Chapter 37 ¤ Half Sister ¤

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Trixcy's Point of view

"Hoy! Babae ang ganda ng ngiti mo d'yan?" bulyaw sa'kin ni Sophia ng makapasok siya sa kwarto ko. Panira talaga ng moment kitang nagpapatansya ako dito e!

"Paki mo ba! At teka paano ka nakapasok dito?" inirapan ko lang siya at nagpatuloy parin ako sa pag-amoy ng polo ni Jiro. Oo tama 'yong polo ni Jiro na itinapon niya sa mukha ko n'ong una kaming nagkita akalain mo that day inis na inis ako sa unggoy na yun pero ito ako ngayon. Hay! Love comes unexpectedly nga naman.

Inisip ko pa rin 'yong sinabi niya kahapon. "Because I love you Trixcy." And he kissed me, ang saya ko that day I'm not sure kung totoo 'yong sinabi niya pero basta ang saya ko kasi sinabi niya na mahal niya ako. Why would I be happy if I'm not sure?

Ganito pala feeling na ma-in love no? Di mo alam kung hanggang saan ang kasiyahan mo, di ko man nasabi na mahal ko rin siya pero di ko naman basta basta na sasabihin 'yon no! Kung talagang mahal niya ako liligawan niya muna ang dyosang katulad ko Haha! 'Wag na kayo epal please!

Pero naisip ko tuloy si Xander, unfair ba ako? Kasi I'm pushing myself to Jiro, pero worth it naman ito. Pero nakokonsensiya ako kasi ang tanga ko gusto ako ni Xander, pero 'di ko lang naman maibalik sa kanya 'yun. Makapag sorry nga kay Xander pag nagkatyempo.

After lang naman ng nangyari, hinatid na ako ni Jiro kahapon dito sa bahay, tapos wala lang akong imik sabi niya nga sa'kin daig ko pa ang pepe sa sobrang tahimik. Sa bawat sasabihin niya kasi tumatango lang ako, sinabi niya pa nga sa'kin na naiinis siya kasi minahal niya na daw ako pinilit niya daw akong alisin sa isip niya pero para daw akong mantsa sa damit na ang hirap tanggalin. Yow diba! Ito namang pwet ko kinilig. Iba ako kiligin kasi tahimik lang na namumula. Speechless ako kahapon dapat next time hindi na.

"Ahh... Kaya pala umamin na pala si Jiro sa'yo?" nagulat naman ako napalakas yata pagkasabi ko sa isip ko.

"Narinig mo ba iniisip ko?" tanong ko

"Haller! Sinabi mo kaya because I love you Trixcy." tapos tumabi siya sa'kin na parang nai-excite Sophia talaga usisera!

"Kwento mo bilis!" Aish! para siyang tangang aso na naghihintay ng pagkain. Tsk!

"Pwede ba Sophia, nasabi ko na diba? 'Yun yong sinabi niya I..." Di ko tinuloy ang sasabihin ko dahil nahihiya ako na nawe-weirdohan na kinikilig na ewan basta hayaan niyo ko first time ko ma in love eh!

"Ayiee! Kwento mo dahil gusto ko 'yong specific hehe!" para talaga siyang tuta na naghihingi ng pagkain laging dumidikit sa'kin. "Sige na please!" at nag puppy eyes pa siya! Hayst! Grabe kung makakapit sa braso ko.

"Alam mo para kang aso! Tabi ka nga!" at inilayo ko siya.

"Ang daya." nakapout lang siya.

"Oo na, sige na kwento ko na." napipilitan kong sabi.

"Yehey!" Aish! Childish talaga, sinimulan ko namang ikwento ang lahat ng nangyari sa kanya.

"Talaga? Kakilig naman kayo, second kiss mo na 'yun kay Jiro ah! Malandi kang bruhita ka!" kung maka react ang gagang ito akala mo naman sila ni Joshua hindi.

"Hoy! Hoy! Di nalang kayo isali ni Joshua!" pagtataray ko sa kanya.

"Hmmp! May secret kami ni Joshy ko." At parang malungkot 'yung boses niya.

Lumabas na kami ni Sophia sa kwarto ko, ililibre niya daw kasi ako ngayon dahil umamin nadaw si Jiro sa'kin. Akalain mo nga naman napaka liit na bagay sana may magtatapat nalang sa'kin araw-araw para lagi niya rin akong ilibre diba ang saya n'on!

Na-ekwento niya rin sa'kin na lagi daw akong bukang bibig ni Jiro noon pati daw ngayon, sabi rin daw ni Joshua sa kanya 'yun. Kaya naisipan nilang magpanggap na couple for the sake na magkalapit kaming dalawa ni Jiro, actually lahat naman plinano na nila from the start. Ito namang si Soapie ginusto rin ang nangyari kasi nong pinakilala pa lang daw sila sa isa't-isa ng both parents nila ay na love at first sight na daw siya kay Joshua, diba taray niya mas nauna pa siyang lumandi.

Dapat pasalamat pa siya sa'min dahil kung hindi dahil sa'min eh, baka wala ri'ng Soposh love team ngayon. Pangit ng name combination nila parang pagkain nagutom tuloy mga alaga ko.

"Trixcy?" tawag sakin ni daddy nang malapit na kami sa gate ni Sophia. Napalingon naman kaming dalawa, akala mo tinawag din siya no?

"Dad!" at agad ko siyang niyakap.

"Mukhang bihis na bihis kayo, may lakad?" Tanong niya ng kumalas ako sa pagkayakap.

"Yes, Tito actually ililibre ako ni Trixcy ngayon kasi may ka M.U na siya." tili na sabi ni Sophia, loko talaga ilaglag ba naman ako.

"Hoy, ikaw ba tinatanong bakit ikaw sumagot?" pagtataray ko sa kanya, mahilig talaga siya makialam. Itapon ko siya sa t'yan ng dragon e!

"Bakit ba, sinabi ba ni tito na Trixcy, diba tito Harold?" at humawak siya sa braso ni daddy, para siyang unggoy na kumapit sa isang puno. Kapal talaga ng feslak ng gagitang ito, si daddy hinawakan ba naman sa braso. Nashock tuloy siya sa ginawa ni Sophia haha! His reaction tells me that he felt awkward? Di kaya sila close!

"Hoy, papa ko 'yan! Bakit ka kumapit sa kanya." at pinalayo ko siya.

"Ito naman, sorry po tito hehe." yeiks! ang childish niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Selosa!" bulong niya pa, nako kung hindi lang kita kaibigan ay matagal na kitang kinarate dyan Natawa nalang si papa sabay na napakamot sa ulo niya.

"By the way who's that lucky guy?" wait! Interesado siya? No! No! This is not the right time! "Si Jir.....mm " sasabihin na sana ni Sophia pero agad ko namang tinakpan ang bibig niya. Ang ingay talaga! Plasteran ko bunganga ng babaeng 'to eh!

"Wa-wala dad, M.U pa naman e, kaya next time nalang, saan nga pala punta niyo?" pag-iba ko ng usapan, napaplastic nalang ako ng ngite. Pahamak na Sophia kasi.

"Oo Tito, MU pa naman masakit umasa, ahw?" sa tingin ko nahawa na si Sophia sa boyfriend niya corny. Natawa lang si papa sa sinabi niya.

"Okay then, pupunta kami ngayon ng mommy mo sa puntod ni Sandra isasama ka sana namin kaya lang mukhang may lakad kayo kaya next time nalang." ay sayang di naman pwedeng hayaan ko si Sophia dito no! Ililibre niya pa naman ako.

"Trixcy, 'wag kang sumama naghihintay si Joshua sa'tin." Pasekretong sabi sa'kin ni Sophia, okay huhulaan ko iiwanan niyo rin naman ako, kasi magda-date sila. Dumating naman agad si mommy kaya, kanya-kanya na kami ng alis.

"May half sissy ka pala Trix?" nacu-curious na tanong sa'kin ni Sophia. 'Di ko pa kasi naikwento sa kanya tungkol sa second family ng papa ko. Well di niya naman naitanong diba?

"Yeah, sayang nga e di ko na siya nakikilala gusto ko pa naman mag karoon ng kapatid."

"Pwede mo naman siyang makilala ah, di mo ba tiningnan picture niya o di kaya tinanong sa daddy mo kung ano siya o di kaya sundan mo sa kabilang buhay." Binatukan ko naman siya. Napa 'ahw' na lamang siya.

"Actually naikwento nga sa'kin si daddy before, mabait daw si Sandra maganda medyo may similarities nga raw kami e." Pagkwento ko sa kanya.

"Ah, sayang baka baliw din siya gaya mo?" Pinagsasabi ng babaeng 'to? Hindi ko nalang siya pinansin at tinuon na lamang ang atensiyon sa direksyon namin.

Nakarating kami sa mandarin sa loob ng SM, dito kami kakain mg lunch.

"Ah, ano kaya kinamatayan niya no? Car accident, sakit, cancer? Hindi naman kasi mamatay ang tao kung walang cause ng death diba? O di kaya nalunod sa sabaw ng sinigaw kapatid mo?" pagkasabi niya non, tiningnan ko lang siya ng masama. Nagjoke ba naman diba? Minsan talaga may saltik sa utak ang babaeng 'to.

"Heh!" at binatukan ko siya "aray naman!" tama lang sa kanya yan.

"Naikwento rin sakin ni daddy about the caused of her daeth." seryoso kong sabi.

"Ano?" hayst! 'Yung feeling na may kaibigan kang chismosa?

"Love!" Tipid kong sagot sa kanya. At 'yung reaction niya na literal na napanganga halatang di siya makapaniwala o naguguluhan siya.

"S-E-R-I-O-U-S-L-Y?" Di nga siya makapaniwala. "How?"

"How how di carabao diba to ten!" hahaha tiningnan niya lang ako ng masama. "Di joke lang tumawa ka respeto lang!" at parang seryoso na siya kaya sige "okay fine! Para madali mong maintidihan, Sandra died because of her boyfriend! Tapos! Order kana at nasaan na si Joshy mo?" pag-iba ko ng tanong.

Sabi sa'kin ni daddy dati kinamumuhian niya daw ang lalaking 'yun, kasi kung hindi dahil sa kanya di sana nawala si Thea. Hindi ko man alam ang kabuo-ang nangyari pero dahil sa sinabi ni daddy sa'kin parang gusto ko ri'ng makita ang lalaking 'yun at itanong sa kanya kung bakit hinayaan niyang mamatay ang kapatid ko. Galit rin ako sa lalaking 'yun! Gusto ko na siyang ipakulam. Gusto ko siyang sipain ng kaliwa't kanan. Aish! Doesn't matter baka patay na rin 'yun.

"Okay got it! Joshy is on his way." walang emosyon niya lang sagot. Galit yata haha. Dumating na ang order namin, at nagsimula na kaming kumain but Joshua is not yet here.

After a minute may tumawag kay Sophia. Sinagot niya ito. "What happened?" Halata kasing nag-aalala 'yung mukha niya. "Tumawag sa'kin ang pulis, at naaksidente daw si Joshua."

"What?!" shocks! Kaya pala di siya nakarating. "Ano, sasamahan na kita." ano ba 'yan natataranta na rin ako, baka kasi... Nako wag naman sana. "No Trix! Ako nalang just tell Jiro about what happened. Babalitaan nalang kita."

"Okay!" At agad na siyang umalis. Tinawagan ko naman agad si Jiro, pero walang sumasagot! "Ghad Jiro, where are you? Pic up your phone!" Bulong ko sa sarili ko, naiiyak na ako nag-aalala ako sa kaibigan nila. Gosh! Kailangan ko ng puntahan si Jiro, shokoy na'to di sinasagot ang tawag ko baka may kadate na 'yun! Aish! Tanga ka Tc baka busy lang. Bakit ko na naisip 'yun?

Aalis na sana ako para hanapin si Jiro, nang may biglang humawak sa braso ko. Napatingin naman ako kung sino 'yun, at nakita ko ang mukha niya. 'Yung mukha ng babaeng nakita ko sa campus kahapon, ningitian niya lang ako ng mala demonyo at medyo sumakit na yung braso ko sa paghawak niya dito, hahawak na nga lang didiinan pa.

"Ikaw?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Hello." at ngumiti siya ng plastic, demonyita talaga.

"Bitiwan mo nga ako!" pinilit kong kumawala sa paghawak niya sakin pero mas sumakit lang ito lalo dahil bawat galaw ko hinihigpitan niya ang hawak dito. "Ano ba kailangan mo ha?!"

"Marami?" at tinaas niya paningin niya na parang iniisip kung ano talaga kailangan niya. "Sit!" ano niya ako aso, utusan na susunod sa sinasabi niya tsk!

"Pwede ba kung wala ka namang magandang sabihin, bitiwan mo na ako dahil nagmamadali ako!" pambihirang dogung 'to!

"Well, sa tingin ko hahanapin mo si Jiro? Am I right?" at binitiwan niya ako, bakit ba ang dami niyang alam. Di ko nalang siya papansinin kaya umalis na'ko.

"Jiro is busy, nagkita na kasi sila ng papa ni Thea, which is your father." napahinto naman ako sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya? Kaya nilapitan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Do you even heard yourself?" Pinagloloko ba ako ng impaktang 'to! Gusto niya bang palabasin na kapatid ko si Thea? Hell no! She's really out of her mind, she's insane!

"Yes, and you? Do you have an idea what is really happening right now? Joshua and his friends?" para akong nabulunan sa sinabi niya, may alam siya sa mga nangyayari!? Ang ibig sabihin nito hindi aksidente ang nangyari. Kundi...

"Anong alam mo?"

"I know a lot!" aalis na sana siya pero napahinto muli siya. "Kung gusto mong malaman ang totoo, pumunta ka sa puntod ng kapatid mo makikita mo sila doon. At pag tama ako, bumalik ka lang dito at sasabihin ko sa'yo ang lahat." tuluyan na siyang umalis, di ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya, sino ba siya, totoo ba sinasabi niya? Para masagot ang mga katanungan ko ay sinunod ko ang sinabi niya.

Ang pumunta sa puntod ng kapatid ko. Hindi ko man alam kung saan banda 'yun pero lilibutin ko ang buong funeral park mahanap ko lang sila. Kung talagang totoo ang sinasabi ng babaeng 'yun.

Ilang minuto rin akong naghanap at sa wakas may nakita akong lalaking familiar sa'kin na may dalang bulaklak. Lalapitan ko na sana nang nakita kong lumingon si daddy sa kanya, kasabay na nabitawan niya ang dala-dalang bulaklak. Maya-maya ay lumapit si mommy sa kanila.

Ito ba 'yung gustong ipaalam sa'kin ng babaeng yun? Ano ba talaga ang hindi ko alam?

Si Sandra ba at si Thea ay iisa?

Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko, ngayon lang nag sink in sa utak ko ang lahat ang sinabi ni daddy sa'kin noon, at ang ikweninto ni Xander sa'kin dati. Ang tanga ko bakit di ko naisip na pareho sila ng naikwento sa'kin?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro