Case #475

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

LIZEAH'S POV

"Tahan na, Linnea. Shh..."

Hinele-hele ko ang aking kapatid na si Linnea, isang taong gulang. Medyo tumahaan naman ito nang kantahan ko. Nang makatulog si Linnea, dahan-dahan ko siyang inilagay sa kaniyang crib. Nakangiti akong pinagmasdan ang kaniyang mala-anghel na mukha. 

Bukod kay Mama at Kuya, si Linnea ang pinakamahal kong tao. Ako lamang ang naga-alaga sa kaniya dahil may trabahong pareho sila Mama at Kuya. 

Si Mama Lycory ay may binabantayang isang computer shop malapit dito sa bahay. Si Kuya Ledger naman ay nagta-trabaho sa Manila at umuuwi lamang kapag weekends. 

Noong una pa nga, sinuhestiyon ni Mama na dalhin niya na lamang sa computer shop si Linnea ngunit nag-prisinta akong ako nalang ang magbantay sa kaniya. Tutal, wala pa naman akong pasok at sa susunod na araw pa ang enrollment namin.

Labing tatlong gulang na ako at grade 8 na ako sa pasukan. Ang pangalan ko ay Lizeah Garcia. Ang family name namin na Garcia ay apelyido pa ni Mama nung siya ay dalaga dahil simula nang mag-divorce sila ni Papa six months ago, pinalitan na ni Mama ang mga apelyido namin sa aming birth certificate. 

Isang beses sa isang buwan lamang bumisita si Papa Lemuel dito sa bahay. Minsan nga, hindi pa siya bumibisita, eh. May pamilya na rin kasi siyang bago, at sa pagkaka-alam ko, mayaman daw ang napangasawang bago ni Papa.

Hindi naman mataas ang antas ang pamumuhay namin, ngunit hindi rin naman mababa. Kumbaga, ayos lang. Nakaka-kain kami, may natutulugan, may mga maayos na damit at nakakapag-aral din kami ni Kuya.

College na kasi siya at pinagsa-sabay niya ang pagta-trabaho at paga-aral. Bilib nga ako sa kaniya, eh. Idol ko siya sa totoo lang.

Napabalik ako sa huwisyo nang marinig kong umiiyak na naman si Linnea. Dali-dali akong pumunta sa kusina at nag-timpla ng gatas niya. Nang makabalik ako, binuhat ko ulit siya at pina-inom ng gatas sa kaniyang baby milk bottle.

Pina-upo ko siya sa rubber mat matapos niyang uminom ng gatas. Hinugasan ko muna ang bote bago ako lumapit muli sa kaniya. Inilabas ko ang mga laruan niya at nagsimula kaming maglaro.

"Kita mo 'to, Linnea?" Itinaas ko ang laruang eroplano. "Eroplano ang tawag dito. Puwede mo bang ulitin?" nakangiti kong tanong.

"Erolano." Natawa naman ako sa sagot niya.

"Malapit na, Linnea. Gayahin mo ako, ah? E-"

"E-"

"-ro-"

"-ro-"

"-pla-"

"-pla-"

"-no-"

"-no-"

"Eroplano."

"Erolano," nakangiti niyang sagot. Akala siguro niya ay nabigkas na niya ng tama. Nakaka-tawa talaga ang kapatid ko. Tumatawa akong ginulo ang maikli niyang buhok. 

"Sige na nga, erolano na ang tawag diyan. Alam mo, kapag naging flight attendant na ako, isa-sama kita palagi sa eroplano, Linnea. Tapos, pupunta tayo sa iba't ibang bansa kasama si Mama at Kuya. At saka, para na rin mag-enjoy sila at hindi na puro trabaho ang ginagawa."

Matamang nakikinig lamang siya sa mga sinasabi ko na parang naiintindihan niya ito. Halos ganito lagi ang eksena kapag kami lang dito sa bahay. Bata pa lang ako, flight attendant na talaga ang gusto kong maging trabaho.

Noong una pa nga, piloto ang gusto ko dahil ito ang nagpapa-lipad sa eroplano ngunit sinabi sa akin ni Papa na pang-lalaki lamang iyon kaya flight attendant nalang ang gusto ko. Hays, na-alala ko na naman si Papa, e. Papa's girl kasi ako kaya malapit talaga ang loob ko kay Papa. Ngunit simula noong nag-hiwalay sila ni Mama, kinamuhian ko na siya.

Ginusto kong maging flight attendant dahil piloto si Papa noong sila pa ni Mama. Kalahating American si Papa kaya sa kaniya ko namana ang aking brown eyes, at brown hair. Si Linnea at Kuya Ledger ay parehong black eyes. Pero si Linnea ay brown hair din samantalang si Kuya ay black hair naman. 

Sa madaling salita, 25% percent American kami nila Kuya Ledger, at Linnea. 

Nagulat ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Mama na medyo hinihingal. Dati naman, kumakatok muna siya, e. 

Nilagay ko si Linnea sa crib niya bago ko bigyan ng tubig si Mama. "Okay lang po ba kayo, Ma? Bakit parang hingal na hingal po kayo? May nangyari po ba?" sunod-sunod kong tanong.

Uminom muna siya ng tubig at naupo sa sofa namin. "Ayos lang ako, Lizeah, anak. Medyo madami lang ang costumer kanina sa computer shop kaya ganito ako," nakangiti niyang sagot. Lumapit siya kay Linnea at binuhat ito. "Kamusta na ang baby Linnea namin?"

"Mamma," nakataas pa ang dalawang kamay niya habang sinasabi 'yon. 

Hinayaan ko muna sila Mama doon at pumasok akong banyo para maligo na. Pagkatapos ko, naligo na rin si Mama kaya kinuha ko muna si Linnea. Saktong natapos si Mama maligo ay binuksan ko ang tv para manood ng balita.

"Ang pinaghi-hinalaang unang kaso ng COVID-19 dito sa Pilipinas, nakumpirma na,"  wika ng news reporter sa tv. "Mga napuntahang lugar ng nasabing pasyente ay off-limits muna."  Ipinakita sa screen 'yung mga lugar na pinuntahan ng pasyente bago siya maging positive sa COVID-19.

Alam ko na ang COVID-19 dahil nag-research na ako ng tungkol dito dati nang mabalitaan kong mayroong ganitong klase ng sakit na kumakalat sa Wuhan, China.

Nagulat ako nang mabasa ko ang isang lugar na malapit lamang sa pinagta-trabahuhang computer shop ni Mama. "Ma, 'wag ka po muna pumunta sa computer shop bukas. May malapit po kasi doong lugar na pinuntahan ng first patient of COVID-19 dito sa Pilipinas."

"Kung hindi ako pupunta, sino ang magbabantay doon,anak?" Napasimangot na lamang ako sa sagot niya. "Hayaan mo, magi-ingat naman ako, eh. Hindi muna ako masiyadong lalapit sa mga costumers."

Napabuntong-hininga ako. Kahit anong sabihin ko, hindi ko naman mababago ang sinabi ni Mama, eh. At saka, may tiwala naman akong magi-ingat talaga siya at hindi muna siya masiyadong makikisalamuha sa mga costumers niya.

"Hays, sige na nga po, Ma. Siya nga po pala, matutuloy po ba ang uwi ni Kuya sa susunod na araw?"

"Bakit naman hindi matutuloy, anak?"

"Eh, kasi po, may first patient na po ng COVID-19, eh. Baka po, hindi na matuloy 'yung uwi niya." Naga-alala kasi ako para kay Kuya.

Lumapit siya sa puwesto namin ni Linnea. "Anak, alam kong naga-alala ka para sa kaligtasan ng Kuya mo. Ngunit paniguradong uuwi pa rin 'yon si Ledger. At saka, isa pa lang naman ang pasiyente, di ba?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Tumango ako at ngumiti na rin. "Ma, magluluto na po ako. Ano pong gusto niyong ulam?" 

"Sinigang na baboy na lang, anak." Tumayo na ako matapos niyang sabihin kung anong gusto niyang ulam. 

Kinuha ko na ang baboy mula sa ref at nagsimulang magluto. Habang nagha-hati ako ng sitaw ay bigla kong narinig na umubo-ubo si Mama kaya napaharap ako sa kaniya. "Okay lang po ba talaga kayo, Ma?"

"Oo, ayos lang ako, anak. Nabilaukan lang," sagot niya na nakapagpa-kunot sa noo ko. Nabilaukan? Eh, hindi naman siya umiinom ng tubig, ah. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako kay Mama kaya biglang kong na-kutsilyo 'yung daliri ko.

"Awwww!" Binitiwan ko ang kutsilyo at hinipan ang index finger kong dumudugo pala.

Dali-dali namang pumunta dito si Mama na buhat si Linnea. "Anong nangyari sa'yo, anak? Parang ikaw ang hindi okay, eh," naga-alala niyang wika.

Lumapit ako sa lababo at hinugasan ang sugat ko. "Wala po 'to, Ma. Nasugat lang po ako sa kutsilyo."

Kumuha naman ng band aid si Mama. "Ano ba kasing ginagawa mo, ha?"

"Wala po talaga 'to, Ma, promise. Hindi naman po masakit. Kaunti lang, hehe." Nilagyan niya ng band aid 'yung sugat ko.

"Gusto mo bang ako nalang ang magluto, at ikaw nalang ang mag-alaga kay Linnea?"

Napatingin ako kay Linnea na may bahid din ng paga-alala sa mukha. Ngumiti ako sa kaniya. "Ako na po ang maglu-luto, Ma. Para makapag-pahinga po muna kayo."

"Oh, sige. Basta, mag-ingat ka ulit, ha? Ayokong nakikitang may sugat kahit anong parte ng katawan ninyong magka-kapatid." Bumalik na sila pagkatapos niyang sabihin 'yon. Kahit kailan talaga, ang sweet ni Mama. 

Tinawag ko na sila Mama para kumain pagkatapos kong mag-luto. Ako ang nagpapa-kain kay Linnea at si Mama naman, tuwang-tuwa habang pinapanood kami. Ang cute daw, eh.

"Ako na ang maghu-hugas dahil ikaw naman na ang nagluto, Lizeah, anak. Siya nga pala, kunin mo ang phone ko at tawagan mo ulit ang Kuya Ledger mo. Tumawag kasi kaninang nasa trabaho pa lamang ako," saad ni Mama at tumango naman ako bilang sagot.

Kinuha ko ang phone ni Mama at sinimulang tawagan si Kuya. Naka-isang ring palang ay sinagot na niya ito. "Hello, Kuya?"

"Kamusta kayo diyan, Lizeah? Kamusta si Linnea? Hindi ba masyadong nag-pasaway sa'yo?" sunod-sunod niyang tanong. Batid kong nakangiti siya sa mga oras na ito.

"Okay lang naman po kami dito, Kuya Ledger. Hindi naman po pasaway si Linnea, eh. Kayo po diyan, Kuya? Kamusta? Makaka-uwi po ba kayo sa susunod na araw?" Kahit sinabi na ni Mama na makaka-uwi si Kuya, gusto ko pa rin siyang tanungin para sigurado.

"Hindi pa ako sigurado pero gagawa ako ng paraan para maka-uwi. Miss ko na kayo nila Mama at Linnea, eh."

Napatawa naman ako sa sagot niya. "Eh, nandito ka lang po sa bahay nung weekend, Kuya, tapos miss mo na po agad kami?"

"Eh, sa miss ko na kayo eh. Sigurado naman akong miss niyo na din ako. Lalo na ikaw, Lizeah." Nagtawanan naman kami. Sa totoo lang, medyo miss ko na din si Kuya. "Siya nga pala, hindi ba nahawa ng ubo si Mama?"

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. "Bakit naman po mahahawaan si Mama ng ubo, Kuya? At saka, umubo nga po siya kanina pero sabi niya, nabilaukan lang po siya."

Narinig kong napabuntong hininga siya sa kabilang linya. Anong meron? "Noong tumawag kasi ako sa kaniya kanina, may naririnig akong umuubo malapit sa kaniya. Sinabihan ko na siyang lumayo mula doon sa umuubo kaya lang, sabi ni Mama, nagbabayad daw kaya hindi naman niya basta-basta malayuan."

"Hindi naman po siguro nahawa si Mama, Kuya." Kahit ganoon ang sinabi ko, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala para kay Mama. Sana nga, hindi siya nahawa.

"Sana nga, tama ka, Lizeah. Nabalitaan ko kasi kaninang may first patient na ng COVID-19 at may isang lugar na pinuntahan ang pasyente na malapit sa computer shop kung saan nagta-trabaho si Mama. Naga-alala ako kasi baka may nakasalamuha si Mama na nakasalamuha din ng pasyente."

"Hindi 'yan, Kuya. Kilala mo naman po si Mama, 'di ba? Nagi-ingat po kaya siya. Gusto niyo po bang kausapin si Linnea?"

"Sige." Inilapit ko sa tainga ni Linnea ang phone ni Mama at dahil pinindot ko ang loud speaker, naririnig kong nagsasabi si Kuya ng mga nakakatawang salita. Pati tuloy ako, hindi maiwasang mapatawa.

Nagpa-alam na si Kuya dahil may gagawin pa daw siyang assignment nila. Binalik ko ang phone ni Mama kung saan ko ito kinuha. Napatingin ako kay Mama nang umubo na naman siya.

Nilagay ko muna sa crib niya si Linnea bago ako lumapit kay Mama. "Ma, gusto niyo pong magpa-check up?"

Nagtaka naman siya dahil sa tanong ko. "Bakit naman ako magpapa-check up, anak? Wala naman akong sakit, ah."

"Eh, kasi po..." Sasabihin ko na ba? Sige na nga, naga-alala na talaga ako para kay Mama, eh. Sinabi ko sa kaniya ang nagapag-usapan namin ni Kuya. 

"Hindi ko kailangang magpa-check up dahil sigurado naman akong hindi ako nahawaan 'nung costumer ko kanina, anak."

"Sige po, Ma. Papatulugin ko na po si Linnea. Magpahinga na rin po kayo dahil maaga pa po kayo bukas sa computer shop," pagpapa-alam ko bago ko balikan si Linnea. 

Pumasok ako sa kuwarto ni Linnea at Mama. Dalawa kasi ang kuwarto dito sa bahay, 'yung kabilang kuwarto, kuwarto ko, pero kapag nandito si Kuya, doon din siya sa kuwarto ko natutulog.

Nang makatulog si Linnea, sakto namang pumasok si Mama kaya pumunta na ako sa kuwarto ko. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang messenger dahil tunog ng tunog 'yung notifications ko.

Pinindot ko 'yung group chat naming magkaka-klase noong grade 7. May message pala si Ma'am.

Ma'am: Magandang hapon! Napanood niyo na ba 'yung balita? Kung hindi pa, mayroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 dito sa bansa natin. Isa sa mga pinuntahan ng pasyente ay malapit sa eskwelahan kaya kapag nag-enroll kayo, magiging online class ang gagawin natin.

Malapit din kasi sa eskwelahan 'yung lugar na 'yon. Online class na pala kami, buti nalang, may laptop na ako at may wifi na din kami kaya wala na akong problema. Nae-excite na talaga ulit ako mag-aral!

Humiga na ako sa kama ko, at natulog na. Pagka-gising ko sa sumunod na araw, ganun pa rin naman ang nangyari.

***

Saturday na! Maaga ulit umalis si Mama dahil kahit Sabado, bukas pa rin 'yung computer shop, at mas marami pa ngang costumer kapag ganitong araw. Ngayon na ako mage-enroll. Ngayon na rin ulit dadating si Kuya mula Manila kaya excited ako para sa araw na ito.

Pinatulog ko muna si Linnea bago ko kinuha ako umupo sa sofa para manood ulit ng balita. Kinuha ko na rin 'yung phone ko. Binuksan ko ito at pumunta sa form para makapag-enroll na ako. Patapos na ako mag-enroll nang may biglang nag-text sa akin na unknown number.

Pagkabasa ko sa text niya, bigla ko na lamang naihulog ang phone ko dahilan para magising si Linnea. Binuhat ko siya at hinele-hele hanggang sa makatulog ulit siya.

Dahan-dahan kong kinuha muli ang phone ko at buti nalang, hindi pa ito basag. Binasa o ulit ang text ng unknown number.

From Unknown Number
Ikaw ba si Lizeah Garcia? Sinugod namin sa hospital 'yung nanay mo na si Lycory Garcia. Kung gusto mo siyang puntahan, eto ang pangalan ng hospital.

Narinig kong may nagsasalita sa tv kaya inangat ko ang tingin ko dito. "Nationwide Enhanced Community Quarantine, ipinatupad na. May 450 ng positive COVID-19 patients sa ngayon."

Gusto kong pinuntahan si Mama dahil sobrang naga-alala ako ngunit hindi ko naman puwedeng iwanan nalang basta si Linnea dito. Wala rin akong mapag-iwanan sa kaniyang kakilala dito.

Pagsapit ng tanghalian, dumating na si Kuya na nakangiti. Lumapit agad ako sa kaniya at yumakap. "Bakit, Lizeah? May problema ba?" Hinarap niya ako. "At bakit ka umiiyak?" Hindi ko na pala namalayang umiiyak na ako.

"K-kuya, si Mama, sinugod daw po sa hospital." Napawi ang ngiti niya at napalitan ito ng paga-alala. "Gusto ko po siyang puntahan."

"Hindi, ako na ang pupunta. Saan bang hospital 'yan?"

"Kuya, a-ako na po. Kayo na lamang po ang magbantay kay Linnea." Wala na siyang nagawa at pinayagan na ako. Naligo agad ako at nagpalit bago lumabas. Sumakay ako sa jeep papuntang hospital kung saan sinugod si Mama.

Pagkarating ko, pumunta agad ako sa Nurse's Station. "Magandang hapon, Ma'am." nakangiti niyang bati.

"Nurse, saan po naka-admit si Lycory Garcia?"

"Teka lang, Ma'am." May tinignan siya sa computer bago niya ako hinarap. "Ma'am, ilang taon na kayo?"

"13 po, Nurse. Bakit po? At saka, puwede po bang sabihin niyo na po kung nasaan naka-admit yung Mama ko?"

"Ma'am, kasi bawal po kayong pumasok, eh. At saka, paano po kayo naka-pasok dito sa hospital?" 

"Sinabi ko po sa guard na nandito po 'yung Mama ko. Bakit po ako bawal pumasok? Anak niya po ako, Nurse." Nagsimula na akong mainis sa Nurse na ito.

"Bawal po kayo pumasok kasi positive COVID-19 patient po ang Mama niyo. Case #475 siya, Ma'am."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig pagkatapos kong marinig ang sinabi ng Nurse. "Si Mama? Positive COVID-19 patient? Case #475? Hindi! Hindi puwede! Nagsisinungaling po kayo, Nurse!" umiiyak kong sigaw sa Nurse.

Umupo ako sa nakita kong bench doon dahil pakiramdam ko, nanghihina ang mga tuhod ko. Hindi siya puwede maging positive COVID-19 patient! Pinahid ko ang mga luha ko pero wala ding saysay kasi tuloy-tuloy pa rin naman sa pagtulo.

"Nurse, nasaan ba kasi naka-admit si Mama?! Hindi siya COVID-19 patient, eh! Nagbibiro ka lang! Sabihin niyo na po kasi, Nurse!" Tumitingin na 'yung ibang tao sa direksyon ko pero wala akong paki. Si Mama lang ang concern ko ngayon!

"Ma'am, umuwi na po kayo. Kung gusto niyo po, ihahatid po kayo ng isang guard."

"Gusto ko pa makita si Mama. Bibisitahin ko pa po siya, eh," biglang humina 'yung boses ko. Wala na akong nagawa nang hilahin ako ng Nurse. Kagaya ng sinabi niya, hinatid ako ng isang guard nila.

Pagkarating ko sa bahay, para akong lumulutang na naglalakad. Pagkabukas ko ng pinto, bigla nalang akong natumba at napa-iyak ulit. Lumapit sa akin si Kuya habang buhat-buhat si Linnea. "Ayos ka lang ba, Lizeah?"

"K-kuya..." Hindi ko naituloy 'yung sasabihin ko kasi walang tigil 'yung pag-iyak ko. "Case #475 si Mama, Kuya. P-positive COVID-19 patient po siya..."

"Anong bang pinagsasa-sabi mo, Lizeah, ha? Hindi magandang magbiro ng ganyan," galit niyang wika. 'Yung tingin niya sa akin, parang may halong galit.

"Kuya, hindi ko po kayang magbiro ng ganyan. T-totoo po 'yung sinasabi ko, Kuya, eh."

"Bawiin mo ang sinabi mo, Lizeah!" Ngayon lang ako nasigawan ng ganito ni Kuya. Alam ko namang nasasaktan din siya pero bakit kailangan niya pa akong sigawan? Pagkatpos ng ilang segundo ay napa-upo na din siya at may mga luhang nagsimulang pumatak mula sa mga mata niya. "S-sorry, Lizeah. Hindi ko gustong sigawan ka. Nasaan na si M-mama ngayon?"

"Hindi ko rin po alam k-kasi... hindi po sinabi sa akin 'nung Nurse kanina, eh."

Tumayo si Kuya. "Bantayan mo si Linnea, Lizeah. Ako ang pupunta sa hospital." Sinabi ko sa kaniya 'yung pangalan ng hospital bago siya umalis.

Nilaro ko pa rin si Linnea kahit iyak ako ng iyak. Napuno nga yata ng luha ko 'yung rubber mat na pinaglalaruan namin, eh. Pagdating ni Kuya, sinabi niyang nasa Isolation Facility si Mama, doon din sa hospital. Puwede naman daw naming bisitahin, basta naka-face mask kami.

Si Kuya na ang nag-luto ng hapunan namin dahil wala pa rin ako sa sarili ko. Kumain din akong lutang. Doon daw muna sa kuwarto nila Mama matutulog si Kuya. Lutang din ako nang mahiga ako, hindi ko na lang namalayang nakatulog na pala ako.

Pagkagising ko kinabukasan, naligo agad ako dahil bibisitahin daw namin si Mama sabi ni Kuya. Pumunta kami sa hospital. 

Pagka-kita ko kay Mama, parang gusto ko na umalis doon. Kahit nakangiti siya, alam kong may lungkot na nakatago doon. Kahit ang saya-saya niya kapag nakatingin sa amin, alam kong gusto na niyang lumapit sa amin at bigyan kami isa-isa ng yakap.

Pina-alis na rin kami dahil bawal daw magtagal doon, lalo na at may kasama pa kaming isang baby. 

Bawat araw, pumupunta kami para bisitahin si Mama. Minsan, may pinapunta pang barkada niya sa bahay si Kuya para daw may magbantay kay Linnea, at medyo makapag-tagal kami doon.

Pagkarating namin sa hospital, ingay agad ang sumalubong sa amin. Pagtingin ko sa kaliwa at kanan, puro may mga umiiyak, may iba pang nagwawala na. Lumayo kami doon dahil pakiramdam ko, maiiyak na ulit ako ano mang oras.

"Ma, kamusta na po kayo?" tanong ko kay Mama.

Ngumiti naman siya sa akin, sa amin. " Okay lang ako, Lizeah, anak. Kaya ko pa 'to. May mga mas mahirap pa akong naranasan dito, eh. Kumbaga, piece of cake lang ito," tumatawa niyang sabi pero ramdam ko pa ring may lungkot 'yung boses niya.

Pinilit kong ngumiti kay Mama. "May tiwala naman po kami sa inyo, Mama. Alam po naming malalagpasan niyo rin po, 'yan. Ang lakas niyo po kaya, Mama."

"At saka, kung naga-alala kayo para sa amin ni Lizeah at Lianne, Ma, huwag kayong mag-alala, ako pong bahala sa kanila. Hindi muna ako pupunta sa Manila, ako muna ang magbabantay sa kanila, Ma," dagdag ni Kuya na may pilit na ngiti rin sa labi.

"Alam ko namang hindi mo pababayaan 'yang mga kapatid mo, Ledger. Siya nga pala, tutal, online class na rin kayo sa college, puwede bang lagi mo na silang bantayan kapag wala na ako? Maaasahan ba kita doon, Ledger?"

"Ma! Ano ba 'yang pinagsasa-sabi niyo, ha?! Tumigil nga kayo! Hindi ka pa po puwedeng mawala!" saway ko kay Mama. Hindi ko namalayang may tumutulo na namang luha sa mukha ko. "Hindi niyo po maaasahan si Kuya kaya hindi dapat kayo mawala!" 

Tumingin si Mama kay Kuya na parang nanghihingi ng tulong. Umiling naman si Kuya. "Hindi ko sila mababantayan lagi, Ma, kaya hindi ka pa puwedeng wala. Saka, sabi mo, kaya mo 'yan. Bakit nagka-kaganyan ka, ha, Ma?" Kahit ang tigas ng pagkaka-sabi ni Kuya ng mga 'yon, alam kong gusto na rin niyang umiyak kagaya ko.

Para namang batang umiyak si Mama sa loob ng Isolation Facility. "Sinabi ko lang naman 'yon para hindi kayo mag-alala, eh. Hindi naman talaga ako matapang. Hindi ko naman talaga kaya itong sakit na ito. Kaya, sige na, Ledger, anak, ipangako mo na sa aking babantayan mo sila kasi hindi ko na kayang gampanan 'yung pagiging ina sa kanila, sa inyo."

"Oo, Ma, hindi ka matapang! Duwag ka! Duwag ka kasi puro negative 'yang nasa isip mo! Duwag ka kasi kahit wala pa ngang nangyayari, ganyan na agad ang sinasabi mo! Duwag ka, Ma! Napakaduwag mo! Hindi na ikaw 'yung kilala naming matapang na si Lycory Garcia matapos nilang maghiwalay ng dati niyang asawa! Hindi na ikaw 'yung kilala naming matapang na ina!" Halatang galit na galit si Kuya, nagsimula na ring tumulo 'yung mga luha niya. 

Hindi na ako nagsalita at umiyak na lang ng tahimik doon. "Anak, nag-iba na ako, eh. Kasi hindi ko na talaga kaya..." Gusto kong pahiran 'yung mga luha ni Mama at itayo siya doon pero hindi puwede, eh.

"Dahil lang sa punyetang COVID-19 na 'yan kaya ka nag-iba, Ma? Seryoso ka ba? Ang layo-layo mo na talaga sa kilala naming si Lycory Garcia. O baka naman, iba kami ng napuntahang Isolation Facility? Baka nasa kabila 'yung tunay na si Lycory Garcia. Impostor 'yung nandito eh. Kung ano-ano 'yung sinasabi." Tumawa-tawa pa si Kuya habang pinapahiran 'yung mga luha niya. 

Akmang hihilahin na ako ni Kuya pero pinigilan ko siya. "Teka, Kuya."

"Anong gusto mo, Lizeah? Hindi naman 'yang babaeng 'yan 'yung nanay natin, eh! Hindi siya 'yan! Matapang 'yung nanay natin, hindi tulad niyang isang duwag!"

"Kuya, dahan-dahan ka naman sa pagsasalita mo. Nanay pa rin natin 'yang sinasabihan mong duwag. Lahat naman ng tao, nagiging duwag, eh. Naging duwag ka na dati, Kuya, 'di ba? Naging duwag na rin ako dati. Kaya may karapatan rin namang maging duwag si Mama."

"Ano bang pinagsasa-sabi mo, ha?!"

Hindi ako nagpatinag sa sigaw ni Kuya. "Dapat nga hinihikayat pa natin si Mama na maging matapang, eh. Dapat nga nandiyan lang tayo sa tabi niya. Lalo na ngayon, kasi papasuko na siya, eh. Pero ano pong ginagawa mo? Sinisigawan mo pa siya, Kuya. Imbes na bantayan mo po, gusto mo pang umalis na?"

"Tumigil ka nga, Lizeah!"

"Kung sinasabihan mong duwag si Mama, edi ano pa po kayo, Kuya? Oo, nakita ko kung paano manghina at maglupasay na parang bata doon si Mama, Kuya, pero sinabihan ko ba siyang duwag? Hindi, 'di ba? Hindi ko kayang sabihin 'yun sa kanya kasi habang pinapanood ko po kayo ni Mama, nakikita kong ikaw 'yung mas duwag, Kuya."

Naramdam kong humapdi 'yung kanang pisngi ko matapos akong sampalin ni Kuya gamit 'yung likod ng kamay niya. "Umalis na tayo dito, Lizeah!"

"Sige na po, Kuya, umalis na po kayo at iwan niyo na si Mama. Pero ako, kahit kailan hindi ako aalis at iiwan siya. Bakit? Kasi hindi niya ginawa sa atin 'yun noong panahon na may sakit rin tayo. Hindi niya tayo iniwan noong mga panahong naghiwalay sila ni Papa kahit masakait sa kanya kasi alam niyang masakit rin sa side natin 'yun. Hindi niya tayo kailan man iniwan kasi nanay natin siya, Kuya. Kaya masama bang tayo muna ang magpaka-nanay para sa kaniya ngayong hirap na hirap na siya, Kuya? Ngayong siya naman ang kailangan ng aruga natin sa ngayon?" 

Pinilit ko paring dire-diretso magsalita kahit ang nagkaka-halo na 'yung laway at luha ko. Kahit ang labo-labo na ng paningin ko dahil sa mga luha na ito. "Kung ayaw mong umalis, edi huwag! Bahala ka diyan, Lizeah!" Umalis na si Kuya matapos niyang sabihin 'yun. 

Pumunta ako sa bintana at tinignan si Mama na umiiyak doong parang bata. Noong makita niya ako, lumapit siya sa bintana. "Patawarin mo ako, Lizeah, anak. Kasi hindi ko na magampanan ang pagiging nanay ko. Kasi imbes na nandiyan ako sa labas, heto at nasa loob ako, umiiyak," tumatawa niyang sabi. "Pakiramdam ko, napaka-walang kuwenta kong nanay. Tama naman lahat ng sinabi ng Kuya mo, eh, napaka-duwag ko."

"Ma, 'wag niyo po 'yang sabihin. Hindi po kayo walang kuwenta kasi sobra niyo po kaming inarugaan. Sobra niyo po kaming minahal. Sobra-sobra po lahat ng ginagawa niyo para sa amin, Ma. Saka, hayaan niyo po muna si Kuya, alam ko naman pong mahal ka 'nun, eh. Nagpapa-lamig lang po siguro siya ng ulo. Tignan niyo po, mamaya, nandito na po ulit 'yun."

Nag-kuwentuhan kami ni Mama at halos puro tawa nalang ang ginawa namin. Pero sa kabila ng mga tawang 'yun, hindi mawawala 'yung sakit.

Ang sakit para sa aking makita na nasa Isolation Facility si Mama. Ang sakit malaman na positive COVID-19 patient 'yung Mama mo. Ang sakit pala malaman na siya 'yung Case #475. Ang sakit pala malaman na hindi mo siya puwedeng puntahan sa loob at i-uwi. Ang sakit. Sobra.

Hindi nga ako nagkamali nang sabihin kong babalik si Kuya dahil bumalik nga siya. Humingi siya ng sorry kay Mama at pati na rin sa akin dahil nasigawan niya ako. Umuwi na kaming puro luha pagkatapos 'nun.

Pagkarating namin sa bahay, umalis na rin 'yung barkada ni Kuya. Kumain muna kaming hapunan bago pinatulog ni Kuya si Linnea. Pumunta ako sa kuwarto ko pero imbes na matulog, iyak lang ang ginawa ko buong magdamag.

Sabado na naman, isang linggo na pala ang nakalipas mula nang malaman naming Case #475 si Mama, isang positive COVID-19 patient. Dumating na naman 'yung barkada ni Kuya kya puwede ulit kaming pumunta sa hospital.

Nang makarating kami sa hospital, dumiretso agad kami sa Isolation Facility kung nasaan si Mama. Pagkarating namin doon, nagtaka kami dahil wala si Mama.

Pumunta kaming Nurse's station at tinanong kung nasaan na si Mama pero hindi daw niya alam. Hindi daw kasi siya ang nurse na nakatoka sa Isolation Facility. Nang makita ko 'yung nurse na nakita ko na rin dati, nilapitan ko siya pero sumunod si Kuya.

"Nurse, alam niyo po ba kung nasaan si Lycory Garcia, yung Mama ko po?"

May tinignan siyang isang folder. "Ma'am, nasa Emergency Room na po si Ms. Lycory Garcia. Naging severe po kasi siya kagabi."

Pakiramdam ko, pinagbagsakan ako ng langit at lupa pagkatapos kong marinig 'yung sinabi ng nurse. Severe? Eh, medyo malakas pa nga siya kahapon nang binisita namin ni Kuya. Kaya bakit naging severe siya bigla?

"Nurse, baka mali naman po 'yang binabasa niyo, ah," sabi ni Kuya.

Pinakita sa amin nung nurse 'yung harap ng folder. Nakita naming may nakasulat doon na 'Case #475'. "Lycory Garcia po ang pangalan ng Case #475 na nakalagay dito sa folder na ito kaya hindi po ako puwedeng magkamali ng binabasa, Sir."

Tinanong ni Kuya kung nasaan 'yung Emergency Room at tinuro naman 'nung nurse 'yung hallway na malapit lang din sa Isolation Facility. Pumunta kami doong tumatakbo. Pagkabukas ni Kuya ng pinto, ang lakas ng kalabog ng puso ko.

Nakita namin si Mama na natutulog at may doctor at isang nurse sa gilid ng kama niya. "Doc, kamusta po ang Mama namin?" tanong ni Kuya doon sa doctor.

"Sad to say, pero malala na ang sitwasyon ng Mama niyo. Anumang oras, maaari na siyang mamatay," nakayuko niyang sagot.

Pagkasabi niya 'nun, nagulat ako nang biglang lumapit si Kuya doon sa doctor at inangat ang kuwelyo ng damit niya. "Ano bang pinagsasa-sabi mong doktor ka, ha? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Dapat tinutulungan niyong mabuhay 'yung pasyente, hindi 'yung sinasabi mong maaari na siyang mamatay ano mang oras. Naiintindihan mo, ha?"

Inalis 'nung doktor 'yung pagkakahawak ni Kuya sa kuwelyo niya at umalis na pagkatapos. Lumapit naman akong naga-alala kay Kuya. "Bakit mo po iyon ginawa, Kuya? Doktor pa rin siya kaya dapat hindi mo siya ginaganun."

"Eh, punyeta palang doktor 'yun, eh!" singhal niya. Nilapitan namin si Mama at pinagmasdan ang mukha niya. 

Hinawakan ko ang kamay niya. "Ma, laban lang po. Hindi ka pa po puwedeng mawala. Papanoorin mo pa kung paan lumaki ng tama si Linnea. Papanoorin mo pa po akong grumaduate ng high school. Papanoorin mo pa pong grumaduate ng college si Kuya," nakangiti kong sabi na para bang naririnig niya ako. Pero panigurado namang naririnig niya ako. 'Yung mga luha ko, walang tigil na naman sa pagtulo.

Nagulat ako nang biglang tumunog 'yung EKG Heart Monitor na nasa tabi ng kama niya. Tumawag agad ng doktor si Kuya at pumasok 'yung doktor rin kanina na nandito. 

Sinubukang i-revive ng dotor si Mama pero wala na, eh. Tinignan ko 'yung EKG Heart Monitor at flatline na siya. Napayakap nalang ako kay Kuya habang umiiyak. Pati si Kuya, hindi na napigilang umiyak.

"Time of death: 12:45 A.M."

Umiiyak kami ni Kuya nang umalis kami. Pagkalipas lang ng isang araw, nilibing na namin siya. Hawak-hawak ni Kuya si Linnea habang pinipilit niyang hindi umiyak.

"Kung dati, sabi kong gusto kong maging flight attendant dahil gusto ko kayong ipasyal sa iba't ibang bansa, Ma. Ngayon, gusto ko na maging flight attendant kasi kapag ganun ka, malapit ka lang sa mga ulap. Nakikita mo sila lagi. Doon nalang ako lagi titingin kapag nami-miss kita, Ma."

~END~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro