X. Fantasy World of Ygeía (Prince Xacharyias)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

2 am.

Ito ang nakita kong oras nang tumingin ako sa aking cellphone. Hindi ko napansin na matagal na pala akong nakaupo at nagsusulat sa aking libro - hindi pa nakakain at nakakapagkape man lang. Kung hindi ko naman kasi siya inuna, baka mahirapan na naman ako sa pagtapos nito.

Finally closing my journal, I sighed. "Finally, it's done."

Mag-isa lang ako sa aking bahay. Matagal na akong humiwalay sa magulang ko dahil napag-isipan ko na kaya ko naman ang sarili ko kaysa sa umasa sa kanila. Nabisita pa rin naman ako paminsan minsan - pero sa mga bakanteng oras ko lang.

Tumayo ako at agad naglakad papunta sa kama. Noong kukunin ko na sana ang laptop ko, napasimangot ako nang makita ko na nakabukas na ito sa Microsoft word at may nakasulat dito na mga letra.

Siguro si Hichi 'yon - ang magaling kong pusa.

"Hichi, huwag mong tatapakan iyong keyboard sa susunod ha? Nagsusulat ako," sinabi ko nang malakas ngunit wala akong narinig na sumagot pabalik - kahit meow man lang galing sa kanya.

That's weird. Palagi naman siyang nasagot sa akin.

Noong ipinatong ko ang aking laptop sa kama, agad akong lumabas nang saglit para tingnan kung nasa kusina siya. Nasaan na kaya iyon? Nakakain na kaya siya?

Nanlaki naman ang mata ko nang makita siyang natutulog sa isa sa mga upuan. Mahimbing ang tulog niya kaya kumunot ang noo ko. Kung nandito siya, bakit mayroon nagtype sa laptop ko?

Dali dali akong tumakbo papasok ng kwarto at napabuntonghininga nang mapansin ko na wala na ang laptop ko sa kama kundi nasa sahig na siya - na parang may naglagay talaga rito para lokohin ako. What the hell?

"Teka, 'di ba nilagay ko iyon doon kanina?" mahinang tanong ko sa aking sarili. Zerafina, minumulto ka na ata. Oras na ata para umalis sa bahay na ito. Sinubukan ko ulit na ilagay ito sa kama at binigyan ng mabilisang tingin.

Siguro prank lang 'to.

Tumayo ako at agad na lumabas, hawak hawak ang pinto para makasigurado na wala nang makakapanloko pa sa akin. Akala niyo ha. Gugulatin ko na lang kung sino ang manloloko sa akin. Nang lumipas ang ilang minuto, binuksan ko na ito para makita kung may nagbago ba.

My slippers were now on my table, the laptop now on top of my bookshelf. Mas lalong lumala ata.

"Well, I'm pretty sure that I didn't put those there." Hindi na makapagtimpi, lumabas ulit ako at idinikit ang tenga. Pangalawang beses na 'to. Isang isa na lang. Kung sino man 'to, sisiguraduhin ko na mahuhuli ko na siya.

Noong nakarinig ako ng mga boses, agad kong binuksan ang pinto at sumigaw, "Aha!"

Pero napatalon ako nang makita kong may mga naglalakad na malilit na karots sa aking kama. Lahat sila'y tumakbo at nagtago nang sumigaw ulit ako. "A-Ano kayo? B-Bakit may naglalakad na mga gulay?"

Huminga nang malalim, sinabi ko sa sarili ko, "Don't worry, Zerafina, nananaginip ka lang."

Inisip ko na baka mawawala na silang lahat kung ipipikit ko ang mga mata ko at magbilang. Kaya iyon ang ginawa ko, nakahawak ang dalawang kamay sa gamit na katabi ko - isang mabigat at makapal na encyclopedia. "One, two---"

Napasigaw ako at napatalon muli nang may maliit na karot na humawak sa paa ko. "Huwag mong hawakan ang paa ko!"

"Pagkabilang ko ng tatlo, wala na kayo! Isa, dalawa, tatlo!" malakas na sambit ko ngunit pagbukas ko ng aking mga mata, nagsilabasan lang sila at tumingin sa akin. Hawak hawak lamang nila iyong tsinelas ko. Maliliit ang mga kamay at paa nila at halos kasing laki ng packaging tape.

"Ano ba 'yan! Zerafina, gumising ka!" Nagsitakbuhan naman sila sa ilalim ng kama habang kulang na lang ay sabunutan ko ang sarili ko. "Sampalin ko na lang kaya ang sarili ko para magising ako."

Isang maliit na karot naman ang nakita ko sa may bintana, nagtututuro at nagtatatalon. "Hmm? Ano naman ang ginagawa mo diyan?"

Noong nilapitan ko siya, tinaasan ko kaagad siya ng isang kilay bago tumuro sa abandonadong bahay na katapat ko. "Pumunta ako sa bahay na 'yon? Bakit? Hindi ko naman bahay iyon."

Patuloy lang siya sa pagtalon kaya napasimangot ako. "Gusto niyo ako pumunta doon? Mukhang wala namang nakatira..."

Nanlaki ang mata ko nang tumalon siya pababa at tumakbo kasama ng mga kaibigan niya. "Hoy! Saan kayo---"

Nakita ko naman na parang inaaya nila ako kaya agad ko silang tinanong. "Gusto niyo akong sumunod?"

"Baka masabihan ako na magnanakaw ha. Bilisan niyo lang."

---

Nang nakapasok na ako sa kabilang bahay, agad ako namangha. Kahit hindi na makulay ang labas, napansin ko na malinis pa rin ang loob nito. The house was full of paintings of people, some of them came from the actual museum. Ang nakakapagtaka nga lang, ramdam ko na parang nakatingin ang lahat ng mga ito sa akin.

"Tao po?" tanong ko habang pumunta sa iba pang kwarto para tingnan kung ano ang mayroon dito. Sa sala, agad kong napansin ang isang higanteng orasan at isang malaking salamin na punong puno na ng kalawang.

Nakakalungkot lang na maayos pa ang ibang gamit maliban sa dalawang ito. The old grandfather's clock wasn't working. The mirror had been long abandoned ever since too. Nagtaka na ako nang tumakbo ang mga maliliit na karot at nagtuturo sa isang bookshelf na walang masyadong libro.

"Gusto niyong itulak ko ito? Seryoso?" tanong ko sa kanila habang nagsitalon naman sila. I took it as a sign so I didn't hesitate to do what they had wanted me to.

"I-Isang pinto?" Ito ang agad na lumabas sa aking bibig nang maitulak ko na iyong bookshelf papunta sa kanan. "Sigurado ba kayo rito?"

When I had finally opened the door, I was shocked to see a forest infront of me. There was a huge pathway but I was still scared of where they had led me.

"Kapag may nangyari sa aking masama, kayo ang sisisihin ko. Cute cute pa naman ninyo," sinabi ko sa kanila habang sumimangot sila sa akin at agad na umuna. Nakita ko silang tatakbo na kaya pumasok na rin ako at sumunod.

Makalipas ang ilang segundo, nagulat ako nang may naglakad kasabay ko na mga bata. Pero mas normal silang tingnan kaysa doon sa mga karots. Ang nakakapagtaka lang, hugis at kulay presa ang ginamit nilang sumbrero.

Nang ngumiti sila sa akin, nginitian ko sila pabalik. Nagulat nga lang ako nang umuna na rin sila sa akin at agad akong hinarang ng malalaking puno. Walking trees, to be exact. Nang pagmasdan ko silang mabuti, nagulat ako nang puno pala ito ng mangga. Mayroon silang malalaking mata at agad nila akong tinitigan na para akong isang kaaway.

"Who dares enter the Kingdom of Fýsi!" Malakas ang boses nila kaya napatalon ako. Garalgal ang tono at parang matatanda na ang nagsasalita kaya inisip ko na umalis na lang at tumakbo pabalik.

Bago ko pa man magawa iyon, napasigaw ako nang itulak nila akong bigla kaya napaupo ako. Their eyes gave me a death stare as I tried crawling back away from them. Napansin ko na nakaturo na sa akin ang kanyang sangay - na parang pinalalayas na ako nang tuluyan. "You! Who are you, little earthling?"

"Earthling? Nasa earth pa ba ako?" Hindi ko napigilang mapaisip. Isang babae naman ang lumabas at lumakad papunta sa akin. Her head dress almost looked like a Mangosteen. Kung kanina, presa ang nasa ulo ng mga bata, sa kanya, iba naman.

"Let her pass." Agad nagsilayo sa akin ang mga puno at tumindig lamang sa kanilang orihinal na pwesto.

Isang masamang tingin ang agad ibinigay ng babae sa mga puno. "If these little carrots guardians want her to see the prince then let them show her to our prince."

"Teka lang, teka lang! Anong prince?" She just gave me a sideward glance when I spoke. Halata na wala siya sa mood na makipagusap sa akin. Nang maalala ko ang isa sa mga lesson namin, napanganga ako. Maybe she was the queen of this kingdom. The mangosteen was the queen of all fruits after all.

"May prince kayo?" dagdag ko pa habang umiling iling siya sa akin at tinalikuran ako. Siguro hindi niya ako nagustuhan.

"Sorry, we don't speak your language, earthling." Hindi pala niya ako naiintindihan.

"So, dapat mag-English ako?" Hindi naman niya ako sinagot.

"Okay..." I then trailed off when I had came face to face with the gold castle right in front of me. May malawak na hardin na puro gulay at prutas ang nakatanim ngunit halatang gawa sa purong ginto ang loob at labas ng kastilyo.

Halos magsitinginan sa akin ang mga batang naglalaro roon nang kasa kasama ko pa rin ang babae papasok ng kaharian. And let me tell you, everything inside the castle was pure gold.

Paintings of food had been displayed inside. But most of them were pictures of fruits and vegetables. Hindi ko na lang ito tinanong dahil may posibilidad na magalit sa akin iyong babae.

Nang makita ng babae ang reaksyon ko, agad siyang nagsalita nang malakas. "Prince Xacharyias, the little carrot guardians brought you a gift."

Isang lalaki na nakatalikod lang ang nakita ko kaya agad akong nataranta. "Gift? I am not a peace offering or something!"

"I still like her humor. Bring her to me."

Isang matangkad at chinitong lalaki ang nakita ko. He was wearing a white tunic, a durian looking cape from behind, and black trousers. Binigyan niya ako ng ngiti habang natulala lang akong bigla.

"Y-You're the prince?" Ito lang ang nasabi kp habang naglakad siya papunta sa akin.

"I am," sagot niya bago kumunot ang noo niya sa akin. "Though, you look awfully pale."

"Pale? No, I don't," sagot ko pabalik bago tumawa. "Kung makasabi ng pale, akala mo hindi rin siya gano'n."

Isang simangot naman ang pumalit sa matamis niyang ngiti. "You look unhealthy, if you want me to rephrase that."

"No, I don't. Marami kaya akong kinakaing masusustansya,"

Umiling iling na lang siya bago ako nginisihan. "Sabihin mo 'yan sa Coke at Piattos na kinain mo kanina."

After that, he turnd his back on me and walked away - leaving me speechless on that spot. "Teka, naiintindihan mo ko?"

Noong hindi niya ako sinagot, sumunod ako sa kanya bago sumigaw, "Hoy! Kinakausap pa kita!"

---

Makalipas ang ilang oras, mas nging close kami ng prinsipe. Marami kaming pinagusapan tungkol sa iba pang mga kaharian meron ang Ygeía.

Ngunit, nagulat naman ako nang pinagsabihan niya akong bigla. "You do know that avoiding to eat vegetables would cause you a lot of trouble in the future, right?"

"Do you really think I would eat these little guys? Sige nga, tingnan mo, ang cute cute kaya nila." Turo ko naman ang mga maliliit na karots na naglalaro lang sa labas ng kaharian.

"At saka, paano ako kakain ng ordinaryong gulay kung makikita kong may naglalakad na ganyan?" dagdag ko bago ako nagpatuloy. "Iisipin ko pa na baka may makain akong katulad nila."

"I'm just saying this cause you're not the same little girl I knew."

Napapunta bigla ang buong atensyon ko sa sinabi niya. "What do you mean?"

"These past few days, you faint a lot, wear glasses, and sleep irregularly. Plus, you get sick almost every once and a while."

He then pursed his lips, looked at his fingers, and avoided eye contact. "You should take care of yourself. Eat some healthy foods."

"I don't want to keep on begging on the ruler of days to turn back the time."

Naanggit na niya ito sa akin kanina. Chronos, the keeper of the time. He ruled the day and night lands to keep everyone from reality and this dimension balanced.

Pero wala naman siyang nasabi na nagmamakaawa siya kay Chronos. And for what? May sarili siyang imperyo. Bakit kailangan pa niyang humingi ng tulong?

"Time? Begging? Bakit? May nangyari bang masama?" tanong ko sa kanya habang napabuntonghininga na lamang siya at tumingin sa akin.

"You died. A lot of times now."

My eyes widened at that. Teka, namatay ako?

"I just kept on begging to bring back the time so I could actually save you," he told me before I had the courage to ask him a question that I knew would keep me from ever doing something bad for me.

"Ilang beses na ba ako namatay?"

There was a short pause between us as he finally had the guts to answer back. "198 times. Cancer. Cardiovascular problems. Diabetes. Many more that I couldn't bear to mention."

"This is the last chance that I have from Chronos. I do hope that you listen this time."

Nagulat na lamang ako nang agad niya akong niyakap nang mahigpit. Ramdam ko kung gaano siya nag-aalala sa akin kaya hindi ko napigilang yakapin siyang pabalik.

"I don't want to lose you again, Zerafina."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro