?" Ang corny niya. Buti nalang at medyo may pagkatanga 'tong si Trixcy kaya naniwala sa mga kakornihan niya. Pinisil niya nalang ilong ko habang ang lawak ng ngiti.

"Ah talaga lang ah!" Nakapout na sabi niya saka siya tumalikod sa amin. Kinalabit ko naman si Joshua saka tiningnan si Trixcy.

"Okay inggit na 'yan." Nakangiti niyang sabi.

"Eh kayo ba ni Jiro, Trix kailan mo siya sasagutin?" nagsisismula na naman siyang mang-asar. Loko talaga ang Joshua na'to.

"Sa-sagutin?" taka niya namang tanong. Nabigla ata sa tanong ni Joshua.

"Oo, diba nanliligaw sayo si Jiro?"

"Hey! ano ba pinagsasabi mo?" pagsuway ko kunwari sa kanya sabay sundot sa tagiliran.

"Ah wala-wala, sabi ko nga ano, ano si Jiro ayun sa likod mo Trix." and then napatingin si TC sa likoran niya na parang tameme sa kagwapohan ng nilalang na nakaharap sa kanya ngayon. Tapos magdedeny pa halata naman.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro