III. Stuck With You (Marcelo Madrigal)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NAGULAT ako nang makita ko ang kaibigan ko na kanina pa palang nakaupo sa upuan, ang kanyang mala-tsokolateng mata ay matinding nakatitig sa aking ginagawa. Right now, I was at the library, looking through books for my upcoming thesis and defense. I sat down at the very end to avoid the attention from the other students anyway.

Nang lumingon ako sa aking paligid, napansin ko na kami na lang pala ang natitira. Kitang kita ko rin na kanina pa siyang naghihintay dahil nakahalumbaba na siya at panay nagpapatugtog gamit ang kanyang ballpen na ginagamit tuwing klase.

"Tapos ka na ba diyan sa ginagawa mo?" mahinang tanong nito kaya nagulat na lamang ako. He wasn't looking at me, but I could feel the boredom in his tone.

He wasn't the extrovert type of guy. In other words, he was the complete opposite of it. Hindi siya madaldal katulad ng iba at masyadong suplado sa ibang mga babae.

Kitang kita ko palagi ang masasamang tingin na ibinibigay niya sa kanila kapag lalapit sila rito. Of course, I honestly think he was a bit rude, but I thought otherwise when he told me his past.

"Allison Castell, tapos ka na ba diyan sa ginagawa mo? Kanina ka pang nakatitig sa akin," sambit ulit niya bago niya pinitik ang noo ko. Agad naman akong nawala sa aking pag-iisip at napanguso sa kanya.

"Hindi pa." Huminga naman siya ng malalim bago tumayo sa kanyang upuan. Nakita ko naman siyang lumapit sa akin at tumayo sa likod ko. He then put both of his hands on the side of the table, trapping me on the middle.

Nang binasa niya 'yong mga detalye sa libro, nanahimik siya ng ilang segundo bago nagsalita.

"Tungkol lang naman pala sa Philippine Politics iyong thesis ninyo," bulong nito ngunit narinig ko pa rin siya. Tumingin sa taas, nakita ko na binabasa pa rin niya 'yong librong kinuha ko. His eyes were a bit focused on the book itself and not on me.

"Lang? Pala? Marcelo, mahirap kaya! Alam mo naman na hindi ito ang paborito kong subject," reklamo ko sa kanya habang kinunutan lang niya ako ng noo.

"Ano naman ang mahirap do'n? Puro batas lang naman." Napanguso na lang ako nang inintindi ko ang sinabi niya. Nakita naman  niya ang reaksyon ko kaya kinuha niya ang isang upuan at umupo sa tabi ko.

"Isipin mo na lang na para siya isang storya na quotes at chapters ang nilalaman. Iyong mga istoryang nakikita mo sa Watt program o kung ano man ang tawag do'n sa binabasa mo," paliwanag niya kaya napatawa naman ako.

"Marcelo, Wattpad ang tawag do'n," itinama ko siya ngunit umiling na lang siya sa akin.

"Basta, iyon na 'yon." Lalong lumawak ang ngiti ko nang marinig ko ito.

"Kaso, sa Phil. Politics naman ay articles and sections," sambit niya bago nagulat nang namatay lahat ng ilaw. Napatingin kaagad kami sa itaas at narinig kong huminga ng malalim si Marcelo.

"Tayo na lang ba ang natitira rito?" tanong niya sa akin habang tumango naman ako.

Tumayo na kaagad kami, hawak hawak ko pa rin ang libro habang sinubukan buksan ni Marcelo ang pinto ng library. Laking gulat naman namin nang hindi niya ito mabuksan.

"What the hell?" Sinubukan ulit ni Marcelo buksan ito kaso nalaman namin na naka-lock na ito sa labas. Tinapik ang kanyang balikat, lumingon siya sa akin — bakas sa kanyang mukha ang galit.

Binigyan ko naman siya ng malungkot na tingin habang humingi ng tawad.

"I'm sorry," mahina kong sinabi at nakita ko naman na tumango na lang siya, sinusubukang kumalma at huwag magalit sa akin.

"Okay lang 'yon. Hindi mo naman talaga kasalanan." Umiling naman ako sa kanya kaya nagulat siya sa akin.

"Hindi, Marcelo. Dapat hindi ako nagpatagal. Kung kinuha ko na lang ito at nagpaalam sa librarian, hindi siguro tayo masasaraduhan dito," agad kong sinabi habang umiling naman siya.

"Hey, none of this is your fault. Hindi mo naman alam na masasaraduhan tayo rito, 'di ba? At hindi mo rin alam na hihintayin kita. It was my decision anyway," sambit niya bago niya kinuha ang dalawang balikat ko.

"Kaya hindi mo pa rin kasalanan ang lahat ng ito, okay?" wika niya bago naghanap ng iba pang paraan para makaalis kami rito. Ako naman, ibinalik ko ang libro doon sa shelf at sinundan kaagad si Marcelo.

Kitang kita ko na kinakapa niya 'yong bulsa niya, may hinahanap. Nang wala siyang makitang makakatulong, lumingon siya sa akin.

"May hairpin ka ba? Any clip or some sort?" tanong niya sa akin habang umiling lang ako. Huminga naman siya ng malalim, nawalan kaagad ng pag-asa para maghanap ng paraan.

Nakita ko siyang umupo sa isa sa mga upuan at tumingin sa sahig, malalim ang iniisip. Nang lapitan ko siya, umupo kaagad ako sa tabi niya at nanahimik.

"I'm really sorry, Marcelo," malungkot kong sinabi habang napatingin siya sa akin. Kitang kita ko na hindi na siya galit. Instead, his expression changed into a calm one.

Nang lumapit siya sa akin, hinawakan niya ang kamay ko.

"It's not your fault, Allison. Stop apologizing," wika niya bago tumingin sa loob ng library. He then sighed, knowing that there was nothing that would help us to get out.

"I'm really sorry," I muttered as I then heard him moving his chair next to me.

"Hey, what did I tell you? It's not your fault. Hindi naman natin alam na makukulong tayo sa loob, 'di ba?" sambit niya sa akin.

"I promise you that we'll get out of here as soon as possible. I just need to find a way out," sinabi niya sa akin bago niya pinisil ng kaunti ang kamay ko.

Tumango lang ako, hindi naniniwala na hindi ko ito kasalanan. Nagulat naman ako nang itaas niya ang kanyang kamay, inakbayan ako saka ako inilapit sa kanya. Namula ang pisngi ko, agad ko siyang tiningnan.

Nagulat na lamang ako nang nakatingin din siya sa akin.

"You don't mind if I put my arm around you, right?" mahinang tanong niya sa akin, kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi.

Tumango naman ako at nahalata na hindi na siya nakatingin sa aking mata kundi sa aking labi. Nang mapansin niya akong nakatitig sa kanya, ngumiti siya sa akin.

"May I?" mahinang tanong niya sa akin na may tonong hindi ko maipaliwanag. Siguro natatakot din siyang matanggihan katulad ko.

Bago pa man ako makatango, narinig kong bumukas ang pinto at sabay sumilip si Tyrone at Selene, kaibigan ni Marcelo kasama ang matalik kong kaklase at kaibigan.

"Nag-kiss na kayo?" agad na tanong ni Tyrone na siya namang ikinagulat ni Marcelo. Kitang kita ko naman na binatukan siya ni Selene kasi bigla itong napa-aray.

"Plano ninyo 'tong dalawa?" gulat na sinabi ni Marcelo habang nakita kong ngumiti ng malawak si Tyrone.

"Oo naman. Masyado ka kasing torpe. Sino pa nga ba ang may kagagawan nito?" mayabang na paliwanag ni Tyrone habang nahihiyang ngumiti sa akin si Selene.

"Belated birthday gift ko sa'yo iyan, Ally," sambit ni Selene bago siya umiwas ng tingin. Kagaya kasi siya ni Marcelo na mahiyain kaya hindi siya makatingin masyado sa mata ng ibang tao.

Nang hindi pa rin kami makaimik, sinira kaagad ni Tyrone ang katahimikan.

"Mag-kiss na kaya kayong dalawa! Kanina pa kaya kaming naghihintay," usal nito habang umiling naman ako.

"Huwag niyo naman pilitin si — " napatigil ako sa pagsasalita nang iharap ako ni Marcelo sa kanya at agad akong hinalikan sa labi.

Ramdam na ramdam ko ang matamis nitong halik nang ilapit niya lalo ako sa kanya. I could actually feel the love radiating from the kiss we shared. When we both pulled away, I could see Tyrone smiling widely at the sight and hear Selene congratulating us.

And I swore that I could still feel his lips on mine, giving me a sweet memory of my actual first kiss with Marcelo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro