Chapter 27 ¤ Weird ¤

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Trixcy's Point of view

"Lean on me Trix." Boses sa tabi ko at dahan-dahan niyang hinawakan ang ulo ko papunta sa balikat niya. Gosh! Para akong matutunaw kusang nagpapadala ang ulo ko. Siniko naman ako ni Sophia ng mahina na parang kinikilig. "Ayei! Ang sweet." tumili naman siya

"Honey inggit ka sa kanila?" tanong naman ni Josh kay Sophie na nakapout aish!

"Huh? Hindi no!" ayay ka Sophie halata eh. "Halika ka." At nagulat nalang siya nang agad siyang niyakap ni Joshua. Josh ko po! Bakit ang sweet niya sa gagita ko. Si Sophia naman di maka-angal nagbu-blush pa.

Okay Back to us, hinawakan ni Jiro 'yung pisngi ko gamit ang kamay niya, oo kamay alangan naman na paa diba? Okay lang ba talaga siya?

"Ehems! Ehems! Ehems! maraming ehems! Ang tatamis ng mga cookies dude gusto niyo?" Julio sabay abot ng tig-iisang peraso ng cookies

"Ghad! Julio nakaka-umay ang sobrang tamis!" sabi ni Fyzer na parang nagwoworry kunyare.

"Parang gaya lang ng nasa harap dyan, hug!" Alex

"Eww! Yuck Alex back off!" nagbabaklang sagot ni Fyzer at nagtawanan sila.

Ugh! I don't mind what they're doing! Dahan-dahan nalang akong kumawala kay Jiro at tiningnan siya kung gising ba siya kasi parang dumadamoves lang 'tong shokoy na'to eh! Nagpapanggap lang na tulog, mahilig siya sa damoves in short nahahawa na sa pagiging hukage! Tsk! Kaya dahan-dahan siyang tinanggal ang sun glasses niya, opo naka sun glasses po siya dahilan na di ko malamang tulog ba talaga siya o nagpapanggap lang?

'Hinay hinay lang sa pag-angat ng shades niya Trixcy baka magising' sabi ko sa sarili ko, at sakto na di naman gaanong kalakas ang takbo ng van.

Ito na naangat ko na ng kunti, and nakita ko naman 'yung nakapikit niyang mata, aish! Tulog nga siya baka nanaginip lang siya kanina di bale ibalik ko nalang.

Dahan-dahan ko ring binalik 'yung shades niya aba malamang baka magising at sabihan pa ako ng pinag papantasyahan ko siya, mahirap na no! And yes! nabalik ko nga ng biglang huminto yung van dahilan para magkadikit yung mga labi namin! Gosh! Literal akong napadilat as in dilat, gulat ako sa nangyari parang ang bilis. Tae bakit kasi huminto si kuya Albert?!

Na freeze ako! Anong gagawin ko parang may magnet 'yung labi niya. Si Jiro di rin nakapaniwala sa nangyari pareho kaming gulat. Nagkatinginan kami sa isa't-isa na parehong gulat 'yung mga mata namin. Gulag kami pareho siguro magulat na kaming lahat.

"Kuya ano 'yun?" gulat na tanong ni Sophia.

"Sorry, ma'am yung aso kasi dumaan bigla sa daan di ko nakita." pag-explain ni manong driver.

"Trix.......cy..... Ok.....a...y......ka.....lang?" putol-putol na tanong ni Sophia bigla naman silang napatingin sa'kin correction sa amin na hanggang ngayon na magkadikit parin labi namin..

"Bakit Sophi.......a.?" Julio

"OH MY GOSH!" napasigaw si Fyzer, kaya agad kung naitulak si Jiro at tumalikod ng upo sa kanya thanks to Fyzer. My goodness kamatis, patis anak ng lansones anong ginawa mo Trixcy? Nako nakakahiya ang nangyari.

Napa ubo naman ng fake si Jiro at sa tingin ko umayos yata siya ng upo.

Silang lahat literal na napa nga-nga na nakatingin sa gawi namin, pati si Sophia na kaharap ko ay napa nga-nga rin at nakahawak pa sa dibdib na halatang gulat same sila ni Joshua, relationship goals nga naman. Pag-untugin ko ulo nila eh!

"What the hell is that?" Rocky

"Oh my gosh! Nakita niyo ba ang nakita ko kanina." Alex

"Why what was that?" Boses yata yun ni Xander. Yung mga nakakita ay yung nasa likoran lang namin, malamang sila malapit.

"Dude! I can't believe it!" parang gulat pa din na sabi ni Joshua.

"Manong stop over muna tayo." Pag-iba ni Jiro, ang awkward ng nangyari tanga mo kasi Trix di ka nalang nagpadala sa agos.

"Sige po sir Frank." at hininto ni kuya albert sa gilid ng daan, alangan naman sa gitna diba?

"Isa-isa naman kaming bumaba, nauna si Joshua next Sophia and me, I don't know kung sino na ang sumunod sa pagbaba dire-diretso nalang kasi akong pumunta sa isang mini mall, para siyang mall pero maliit lang may mga groceries at kainan naman, mini nga diba.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad wala sa sarili, di ko alam kung ano na kinukuha kong bagay.

"Miss! Tingin-tingin ka naman sa dinadaanan mo! 'Wag kang tatanga-tanga!" nabigla naman ako sa pagsigaw ni ateng na di ko kilala na nabangga ko dahilan para bumalik ako sa pag-iisip. Gosh!

"Nako miss sorry po, hindi ko sinasadya." paumanhin ko.

"Hmp! Next time kasi tingin-tingin din, wag kang tanga!" aba't maldita siya ah, nagsorry na nga 'yung tao dami pang arte! "Dapat kasi sa inyo tinuturuan ng leksyon."

"Excuse you po manang, di naman po siguro kayo bingi para hindi marinig na nagsorry na po ako, and for you to know hindi ka po maganda ang arte mo mukha ka namang Lola!" at tinaasan ko siya ng kilay, ano kala n'ya sa'kin tuta di ko siya papatulan, mukha pa naman siyang maarting baboy. Kainis nag sorry na nga ako tinawag pa akong tanga, kutusan ko kaya siya ng makita niya hinahanap niya.

"Ano miss? Tinawag mo'kong lola?" halatang galit na siya, nagmukha na kasi siyang toro sa galit.

"Ay, sige iintindihin ko po kayo baka bingi nga po talaga kayo, SORRY PO ULIT HA?" sarcastic kong sabi sabay na nilagpasan siya ng bigla niya akong hinawakan ng mahigpit sa kamay, what the!

"You bitch!" aba't sinusubukan niya talaga ako, magsasalita na sana ako nanv may biglang dumating.

"Hey! Stop that!" napatingin naman ako sa sumigaw.

"Why are you here?" imbis na sagutin niya ako ay tiningnan niya ng masama yung babae

"Miss, gusto mo pa bang maka-uwi sa bahay niyo?" cold niyang sabi, wait is that really you Xander? Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganyan magsalita.

"So-sorry." Nauutal na sabi ng baboy, at binitawan ang kamay ko sabay alis. Tuta naman pala nagpapakahero pa.

"Uy, thank-" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Trix, next time wag kang aalis sa grupo kung wala kang kasama, I don't want you to get in troubled again." Is he serious?

"Xander, I can't breath."

"Oh, sorry are you okay?" sabay niyang hinawakan ang balikat ko. He look serious halatang nag-aalala siya

"Yeah!" yumuko nalang ako ayaw kong tingnan siya sa mata na wi-weirdohan ako, bakit ganito siya maka-react every time something happened to me. Siguro concern lang siya.

"Hey," at kinuha niya 'yung mga dala ko 'yung mga kinuha ko kanina na di ko alam kung ano.

"What is this?" at nakita kong hawak niya 'yung toyo? Shocks!

"Ah, huh? Ano-"

"Anong gagawin mo sa toyo, at 'yang iba pang dala mo?" natatawa niya lang sabi, aish! Kainis naman!

"Wa-wala, oo wala 'to." At dali-dali kong binalik, ano ba kasi ginagawa ng sandok, toyo, sugar at mga seasoning sa kamay ko? Wala naman kasi ako sa sarili kanina.

"HAHAHAHA!" Kung makatawa naman tong lalaking to. "Anong nakakatawa ha?"

"Nothing I just imagine how is that- pfft! HAHAHAHA!" bakit ba tawang tawa siya.

"Che! bahala ka na nga dyan." at aalis na sana ako ng hawakan niya kamay ko.

"Alam mo gutom lang 'yan kaya tara na nandun sila sa food court, hinahanap ka na rin nila eh." tiningnan ko lang siya ng masama, ang bilis mag bago ng emotion ha kanina worried, natatawa at ngayon ugh! Anong utak ba meron si Xander? Parang nababaguhan ako kay X ngayon.

"Come on!" at pumunta na kami sa food court na sinasabi niya.

Pagkarating namin dun ay napatingin naman silang lahat sa'amin ni Xander.

"Hey! Hey! What's that look?" nagtatakang tanong ni Xander sa lahat, sa amin kasi nakatitig yung mga mata nila.

"Your hands dude!" natatawang sabi ni Rocky sabay tingin sa kamay namin. Ghad! di ko namamalayan hawak-hawak pa pala ni Xander yung kamay ko. Napabitaw naman ako kaagad at tumabi na kay Sophia. Gosh nanginginit 'yung pisngi ko! Argh!

"Hoy, Jiro okay ka lang?" nagwo-worry na tanong ni Julio sabay tapik nito sa balikat

"Just eat! and aalis tayo maya-maya." seryoso lang yung boses niya

"Ang layo sa tanong ko Jiro." Julio na nagtataka

"I said-"

"Oo, na nga Trix kain ka lang ha." Tumango lang ako, at kumain na. Ang awkward ng araw na ito. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro