Chapter 31 ¤ Cultural Kiss? ¤

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Trixcy's Point of view

Nagising ako dahil sa silaw ng araw na dumampi sa mukha ko. Tinaas ko ang kamay bago bumangon at tumayo sa harap ng bintana habang nagwa'warm up, nilalanghap ang sariwang hangin kitang-kita ko dito ang mga bundok nang nagtungo ako sa balcony, gusto ko kasing tingnan ang magagandang tanawin.

Maya-maya ay nag aayos na'ko sa sarili naligo at nag bihis, wala na si Sophia kasi di ko alam kung saan siya pumunta baka nagdate na naman sila ni Joshua, ang aga no? Palabas na'ko ng room nang buksan ko ay..

"TRIXCY!" bungad ni Sophia sa harapan ko tiningnan ko lang siya ng masama at tinaasan ng kilay. Sa tingin niya kaya magandang pambati ng umaga ang pagsigaw niya? Ang sakit sa tenga daig pa ang nakalunok ng mega phone.

"Hehe, napalakas yata boses ko?" nagpapacute niya pang sabi

"Hindi naman medyo nabingi lang." Plastic akong ngumiti sa kanya.

"Ay ganon? Tara may ipapakita ako sayo." di na ako nakaangal dahil bigla-bigla niya akong kinaladkad papunta kung saan basta ang bilis niyang maglakad.

"Sophia, ba't ba ang bilis mo maglakad, saan ba tayo pupunta?" sabi ko sa kanya habang ang bilis niya parin maglakad.

"Dito." pasimple niyang sabi at huminto kami sa isang Cafe Veranda Cultural Show at nakikita kong may nagpeperform ng tinikling. Masasabi kong wow! ang gagaling nila

"Sophia ang ganda." ito na lang ang nasabi ko.

"See?" tipid niyang sagit

Nakita ko sina Jiro sa bandang kanan na nakatingin lang siya sa nagpeperform, di niya yata kami napansin di maalis-alis 'yung mata niya sa sumasayaw e. Nakangiti lang siya dito habang pinapanood ang sumasayaw, ang gagaling naman kasi nila magsayaw expert na expert sila.

"Halos tumutulo na 'yung laway mo sa kakatitig." nagulat naman ako sa boses na narinig sa harapan ko, parang kanina lang nasa malayo lang siya ng tinitingnan ko tapos ngayon nasa harapan ko na agad siya, how come? Baka nga talaga bampira siya.

"Ah, huh?" hindi ko alam pero para akong na frozen nang makalapit siya sa'kin, literal akong napanga-nga at nanlaki ang mga eyeballs ko, i don't know why? Can you explain, please?

"Baka pasukan ng langaw bibig mo." sabay na hinawakan ang chin ko dahilan para maitikum ko ang aking bibig, shemay! Nakakahiya! bumalik naman ako sa realidad at yumuko nakakahiya kaya 'yun, nangi-nginit na 'yung pisngi ko. Bakit ba kasi agad-agad akong natutulala nang tinitingnan siya?

"Uy Jiro, Trixcy naghahanap sila volunteer sa pagsasayaw ng tinikling they want girl and a boy." Bungad ni Fyzer nang makalapit sa amin dahilan para mawala ang tingin sa'kin ni Jiro.

"Hindi ako marunong magtinikling." nakakunot noong sabi ni Jiro, at tiningnan ako ulit "Ikaw, marunong ka ba?" agad niyang tanong sa'kin

"Ha, oo. Oo!" sabay ngiti na pilit, nabigla kasi ako sa tanong niya kaya oo agad ang naisagot ko, WAIT WHAT!? Nag oo ako? NO! di ko alam paano iperform ang tinikling Oh no! Ayaw na ayaw ko sa nga cultural dance na 'yan!

"Marunong naman pala si Trixcy Jiro e, dalawa na kayong sumali, tara!" no! no! this is not supposed to be happen, anong gagawin ko? Di pa ako nakaangal ay agad namang hinawakan ni Jiro ang wrist ko at bigla-bigla nalang akong hinila sa loob ng veranda, gosh! what should I do now? Paano pag naipit 'yung paa ko at matumba ako at mawalan ng malay tapos mapipilayan pa?

Ang over acting mo Trixcy! kasalanan mo 'yan tatanga-tanga ka kasi e, lutang! Lagi kang lutang pag si Jiro na kaharap mo! Sabi naman ng isip ko.

'Di ko namamalayan nasa loob na pala kami, ang daming tao na nakatingin.

"May, representative na po kami!" bungad naman ni Fyzer nang makarating kami sa gitna.

"Okay, get ready nalang ang larong ito ay matira ang marunong." pag-anounce ng baklang emcee. My goodness! Akala ko ba simpleng pag volunteer lang eh isa pala itong contest? Matira ang marunong or matira'ng matibay.

"Hoy, Fyzer." sabay ko siyang siniko "pag may nangyari sa'kin dito naku makukutusan talaga kita!" pagbabanta ko, idadamay ba naman kami e bakit di nalang siya at ng girlfriend niya.

"Relax Trixcy, nandyan naman si Jiro oh, tsaka couple contest 'to." tanga ba siya? Pang couple naman pala ang ka-etchosang ito bakit ba ako napapahamak dito sa mga trip niya?

"Sira! Sa tingin mo ba mukha kaming couple?" bulyaw ko sa kanya, at ang nakakainis ay tumawa lang siya. Aish!

"Hey? Come on Trix let's do this, hindi ako marunong pero alam kong marunong ka kaya, hawak kamay tayo, okay lang ba?" pag-alok niya, wait di rin naman ako marunong ah, nagulat lang ako kanina kaya naka-oo ako. Ghad! Lord help me! Hinawakan niya na kamay ko, 'yung dalawang kamay ko talaga at lumapit na siya sa gilid ng kawayan, malamang nasa gilid narin ako, bali magkaharap kami. Grabe ang bilis ng pangyayari.

"Guys are you ready! Let us get started in five! four! three! two! one! and dance!" sigaw ng emcee at nag-start na.

"This is gonna be exciting, it's my first time to play tinikling, our cultural dance." na-eexcite pa niyang sabi. Napa-isip ako na dapat e'enjoy ko lang 'to tama dapat excited din ako.

"Y-Yeah!" tipid ko nalang sagot habang pilit na nakangiti. Ngiting kabado.

Nagsimula ng tumunog 'yung kawayan at kami ni Jiro nagkatinginan lang, 'yung mata niya nagsign na ready tumango lang ako at nag step kami ng sabay sa gitna ng kawayan, mahina palang 'yung paggalaw ng dalawang piraso ng kawayan, kaya madali lang maya-maya ay nagbilis na ito kaya natataranta na ako.

"Trixcy relax, maa-out of balance tayo!" paalala niya sa'kin habang hinabol 'yung mabilis na pag-open at close ng bamboo.

Habang 'yung mga tao naman dito ang saya-saya nila habang pinapanood kaming nahihirapan. Putcha! Ka Fyzer kakalbuhin talaga kita mamaya!

"Shemay! Ang bilis kaya paano ako magrelax?" pagmamasungit ko, natataranta na nga ako e, habang tinitingnan ko ang mga paa namin na sumabay sa tunog kawayan.

"Just enjoy this, don't mind the bamboo." at lumapit siya ng kaunti sa'kin, dahilan para mawala na naman ako sa sarili, bakit ba pag lumalapit siya para aking matutunaw o nawawala sa mundo, di ko maiintindaihan ang sarili ko dahil ba ito na nag le-level up na ang feelings ko sa kanya? Isn't it possible na tuluyan na talaga akong mahulog sa kanya? Or I need to stop this weird feelings, how?

'Yung iba out na sa game bali dalawang team nalang kaming naiiwan, napasigaw naman ang lahat.

"Go Trixcy and Jiro!" Cheer ni Fyzer. Tae ka talaga Fyzer!

Nakaramdam naman ako ng sakit sa paa ko, ghad! Naipit ako! Dahilan para mahila ko ang kamay ni Jiro para di ako tuluyang matumba, pero wrong move yata dahil na-out of balance kaming dalawa at natumba kaya napapikit nalang ako, naramdaman kong sumakit ang likod ko pero 'yung kamay niya nakapuloput lang sa ulo ko kaya secure ito. It means nasa taas ko siya kaya ako 'yung na-untog sa sahig, masakit.

Napadilat naman ako ng mata ng mafeel kong may malambot na dumampi sa labi ko at biglang naglakas ang beat ng puso ko parang may mga pony na takbo ng takbo dito na ayaw magpaawat. Sa pagdilat ko nakita ko rin na gulat si Jiro sa nangyari, nagkatitigan lang kaming dalawa na parehong nanlaki ang mga mata, can't believe this ang bilis ng nangyari parang dalawa kaming nafrozen sa nangyari.

Hindi ko alam kung gaano katagal na nandyan siya sa ibabaw ko kasi ang bigat niya na talaga at isa pa magkadikit pa 'yung labi namin, wala ba siyang planong umalis o ginaganahan na siya sa lagay namin ngayon? Gosh!

Maya-maya ay siguro narealize niya na nabibigatan na ako sa kanya ay agad-agad siyang tumayo sabay na rin akong tumayo, at lumapit sina Fyzer, Rocky, Joshua at Sophia sa'min.

"Trixcy okay ka lang ba?" nag-aalala na sambit sa'kin ni Sophia sabay na hinimas ang likod ko.

"Yeah." tipid ko na sagot, dahil rin siguro na di ako makapaniwala sa nangyari.

"Trixcy I'm sorry for what happened, look I don't know-"

"No, it's okay it wasn't your fault, excuse me." pagputol ko sa sasabihin niya at mabilis na umalis sa harapan nilang lahat di ko pa matake ang hiya at pang-iinit ng buong katawan ko sa nangyari, di ako makapaniwalang di na virgin ang lips ko. My Gee!

Napadpad ako sa isang garden at umupo ako sa isang bakanteng bench habang hawak-hawak ang labi ko di makapaniwala sa nangyari. "Paano nangyari 'yun?" bulong ko sa sarili ko,

"Accidentally kissed him?" napa-angat naman ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa harapan ko. "n-nakita mo 'yun?" nauutal kung tanong sa kanya.

"Yeah! nagseselos nga ako eh." sabi niya habang nakapamulsa siya nagseselos? paano? I mean bakit, ano? Ano ba dapat ang tanong? Napapikit nalang ako ng mata.

This is absurd, parang mas lumala lang ang nararamdaman ko. Ayoko ng ganito.








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro