Chapter 41 ¤ Tears ¤

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Trixy's Point of view

"Say bye-bye, Jiro I love you daw!" Bakit ba ang demonyo ng Troy na'to! Siya pala ang pumatay sa kapatid ko bakit nakalabas pa'to ng kulongan dapat sa kanya binitay e, kainis!

Napapikit nalang ako at hinintay na iputok niya ang baril, at mas idiniin pa niya ang baril sa ulo ko, di ko maitago ang takot sa sarili ko at kaba sa pwedeng mangyari. Dahan-dahan niya na itong kinilabit.

"HUWAG!" Galit na napasigaw si Jiro, patawarin mo sana ako Jiro 'wag mo sanang sisihin ang sarili mo sa mangyayari ngayon. 'Di ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"Pag-ibig nga naman, magpaalam kana Jiro."

"Tj!" napadilat ako ng mata nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumawag kay Troy.

Napalingon kami ng sabay sa kararating na si Xander. "Xander?" gulat kong tanong, hindi naman kasi siya basta-basta na makakapasok dito kasi marami ang mga alipores ni Troy sa labas. Umalis Si Troy sa pagkatutok sa akin ng baril at nilapitan si Xander na may paakbay-akbay pa. What is happening?

Nalilito akong nakatingin kay Xander at Jiro, bakit di man lang nagulat si Jiro sa nakita niya? Dapat ay sinigawan niya na si Xander sa pinaggagawa niya ngayon, bakit wala lang sa kanya?

"Oops! Before I forgot, Xander is my loyal friend since we met. Right X?" Sabi pa ni Troy na may tawa at sabay na tinapik si Xander sa balikat.

Is this really true? How? Ang Xander na nakilala ko dati ay hindi ganito. He's innocent and caring what the hell I am seeing right now?

"Jiro, you know about this?" Naiinis na ako, akala ko pa naman safe na kami kasi andito si Xander para iligtas kami pero hindi eh!

"Jiro magsalita ka!" Pero nanatili lang siyang nakayuko at di kumikibo.

"I'm sorry Trixcy, pero 'yung Xander dati na concern sayo, may gusto sayo at napapasaya mo, ay ang kabilang Xander at hindi ang tunay na ako." Parang may biglang tumusok sa puso ko nang marinig ko ang sinabi niya. Bakit niya ito nagawa sa amin, hindi siya si Xander. How could he be the traitor?

"Xander sabihin mo andito ka kasi gusto mo kaming iligtas, kaibigan tayo dito diba? Bakit, anong nagawa namin ng mga kaibigan mo para maging ganyan ka?" Umiiyak na ako habang pinapalambot ang puso ni Xander. "Xander, please! Don't do this hindi ka naman ganyan diba?" Pero ngumiti lang siya ng mapakla.

"Stop fooling around Trixcy, kahit ano pang sabihin mo hindi makikinig si Xander sa'yo." Cold na saad ni Jiro. Bakit ganon na lang siya magsalita tanggap ba niya na ganito na si Xander? O baka alam niya na talaga 'to dati pa?

"Alam kong wala akong dahilan para gawin 'to pero ito 'yung pinili kong gawin dati ko pa kayong niloloko." sabay niyang kinuha ang baril na hawak ni Troy at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan namin. Habang papalapit siya sa gitna namin ni Jiro ay kinindatan niya pa ako at tiningnan si Jiro sabay na tumango, anong gusto niyang gawin?

"Trixcy, I'm sorry just say goodbye to Jiro first." sabay na tinutok kay Jiro ang baril, anong gagawin ko? How could you do this Xander? I hate him! But I need to beg!

"Xander No! Please!" Naiiyak kong sigaw sa kanya. Di ko mapigilang di umiyak dahil bukod sa pagtutok ni Xander ng baril kay Jiro ay may mga taohan rin na pinapalo siya ng tubo. Nasasaktan ako sa nakita ko di ko man lang maipaglaban ang taong nagpasaya sa'kin. Ang taong bumuo at nagparealized sa akin na mahalaga ang pamilya ko. Jiro...

"Enough!" sigaw ni X sa mga taohan niya dahil dugoan na si Jiro at hirap ng huminga. No! "This is the final." Ipuputok na ni Xander ang baril, kaya napapikit na lamang ako at hinintay ang pagputok nito, dahil di ko kayang makitang ganito so Jiro. Kung hanggang dito lang buhay namin ayoko ng masaksihan pa ang kasamaan nila.

"Trixcy, I love you." Ang tanging narinig ko sa bibig ni Jiro, at pumutok ang baril ng apat na besis. Napadilat ako ng mata sa gulat. 'Di ko inaasahang nakahandusay na si Tj pati ang tatlong taohan niya, habang tinatanggal naman ni X ang tali sa likoran ni Jiro. Anong nangyayari? Acting lang?

"Trixcy!" tumakbo si Jiro sa'kin at tinanggal ang tali sa paa at kamay ko, at sabay ko siya na niyakap, habang tumutulo parin ang luha sa mata ko. "It's okay, shh.." Pagpatahan niya sa'kin. Kahit bug-bog sarado na siya ay nagawa niya pa akong lapitan.

Di ko akalaing ang bilis ng kilos ni Xander, hindi lang man nakalaban sina Tj sa sunod na apat na putok.

"Jiro ang dami mong pasa!" Alala kong sabi. Dahil sa itsura niya ngayon talagang totured na siya, at kung ako ang nasa lagay niya patay na ako ngayon.

"I'm fine as long as you're alright." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Jiro, Trixcy let's go!" sigaw ni Xander dahil parang paparating na ang mga alipores ni Tj. Mabilis kami na lumabas pero sa paglabas namin ay nakaharang si Jenny sa exit, habang may dala-dalang baril.

"Do you think you can go that easily?" napakadevilish na pagkasabi ni Jenny.

"Jenny let us go! Ano pa bang gusto mo?"

"Ang gusto ko?" at tumingin siya sa'kin. "I want her die! Is my reason enough?" I think Jenny is the craziest woman I've ever met. She's a pshyco.

"Ano bang nagawa sa'yo ni Trixcy?" habang kasagutan ni Jiro si Jenny ay dahan-dahan namang gumagawa ng paraan si Xander para makalapit sa kanya.

"Because she's Thea's half sister!"

"What a nonsense Jenny, kayo ang magkaaway ni Thea, not Trixcy! Besides Thea is dead!" dahil ba naman sa kapatid ko papatayin niya ako. So lame.

"So what?!" At tinutok ang baril sa direksyon ko. Kinakabahan ako na iwan, parang may masamang mangyayari, I am going to die? Please 'wag naman sana, marami pa akong pangarap sa buhay.

Biglang pumutok ang baril hindi ko alam kung saan ito tumama, napayuko naman kami ni Jiro habang yakap niya ako, parang shield ko lang siya.

Inagaw naman ni Xander ang baril sa kamay ni Jenny pero hindi ito binitawan ni Jenny kaya dalawa sila ngayong may hawak ng baril habang pinag-aagawan. "Jiro, tumakbo na kayo!" kaya tumakbo kami, pero mahina lang kasi nahihirapan si Jiro na tumakbo dahil sa mga pasang natamo niya kanina.

"BANG!" Pumutok na naman ang baril, kaya napalingon ako, at nakita ko si Xander na nakaluhod. Damn this! Hindi namin pwedeng iwan si Xander na ganito na nahihirapan, kahit papano may utang na loob ako sa kanya dahil sa pagligtas niya sa'min.

"Jiro, hintayin mo kami dito."

"Where are you going?"

"Xander needs our help!"

"Trixcy, dilikado alam mo ba 'yun?"

"Alam ko pero kaibigan natin si Xander. Hindi natin siya pwedeng iwan." Hindi ko na hinintay na sumagot si Jiro at agad akong tumakbo papunta kay Xander at inalalayang tumayo.

"Trixcy, anong ginagawa mo?"

"Hindi kita pwedeng iwan dito. Tara na."

"Nice move Trix, ikaw na mismo 'yung lumapit. Good luck!" habang papatawa na sabi ni Jenny. Did I made things worst?

"Don't mind me just go, mas kailangan ka ni Jiro!" he refused. Pero tinulungan niya kami, kaya pinilit ko na alalayang tumayo at naglakad.

"Hep! Hep! Sa tingin niyo makakalabas kayo ng buhay dito?" at binaril niya ulit si Xander sa paa, kaya pareho kaming natumba ni Xander dahil mabigat siya di ko nakayanan na alalayan siyang maglakad. Baliw na talaga ang babaeng 'to.

"Jenny! pwede ba tama na?!" naiinis na talaga ako sa epokritang 'to wala ba siyang awa? O sadyang nawawalan na siya ng katinoan.

"Tama na? Okay, I'll end this now." Ang akala ko paaalisin niya na kami pero kinabahan ako nang tinutok niya sa akin ang baril.

"Jenny!" Sigaw ni Jiro, habang nahihirapan na maglakad papunta sa amin. "Ako nalang barilin mo!" Ika-ika siyang naglakad papalapit sa amin.

"Really? What a protective boyfriend you are, fine I'll let you die but first let me kill Trixcy, kaya 'wag kang excited." Ipuputok niya na ang baril sa'kin kaya napayoko nalang ako at napapikit habang naka harang ako sa harap ni Xander na ngayon ay nanghihina na dahil sa mga tamang natamo niya.

"Go to hell, Trixcy!"

"NO!" Napasigaw ulit si Jiro kasabay nang pagputok ng baril.

"BANG!" Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko, dahil napagtanto kong walang masakit na tumama sa katawan ko, sa pagdilat ko ay nakita ko si Jiro na nakatalikod sa'min at dahan-dahang lumuhod kasabay ng pagpatak ng dugo sa sahig, napatakbo si Jenny pero huli na dahil hinarangan siya ng mga pulis.

Literal akong napanganga habang nakikita ko si Jiro na naka handusay na sa sahig at mabilis na tumakbo papunta kay Jiro at niyakap ko siya. "Jiro, wake up!" sigaw ko sa kanya habang tina-tap ang pisngi niyan pero nawalan na talaga siya ng malay. Hindi ko man lang narinig ang boses niya bago siya makapikit. "Jiro, wake up! Hey talk to me!" Sigaw ko pero hindi na siya nagresponse pa.Agad naman siya na dinala sa hospital, pagdating namin ay diniretso agad siya sa Operating Room. Humahagulhol na ako ng iyak habang nakaharap sa pinto ng operating room kung saan pinasok si Jiro na dugoan at nag-aagaw buhay. Nilapitan naman ako ni Sophia para icomfort, inalalayan niya akong umupo sa bench sa gilid.

"Hey, everything will be fine."

"Fine? Sa tingin mo ba Sophia okay para sa'kin 'tong nangyayari ngayon? Kasalanan ko'to e! I'm so careless nakipagkita ako kay Jenny ng hindi pinapaalam sa inyo!" Kasalanan ko naman talaga 'to! Dinala ko sa kapahamakan si X at Jiro, anong klaseng tao ako hindi nag-iisip. "I'm useless! I made things worst."

"Trixcy, don't blame yourself walang may kasalanan okay?" Dag-dag naman ni Alex. Gusto lang naman nila na pagaanin ang loob ko pero alam ko sa sarili kong kasalanan ko talaga ang lahat.

"All we have to do now is to pray and wait, till the operation will done." Mahinahong sabi ni Rocky.

Di na ako nagsalita dahil 'di ko na mapigilan ang umiyak pa ng umiyak, what if Jiro will die? I can't forgive myself, I should die as well! I can't help but to cry and cry. What should I do? What did I do wrong to deserve this?

Di katagalan ay may isang babaeng na di gaanong katandaan na pumunta sa harap namin. "Tita Jackie, don't worry Jiro will be fine." sabi agad ni Alex ng makarating ang babae sa harap namin.

"What's the doctor said." May malungkot na boses na sabi nito, if I'm not mistaken, she's Jiro's mother.

"Three hours napo kami dito pero di parin lumalabas ang doctor." Pagkasabi ni Sophia n'on ay napaupo si Tita Jackie sa tabi ko at humgulhol ng iyak. Para sa isang ina masakit na makita mo ang anak mong nasa ganitong sitwasyon. Nararamdaman ko ang sakit na dinadaanan niya ngayon.

"Tita be strong." Comfort ko sa kanya sabay ko na ti'nap ang balikat niya.

"By any chance, are you Jiro's girlfriend?" tumango na lamang ako at umiwas ng tingin sa kanya, natatakot ako na baka isisi niya sa'kin ang nangyari sa anak niya. "I'm sorry tita, it's all my fault." Tanga naman Trix, ayaw mong sinisisi pero ikaw mismo 'tong gumawa ng paraan.

"No, it's okay don't blame yourself. Finally I met you, pero sa ganitong sitwasyon nga lang." Napatawa siya ng pilit. Magsasalita pa sana ako pero biglang lumabas ang doctor sa Operating Room.

"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?"

"Yes doc." Sagot agad ni tita Jack "How's my son's condition?"

"He's safe for now, but we don't know what will happen next kaya ipagpatuloy parin namin ang pag-oobserba sa kanya and we can not sure if he survive. Excuse me." At umalis na ang doctor pero, di parin gumagaan ang loob ko dahil sa ngayon ay okay pa siya anong mangyayari sa susunod? We can not sure if he survive.

"Saan pupunta si Tita Jack?" nagkatinginan ang lahat. Mga ilang oras ay bumalik rin siya. "Saan po kayo galing tita?" Tanong ni Rocky.

"Oh, I just settled the bills. Anyway, you can go now I can handle this don't worry." Sabi niya at nagpaalam naman sila. Nauna na sina Alex, Rocky, Fyzer at Sophia, ako naiwan lang dito mag hihintay ako until Jiro wake up.

"How 'bout you Trix?"

"Uhm, its okay tita Jack, sasamahan nalang kitang magbantay kay Jiro."

"No, I'll be fine. Umuwi ka muna sa inyo maligo dahil duguan pa ang katawan at damit mo, at magpahinga kana. I know you're frustrated right now." Medyo nangamgamoy na rin ako dahil sa mga dugong nakuha ko kanina. Pero ayaw kong iwan si Jiro.

"Sige po tita, babalik nalang po ako bukas at dadalhan kita ng chicken soup." Ngiti kong sabi at ngumiti lang din siya.

"Okay, babalitaan nalang kita, ha?" Tumango nalang ako at umuwi na, pagdating ko sa bahay ay sinalubong agad ako nina mama at papa. Alam na rin pala nila ang nangyari, hindi muna ako nagsalita habang paakyat ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay sinimulan ko ng ayusin ang sarili. Wala ng iba pa ang pumapasok sa isip ko kundi si Jiro kumusta na kaya si Jiro ngayon? Alam kong kakaalis ko pa lang sa hospital pero di ko maiwasang di mag-alala. Anytime his condition will change.

Pagkatapos ko ng ayusan ang sarili ko ay humiga ako sa kama. Sa sobrang pag-aalala at pagsisi ko sa sarili ko ay di ko naman mapigilan ulit na umiyak. Hindi yata sila maubos-ubos kanina pa sila lumalabas pero hanggang ngayon ito umaagos parin halos mabasa na 'yung unan sa kakaiyak ko. I pray na sana walang mangyayaring masama sa kanya dahil kong meron man, I can't really forgive myself, kasalanan ko naman talaga ang nangyari kung hindi ako nagpakatanga na nakipagkita sa Jenny na'yun e di sana wala ang ganitong pangyayari ngayon. "You're useless Trixcy!" sumbat ko sa sarili habang patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko. Hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan. Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, kinuha ko ito mula sa table na nasa gilid lang ng kama. "Hello?" medyo sabog ko pang sagot sa kabilang linya.

["Trixcy, alam kong hindi dapat kita tinawagan pero... kasi si Jiro!"] nag-aalalang sabi ni Sophia sa kabilang linya.

Kinakabahan ako na ewan, kaya agad ako na nagbihis at umalis na ng bahay na suot ko ay tsinelas lang. Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Sophia dahil sa sobrang kaba at pagpanic ko. Pumara ako ng taxi para makapunta ng Hospital pero sa highway palang ay mahaba na traffic.

"Manong, wala na bang ibang daan!?"

"Sorry ma'am nasa gitna na kasi tayo ng traffic di na tayo makakabalik pa." Ano ba naman yan! "Kuya, bayad ko dito nalang po ako." hindi naman gaano kalayo ang hospital kaya tatakbuhin ko nalang.

Hingal ako na nakarating ng hospital ay nadatnan kong wala na si Jiro sa room niya at nakita kong namumugto ang mata ni Sophia at ang lungkot ng mga mukha nila. "Nasaan si Jiro?" Naiiyak ko na tanong sabay ng paghingal ko.

"Trixcy!" Agad ako na niyakap ni Sophia. Bakit ganito 'yung nararamdaman ko ang bigat ng puso ko. Parang may tinusok dito. Ano ba talaga ang nangyari kay Jiro? "Sophia what happened? Where is Jiro and tita Jack?" I can't help but to cry. Wala akong alam kung ano ang nangyari where is he, what happened to him?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro