Chapter 35 ¤ Threats ¤

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Jiro's Point of view

Matapos kong maligo ay narinig kong tumunog ang door bell ng condo ko kaya agad ko itong binuksan. Sino naman kaya ang pupunta dito sa ganitong oras, quarter to 1am na, di pa kasi ako makatulog kaya naligo muna ako. Pagbukas ko ay wala namang tao pero may nakita akong isang box sa tapat ng pintuan nang makatingin ako sa ibaba, imposible naman kung hindi para sa'kin 'to dito naman nilagay sa harapan ng condo ko.

Kinuha ko ito at tiningnan muna ang paligid bago ko ito ipinasok sa loob. Umupo ako sa couch at nilapag ito sa small table sa salas at binuksan ang box na hugis square. "Sino naman kaya nagpadala nito?" tanong ko sa sarili. Wala naman kasing delivery ng ganitong oras.

Sa pagbukas ko ay may laman na dalawang envelop at ang unang naagaw ng paningin ko ay ang isang recording na may nakanote na hear me.

"Long time no see Jiro, how are you? Do you feel comfortable with your life now? Try to look the pictures baka sakaling magustuhan mo." Isang nakaka-inis na halakhak ang narinig ko pagkatapos kong marinig ang recording na 'yon. Anak potcha! Anong trip ng taong 'to? Pero bigla nalang akong kinabahan nang mabuksan at tiningnan ang mga pictures na nasa envelop at nakita ko dito ang pictures namin ni Trixcy na magkasama, simula n'ong unang magkakilala kami at hanggang sa tagay-tay kami nakita ko rin ang laman ng isa pang envelop 'yung sa veranda na aksidenteng nagkahalikan kami ni Trixcy at ang huling picture ay ang niyakap ko si Trixcy patalikod.

Napakagat ako sa labi habang iniisip ang posibleng gumawa nito. Pinilit kong alalahanin kung sino ang nasa likod nito pero wala talagang pumapasok sa isip ko. Troy nasabi ko nalang sa isip. This is bulls**t! All this time may sumusunod pala sa'min f*ck! Di ako makapaniwala nagiging komportable ako sa buhay ko habang may demonyo palang laging nakasunod sa'min. I didn't expect this.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito.

1 message from Unknown number

'Have you enjoy my surprised? So dapat mag-ingat kana kasi di mo na alam ang kalaban at kakampi mo. Have fun playing with us!'

Pagkabasa ko sa text ay di ko mapigilang itikom ang kamao ko at kasabay na sinuntok ang table sa harapan ko. Who's this freak and I will kick his ass! Umaakya na ang dugo ko sa galit, if this is Troy I'll kill him.

I clicked reply.

'Pag nalaman kong sino ka, papatayin talaga kita gag* ka!'

(1 message)

'Chill lang Jiro, 'wag kang high blood makikilala mo rin ako soon! By the way tulog na kaya si Trixcy?'

Sa reply niyang 'yun, di ko maiwasang mag-alala ano ba talaga ang kailangan niya? Kung ako 'wag niya nang idamay pa si Trixcy.

(Reply)
'Tanga ka! Duwag 'wag mo siyang idadamay dito!'

(1 message)

'Hindi ko siya dinadamay minamasdan ko pa nga lang siya, di pa siya tulog nagpapahangin pa siya sa labas.'

Shit! No! Nagmadali akong lumabas sa condo ko at agad na pina-andar ang kotse ko papunta sa bahay nila Trixcy, gusto ko lang isigurado kung talagang gising pa siya.

Nandito na ako at nakita kong nasa terrace pa si Trixcy halatang nagpapahangin ito. Minamasdan ko lang siya hanggang di pa siya papasok at matulog, mahirap na lalo na't di ko alam kung ano ang gagawin ng taong nagpadala sa'kin ng mga pictures, hindi ko alam kung sino siya at anong balak niya ngayon. But I want to make it sure that Trixcy is safe, until I found out who's behind this f*cking threats.

Hindi katagalan ay may nareceive nanaman akong text.

From: Unknown

'As I expected pupuntahan mo talaga siya, sa tingin mo ba sapat na 'yang ginagawa mo?'

This f*cking person is really sucks, andito lang siya sa paligid dahil alam niya bawat kilos ko.

(Reply)
'Wag mo idadamay si Trixcy dito hayop ka! Pag nakita talaga kita papatayin ko 'yang kahayopan mo!'

Hindi kasali si Trixcy dito, paano niya kami nakilala? Kilala ko ba siya dati, spy kaya siya?

'See you soon, De Guzman.'

Pagkabasa ko ng reply niya ay di ko na siya nireplyan pa. Just a waste of time. Lumingon akong muli sa kinatatayuan ni Trixcy kanina pero wala na siya, for sure matutulog na 'yun kaya umalis na'ko. Ano ba talaga ang kailangan niya?

- * -

Tahimik akong pumasok sa classroom, pagka-upo ko ay saktong pumasok rin si Trixcy, napansin kong wala siya sa mood at medyo punit ang uniform niya san ba siya galing? pero kahit ganyan ang itsura niya ngayon maganda parin siya hindi lang sa physical appearance kundi sa pangkalahatan na. F*ck Jiro what did you say? Argh! Never mind!"

Gusto ko Sana siyang lapitan at tanongin kung ano ang nangyari sa kanya okay lang kaya siya? Pero naisip ko, kung mas magiging close pa kami mas malaki 'yung possibilities na madadamay siya sa gulo. Ayaw kong magaya kay Thea ang nangyari. Bakit ko ba naiisip ang nangyari na?

Thea? At biglang nagflash sa mind ko ang nanyari noon, at sa mga pictures na pinadala sa'kin ang mga texts niya n'ong nakaraang gabi, kilalang-kilala niya ako sa bawat text niya. It's possible that Troy is the one who sent me threats and those pictures? Jiro bakit ang slow mo?

Hanggang sa matapos ang klase ay nagsilabasan na ang lahat at mabilis ako na lumabas para sabihin sa grupo ang nangyayari 'di ko pa kasi pinaalam sa kanila, pero kaka three steps ko lang mula sa pinto ay may tumawag sa'kin.

"Jiro sandali!" sigaw ng pamilyar na boses, at pagkaharap ko si Trixcy lang pala "Yes?" cold ko lang sagot at hinihintay lang ang kasunod niyang sasabihin dahil para pa siyang na freez.

"Wala, uuwi ka na ba?" bigla niyang tanong, damn this girl! may lakad ako pero ito lang pala ang sasabihin niya? Sinasayang niya oras ko.

"Its none of your business, wala ka ng papel sa buhay ko diba? The contract is done." walang reaksyon kong sabi sa kanya, 'Trixcy please! stay away from me madadamay ka lang, I don't want you to implicate this trouble.' ito 'yung gusto kong sabihin sa kanya pero nawawalan ako ng lakas ng loob kasi alam kong hindi niya ako maiintindihan at malilito lang siya. Kaya mas mabuti na sa ganitong paraan. "So, you don't have your reason to approach me again, stop bothering me, please." I'm sorry Trixcy, I guess, this is the best way to protect you from trouble. I'm doing this for you. Pansin ko naman ang panlumo niya.

Nagmukha ba akong tanga sa pinagsasabi ko? Naging masama na naman ba ako sa paningin niya? Para naman sa kanya 'tong ginagawa ko eh, kasi ayaw ko siyang mawala dahil sa'kin, kasi mahal ko na yata siya, nasasaktan ako sa pinagsasabi ko sa kanya. F**k this annoying feelings!

"So-sorry I did not mean to bother you." mahina niya lang sabi pero rinig ko naman ito sabay siya na tumingin sa paanan niya. Ramdam ko ang pagkalungkot ng boses niya alam ko ito kasi ito 'yung nararamdaman ko ngayon. Ang gusto niya lang ay maging mabuti sa'kin pero ito ako tinataboy siya palayo, I hope that I wont regret this.

"But you did." ito nalang ang sinabi ko at tuluyan ng umalis, shit! Why am I feeling like this? Parang galit ako sa sarili ko hindi parang pero galit talaga ako sa sarili ko! Isa lang naman ang pinangahahawakan kong dahilan at ay ang hindi siya madamay dito. Pero parang may mali e, huminto ako sa paglalakad malapit na sana ako sa hagdan pero parang tinutulak ako ng sarili kong balikan si Trixcy. Aish! Sh*t! Kaya agad akong bumalik kung saan ko siya iniwan nang makarating ako ay nakita kong nakaupo na siya sa sahig at niyakap siya ni Sophia.

"Sophia, bakit ang sakit?" pagkarinig ko nun ay matamlay akong naglalakad paalis, ang tanga mo talaga Jiro! "Ang tanga-tanga mo!" bulong ko sa sarili.

"Nakita kong pinaiyak mo siya." napalingon ako sa likoran ko.

"Xander?" nakita niya ba 'yun?

"Galit ako sa'yo ngayon Jiro alam mo ba 'yun?" di ko siya maintindihan, ano ba pinagsasabi niya.

"Ha? Nagbibiro ka ba, magagalit ka sa akin?" patawa kong tanong ito sa kanya.

"Gusto ko si Trixcy, at dahil sa ginawa mo gusto ko siyang agawin sa'yo. Dahil nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon." Sabay niya akong kwenilyohan, what is happening to him? He's acting weird.

"Hey! X wala akong pakialam agawin mo siya kung gusto mo!" may gusto pala siya. Tsk! at dahil lang sa napaiyak ko siya ganon na siya mag-react?

"Tanga ka ba Jiro o manhid ka lang? Umiyak siya dahil sa sinabi mo babaliwalain mo lang ba 'yun? ha?!" at mas hinigpitan niya pa ang paghawak sa collar ko. "Because she likes you Jiro." Is this true? O baka sinasabi niya lang 'to dahil trip niya.

"Alam mo Xander, sa tingin mo ba ginusto ko rin ang ginawa ko kanina? May mabigat na dahilan ako para gawin 'yun! I don't want to lose her. Like what happened to Thea two years ago." pagkatapos kong sabihin sa kanya 'yun ay dahan-dahan niya akong binitawan, at napayuko siya.

"Is that so? Pero sa tingin mo ba pag tinaboy mo siya mas ligtas siya Jiro?" seryoso niya lang sabi. This is the first time I saw him like this. Kasabay niya akong tiningnan ng seryoso na parang nanggigilid na 'yong luha sa mata niya.

"Siguro ito na 'yung oras para malaman mong..." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro