Chapter 39 ¤ Worth To Fight ¤

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Trixy's Point of view

"Can we talk?" Wala pa akong sagot ay bigla niya akong pinapasok sa kotse niya. Grabe ang bilis niya kumilos, kanina lang nasa harap palang ako ng taxi tapos ngayon nasa loob na ako ng kotse niya.

"Talk about what?" Walang gana kong sagot sa kanya. Hindi ko alam kung kanino at saan ako magagalit, basta ang alam ko nagtatalo ang puso at isip ko sa nangyayari ngayon.

"About everything and I will start with us, between us." Seryoso lang ang boses niya. At agad na pinaandar ang kotse niya di katagalan ay huminto kami sa gilid ng daan kung saan kita mo dito ang ilaw ng dagat bali kabilang city, maggagabi na rin kasi. Bumaba ako pero di ko pa nabuksan ang pinto ng kotse niya ay inalalayan niya na ako, why so gentleman Jiro.

Namumula ako, di ko alam kung bakit ganito 'yung nararamdaman ko. Inalalayan niya akong umupo sa harap ng kotse niya at sumandal siya katabi ko. Wala lang kaming imikan habang nakatingin sa nag-iilaw na dagat. Magsasalita pa sana ako nang tumikhim siya bago nagsalita.

"I'm sorry Trixcy, alam kong kinamumuhian mo ako ngayon dahil ako lang naman ang naging dahilan ng pagkawala ni Thea, ng kapatid mo." He started while he's looking straight at the edge.

"Hindi ko alam ang sasabihin Jiro pero, ang totoo naiinis ako sa'yo, more likely I hate what happened." Parang may kunti ng luha ang pumatak mula sa mata ko. So dramatic, bakit naman ako iiyak?

"I understand, you have no idea how I hated and blamed myself before for lossing her. Pero walang may gustong mangyari 'yun Trixcy, kahit ako kung tutuosin sana ako nalang ang nasa posisyon ni Thea ng mga panahon na 'yun. I made her life messed." Parang may kumirot dito sa puso ko, sa boses ni Jiro alam kong nalulungkot siya at parang may pagsisisi sa sarili niya.

"You don't need to say that. Ang hirap lang kasi ang taong mahal ko ay siya rin pala ang kinamumihian ng papa ko noon pa ay kinamumuhian ko rin siya, not untill I know who really he was." at umiiyak na ako, di ko na mapigilang lumuha sa ngayon bugbog sarado ako ng kalituhan. If I'll chose Jiro I disobey my dad.

"Trixcy." Umupo siya sa tabi ko at pinunasan niya ang luhang dumadaloy mula sa mata ko. "Hindi kita masisisi at ang papa mo, hahayaan ko kayong magalit sa'kin besides it's all my fault I started all this chaos. But listen to me, I am willing to sacrifice I will fight for you, Trixcy just... stay with me and I will do the rest." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko dahilan para napaangat ako ng tingin sa kanya at nagkatagpo ang mga mata namin. "I will fight for you till the end Trixcy, because I'm deeply in love with you and I don't want to lose you too." ang bilis ng beat ng puso ko. At kita ko sa mga mata niya kong gaano siya ka sincere, pero pag pinilit kung lumaban para sa kanya ay mahihirapan lang ako at magiging komplekado lang ang lahat. I don't know what to anymore if I take this risk, what will happen to me... to us?

"Jiro, no." I shooked my head. "Sa tingin ko tama lang na ipaghiwalay tayo ni daddy, kasi kung alam mo na ang sitwasyon ni Joshua ngayon baka tayo, ako o ikaw ang isusunod nila." Tama ba 'tong pinagsasabi ko? Hahayaan ko nalang na iwan ko siya? Ano ba ang pwede kong gawin? Should I fight with him or give up this feeling? Alam kong mali pero sigaw ng puso ko kailangan kong lumaban, but I'm scare what is waiting in the future. Nalilito ako, magiging komplekado lang kung susundin ko puso ko pero alam kong sa huli may kasiyahan rin kaming makakamit. I doubt.

"I know, but your reason wasn't good enough to me to give up." Napabitaw naman siya sa pagkahawak sa pisngi ko sabay na humiga sa harap ng kotse niya. Tiningnan ko lang siya at nakatingin lang siya sa taas habang pinagmamasdan ang mga bituin.

"Para ka rin palang bituin, you're shining right in front of me, butbI cant reach you." pinagsasabi niya? "Ang lapit mo na sa akin, pero sabi nga nila you can't get that something if someone's holding her back." At tumingin siya sakin at nagkatagpo ang aming mga mata. "What's jolding you back, Trix?" Ghad! Are you going to kill me Jiro your smille makes me ugh! "Parang ngayon lang, kausap kita pero nararamdaman ko na lalayo ka na din dahil sa mga nalaman natin at sa mga nangyayari ngayon. I have to ask you one question and you're going to answer me ones." pagkasabi niya n'on ay tumikhim na lang ako, at umiwas na ako ng tingin.

"What is it?" I asked and avoided his eyes.

"I love you Trix, do you feel the same way?" hindi ko alam, mahal kita Jiro pero may pumipigil na sabihin ko sa'yo 'to. Natatakot ako na baka pagkatapos ng masasayang araw ay mapapalitan ito ng kalungkutan. Matagal akong nakasagot, pinag-iisipan ang sasabihin ko ayaw kong masaktan pero gusto kung magmahal. Napapikit nalang ako ng mata. I wish I could chose a wise decision.

"Trix, look at my eyes." umupo siya mula sa pagkakahiga at hinawakan niya ulit ang magkabilang pisngi ko at nagkatagpo muli ang aming mga mata. I'm freezing by his stare.

"I don't know." kumawala ako sa pagkakahawak niya sa'kin. "Pero noon palang gusto na kita at lihim na kitang ginusto. Pero ngayon alam kong lumalala na 'yung nararamdaman ko sayo, pero 'di ko parin naman nasisiguro kung ano talaga 'to."

"Dami mo namang sinabi, oo at hindi lang naman ang isasagot mo eh, but thank you for giving me a clue. Parang lumalabas na patay na patay ka na talaga sakin." Ningitian niya naman ako ng mapang-asar. Gosh! may gana pa talaga siyang mang-asar?! Argh!

"Kapal mo! Ikaw nga 'tong nagtatanong eh, kung mahal rin ba kita o hindi, tae ka sarap mo itapon!" I punched his arms playfully.

"Itapon sa puso mo?" Ngisi-ngisi niyang sabi. Tae, nang-iinit pisngi ko sa kanya. Mas lalo ko pa siyang pinagsusuntok.

"Aray naman! Ganyan kaba magsagot ng mahal mo rin ako? Sweet mo ha." nang-aasar talaga siya.

"Baliw!"

"Sayo."

"Tse! Dyan ka na nga!" Iniwan ko na siya. Ewan ko kung bakit ako naglalakad palayo sa kanya eh, alam ko naman na walang dumadaang sasakyan dito at ang layo pa nito sa bahay namin. My goodness! Di niya ba ako pipigilan? Pigilan mo'ko shokoy ka! Wala yata siyang balak pigilan ako, okay fine! Pag-aalis ako saan ako pupulutin? Kaya naisipan kong huminto nalang at sa paghinto ko ay may yumakap mula sa aking likoran.

"Gusto ko lang naman na marinig kung mahal mo rin ba ako. Bakit mo ako iniwan? Is that an asnwer?" may malungkot na boses niyang sabi at mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa aking bewang. "I'll protect you Trixcy, 'yung nangyari kay Joshua I will make it sure that it won't happen to us. Just tell me that you love me too, and I'll do my best para hindi ka nila galawin at masaktan. Just trust me and stop worrying about." sa mga sinabi niyang 'yun ay parang nagkaroon ako ng lakas ng loob at tapang sa puso ko. "Papatunayan natin kay Tito Harold na hindi na mangyayari pa ulit ang nangyari kay Thea. Let's fight together Trix. Hindi ko 'to kayang mag-isa, please Trixcy keep holding on." Unti-unti nang dumadaloy ang luha sa mata ko, tama si Jiro hindi niya magagawa 'to mag-isa kung mahal ko talaga siya hindi ko siya iiwan at pareho kaming lalaban.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "I give up." Sabay ko siyang ningitian.

"Huh?" Lintik! Ang slow niya!

"Slow mo rin eh no? Oo na mahal na kita." medyo nahihiya ko pang sabihin.

"Why did you say you give up?" Kunot noo niyang tanong.

"Did I say I'll give up on you? I give up my fear and I am ready to take the risk with you." Inis kong explain sa kanya. Tsk! Shokoy talaga.

"Ay, parang pilit eh." napakamot naman siya sa ulo niya. Nag cross ako ng braso at tiningnan siya ng masama. Pero bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at bigla niya akong hinalikan. Nagulat ako sa ginawa niya pero di katagalan ay nakikisabay narin ako sa halik niya habang hawak niya ang magkabilang bewang ko at pinagtagpo ko ang dalawang kamay ko sa leeg niya. Nararamdaman ko ang kuryenting dumadaloy mula sa katawan ko. We kissed romantically and passionately.

- * -

"Jiro napapansin kong, di ko na madalas nakikita si Xander?" napatanong agad ako nang makarating kami sa harap ng bahay.

"Wait, ako ba talaga gusto mo o si Xander, why looking for him?" Seloso tae!

"Syemre ikaw! Maliban nalang kung may ibang Jiro na dumating sa buhay ko." Pang-asar ko sa kanya.

"Weh? Nandito ako oh, pero bakit si Xander ang hinahanap mo, sabihin mo nga si Xander ba ang ibang Jiro mo?" nakapout niyang sabi, fishtea! ang cute niya talaga pag nagpapout. Kinurot ko naman pisngi niya "Aray! what was that for?"

"Ang panget mo pag nagpapout!" Benilatan ko naman siya "na miss ko lang si Xander!"

"Hoy! Pancake ang daya mo, dapat tayo lang wala ng ibang toppings ang pancake ko ha!"

"Oo, wala na ikaw lang ang toppings ko, honey!" at niyakap ko siya.. "sige pasok na ako, baka makita tayo ni papa."

"I'll talk to him." Napahinto naman ako sa sinabi niya.

"Not now!" Saka ko siya tinulak papasok sa kotse niya.

"Teka, basta wala ng Xander?" pinitik ko naman ang noo niya at hinimas niya agad ito.

"Si Xander ang baby ko." at tumakbo ako papasok sa gate para di niya ako mahabol. "Ang daya dapat di na magpapakita si X." Rinig ko pang sabi niya at sabay na umalis..

Hindi ko na talaga nakikita si Xander lately. Kumusta na kaya siya?

- * -

"Where are you going?" hinarap agad ako ni papa sa may pinto, paalis na ako ng bahay para harapin ang misteryosang babae kahapon na parang may alam ng lahat ng nasa likod nito.

"Don't worry hindi kami magkikita ng taong pinakaayaw at kinamumuhian mo." sagot ko nalang at nilagpasan siya. Alam ko naman kung ano ang iniisip ng ama ko, hindi niya gusto magaya ako kay Thea dati kaya ipapalayo niya ako kay Jiro. Ang liit nga naman ng mundo.

"Trixcy, kung hindi kita mapipigilan sa desisyon mo," napahinto ako at napabuntong hininga naman siya. "hahayaan kitang gawin ang gusto mo but please, mag-ingat ka." it means? bigla akong humarap sa ama ko at kita ko sa mga mata niya na masaya siya na nag-aalala. "You mean?"

"I allow you to be with him."

"Really?" sabay ako na lumapit sa kanya at niyakap siya. "Thanks dad." sobrang saya ko, hindi niya na ako ipapalayo kay Jiro which means tanggap niya na ang nangyari dati, at pinapatawad niya na si Jiro. Yey! "Anything for you Trix, pero ipangako mong iingatan mo ang sarili mo." He said worriedly.

"Yes! daddy, I will." hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko at na-e-excite ako na sabihin kay Jiro ang magandang balita na ito, now he's free to visit me at home hindi na siya itataboy ni dad. "So, magkikita ba kayo ni Jiro ngayon?" tsk! papa be like.

"Hindi po," nakangiti kong sagot "may pupuntahan lang ako sa mall classmate ko n'ong high school. She want to see me."

"Ah, sige ingat ka anak ha. Akala ko magkikita kayo siya na sana papuntahin ko dito." Daddy talaga.

"Sureness! Bye dad!" Umalis na ako sa bahay nang may ngiti sa mga labi at saya sa puso. Finally!

Nang makarating na ako sa isang coffee shop kung saan kami magkikita ay nakita ko agad ang pamilyar na babae. Lumapit naman ako at umupo sa harapan niya, pag-upo ko sa harap niya ay may nagserve agad sa akin ng isang cup ng kape.

"Glad you're here." Bungad niya nang may kakilabot na boses, hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Mali ba ang naisip kong harapin siyang mag-isa? Wala akong sinabihan kahit sino na mag-uusap kami ng babaeng 'to.

"Hindi ako narito para makipag laro, ano ang alam mo sa mga nangyayari?"

"Tsk! hindi mo ba tatanongin kung sino ako? Well, let me introduce myself I'm Jennifer a.k.a Jenny."

"Wala akong pake sa pangalan mo." I rolled my eyes.

"Halatang kinakabahan ka ah, don't worry sasabihin ko naman lahat but first, let's drink our coffee, cheers?" tanga yata siya dami niyang sinabi may cheers pang nalalaman. Ininom ko ang kape "So, sabihin mo na."

"Trixcy, why aren't you even thinking?" pagkasabi niya ay biglang bumilis ang kabug ng dibdib ko. "Anong nangyayari?" unti-unting lumalabo ang paningin ko hanggang sa sumakit ang ulo ko, now I realized she something on my coffee. "What have you done?" Pilit kong pinanlalabanan ang pagkahilo ko mukhang malabong hindi bibigay ang katawan ko. I'm screwed!

"Binggo!" ang huling narinig ko at dahan-dahan na nawawala ang paningin ko. Tae!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro