Chapter 9 ¤ Hero of the Night ¤

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Trixcy's POV

"De Guzman, girlfriend mo ba 'to?" Saka ako inakbayan ng lalaki. Tae alam niya bang wala pang umaakbay sa akin na lalake?! Binali ko ang hintuturo niya para maalis ang braso niya sa pag-akbay sa akin. Buong pwersa ko iyong binali para talaga mawalan siya ng daliri, sa kasamaang palad ay mas malakas ang unggoy na'to kaysa sa akin kaya nasapak niya ako sa mukha dahilan na mapadapa ako sa kalsada. Tae ang sakit!

"Waahhh mommy!" Naiiyak kong sigaw. Kita ko naman ang paglapit sa akin ni Jiro at tinanong ako ulit.

"Masakit ba?" Sarap niya kutusan.

"Hindi, iiyak ba ako kung hindi masakit ha? Tipaklong ka tinatanong pa ba 'yon!?" Saka ko siya tinulak. "Stupid."

"Bakit ba nagagalit ka?" Inis niyang sabi.

"Eh ang engot mo magtanong eh! Ikaw kaya magpasapak sa kanila tapos tatanongin kita kung masakit ba? Ano–" Magsasalita pa sana ako nang umepal 'yong mga panget.

"Jiro, mukhang ayaw na ng syota mo sa sa'yo." Nakangising sabi ng isang panget. Mabilis naman ako na nagtago sa likoran ni Jiro habang nakahawak ang magkabilang kamay ko sa balikat niya.

"The hell are you doing?" Hindi ko makita pero alam kong nakakunot na naman ang noo nito.

"Ano ba sa tingin mo ha? Malamang nagtatago. Ang engot mo talaga magtanong pang-ilan na ngang tanong 'yan?" Saka ko siya tinaasan ng kilay.

"I don't know, I'm not counting it." Anak ng tilapya!

"Miss sa amin ka nalang, pasasayahin ka namin." Nagtawanan naman silang tatlo. Mommy nakakatakot sila.

"Nasaan na nga ba ang boss niyo at nagtatyaga na lang kayo dito sa kalye ng mapagtripan?" Hindi ko alam kung anong klaseng ugali meron ang shokoy na'to pero nakakatakot ang tono ng pananalita niya. Kanina ko pa rin nahahalata na parang magkakilala na sila.

"Pfft... Si Troy? Hahaha! Namiss mo ba siya?" Matapos sabihin ng onggoy 'yon ay nakita ko ang pagsara ng kamao ni Jiro kaya dahan-dahan akong napalayo sa kanya, galit na kasi yata eh. I think he's about to punch the ugly faces of those jerks. "Wag kang mag-aalala, mukhang magkikita na naman kayo ulit ng bestfrenemy mo." Saka sila nagtawanang lahat.

Kinagulat ko nalang nang tumakbo niya papalapit sa mga panget na 'yun at pinagsusuntok. Hindi lang natapos doon nang lumaban pa ang mga panget na unggoy ay sinipa niya ito sa leeg pagkatapos ay pinagsusuntok niya ito sa mukha. Umatake naman ang isang panget, hindi iyon napansin ni Jiro kaya nasuntok siya nito sa mukha. Napaatras siya at bahagyang napahinto saka pinahid ang gilid ng bibig niya gamit ang kanyang daliri. Tinanggal niya ang tatlong butones ng polo niya saka pinilo pataas ang sleeves nito at sumugod sa dalawang unggoy na papaatake din sa kanya. Sinipa niya ang isa sa tiyan at siniko naman ang isa pa sa batok nito, natatamaan rin siya ng suntok pero hindi 'yon sapat na manghina siya, buong lakas at pwersa niya itong nilabanan. Wow! Ang lakas niya naman nagpapractice ba siya ng martial arts? Matapos niyang mapatumba ang tatlo na nahihirapan na itong makatayo ay naglakad siya papalapit sa akin. Sa paglapit niya sa akin ay nakatingin lang siya mga mata ko at ganon din ako, napalunok ako ng sariling laway nang makita ang tumutulong pawis mula sa buhok niya pababa sa kanyang mukha.

"What's with that look?" Kunot noo niyang tanong. I composed myself and cleared my throat upon answering him.

"You knocked them down." I smiled.

"Psh! Next time 'wag kana maglakad mag-isa, delikado swerte ka lang ngayon kasi nagkataong dumaan ako dito. Tsk!" Pangaral niya at kinagulat ko nang hinawakan niya bigla ang kamay ko. Naglakad na siya–este kaming dalawa pala dahil hawak niya kamay ko malamang susunod nalang ako.

"Hey! Hindi pa tayo tapos!" Sigaw ng mga panget nang maglakad na kami. Huminto naman si Jiro para lingonin siya pero nang makalingon siya ay nasuntok na siya nito. Ang bilis naman. Nabitawan niya na kamay ko at sinuntok din 'yung lalaki. Humawak na ng bato 'yung lalaki kaya humanap agad ako ng paraan para makatulong, may nakita akong karton sa basurahan kaya pinulot ko iyon. Para saan? Pampalo malamang. Ayon kinuha ko na at pinalo ko d'on sa lalaking magbabato sana ng bato kay Jiro.

"Hmp! Tae ka lumayas na kayo!" Sigaw ko habang pinapalo parin ng karton 'yong lalaki. Pero ang panget di man lang nasaktan. "Hindi ka nasaktan?" Ngisi kong tamong nang harapin niya ako. Nakakatakot kasi.

"Stupid woman, how could he get hurt when you just used a caryoon to hit him?!" Inis na sigaw ni Jiro.

"Malay ko bang bakal pala katawan niya?" Sungit kong sagot. Nasa likoran ng lalaki si Jiro kaya sumilip pa ako sa gilid para sagutin siya pero ang hindi ko inaasahan ay sinapak ako ulit ng panget. "Bakla ka ba? Masakit 'yon ah!" Sigaw ko.

"Ah bakla?" Sasapakin pa sana ulit ako ng lalaki nang bigla nalang itong tumilapon sa lupa. That was cool, nag flying kick kasi ang shokoy.

"If I'll see your faces again, I won't spare you." May side pala na ganito si Jiro? Katakot ngayon alam ko na ang kahihinatnan ko pag ginulo ko siya. The problem is I messed with him. "Let's go." Cold niyang sabi. Eh? Ganon lang 'yon?

"Wait I have an unfinished business with them." Taas noo kong sabi saka lumapit sa tatlong hirap sa pagtayo.

"What?"

"Kayong mga asungot kayo mga walang hiya kayo!" saka ko sila sinipa isa-isa "alam niyo bang ang sakit ng sapak niyo sa mukha ko?" hinablot ko naman ang buhok ng dalawang lalaki na sumapak sa akin. "Akal niyo nakalimutan ko 'yun?!"

"Ahh! Miss... aray!" Sigaw nilang dalawa. "Ano masakit? Mas masakit pa 'yung sapak niyo diyan!" tsaka ko pinabunggo ang ulo nila ng paulit-ulit. "Hoy! Babae ka ang sakit!" Kita ko naman na nakapamewang lang si Jiro na pinapanood ako. "Masakit talaga!"

"Tama na 'yan." Utos ni Jiro pero ayaw ko talaga silang tigilan, nanggigil ako eh! "I said enough." Bahala ka dyan!

"Miss aray! Ahw! Tama na, sorry na sorry!"

"Ah sorry?" Lumayo ako ng kunti para gayahin ang flying kick ni Jiro kanina. Ito na sasabog talaga bungo niyo. "Yaahhh!" I was about to do the flying kick when Jiro stopped me by putting his palm on my forehead. "Aisht! Wag mo akong pigilan!" Hindi ko inaasahan ang ginawa niya at binuhat niya ako na parang sako. "Hoy! Shokoy ka anong ginagawa mo hindi pa ako tapos sa mga panget na 'yon! Hindi pwedeng ikaw lang 'yung nambugbog sa kanila!" Walang tigil ako sa kakasigaw habang sinusuntok likod niya.

"Pwede ba tumahimik ka? Ang ingay mo at 'wag kang malikot ang bigat mo!"

"Aba sino ba may sabing buhatin mo'ko?"

"Wala!"

"Wala naman pala, edi ibaba mo na ako!"

"Why would I?"

"Waahhh!"

"Ingay mo!"

Jiro's POV

Nandito kami ngayon ni Trixcy sa Condo ko malapit lang kasi sa pinangyarihan kanina, well dinala ko lang naman siya dito para magamot 'yung pasa niya. Tutulong na nga lang magiging lampa pa, karton ba naman ginamit pampalo sa kalaban? Ang hyper niya pa kanina, ayaw pa tigilan ang mga gagong 'yun sa pagtorture. Para siyang bata na ayaw paawat dahil kinuha ang candy niya. I heard her frowned.

"Sayang 'yon shokoy eh, kung di mo sana ako pinigilan baka sabog na mga bungo n'on!" Diininan ko naman ang pagcompress ng cold compress bag dahil sa sinabi niya. I can't believe there's a woman like her. "Aray! Ano ba mukhang dadagdagan mo pa pasa ko eh!" Sigaw niya. Ewan ko ba sa sitwasyon namin ng babaeng 'to, kung makasigaw siya akala niya close kami.

"Stay still and quite." I commanded her. Ayoko sa mga maiingay.

"Tsk! Sungit!" She pouted. She's kind of cute tho. Eh?

Habang ginagamot ko pasa niya naisip ko naman ang nangyari kanina. Akala ko may mga abnormal na tao lang na gustong gumawa ng milagro sa daan 'yun pala pinag tripan na siya nina Jerson, Romeo at Wasil. Nang makita ko ang pagmumukha nila naalala ko muli ang masakit na nangyari noon. I lost someone precious because of them.

"Hey! Trix are you okay?" tanong ko baka kasi na-disarrange na mga tunilyo niya sa utak dahil sa pagsapak sa kanya ni Romeo at Jerson sa mukha kanina. Hanggang ngayon nananakit parin sila ng babae.

"Yeah! I'm fine. I just can't help myself from thinking about those bastards! Kung bakit kasi pinigilan mo ako!" Ghad! She can't move on?

"Seriously? That wasn't a big deal. If you killed them you might go to prison or worse hell."

"Aba, akala mo naman sa langit ka pupunta?"

"I didn't mean it literally. Tsk!" I said in annoyance "it's still swollen, masakit parin ba?" I'm not concern about her.

"Nah! Just a piece of cakes." Nakangiti niyang sabi. "Ikaw ba, mukhang pati katawan mo sumakit din."

"Nope." tipid kong sagot.

"Ang tipfdfh naman mag salita nito." mahina lang ang pagkasabi niya kaya di ko gaano marinig 'yong una niyang sinabi ang labo kasi.

"Ano 'yong tipfdfh, may harang ba dila mo?" kunot noo kong tanong.

"Nako naman! tinatanong paba yan Jiro? Intindihin mo na lang kaya." Paano ko maintondihan eh ang labo naman. Ysk!

"ARAY!" tinapik niya kamay ko nang idiin ko ulit ang compress bag sa pasa niya. "ano ba shokoy ka dahan-dahan nga lang sa pagcompress masakit kaya!" sigaw niya, buti nga sakanya ang lakas ng tama eh tinatanong ng mabuti ka pilosopohan naman sinasagot.

"Tsk!" Umiling nalang ako, hindi ako mahilig mag sorry lalo na kung sinasadya ko. "Kasalanan mo rin naman kung hindi ka lang tanga na karton ang ginamit pampalo wala kang pasa ngayon. Mangingi-alam na nga lang kapalpakan pa."

"Ah, ganon kasalanan ko pa talaga?" Saka siya nakapamewang na tumayo. "Kung tutu-usin ikaw nga 'tong nakialam eh, kala mo naman kung sino kang super hero tinulongan nga kitang di ka mabato diba tapos ngayon magagalit ka, tse! Ang abstract ng ugali mo! Istupido't aroganteng shokoy!" Ano daw, ako nakialam? Pasalamat nga siya nandun ako eh!

"Hoy! Kulelat na bungangera!" napatayo narin ako "dapat nga pasalamat ka na dumating ako dahil kung hindi ako dumating, baka saan ka na ngayon pupulutin! Kung nagkataon siguro nasa basurahan kana ngayon pinag pyestahan ng mga ipis, at isa sa pinakaayaw ko" mas nilapitan ko siya "AY ANG TAWAGIN AKONG SHOKOY!" This time tumaas na boses ko, naiinis na talaga ako sa babaeng 'to kumukulo dugo ko sa kanya.

"Pwede ba ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na pag nagsalita ka siguraduhin mong hindi uma-ambon bibig mo talsik pa sa mukha ko laway mo! And one thing mister shokoy 'wag mo rin akong tawaging kulelat na bungangera kung ayaw mong matikman suntok ko, hmp!" sigaw niya habang yinuro ang dibdib ko "you get it?" Napahilamos ako sa mukha ko sa sinabi niya. She's really pissing me off.

"Don't give me a reason to hurt you woman. You're pissing me as hell!"

"Edi mainis ka, may kasabihan nga sila na 'The more you hate the more you love.' Nang-iinis ba siya? Pasalamat talaga siya babae siya.

"Anong sabi mo? Epekto ba 'yan ng pagsapak sa'yo kanina, baka gusto mo sapakin din kita para mabalik ka sa pag-iisip mo?" I don't know what's this woman is thinking but I can feel weirdness.

"Aah-ehh wala sabi ko the more you hate , the more you hate me more more more and more."

"You're crazy!"

"Hmm... let me say that I'm crazy for you." Kininditan niya pa ako. Talagang iniinis niya ako.

"Pag di ka pa tumigil diyan kakaladkarin talaga kita palabas dito." I threatened her. "Ano nga ulit sabi ko shokoy?" Nang-iinis talaga siya.

"Wag mo'ko idamay sa kabaliwan mo."

"Ang sinabi ko lang naman ay uuwi na ako dahil may date pa ako at exactly seven. So, buh-bye shokoy." Sak na siya umalis

"Di man lang nagpasalamat." bulong ko sa sarili ko. Huminto naman siya at nilingon ako.

"May binulong ka?"

"Wala sabi ko bye! At sana ma-stuck ka elevator." Walang gana kong sabi sa kanya.

"Thanks sa concern mo ha! So much appreciated." Taray niyang sagot sabay tawa. May sayad yata sa utak ang babaeng 'to.

"At ano naman ang nakakatawa?"

"Wala, masama ba tumawa ng walang dahilan?" Goodness she's crazy!

"Umalis kana nga lang baka ipakain pa kita sa hipon eh."

"Tangik!" Binatukan niya naman ako.

"Engot ka, ba't mo'ko binatukan?!" Ang ganda ng gabing 'to I got into fight and talking with this crazy woman.

"Pfft! Ipakain daw sa hipon gaano ba kalaki ang hipon mo kasing laki ba ng balyena? Kung makahipon ka dyan para kang bata." natatawa niyang sabi "Sige hipon este shokoy alis na'ko bye!" Binuksan niya ang pinto at nang malapit na siyang makalabas ay huminto ulit siya at nilingon ako. "Wait I think I forgot something?" Nilingon ko naman ang paligid para tingnan kung may naiwan nga siya.

"What is it?" I asked.

"Shunga! Forgot nga diba paano ko maalala?!" Sumasakit ulo ko sa kanya.

"Ano tinawag mo kong Shunga!"

"Hindi tinawag kitang bobo, binge lang?" Ugh! I hate this!

"Screw this! Ano ba kasi nakalimutan mo?" napa himas ako sa sintido ko.

"Uh... Thank you nga pala, kanina ah!" Malambing na boses niyang sabi, "yan ang nakalimutan ko ang magpasalamat sa kabutihan mo kahit kanina ka lang mabait, salamat pa din." Di na ako nagsalita hanggang sa umalis na siya at diko inaasahan na may ngiting mabubuo sa labi ko. Why am I smiling?

Pumunta na'ko sa kwarto ko at naisipan kong buksan ang isang drawer ng cabinet kung saan nakalagay doon ang ala-ala niya. Kinuha ko ang isang picture at tiningnan ito. "Miss na miss na kita, di ka parin nawala sa puso ko." Bulong ko sa hangin habang tinitingnan ang picture niya. I don't why every time I talk or saw Trixcy I remember her, nakikita ko siya. "It's been years since you left and I can't get over from it." Humiga ako sa kama at pumikit naramdaman ko nalang sa may mainit na tubig ang tumulo mula sa mata ko. I wish someday this pain will disappear. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro